Chapter 4

2049 Words
Reincarnated As A Mage Student. "Are you okay?" tanong ni Shawn sakin. I held my breath for a second. Hindi ako kumarap dahil sa kagustuhan ko suriin ng maigi ang perpektong hugis ng mukha niya. Marahan ako tumango. He smirked. Evily. "Cause, I'm not." aniya sabay bagsak sakin sa sahig. Napahimas ako sa pwet ko ang sakit. Tumayo ako at saka sinuntok siya sa mukha left and right punch. I end him with an upper right hook! Boom! Bagsak. Hihi... Pero imagination ko lang pala iyon. Bago pa ako maka sagot inilayo na ako ng mga elementalist sa mga prefect. "Teach her a lesson." utos ni Shawn sa isang Class SS student at saka sila nagpatuloy maglakad paalis. Wait?! Ano raw? Narinig ko yung ibang students na paparusahan daw ako dahil sa ginawa ko. Hinayupak! Aksidente lang 'yung nangyari. Sa pangunguna ng isang babaeng may pink long hair. Inutusan niya ang iba na kaladkarin ako. "What the hell?! Hoy SHAWN ANG YABANG MO-" hindi na ako nakapagsalita ng takpan ng vines ang bibig ko. A petite girl with brown and green ombre hair did it. She's a plant manipulator! Astig pero hindi ito ang tamang oras para mamangha. Sa labas ng tower. Tinulak ako ng babaeng may pink hair. Winasiwas ng isang lalaking elementalist ang kamay niya. He manipulated the water from the fountain. Nagulat ako nang ikulong nila ako sa water ball. s**t! Ang hirap huminga. "Hey Rank Dog you must know your place... Alam mo ba isang violation ang paghawak ng basta-basta kay Prince Shawn?" ani ng pink na buhok. Naririnig ko sila sa loob. Napahawak ako sa leeg ko. Nawawalan na ako ng hangin. Gaga! Siya kaya sumalo sakin! "Sinadya mo pa talaga magpahulog," sabi ng isang babae. Pumasok na ang tubig sa lalamunan ko. Putcha. Mabuti at pinakawalan na nila ako mula sa water ball bago pa ako malunod. Habol hininga akong bumagsak sa semento. Umubo ako para ilabas yung pumasok na tubig. Nang lalabo ang paningin ko sumilay sa kanila. "Don't bother Prince Shawn and the rest of the prefects again kundi di lang yan ang aabutin mo." nakapamewang na saad sakin ng babaeng may Pink hair. They treat that freaking Shawn like their king. Tumalikod na sila at naglakad papasok ulit sa Tower. Iyong babaeng plant manipulator tumingin sakin. I saw a concerning expression on her face. "Shara, let's go." Tawag niya sa kanya. "O... Okay." sagot ni Shara at sumunod na doon kay pink hair demonya girl. Asar. Umubo ulit ako. Ang hina-hina ko, gusto ko manglaban pero mahal ko pa ang buhay ko. Elementalist, they can manipulate the strongest forces of this world. But for me they're just a bunch of idiots serving a Narcissistic Guy, Nagmamadali lumapit sakin sina Minari at Mimi para alalayan ako tumayo. ~*~ Nang mag dinner kumalat agad ang issue tungkol sa incounter namin ng Prince Shawn kanina. Ang lakas makapanghusga ng mga tingin nila. May naririnig pa akong masasama tungkol sakin. Na isa raw akong social climber na gusto mapalapit sa mga elite students. Tch, ano ba sila dito mga hari't reyna? Nakakabanas. "Oh talaga? Hindi siya marunong lumipad?" "Weakling pala yan." "Dapat itapon siya sa basura." Pakyu mga ulol. Pabagsak ako umupo sa gray long chair. Ang ibang co-ranker ko umalis sa tabi namin ni Minari dahil ayaw nila masangkot sa gulo. Nang ilapag na ng fairy ang pagkain ko na malamig na sopas at tubig nilantakan ko agad iyon. Nagutom ako. Ang daming nangyari nitong nakaraang araw. Minsan naisip ko gusto ko na umuwi. Miss ko na pamilya ko. "Rhein? Are you okay." Minari asked. "Hindi!" sagot ko tapos uminom ako ng tubig. Bumuntong hininga ako. Para makapaghigante, kailangan ko maging malakas. Tahimik na kumakain si Minari sa tabi ko, nakikita ko sa mukha niya ang pag-aalala. "Hey." tinapik ko ang balikat niya. "Mhhh?" "Thank you for staying by my side, don't worry hindi ko hahayaan na saktan ka ng mga elites na 'yun." Minari smiled sweetly at me. She reminds me of Shirley ang pinagkaiba lang ay madaldal ang espren ko. ~°~ Pumasok na ako sa training hall. Time check 6:30 in the evening. Nilibot ko ang tingin ko wala dito si Professor- "FvCK!" malutong na mura ko ng biglang lumitaw si Professor Gurran sa harap ko. Damn it! Gumamit pala siya ng invisibility magic. "Language." uy! Narinig ko na ulit ang sexy voice niya. Nawala ang stress ko. Hihi ang harot ko talaga. "Are we gonna continue this?" tanong niya. Yumuko ako sa harap niya. "Professor, I'm so sorry sa sinabi ko kahapon please tulungan niyo ako maging malakas pa kesa sa mga ELITE MONKEYS NA IYON!" I still kept my position. Natahimik siya saglit at narinig ko iyong mahinang tawa niya kaya nag angat ako ng tingin. Tumigil siya sa pagtawa ng tignan ko siya. "Ang taas ng pangarap mo, Even if you train to death you can't match to them..." He said with blank expression. Sayang gusto ko makita yung pagtawa niya. "Sir, Why are discouraging me?" "Tch. Let's begin." Isang oras na ang lumipas. Nakatanggap ulit ako ng malutong na mura sa kanya, pero okay lang part ito ng pagsasanay ko. My eyes widen when I saw my hands glow. "Sir... Napapalabas ko na ang mana energy ko!" I exclaimed. I'm so happy. May magic pala talaga ako! "Very good. Now try to control the flow of your mana energy, you must return it back to your body to avoid exhaustion." Pinikit ko ang mga mata ko. Nag concentrate ako ibalik ang leak mana energy mula sa katawan ko. Sabi ni Sir makakasama daw ang paggamit ng maraming mana, dahil limited lang ang mana ng isang common mage. Ang init, sobrang init ng katawan ko. Nag panic ako ng magmulat ako. Nakita ko 'yung katawan ko na nagliliwanag. "Sir! Hindi ko kayang kontrolin." Bumuntong hininga si Sir, at hinawakan ang kamay ko. His hands feel so cold. All of the sudden my mana energy came back to my body. Pagkatapos ay nakaramdam ako ng pangangalay sa buong katawan ko. "I never expected you have a enormous amount of mana in your body." malamig na sabi niya. "Good news ba 'yun sir?" "No, In the state of your body now, you probably die if you use too much mana energy." Kinabahan ako sa sinabi niya. Ang hirap pala maging Mage. Noon pinproblema ko lang ang assignment at exams ko, ngayon ito. "Good work..." tumayo na si Sir at umalis na sa training hall. He complimented me?! Totoo! Sir wag kang ganyan baka ma fall ako! ~. ~ Pinanood namin ang Warrior Students major sa kanilang combat training. I can't help not to be insecure gusto ko sumali sa madugong bakbakan nila. May mga magical weapon ang mga warrior major, gumagana ang mga weapon na iyon gamit ang mana sa katawan nila. Hawak ko yung medical kit ko. Bilang activity namin ngayon araw, kailangan namin matugunan ang medical assistance ng warrior mage students. "Buti na lang talaga sa healing arts ako napasok, ayaw ko kasi masaktan." ani ni Minari sa tabi ko. "Ulol. Duwag ka lang talaga." sabi ko. Tinaliman niya ako ng tingin. Ngumiti ako umalis nang tawagin ni Professor Finn ang pangalan ko. "Gardenia, Heal his wounds." utos sakin ni Professor. "Okay po." Umalis na si Prof para mag assist sa ibang classmates ko. Inilapag ko na 'yung med kit ko sa damuhan. Pagtingin ko sa lalaki. He's blushing. Type ako ng isang ito. Kumuha ako ng ointment sa kit ko, gawa ko pa talaga ito. "Anong special ability mo pala?" tanong ko sa kanya. "Acid Manipulator." nahihiya na sagot niya. "Astig." sagot ko. Pinahiran ko ng ointment ang namamaga na pisngi niya. Kinabahan ako tinapat ang kamay ko sa mukha niya. This is my first time gagamitin ko ang mana energy para magpagaling. My hands glow. Lumipat ang mana energy ko sa kanya. Kapwa kami nagulat dalawa dahil iyong maraming sugat sa katawan niya ay biglang nawala sa isang iglap lang. Nag fucos ako at binalik ang mana energy ko sa katawan baka mag leak ulit at manghina ako. "What did you do Gardenia? You completely heal him in just a second." hindi