C 4- She's pregnant

1605 Words
HANNAH As the time goes by.. Five Months na akong manager ng hotel. Medyo presko nga lang ang boss kong si Mr. Drake Saavedra at palaging may pahaging sa akin. Kong minsan nga naiilang ako dito kong makatingin kasi sa akin parang gusto niya akong parating hubaran. Ewan ko ba baka feeling ko lang din 'yon. Napatingin ako sa wristwatch na suot ko. Naalala ko na may get together pala kami ng bestfriend ko na si Summer Rain. Matagal tagal na rin kasi ng last time na nagkita kami sa condo nito kasama ang boyfriend nitong mukhang alimango. Masama mang lait ng kapwa kaso kalait lait talaga siya. Lumabas na ako ng bahay ko at nag drive patungong Mall doon raw kami magkikita sa paborito naming kainan.. Nag iwan lang ako ng messages kay Summer Rain; (Meet me at our all time favorite restaurant.) laman ng text messages ko bago ko itago ang cellphone ko sa pouch ko. Hindi ko talaga ugali na mag dala ng bag para sa akin sagabal lang ito. Nang makarating ako sa Mall naghanap lang ako ng mapaparking-an bago ako lumabas ng kotse. Hindi pa nga ako nakaka pasok sa loob ng Mall ng bigla akong makaramdam ng hilo at sunod na nanlabo agad ang paningin ko.. Wala na akong naalala pa.. Pagkagising ko nasa ospital na ako. At maka ilang beses kong inisip kong ano nga ba talaga ang nangyari sa akin at paano ako nakarating rito at sino ang nagdala sa akin. At nasagot lahat ng tanong sa aking isipan sa pag bukas ng pintuan at pumasok si Summer Rain at binigyan niya ako ng mapanuring tingin. Hindi ko nga alam kong bakit ganyan siya makatingin sa'kin. I simply asked her; "Hmmm! Besh, bakit pala ako nandito? At paano mong nalaman na nandito ako?" sunod sunod na tanong ko dito. "Besh, seryoso ka ba sa tanong mo at bakit hindi mo yata alam ang mga nangyayari sa sarili mo?" wika nito na parang may gustong ipahiwatig sa akin na hindi niya lang ako ma diretso. "Hindi besh, bakit nga ba ako nandito?" tanong ko ulit sa kan'ya at nagbabakasakaling sagutin niya na ako sa tanong ko. "Well, tumawag lang naman sa akin ang nurse at sinabi na may nagdala sayo dito. " sagot niya na hindi naman ako convince. "Talaga ba. Teka, may alam ka ba sa nangyari sa akin. Ano bang sabi ng Doctor kanina?! tanong ko rito. I just remember. I'm at the mall, and suddenly I feel something strange until my surroundings are blurry. And I didn't know what the next thing was."paliwanag ko rito. "So you mean, wala ka talagang alam?" usisa nito na mas lalong ikinagulo pa ng isip ko. "Ang alin ba? Ano ba ang findings ng doctor. May alam ka ba?" tanong ko. "Besh, isipin mong mabuti bago mangyari sa'yo yan.." "Hmmm! Lately, nagsusuka at nahihilo ako then kanina nawalan ako ng malay.." balewalang sagit ko dito. "So 'di mo talaga alam na buntis ka." prangkang wika nito. "W-what I' am pregnant. Are you sure besh? tanong ko dito miski ako hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. "P...Paanong nabuntis ako?" gulat na tanong ko. "Nagtaka ka pa talaga noh, mukhang ako dapat ang magtaka. Paano ka nabuntis gayong wala ka namang pinapakilalang boyfriend o boylet o baka naman meron na at itinatago mo lang huh." wika nito na may halong pagtatampo ang kan'yang boses. Balak pa yatang mag drama nito sa akin. "Wala nga akong boyfriend besh. Baka mali lang ang findings ng doctor." pagmamaang maangan ko. Pero ngayon pa lang nanlalamig na ang buong katawan ko sa narinig. Ganon ba talaga katinik ang sperm ng lalaking 'yon at nagbunga agad ang isang pagkakamali ko. "Sigurado ka ba dyan besh. How can you explain this ultrasound. Your five months pregnant, bakit hindi mo alam. At sino ang ama ng baby mo?!" diretsyahang tanong nito ng sunod sunod sa akin. At hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Wala rin akong maisagot. Kinuha ko ang inabot niyang ultrasound sa kamay ko. Halos maiyak ako sa tuwa dahil may baby nga talaga sa loob ng tummy ko. Pero, nandyan pa rin na natatakot ako sa mga susunod pang mangyayari sa buhay ko at sa anak ko. Nginitian ko lang siya that look na wala pa akong oras na mag kwento sa kan'ya ng mga bagay bagagy. Na gets naman niya ito kaagad at hindi na siya nag usisa pa. Kilala naman niya kasi ako kapag nasa mood ako magku kwento ako. "Besh, nakakainis ka na talaga huh. Basta ako Ninang niyan ha. Mas magtatampo ako kapag hindi ako ang kinuha mo." nakabusangot na wika nito sabay yakap sa akin. Kahit alam kong ganon kabigat ang magiging responsibilidad ko bilang Mommy at Daddy sa batang nasa loob ng sinapupunan ko alam kong nandyan siya para maging kaagapay ko sa lahat ng oras. Dahil wala naman akong choice kundi itago sa totoong Daddy nito ang totoo. Dahil bukod sa hindi ko man lang ito kilala personally. Hello, one night stand lang ang nangyari sa pagitan namin at ako naman ang nag landi sa taong 'yon. Hiyaw ng isipan ko. Mabilis na lumipas ang araw at si Summer Rain ang naging kasa kasama ko sa pagpapa prenatal check-up ko sa anak kong lalaki. Lalaki ang ipinag bubuntis ko ngayon, sa una natatakot ako pero ngayon alam ko na unting araw na lang ang bibilangin ko ay isisilang ko na rin siya. Malaki ang pasasalamat ko sa kan'ya, dahil alam ko sa sarili ko na 'di ko kakayanin ito ng mag-isa lang. Pagkatapos ng check-up ko dumiretso ako sa office para personal na magpa alam sa boss ko. Ayoko naman na aalis ako nang basta na lamang na hindi nagparamdam dito. Ayoko naman nang ganon at napaka unprofessional kong tao kapag ginawa ko 'yon.. Pumasok ako nang company. At nag tungo sa office ng C.E.O para personal na makausap ang boss ko. Nilakasan ko ang pagkaka katok para mapansin nito ang pagkatok ko at ayaw ko ng maka kita ng live show na naman. "Please come in." wika nito mula sa loob. Nang marinig ko ang go signal mula sa kaniya hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pumasok ako sa loob. Naabutan ko itong abala sa pagrereview at pagsa sign ng maraming files na nasa ibabaw ng table nito. Hinintay kong mag angat ito ng ulo saglit at nang makita ako tinawag niya ako at pinaupo malapit sa table niya. "Have a seat, Miss. Altamirano. What do you want from me?" kaagad na tanong nito sa akin. "Ayoko na pong magpaligoy ligoy pa sana sir. Gusto ko na pong nag resign." wika ko. Na tila na ikinagulat nito kaya natigil siya sa kan'yang ginagawa at naibaba ang mga hawak ng folder. "W..What did you say? resign? Why Miss Altamirano, aren't you happy working with us? so please tell me." "No! Sir. Well in-fact hotel is the best--" "Is that so. Why are you leaving us?" "B...Because, I'm pregnant sir. Sorry!" wika ko na garalgal ang boses, pero kailangan kong sabihin ito at magpakatotoo sa sitwasyon ko. "I see. Is that your problem? Just leave in three Months and come back here after you deliver your baby." mariing wika nito. Na akala ko ay magagalit siya sa akin, pero nagkamali lang pala ako. "Sir are you sure?" hindi makapaniwalang tanong ko ulit. "Yah! Why?? Miss. Altamirano, hindi naman masamang mag buntis at babae ka that's normal. Ang masama basta ka na lang magreresign nang dahil buntis ka. Don't worry may ipapalit muna kaming iba habang wala ka. Hindi kita papalitan basta basta, dahil magaling ka at asset ng hotel. Then, by the way count me in as a god father of your baby." pahabol na wika nito na mas ikina laki lalo ng mga mata ko.. "Sir, nagbibiro po ba kayo?" alanganing tanong ko dito. "Do you think that I'm joking here, Miss. Altamirano?" "No, sir. Thank you so much and have a nice day!" huling wika ko pagkatapos tumayo na rin ako para magpa ala sa kan'ya. "No problem, Miss. Altamirano take care of yourself." nakangiting wika nito sabay balik na ng atensyon sa kan'yang ginagawa. Naglakad na ako palabas ng office niya at bumalik na rin sa desk ko. Naupo ako sa swivel chair at tulala. Hindi ako makapaniwala sa naging usapan namin. Katatapos ko lang mag paalam sa boss ko. Naiiyak man pero wala akong magagawa kong tatanggalin niya ako sa work bilang manager. Nilihim ko rin kasi sa lahat ang ipinag bubuntis ko at nagulat silang lahat ng malamang malapit na akong manganak. Hindi kasi halata sa katawan ko, dahil maliit ako mag buntis at sabi nga kapag itinatago na raw ito, nakikisama ang baby. Kaya malaking pasasalamat ko mabait ang baby ko. Nagulat ako ng sabihin ng boss ko. Na hahanapan muna nila ako ng ka relyebo pero once natapos ko na ang three months leave ko ay babalik na agad ako ulit dito. Ayaw daw niya akong palitan, dahil mang hihinayang sila kapag nawalan sila ng magaling na manager. Mas nagulat ako ng sabihin niyang dapat isa siya sa magiging Ninong ng anak ko. Napaluha naman ako sa narinig, dahil hindi ko akalain na siya mismo mag rerequest na maging Ninong ni baby ko. At sino ba naman ako kumpara sa position nito. Iwinaksi ko na ang mga pasanin ko ng ilang linggo. Sa wakas malaya na ako at hindi matatakot na mabuko, dahil alam na nilang lahat. Nag simula na ulit akong mag trabaho at ibilin ang mga ilang documents and files na maiiwan ko sa papalit muna sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD