Reincarnated As A Mage Student.
I really thought I would be blind forever. Laking pasalamat ko sa school healer doctor dahil ibinalik niya ang ability ko makakita. That incident added to the pile of my anger. Wawasakin ko ang mga elites makikita nila. Pabalik na ako sa classroom ko. Nakita ko si Professor Gurran nakasandal sa pader habang humihithit ng yosi. Bad boy nga siya.
Napapitlag ako nang tumingin siya sa direksyon ko. Tinapon na niya ang upos ng sigarilyo at tinapakan.
"Staring is rude."
"How old na po kayo?" out of curiosity na tanong ko.
"I'm not obligated to answer you,"
Tsk! Ewan ko ba dito kay Sir. Minsan cold at madalas masungit. Hinawakan ko siya sa braso. Suddenly a memory fragment of a man with a long black hair, crying in the middle of the burning area flashed across my mind.
"Don't touch me." inalis niya ang pagkakahawak ko. Natulala ako sa kawalan. This unknown sadness crepts inside my chest again. Napaluhod ako. Ang sikip ng dibdib ko.
~*~
Makaraan ang isang linggo hindi pa rin ako marunong lumipad. Si Professor Finn na ang nagtuturo sakin ng basic magic, huling pagkikita namin ni Professor Gurran ay 'yung araw na nakita ko ang nakaraan niya. Sa tuwing naalala ko ang memorya na iyon na umiiyak siya bumibigat ang dibdib ko. Tch! Bahala siya! Iiwasan ko siya para hindi ako makaramdam ng weird feeling. Pagkatapos ko daw matotoong lumipad, sunod na kailangan ko matutunan ay levitation.
Bumangon na ako para maligo. Narinig ko umubo si Minari. Lumapit ako sa kanya at kinapa siya.
"Ang init mo bakla!" sabi ko sa kanya.
"What time is it? I need to get up-" namamaos na sabi niya.
"Get up mo mukha mo! Hindi ka kasi kumakain ng maayos... Magpahinga ka na lang dito, sasabihan ko si Professor Finn na absent ka..."
"Pero may quiz tayo-"
"Aabsent ka o sasabihin ko kay Gray na may crush ka sa kanya."
Namilog yung mata niya kapag si Gray ang pag-uusapan nag papanic siya agad.
"Aabsent na nga..." She covered herself with blanket. Nagtimpla muna ako ng healing tea kay Minari bumaba ako para initin sa heating box... Ang pandesal ni Mina, oo iyon ang tawag nila sa oven dito.
"Rhein."
"SHUTA!" nakapa ko ang dibdib ko. Ang aga-aga nanakot si Mimi. Aatekihin talaga ako sa puso nito. Magulo kasi yung buhok niya.
"Mornin," bati niya at nagtimpla din siya ng kape.
"May sakit si Minari." sabi ko.
"Ah... Ako na lang magbabantay sa kanya, dalawa lang yung klase ko ngayon at may meeting ang adviser namin kaya wala kaming pasok mga Support Major." sabi ni Mimi. Natuwa naman ako dahil doon.
~*~
As usual pinagtitinginan ako ng mga student body hindi pa rin nawawala ang punishment sakin ng mga elites. Pagpasok ko sa tower. Nakatulaley ako tumingala. Paano ako makakapunta sa fourth floor?
Putcha wala si Minari para tulungan ako makaakyat. Ang layo pa nung emergency exit. Katamad.
"Hey, kailangan mo ng tulong makaakyat?"
Nalingon ko ang isang morenong lalaki na may spiky violet hair. Diba isa siya sa mga elementalist? Ba't napadpad siya dito sa comage Department? My brows arc swiflty.
"Oh easy, lumapit ako sa'yo para tulungan ka."
"Neknek mo! Hindi ako naniniwala sa'yo," My trust issue na ako simula noong makilala ko ang pinuno nilang nagngangalang Shawn.
Malakas ang pandama ko may binabalak ang lalaking ito sakin. Biglang tumunog ang bell hudyat magsisimula na ang klase. Nababanas ko ulit tiningnan si Mr. Violet haired guy.
"Sige na nga!" hinawakan ko na yung kamay niya. He used levitation magic on me para gumaan ako, at lumipad na kami sa fourth floor.
"Thank you." I said ng makalapag kami fourth floor.
"Welcome." sabi niya at lumipad na paalis. "Hihiramin ko muna ito miss, kunin mo na lang sa greenhouse mamayang lunch."
My mouth form into O! He stole my student card! WHAT THE HECK?! Andoon yung allowance ko. Patay ako kay Professor Finn dahil nawala ko iyon.
"GAG*! BUMALIK KA DITO!" sigaw ko. Tumatawa siyang bumaba. Kaasar! Sabi ko na nga eh, hindi ko dapat pinagkakatiwalaan ang mga kagaya niya.
~*~
Beast mode ko tinahak ang daan patungo sa greenhouse. Hindi ko alam ang sasapitin ko doon ang importante mabawi ko ang pinakamamahal ko na student card. Kakatanggap ko lang ng allowance galing sa mga guardian ko. Yes, may guardian ako dito at nakatira sila Fuegis the land of Pyro tribes.
"Ibalik niyo ang Student Card ko!!" bulahaw ko pagkarating ko sa greenhouse.
"There's no need to shout, beautiful lady." malumanay na bati sakin ni impakto Shawn. Ang plastic niya sobra. Hindi bagay sa kanya maging light mage sa sobrang itim ng budhi niya.
"Nasaan na?"
"The... What?" nakangiti na sabi tanong. I hate those fake smile of him. Nagmaang-maangan pa ang impakto.
"Ang student card ko."
"Oh... this?" sa isang pitik ng daliri, hawak na niya yung student card ko. Aabutin ko sana ngunit pinalutang niya ito sa ere. Nagtagis ang bagang ko. Siningkitan ko siya ng tingin.
I tried to reach my student card but it rises every time I'm about to reach it. He's absolutely making fun of me!
"Makukuha mo lang 'to kapag sinunod mo gusto ko."
Sumuko na ako. I raised my brows to him and I crossed arms across my chest.
"Ano naman 'yun?"
"Be my dog... Simple as that."
"Ulol! Saan banda ang simple doon?"
He combed back his hair. Jusmeyo, yung puso ko kailangan ko protektahan gamit ang force shield. Napalunok ako ng laway ang sexy ng tignan sa gesture na iyon.
"My words are absolute here, take it or leave it." malumanay pa rin ang boses niya kahit nagbabanta na siya sakin. Naka ready na siya sirain ang Student card ko.
A great idea cross in my mind. Ang talino ko talaga. What if sundin ko ang gusto niya? Magiging aso ako para malaman ang tinatagong sekreto at baho ni Shawn para magamit ko sa pang blo-blockmail sa kanya.
"No problem." confident na sagot ko.
Medyo na shook siya sa sinagot ko. "Wait... What?"
"I said no problem, I will be your dog..."
Amusement is written all over his pretty face. Kung may sungay ka mas mataas iyong sakin. Shawn, maghanda ka na.
"Alright. I want you to feed Kaito."
"Who's Kaito?"
~*~
"WAAAAAAAAAAAAAAA!" tili ko ng habulin ako ng alaga niyang baby luminous dragon. Takbo lang ako ng takbo habang dala-dala ko pa yung karne na ipapakain ko sana sa kanya. Narinig ko ang halakhakan nila Shawn mula sa malayo.
Dahil ito sa kagagawan ng violet hair guy na iyon. Lumapit si Gray sakin. Humarang siya at hinawakan ang balikat ko.
"Idiot, try to calm down."
"Papa...paano kakalma kung kakainin niya ako?" natataranta na sabi ko. Pinaharap niya ako kay Kaito. Inhale... Exhale... Pumikit ako sabay abot sa kanya ng karne.
Ang cute pala ni Kaito. Lumingon ako kay Gray na kasalukuyan sinusuklayan ang buhok ko.
"A... Anong ginagawa mo?"
"Your hair is messy, I hate seeing messy things." He said. Now I concluded he has an OCD, yung mga taong hindi mapakali kapag magulo ang mga bagay. Such a creep.
~*~
Nakaupo ako sa sahig katabi ni Shawn. Kanina pa niya ginugulo ang buhok, para talaga niya akong aso. What's worst is kapag oras ng trabaho ko bilang aso tanging pag tahol lang ang maaring lumabas sa bibig ko. Ang saklap ng buhay na'to ngunit kailangan ko magtiis para makapag-higante sa pang-aalipusta niya sakin at sa kaibigan ko. Gusto ko na nga makatulog dahil sa marahan na haplos niya sa ulo ko. Wait?! Don't tell me Rhein nagustuhan mo ang pag pet niya sa'yo? Where's your pride. Sumimangot ulit ako.
"President, may nabalitaan ako may nakapasok daw na Hayze sa border ng Terbius (Earth Tribe)," ulat ng lalaking may pula at kayumanggi kutis kay Shawn. Siya na siguro si Kairo ang Fire Mage na mabagsik at magaling sa pakikipaglaban.
Inalis ni Shawn ang kamay niya sa ulo ko. Tumingin ako sa mukha niya. His expression shifted into solemn the moment he heard the word Hayze. Sino naman kaya ang mga iyon?
"Did they able to dispatch the invader?" Pati boses ni Shawn ay sumeryoso.
"Hindi, pero napuruhan nila ng matindi ang hayze, tiyak hindi pa iyon nakakalayo sa Terbius," tugon ni Kairo sa kanya.
Tumayo si Shawn. "Prepare my comrades, Kairo, Mio, and Angela come with me." Shawn ordered. Umalis na agad siya at sumunod ang tatlo sa kaniya.
"Hey dog... Maglinis ka pagkatapos." pahabol niya sabay ngiti sakin. Tumahol naman ako ng pagalit. He laugh softly.
~*~
Nang matapos sila kumain nilinis ko na ang table since may malalang OCD si Gray sa mga kalat tumulong na rin siya. Dapat daw ay magkakasama ang mga plato at utensils. Kailangan walang matitirang dumi sa mesa. Kapag naging asawa ko'to mamamatay ako ng maaga dahil sa pagiging neat and clean freak niya.
"Gray. Sino yung mga Hayze?"
"You should already know them, they're the black mage who used dark magic for evil deeds... They're the one who invaded fifty percent of the world's territory." sagot ni Gray habang pinupunasan ang lamesa ng maigi.
"Ah? Eh bakit si Shawn ang pumunta doon para maghanap."
"You have lots of questions do you?" He heaved a sigh.
"Pasensya na curios lang kasi ako." sagot ko sabay lagay ng mga plato sa basket.
"Two generals were gravely injured from the last Hayze attack, as the most powerful light mage the king appointed his son to monitor the hayze movements,"
"Ahhh... Kaya pala... Ano wait?! King's son si... Si Shawn?"
"You idiot! Why do I need to explain everything to you?! Oo, si Atticus Shawn De Celestia ay anak ng hari ng Parados... Just shut up and clean this mess quickly." singhal niya sakin.
OH my geee! Hindi ko naman alam na prinsipe pala ng kaharian na'to ang binabangga ko. Pagkakaalam ko binibitay dito ang mga kriminal dito. Jusko ayaw ko mamatay ulit.
~*~
After afternoon class dumiretso na ako sa Cafeteria para kumain. No choice ako kundi magtiis sa malamig na sopas at tinapay. Kailangan ko mag sunog ng kilay para makaangat ako ng rank. Napatingin ako sa table ng mga Class A and S, Ang sarap ng mga pagkain nila at ng matutulugan nila doon. Sana all.
Linggo bukas walang pasok, matutulog talaga ako buong maghapon.
Nagsuot na ako ng P.E uniform, dumiretso na ako sa training hall. Hindi ko nakita si Professor Finn pagpasok ko.
"You're late."
Pinigilan ko sarili ko mag mura ng makita ko si Sir. Gurran nakasandal sa pader.
"Sorry po! Eh? Nasaan po si Professor Finn?"
"Her kid is sick, so I'll be your trainer for today..."
Napapitlag ako ng bigla akong lumutang sa ere. Waaaaaah! Gamit lang ang tingin ni Professor Gurran, pinalutang niya ako sa itaas.
"Ilang araw na ang lumipas wala ka pa rin alam sa basic magic?! You're such a b*tch!"
Mama! Si Sir. Gurran tinawag niya akong b*tch. Ngumiti ng masama si Sir. Tama nga ang chismis na isa siyang evil teacher.
"I will force you to fly." mahina na sambit niya at saka pinikit ang mata niya. FVCK! mahuhulog ako. Pumikit ako ready na sana ako maramdaman ang masakit na impact kaso lumutang ako bigla. Face to face ko na nga yung sahig. "Again."
"AHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko ng pinalutang niya ulit ako sa itaas at hinulog ulit.
Halos kalahating oras ganun ang ginawa namin. Bumabaliktad na ang sikmura ko. Gusto ko na isuka lahat ng kinain ko sa pagtaas baba ko dito. Isa itong intense s***h deadly training.
"Focus your mind b*tch! What the fvck are you thinking?! Ikalat mo ang mana energy sa katawan mo para makalipad ka!" lumilitaw na yung litid sa leeg ni Sir. Dahil sa sobrang galit.
Kakayanin ko'to. Hinulog niya ulit ako. I held my breath for a moment. Mariin ako pumikit di naglaon dahan-dahan ko minulat ang mata ko. I'm floating!
"Good, now then try to move your body in the air." mahinahon na instruct niya sakin. Inangat ko yung katawan ko. I smiled from ear to ear. I'm flying! Nakakalipad na ako! Hindi ko na kailangan ang tulong ng iba para makaakyat sa tower.
"The best day ever!" Sabi ko sabay lipad itaas. Paikot-ikot sa buong training hall. Ganito pala ang feeling ni Superman kapag lumilipad ka.
"Don't use too much mana energy or else-"
Natigilan ako nang biglang bumigat ang katawan ko hinahatak ako ng gravity pababa. Putek! Sinubukan ko lumipad pero bumibigat talaga ang timbang ko.
"Tch. You're such a pain in the ass,"
Nagitla ako ng saluhin ako ni Sir. Gurran instead na palutangin ako, tumakbo siya na parang si the flash at sinalo ako. Nagkaroon ako ng pagkakataon tumingin sa makisig na mukha niya ng malapitan.... Mas lalo lumilitaw ang kagwapuhan niya sa malapitan. His cold gaze shifted to me. Kusang umangat ang kamay ko at hinaplos ang pisngi niya. Binitiwan niya ako at mabilis siya tumalikod.
"I said...don't touch me." may diin na sabi niya.
"Pasensya na sir." sabi ko. Walang pasabi siya umalis agad ng training hall.
Hindi ako alam pero sa tuwing tumititig ako sa kulay abo na mga mata niya tila tumititigil ang mundo ko at parang nagkakaroon ng digmaan sa loob ng dibdib ko. Ginugulo niya ang systema ko. Hindi ko ma figure out kung ano tong nararamdaman ko. Ugh! Ang harot ko talaga! Teacher ko siya bawal dito maging intimate sa teacher.
...tobecontinued...