makapaniwala na sabi ni Prof. Pati rin ako nagulat dahil usually it will take thirty minutes or an hour to heal a minor injury kapag beginner healer ka pa. "Ginawa ko lang po yung mana healing." sagot ko. "Bumalik po yung lakas ko teacher! Woah! The best Healer ka pala!" sabi ng lalaki. Natuwa ako makarinig ng compliment, tumayo ako at nakipag high five sa kanya. Tumikhim si Professor Finn... "Bakit pa ba ako nagulat? Well done Gardenia." ~*~ LUNCH Sa park namin na pag-isipan kumain ni Minari at Mimi. Bumili na lang kami sa food court ng pagkain. Nasabi ko ba na may mini shopping district sa loob ng Academy? Nakakasawa na kasi yung free food sa Cafeteria. Since nakatanggap ako ng allowance sa student card ko kaya ni libre ko silang dalawa. "Doon tayo umupo!" turo ni Mimi sa isang malaking puno ng westeria. Maganda ang panahon ngayon. Windy at hindi gaano masakit ang sikat ng dalawang araw. Yep! Dalawa ang araw sa mundo na'to may story nga tungkol doon. The legend of the two suns. Tuwing gabi naman Super laki ng buwan ang ganda tignan lalo na kapag full moon daw. "Mimi, gupitan kaya natin yang bangs mo." suggest ko. Cute naman siya, nagmumukha lang talaga siya sadako sa mataas na bangs niya. "A big no no!" aniya. "Oo nga! Ang cute mo kaya, hahawakan ko siya... May gunting ako sa bag Rhien, kunin mo!" "NOOOOOOOOOO!" protesta ni Mimi. Nag evil laugh ako sabay kuha ng gunting. Sumigaw ng malakas si Mimi. Nakawala siya sa hawak ni Minari at lumipad patakas. Aray! Nabinggi ako saglit ah. May sonic wave kasi siya. Hinabol ko siya mula dito sa lupa. "HOY!" sabi ko sa kanya. Kung sana nakakalipad lang ako. Natigilan ako ng bumagsak si Mimi dahil natamaan siya ng mga wind spikes mabuti at nasalo ko agad siya. Nilisikan ko ng tingin ang may pakana nito. Walang iba kundi ang mga elite monkeys, andoon sila sa terrace. Ngumisi ng pilya sakin ang babaeng may dirty white hair. Nasa tingin ko ay ang air mage ng prefect. "Gardenia. This is an exclusive place for elites only, umalis na kayo." maowtirada na sabi ni Gray. "You hurt her! Pwede niyo naman kami pagsabihan-" natigilan ako ng lumapit sa banister si Shawn. Kumulo ang dugo ko sa tuwing nakikita ko siya. "Hello?" He greeted with a fake ass smile. Kung babaha dito sa Academy tiyak lulutang ang kumag na'to. Plastic! "PVTA KA!" malutong na mura ko. Binitiwan ko muna si Mimi na nawalan ng malay at tumakbo ako pasugod sa kanila. Biglang lumitaw ang isang makapal at matibay na Light barrier na ginawa ni Gray, kaya na untog ako nito. Narinig ko 'yung pagtawa nila. Si Shawn naman ay nakangiti pa rin ng matamis. Naiinis ako sa pagmumukha niya. "My pet is bored would you like to play with him?" Shawn said then he whistle. I stepped back nang makarinig ng pagaspas sa malapit. "D... Dragon? Baby dragon!" may halong pagkamangha at takot na sabi ko. Lumapit ito sakin. Akala ko maamo siya pero yun pala pinaglihi sa amo niyang ubod ng sama! Umiwas ako sa liwanag na binuga niya sa kanya bibig. Nagtitili ako tumakbo paalis. Hanggang dito rinig na rinig ko ang halakhakan nila. Argh! Ginawa nila akong kakatawanan. Lumiko ako at bumalik sa direksyon na iyon. Gumulong ako para umiwas at tumama ang Light force sa shield barrier ni Gray at nawasak iyon, kaya kinuha ko ang pagkakataon na ito para makalapit kay Shawn. Dudurugin ko lang naman ang pagmumukha niya. Isang metro na lang ang layo ko sa kanya. Naalerto si Gray at yung lalaking may violet na buhok, tatamaan ko na sana siya ng kamao ko, kaso may binigkas siya na chant at nasilaw ang mata ko sa magic cirlce na biglang lumitaw sa harap ko. "Hindi...hindi ako makakita." Alma ko. "You're going to be blind forever... Parusa mo 'yan sa pang bwe-bwesit mo sakin," boses ni Shawn. Kaasar! "I'm the king here rank Dog, you better keep your nose on the ground." - ------------------------------- to be continued.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD