C 5- Baby Harold

1037 Words
After kong maka usap ang boss ko hindi rin nagtagal ang pagpasok ko sa hotel. Mabilis na lumipas ang mga oras at araw. Dumating ang araw ng kabuwanan ko at hindi na muna ako nagpapasok sa trabaho. Naka filed na rin ako ng leave at granted na ito. Hindi naman mahirap kausap ang boss kong si Mr. Saavedra. Actually, wala akong naging problema dito. Kahit na maraming nagsasabi na may gusto sa akin ang boss ko. Hindi ko siya gusto, at malabong magkagusto ako sa kan'ya lalo na sa nakita ko. Ayokong maging bed warmer lamang niya. Hindi 'yon ang trabaho ko sa hotel. Ayokong magaya sa mga babaeng nakakama niya in one a single snap. "Gaga! Ayaw mong makama, pero nakipag s*x ka sa hindi mo kilala." hiyaw ng isipan ko. At araw-araw na dalahin ko na siguro ang kagagahang nagawa ko. Pero, kong may maganda man na nangyari sa ginawa ko. Ayon ay ang nagkaroon ako ng anak. Kasalukuyang nasa bahay ako at mag-isa ng makaramdam ako ng sobrang pananakit ng tummy ko naupo muna ako sandali para maibsan ang sakit kaso lang hindi na ito tumigil sa pag hilab hanggang sa biglang pumutok na ang water bag ko at tumagas ang tubig sa hita. Takot na takot ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Wala dito ang bestfriend ko nasa office siya at mamaya pa uuwi. Inabot ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng table at mabilis kong dinial ang number ni Summer Rain para samahan sana niya akong pumunta ng ospital. Kaso sinabi niyang mamaya pa ang out niya from work, kaya nilakasan ko na lang ang loob ko. I text her na lang kong saan akong ospital pupunta. Nakaka kaba man dahan dahan akong tumayo at kumapit sa mga pwede kong kapitan hanggang sa makalabas ako ng bahay at makapag para ako ng taxi. May taxi naman na agad huminto sa akin at kaagad akong isinakay ng makita ang sitwasyon ko. Sa loob ng taxi abot abot ang dasal ko na sana safe ang baby ko at maka abot kami ng ospital. Mabilis naman kaming nakarating ng ospital. Agad akong inasikaso ng mga nurse roon at dinala sa delivery room kaagad. Pina ire nila ako kaso hindi ako marunong since this is my first time and I don't know how to do it. Kaya mga ilang minuto lang sinalpakan nila ako ng injection na pangpatulog at biglang nanlabo ang mga mata ko. Nagising na lang ako na sa recovery room na ako. Hinahanap ko ang baby ko sa tabi ko. Pero wala siya gusto kong mag hysterical, dahil buong akala ko nawawala si baby Harold. Narinig naman ni Summer Rain ang pag sigaw ko. Nagmamadali itong pumasok sa loob sabay sabi na;"Besh, please calm down. Masama sayo ang ginagawa mo. Baka mapaano ka nyan. Kakapanganak mo pa lang para ka nang nagko concert." saway nito sa akin. At may gana pa siyang mang-asar talaga. "Besh, ang baby ko nasaan siya, tanong ko dito at nag aantay ng sagot niya. "Ah si baby Harold ba? Nasa nursery room muna siya. Later dadalhin naman na siya ng nurse dito para mag breast feed. May gatas ka na ba?" tanong nito. "Yes, kanina pa nga natulo 'to." nahihiya kong sambit. "Good!" Maya-maya lang dumating na ang nurse dala dala niya na ang anak ko. Pinaupo ako ni Summer Rain at pinakarga naman saakin ng nurse ang baby ko. Sa unang pagkakataong nasilayan ko ang anak ko. Bigla na lang akong naluha, hindi dahil nalulungkot ako kundi ito ay luha ng labis na kaligayahan. Ang gwapo ng anak ako, blue eyes ang kulay ng mga mata nito at matangos ang ilong. Sigurado akong hindi ako ang kamukha niya walang duda kamukha siya ng kaniyang Daddy. Natahimik ako habang pinagmamasdan ang anak ko. Napalingon ako ng magsalita si Summer Rain sabay sabi na; "Besh, ang gwapo ng anak mo. Sigurado akong hindi mo siya kamukha hahaha." pang-aasara pa nito. Leste! Talaga kahit kailan wala siyang pinipiling araw para bwesetin ako. "Hmmmp! Pwede ba Summer Rain, wala akong time na makipag biruan sayo." mataray na pangbabara ko dito. "Sungit mo talaga besh. Teka nga, baka naman pwede ka ng mag kwento ngayon. Sino ba kasi talaga ang ama ng gwapong inaanak ko? May naka relasyon ka ba before?" sunod sunod na tanong nito sa akin. At pinagmamasdan ako kong magsasabi ba ako ng totoo sa kan'ya. Nalunok ko bigla ang laway ko at natutop ko ang bibig ko kasabay nang pag umid ng dila ko. Tinanong ko ang sarili kong handa na ba akong mag tapat rito. Ngunit sa huli natalo ako ng pangamba. Kaya nanatili akong tahimik. Nauunawaan naman nito ang lahat at hindi na siya muling nag-usisa pa sa akin. Alam niya kasing hindi pa ako ready sa ngayon. Natuwa na lang siya nang makita na karga ko na ang inaanak niya. Medyo nangalay akong ipag breastfeed ito kaya inilapag ko na si baby ng makatulog na rin ito sa tabi ko. "Okay ka lang ba besh?" tanong nito sa akin. "Oo naman besh, medyo nagugutom lang rin ako." ani ko. "Sige, saglit lang ha at ipaghahain lang kita. May dala akong tinolang manok para sayo, sabi nila mainam ito sa mga bagong panganak na kagaya mo." wika niya. "Ganon ba, sige! S..Salamat." nauutal kong sambit. Makalipas ang ilang minuto bumalik na ito sa tabi ko at inilapag ang tinolang manok na sinasabi niya. Siya na rin ang nagsubo sa akin, sapagkat nahihirapan pa rin akong kumilos gawa ng naka kabit pa rin ang dextrose sa kamay ko. "S..Salamat besh." naluluhang wika ko. Hindi ko talaga alam kong anong gagawin ko kapag wala ka sa tabi ko." dagdag ko pang wika. "Ano ka ba, wala 'yon. Alam ko naman kong ako ang nasa sitwasyon mo ganito rin ang gagawin mo para sa akin." aniya. "Oo naman. Ikaw pa ba." sagot ko. "Sige na baka mag iyakan pa tayo dito at makasama pa sayo. Matulog ka na para makapag pahinga ka." utos nito sa akin. Kaya naman unti-unti kong ipinikit ang mga mata ako, sapagkat panatag ako na nadyan lamang siya sa tabi ko at 'di niya ako iiwan kahit na ano man ang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD