Reincarnated As A Mage Student.
Hinubad ko ang red coat ko at pinatong ko sa table. Tinupi ko yung sleeves ko hanggang maging 3/4. As I made my way to her I loosen my bowtie.
"Huh?! Are you picking fight with us?! You can't stand a chance against us, Rank Dog!" singhal ng leader nila.
"Agree!" sabat ng dalawang alila niya. Tumitig ako sa mata ng leader nila sabay lapit sa kanya. I can intimidate her just by staring at her. Mukhang effective dahil, napapaatras siya hanggang sa mabangga ang likod niya sa pader ng hindi niya namamalayan.
I slammed my palm against the wall.
"Baby girl bago mo ako bullyhin, punasan mo muna yung natirang pagkain sa lips mo..." seductive na sabi ko sabay punas sa dumi niya sa labi. Ngumisi ako nang makita ang pamumula ng pisngi niya. Hinaplos ko ang pisngi niya at tinapik-tapik ko siya.
"See ya." then I winked. Tsk, ganun magpatumba ng babaeng bully. Talent ko iyon hahaha! Nang tumalikod na ako narinig ko yung tili ng dalawang bullies. Pag lingon ko napaupo sa sahig ang leader dahil natulala sa charm ko hahahaha!
"Girls... I think lesbian ako." maarte na untag ni bully. Kinuha ko na yung coat ko at sinabit sa balikat ko.
"Mina, maligo ka nga ulit!" sabi ko sa kanya napatulala siya at ang iba dahil sa ginawa ko.
"Lesbian ka ba Rhein?" kinakabahan na tanong ni Minari.
"Who knows."
"Ulol! Di tayo talo!"
Humagalpak ako ng tawa. "Nah. Just kidding attracted lang ako sa girls pero mas gusto ko yung mga lalaki." tumingin ako sa mga boys at nag wink ako sa kanila.
~*~
TAKBO!!!!! pvtang igit! Ang lakas ng charisma ng katawan na'to. Hinahabol ako ng mga boys ngayon dahil gusto nila ako JOWAIN! ayaw ko! Gusto ko crush ko rin ang magiging boyfriend ko.
"Rhein! Ako pwede mo ako maging boyfriend, bibigyan kita ng flowers and chocolates." Guy one.
"Hindi! Dapat ako piliin mo dahil bibigyan kita ng kotse at Mansion!" Guy Two.
"Mga GAG* ako pipiliin niya dahil mamahalin ko siya habang buhay at itataya ko ang buhay ko sa kanya!" angas ng isa.
Ang hirap pala maging maganda waaaaaah! Dahil sa kakatakbo ko nabangga ko ang isang lalaking nakasuot ng black long coat. Bumagsak ang pwet ko sa sahig.
"Hala! Tol si Professor Gurran! Umalis na tayo, bago pa tayo ibagsak niyan."
Nagkukumahog umalis yung mga lalaki nang makita ang lalaking bumangga sakin. Aray naman oh. Tumingala ako sa bumangga sakin.
"Bwesit!" untag ko sa sobrang pagka gulat.
"Language." malamig na sabi niya. Mabilis ako tumayo at inayos ang nayupi na skirt ko.
Itinikom ko na ang bibig ko na kanina pa nakanganga. This guy... Is A DROP DEAD HOTTIE! He has a jet black disheveled hair, Firm jaw line, ang tangos ng ilong, yung lips may piercing sa gilid. Parang hinuhubaran ko na siya sa paningin ko dahil naiimagine ko na yung six packs and biceps na nakatago sa damit niya! Pagtingin ko sa mata niya...
My heart sunk for an unknown reason.
Biglang tumulo ang isang butil ng luha mula sa mata ko. Nakaramdam ako ng lungkot nang titigan ko ang kulay abo na mga mata niya na kasing kulay ng langit kapag umaambon.
Why does seeing him makes me... Sad and devastated inside.
His lifeless eyes makes me vulnerable, parang kilala ko siya noon, pero hindi ko maalala. Umiwas siya ng tingin at lumihis ng landas. Tulala pa rin ako sa kinatatayuan niya kanina. Napakapa ako sa dibdib ko. Bigla kasi sumikip.
~*~
I was gazing at my book for almost ten minutes now. Hindi maalis sa isipan ko ang mukha ng professor na iyon, ang weird kasi, nag cast ba siyang ng magic spell sakin para malungkot ako bigla? Napadungaw ako sa labas ng bintana. Umaambon na.
"Gardenia? Are you paying attention?"
Napapitlag ako sa boses ni Prof. Witch iyon ang tawag namin sa kanya kasi seven inch ang tangos ng ilong niya.
"Yes Prof!"
"Well then, what are the four magic categories?"
Napakamot ako ng ulo patay na. Nabasa ko iyon eh.
"Hindi ko alam ma'am, alam niyo po ba?" sagot ko sa kanya. At first nag pigil ng tawa yung mga classmates ko hanggang sa humagalpak sila ng halakhak.
"Why are you asking me?!" hala ka,
d'yan, galit na si witch.
"Kasi teacher po kayo, dapat niyo turuan ang katulad ko na cute na estudyante niyo. Since di ko alam ang sagot sabihin niyo sakin ang right answer." sagot ko sa kanya. Dahil sa sobrang pagkapikon binato ni Professor ang stick na ginamit niya sa pagsusulat sa ere. Nasalo ko iyon.
"Ah naalala ko na po pala... Basic, Specialty, Graduate, and Ultimate magic." sagot ko sa kanya, sa totoo niyan gusto ko lang siya inisin ang boooooring kasi ng class niya.
Pasensya na sakit talaga ako sa ulo ng mga teachers ko noon sa earth.
~*~
"Hindi ka ba talaga sasama sa amin sa bayan?" tanong ng isang kaklase ko. Umiling ako sa kanila bilang tugon.
"May special class pa kasi ako sa training hall sabi ni Professor Finn, kaya babush na." paalam ko sa kanila.
"Wag kang mag tanga-tanga ha?"
Nag okay sign ako kay Minari. They turned their back on me and walk away. May bibilhin kasi silang materyales para sa project namin. Putek! Akala ko kaunting tiis na lang at ga-graduate na ako ng high school. Wala naman kasi akong balak mag college. Magtatatrabaho ako agad kaso ito ako ngayon first year! FIRST YEAR! Back to square one. Nagtungo na ako sa training hall na nasa west side ng campus.
"Tao po este... Mage po?" pagpasok ko wala akong nakita.
"The one thing I hate the most is being late," a deep and cold voice said.
Napatalon ako sa gulat. Hindi ko napansin nakaabang na pala si Professor sa tabi ko. Napatakip ako ng bibig gamit ang kamay ko. Siya yung professor na nagpaiyak sakin ng walang rason kanina.
"Pasensya na po, naligaw po kasi ako on the way dito-"
"Don't gave me that rubbish explanations and let's start. I hate wasting time." nakapamulsa siya naglakad sa gitna. Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ko. I don't know why but I kinda feel intimidated by him. Ang lakas ng aura na tinataglay niya.
"Name?" His voice sends chills down to my spine. Sobrang lamig walang ka emo-emotion.
"Rhein Gardenia po, freshmen... Rank D..."
"I only asked for your name, b*tch."
Kunot noo ako tumingin sa kanya. Binigyan niya ako ng blank face expression. Sinaway niya ako sa pagmumura ko kanina. Teacher ba talaga 'to? Katakot.
"Ah are you surprised? I bad mouthed my weak students, I call them b*tch and f*cker." He replied. Binaling ko ulit ang tingin ko sa sahig. Nakakatakot talaga siya hindi ko tuloy maapreciate ang hotness niya. Putcha.
"So Let's start... Manifest your mana energy, Let us see how powerful you are."
Nag-aalangan ako sa gagawin, hindi ko nga alam ang first step para maging visible sa katawan ko ang mana enegry.
"Wag mo sabihin hindi mo alam paano gawin."
Marahan ako tumango sa kanya.
"Tch." sumulyap ako kaya nakita ko yung pag-irap niya sa hangin at pagkagat niya sa kanyang lip piercing.
Ser wag po marupok ako.
"Focus on your innerself, close your eyes and meditate, follow my sitting position."
Nag squat siya sahig sumunod din ako kaso naka suot pala ako ng skirt ngayon, kaya nagdadalawang isip ako mag squat baka makitaan niya ako. Marupok ako, hindi ako flirt.
"This b*tch." inis na untag niya nang mapansin nakasuot pala ako ng skirt. Hinubad niya yung black long coat niya at binato niya sakin ito. Ang bangooooo~ napaka manly ng scent. Bago pa ulit niya ako pagalitan ay nag squat na ako at tinakip ko sa legs ko yung coat niya. "Next time wear your P.E attire... let's begin."
"Okay."
Sumapit ang gabi hindi ko pa rin magawa ang pag manifest ng mana enegry. Napuno na ako ng mura at sermon mula kay Professor Gurran. Muntik na nga ako maiyak ng tawagin niya akong useless. Nakakasakit na siya ng damdamin pero ayos lang para ito sa ikakabuti ko.
"If I were you get the hell out of this Academy.... You useless dimwit!"
"Sir! Akala niyo ba ginusto ko mapunta dito?! Hindi! I'm trying my best but I can't! Hindi ko magawang ilabas ang mana ko."
"You're talking back huh? Do you know who I am?"
"Oo kilala kita isa kang suplado at impatient na teacher, nagtataka nga ako ba't naging professor ka dito eh, ang sama ng ugali mo!" sumbat ko sa kanya. Bahala siya e-expell mo ako, I don't care!
He smirk. Fvck nadali ako dun.
"Don't insult me again with that mouth of yours Gardenia! Baka pagsisihan mo sa bandang huli." He's clenching his teeth. Sa tingin ko nasa 21 or 22 years old lang si Professor. Siya na seguro ang pinakabatang professor dito. Masyado ako naging distracted sa bad boy look niya kaya hindi agad ako nakasagot.
"You're attracted to me aren't you? I'm sorry but you can't have a chance-"
"Ulol ka sir, tomboy ako hindi ako maarttract sa katulad mo." I lied, kahit sa totoo, gusto ko na siya yakapin ang bango niya for sure. Bago pa siya maka sagot tinalikuran ko na siya.
"Goodnight sir! Bukas na lang ulit."
Nagmamadali ako umalis sa training hall. Takbo ako ng takbo hanggang sa makalayo ako. Nakahinga na ako ng maluwag. Hindi ko kinaya yung away namin kanina, kaya nag walk out na ako baka kasi lumalim yung usupan. Potek nalang talaga.
~*~
Binunot ko 'yung golden root sa lupa. Farming and medicine making class namin ngayon, kailangan namin pag-aralan ang iba't-ibang uri ng herbal plants. Hindi lahat ng sakit ay napapagamot ng mana lang kailangan din daw namin ng ointment at healing potion para mag pagaling.
"Seryoso ka? Si... Si... Si Professor Gurran ang nagsanay sa'yo ng basic magic?"
Naiinis ako tumango sabay bunot ng malakas sa golden root.
"Maniwala ka man o hindi, sinumbatan ko siya nakakainis kasi, puro na lang mura at sermon ang naririnig ko mula sa kanya."
"GAGA KA TALAGA!" napalakas ang reaksyon ni Minari kaya napatingin tuloy si Professor Anika at ang mga classmate namin. "Ah... Sorry po professor."
Ngumiti lang si Professor Anika sa amin. Our sexy and cute professor, ang dami ngang lalaki nagkaka crush sa kanya.
Siniko ako ni Minari.
"Hindi mo ba alam na tinatawag si Professor Gurran na the toughest wall? Alam mo kung bakit-" bulong ni Minari.
"Hindi,"
"Gaga, patapusin mo muna kasi ako... Siya ang malaking pader ng mga senior, alam mo ba last year 60% lang sa mga senior ang nakapag tapos dahil sa kanya... Ayaw niya kasi sa mga mahihina kaya hindi niya pinapalusot yung mga weaklings..."
Ang sama naman pala ng Gurran na 'yun. Geez, sarap niya suntukin ng slight... Oo slight lang para hindi mapuruhan ang mukha niya sayang.
~*~
LUNCH TIME.
Patungo na kami ni Minari at ng mga kaibigan ko sa cafeteria nang mapansin ko kumikiringking ang mga kababaihan mula dito sa third floor.
"Ang mga elementalist!"
"Nasaan yung scroll ko pipicturan ko sila!"
"Bakit kaya andito sila sa Comage Department?"
"Huy. Bakit mo inilabas ang scroll mo may crush ka sa mga elementalist noh?" kantyaw ko kay Minari. Nakita ko yung pamumula ng pisngi niya.
Ang scroll ay isang device na kapag binuksan ay mag holographic screen na mag a-appear. In other words isang napaka hightech na communication device/cellphone dito sa Origon world. Mayroon din ako kaso, ayaw ko gamitin baka kasi masira mahal pa naman ang presyohan nun sa market.
-
"Oo crush niya si Gray Lightwood." sagot ni Mimi. Ngumisi ako at inakbayan si Minari at saka hinila siya malapit doon, para matanaw namin ng maayos ang mga elementalist. Gusto ko matawa dahil sa panakaw na kuha ni Minari ng litrato sa crush niya. Iba ang kulay ng uniform ng mga elementalist Mage. Katulad pa rin ng design ng uniform namin kaso sa kanila all white na may black lining na design at golden badge. Most of them ay mga rank S and SS.
Tumitili ang mga girls ng pumasok ang isang lalaki. Familiar na lalaki, kasunod ang limang prefect students. Paano ko nasabi na prefect sila? Dahil sa armband na suot nila, na may logo ng Rune Academy. Ayun sa mga classmates ko sila ang mga estudyante na nagdidisiplina sa mga kapwa estudyante. In other words para silang mga student council dito.
Gumawa ng hanay ang mga elementalist at binigyan daan ang anim na elite students. I felt goosebumps. I could feel their oozing aura. Hindi ko pa nakita na nakipag laban sila ngunit alam ko na agad na malakas sila.
They're the best of all best sabi nga nila.
"Prince Shawn!-"
Dahil nga sobrang likot ng mga babae sa likod ko naitulak ako ng isa. s**t! Hindi pa ako marunong lumipad.
"LOOK OUT!"
Ready na sana ako maramdaman ang malakas na impact ko sa sahig pero mali ang expectation ko dahil may malalakas na bisig ang sumalo sakin. I slowly open my eyes and saw an angel staring and eventually smiled at me.
"Are you okay?" He asked.