Panay ang bati ng mga kapwa ko mag-aaral sa akin. Ang weird lang kasi mas dumami pa sila kaysa noon kaya naman medyo naiilang ako na tumugon.
“Good morning, Lauren!” pagbati ni Wendelyn mula sa aking likuran.
Tatlong araw na ang lumipas nang huli kaming magkita ni VJ. Hindi natuloy ang part 2 na anniversary namin dahil sa biglaan na change scheduled niya.
Ngumiti ako kay Wendelyn, “Good morning,” wika ko habang naglalakad.
Excited pa naman ako sa magiging kalalabasan ng unang pagkakataon na iyon ngunit hindi natuloy dahil sa biglaang world tour kung saan kasama siya.
“Mukha kang down, is it because VJ isn’t around?” tanong ni Wendelyn.
Napahinto ako. Mukha ba akong malungkot dahil tatlong araw na kaming ‘di nagkikita? Ganoon ba katindi ang paghahanap ng katawan ko sa presensya ni VJ?
Binigyan ko ng nakakailang na tawa si Wendelyn dahil hindi ko alam kung paano ako magrereact sa sinabi niya, “Nako! Hindi naman, lagi naman kami magka-chat,” sagot ko.
Tama, lagi naman kaming magkausap kaso hanggang chat lang. Hindi ko man lang makita ang mukha niya dahil sa magkaibang oras namin.
Tumapat sa harapan ko si Wendelyn. Hindi kumbinsido ang mukha niya, halata naman, “Talaga ba? Bakit iba ang sinasabi ng mukha mo?” tanong niya.
Iba? Napahawak ako sa bracelet na suot ko. Ito ang ipiandala niyang regalo sa akin dahil sa biglaan niyang tour. Nakasulat pa sa note na nahihiya siya dahil hindi man lang sa personal ang pagbibigay niya.
Muli akong tumawa, “Ikaw talaga! Hindi ano ka ba! Mamaya isipin ng iba na...” napahinto ako sa sasabihin ko.
“Na ano?” tanong ni Wendelyn.
Ano nga ba? Ano ang iisipin ng ibang tao sa akin?
“Na mahal mo na si VJ at nakalimutan mo na ang iyong first love?” tanong muli ni Wendelyn.
Nabigla ako. Mahal ko na ba siya? Dahil ba sa loob ng isang taon na magkasama kami ay nakaramdam ako ng seguridad? Na naging komportable na ako?
“Bakit hindi ka makasagot? Hindi mo alam ang nararamdaman mo?” tanong niyang muli.
Bakit? Bakit hindi ko magawang tumanggi sa pinaparatang niya sa akin? Bakit umurong ang dila ko? Ano bang nangyayari sa akin?
Ngumiti si Wendelyn, “O siya! Mukhang hindi mo pa alam ang sagot, malay mo sa mga susunod na araw malaman mo na,” aniya.
“T-Teka!” bulalas ko.
“Bakit? Hindi mo naman kailangan sumagot agad, dapat inaalam mo muna kung ano talaga ang nararamdaman mo sa isang tao,” saad ni Wendelyn.
Ano nga bang nangyayari sa akin? Noon naman ay kaya ko itong sagutin agad pero ngayon tila ba may nagbago sa akin.
“Hoy! Good morning!” bati ni MJ sa akin.
Tila na nagbalik ako sa dating ako. Isang malakas na hampas ang dumampi sa akinb likuran na siyang nagpabalik ng aking katinuan.
“A-Aray, bakit ka ba biglang nanghahampas sa likod?” tanong ko habang hinihimas ang mahapding parte ng likod ko.
Tumingin ng kakaiba si MJ kay Wendelyn sabay ngiti sa akin. Nakikihimas din sa likod ko na masakit eh.
“Mukha kasing seryoso ang pinag-uusapan ninyo, gusto ko lang ibahin ang mood,” sagot ni MJ.
Ako lang ba ang nakakapansin na parang hindi magkasundo ang dalawa na ito? Habang nakangiti kasi si Wendelyn ay siya naman na simangot ni MJ sa kaniya na para bang may ginawa na masama sa kaniya ito.
“Ewan ko sa inyo, maiwan ko na nga kayo,” saad ko.
Imbes na dumiretso sa classroom ay sa banyo ako nagtungo. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin at napatingin bigka sa suot kong bracelet.
“What are you doing to me? Bakit ba nag-iba ang pakiramdam ko sa iyo?” tanong ko habang nakatitig sa bracelet.
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko pa rin alam ang kasagutan. Para akong timang na kinakausap ang bagay na inibinigay niya sa akin.
Para akong nag-eensayo na huminga. Para talaga akong timang ngayong araw. Nakakainis.
“Ate? Anong ginagawa mo?” tanong ni Alyssa na kapapasok lang sa banyo.
Hindi ba ako dapat ang nagtatanon sa kaniya ng ganoon? Siya kaya itong nasa building ng college department namin.
I lean in the sink and crossed my arms, I will interrogate her, “Ikaw ang dapat tanungin ko niyan, what are doing here in our department?” wika ko.
“Ah, eh, ano kasi... paano ko ba sasabihin sa iyo ito...” aniya.
Alam kong may itinatago ang babaeng ito. Halata sa kilos niya at pinipilit na makalusot.
“Ano nga? Patagal ka pa ng oras eh,” sambit ko.
“Sige, mamaya na lang!” bulalas ni Alyssa sabay takbo palabas ng banyo.
“H-Hoy! Teka!” sigaw ko.
Kinuha ko ang bag ko at sinubukan na habulin ang aking kapatid ngunit ang bilis nitong nakatakbo palayo sa akin. Napaisip tuloy ako kung anong gusto niyang sabihin sa akin.
“Sinong hinahabol mo?” tanong ni Ram.
Si Ram na popular sa campus dahil sa taglay na kagwapuhan, talino at galing sa paggawa ng awit. Siya rin ang matalik na kaibigan ni Rap. Dati noong high school akala ko talaga magkapatid sila dahil sa pangalan nila. Magkababata lang pala ang dalawa at naging matalik na magkaibigan habang sila’y lumalaki.
“Si Alyssa kasi hinahabol ko,” sagot ko.
Parehas kami ng department ni Ram. Mahilig din kasi siya sa music pero hindi niya iyon inilalabas kapag hindi tungkol sa grades.
“Alyssa? Ang kapatid mo? Sa pagkakatanda ko ay iba ang department niya kaya bihira lang na makita ko siya sa loob ng school,” saad ni Ram.
Oo, nasa pangatlong building ang department nila pero narito siya kanina at nang-bwisit lang sa akin.
“Oo, Education department siya,” turan ko nang nakangiti.
Tumango-tango naman si Ram.
“As what I thought, magaling kasi siyang magsalita,” tugon ni Ram.
Natawa na lang ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya, nasobrahan nga lang sa galing si Alyssa kung minsan.
“Ala— nevermind,” wika ni Ram.
Bakit pakiramdam ko halos lahat ng nakakausap hindi tinatapos ang gustong sabihin sa akin? Una si Wendelyn tapos si MJ, sunod si Aly at ngayon si Ram naman. Ano bang nangyayari?
“Mauuna na ako, may klase pa ako,” aniya.
Tumalikod na siya at akmang hahakbang nang hilain ko ang uniform niya sa likod.
“Teka!” sigaw ko.
Nilingon niya ako saglit at muling tumingin sa kaniyang harapan, “Bakit?” tanong niya.
“Ano...” sambit ko.
Makikibalita lang sana ako tungkol kay Rap... iyon ang gusto kong itanong pero pinapangunahan ako ng kaba.
“Sabihin mo na kung anong gusto mong sabihin, nauubos ang oras,” saad ni Ram.
Shems. Bakit ba ako kinakabahan? Makikibalita lang naman ako at isa pa may asawa na siya...
“K-Kumusta si...” sambit ko.
Hindi ko man lang masabi ang pangalan ni Rap sa harap ng kaibigan niya. 4 days ago nang malaman ko mula kay Alyssa na ikakasal si Rap sa mismong unang taon namin ni VJ ay sobra akong nasaktan. Labis na hinagpis ang nadama ng aking puso.
“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ni Ram.
Nagulat ako. Alam niya ang ibig kong sabihin kaya naman napaiwas ako ng tingin tingin dahil nahihiya akong tumugon ng pagsang-ayon.
“Nandito na ulit siya,” saad ni Ram.
“Kasama ang kaniyang asawa? Maligaya ako at nakahanap siya ng kaligayahan sa ibang tao,” turan ko.
Hindi ko alam kong anong reaksyon ni Ram sa sinabi ko dahil nakataliko siya sa akin. Ayaw ko rin na makita niya akong pinipilit ang sarili na ngumiti kahit hindi naman talaga iyon ang nararamdaman mo ngayon.
“Asawa?” tanong ni Ram.
“Oo, kung hindi ako nagkakamali Cheska ang pangalan ng napangasawa niya,” sagot ko.
Nakakailang na pag-uusap ito dahil ang topic ay ang ex boyfriend ko at ang kaniyang asawa. Siguro nga wala na akong pride na natitira para pag-usapan ang ganitong bagay.
“Cheska... naiintindihan ko na ang nangyayari,” turan ni Ram.
Nakayuko ako ngayon. Nakakahiya ang ginagawa ko at alam buong school na mayroon na akong kasintahan na kahit si Ram ay alam kong alam din iyon. Pero nandito ako ngayoj at nagtatanong ng mga bagay-bagay na tungkol sa una kong minahal.
“Lauren,” tawag ni Ram sa akin.
Umungol lang ako bilang tugon.
“Maari mo na bang bitiwan ang polo ko? Nagugusot na kasi sa tindi ng pagkakakapit mo,” saad niya.
Unti-unti kong tinignan ang aking kamay. Nanlaki ang mata ko nang makita na hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang uniporme niya. Agad akong tumingin sa paligid at nakita na maraming estudyante ang nakatingin sa amin. Bumitaw agad ako at humingi ng paumanhin.
“Sorry! Salamat din sa balita na ibinahagi mo!” bulalas ko.
Oo, malakas ang pagkakasabi ko dahil ayaw ko na magkaroon ng bagong issue. Tumigil kasi ang mga alingawngaw tungkol sa akin nang kalahating taon na kami ni VJ bilang magkasintahan.
Imbes na lumayo na si Ram dahil baka mas lalo pang magkaroon ng issue ay nilapitan pa niya ako at ginulo ang aking buhok. Nakangiti siya habang ginagawa iyon.
“Habang tumatagal nagiging masikreto kang babae, hindi na ikaw ang dati kong kakilala na maingay at malakas ang loob,” saad ni Ram.
Hindi na ako ang dating ako? Kailan ba nangyari iyon? Kailan ba ako nagbago?
“Sa susunod kapag may gusto kang malaman, itanong mo agad dahil hindi naman masama iyon,” turan pa ni Ram.
Tumango ako, “Salamat sa payo, sige na bumalik ka na sa klase mo,” tugon ko.
“Baka mamaya makita mo siya, tatapusin niya ang semester ngayon,” sambit pa ni Ram bago siya tuluyang maglakad.
Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Bigla kasing kumabog ang dibdib ko ng sobrang lakas. Dahil ba sa sinabi ni Ram na baka makita ko si Rap mamaya?
Mabilis akong naglakad papunta sa classroom at agad na naupo sa aking upuan.
“Si Ram ang kausap mo kanina, hindi ba? Kaibigan mo rin ba siya?” tanong ni Wendelyn.
Nagulat pa ako sa tanong niya pero sabagay mabilis kumalat ang mga salita rito kaya siguro nakarating agad kay Wendelyn.
“Oo, magkakilala na kami since high school,” sagot ko.
Hindi ko alam pero ayaw kong banggitin ang ngalan ni Rap sa harap ni Wendelyn. Sabagay, kahit naman sa harap ni Ram hindi ko kaya eh.
“Ah, ano naman ang napag-usapan ninyo?” tanong muli ni Wendelyn.
Mahalaga pa ba ang pinag-usapan namin? Hindi naman siguro. Gusto ko lang naman mangamusta, iyon lang at wala ng iba pa.
“W-Wala iyon, huwag mo ng isipin ang tungkol sa amin,” sagot ko.
Ngumiti si Wendelyn, “Ganoon ba? Pero baka mamaya magulat ka sa maari mong makita,” turan niya.
Makikita mamaya? Bigla na naman kumabog ang aking dibdib. May alam na si Wendelyn? Nagkukunwari lang ba siya na inaalam ang pinag-usapan namin ni Ram pero ang totoo alam niya talaga iyon at gusto lang niyang malaman kung magsasabi ako sa kaniya ng sikreto?
“Inaasahan ko rin na magugulat ako pero sana... hindi ko iyon makita—ang ikakagulat ko,” tugon ko.
Tama, bakit ba ako nagpapa-apekto sa ganoon bagay? Ano naman kung narito na siya? Ngayon pa lang na hindi ko pa siya nakikita sobra na ang kaba ko paano pa kung aksidente kaming magkita? Baka hilingin ko pa na sana lamunin ako ng lupa kapag nagkataon. Kaya sana hindi na lang kami magkita sa hindi inaasahan na lugar.
“Well, malalaman natin iyan,” wika ni Wendelyn.
Parang may pinupunto talaga si Wendelyn sa pinag-uusapan namin. Kahit kanina ay ganoon din nang bigla kaming ininterrupt ni MJ.
“May tanong ako sa iyo, Wendelyn,” sambit ko.
Nagcecellphone lang siya ngayon at mukhang mas active siya sa social media niya kaysa rito sa klase.
“Ano naman iyon? Sabihin mo na...” aniya.
Kailangan ko ng itanong ito. Hindi ako mapakali dahil pakiramdam ko parehas lang kami ng tinutukoy.
“Parehas lang ba tayo ng ibig sabihin sa “makikita mamaya”, na sinasabi natin?” tanong ko.
“Hm... depende kung tao,” sagot niy.
“Parehas nga tayo! Alam mo ang tungkol doon?!” bulalas ko.
“Kung si Rap ang ibig mong sabihin, marami akong nakita sa social media na nagpost na ibang estudyante na nagpakuha ng litrato kasama siya kanina,” saad ni Wendelyn.
Narito na siya? Ang aga naman niya! Ano ba itong nararamadaman ko! Nakakainis na damdamin.
“Here, isa sa nag-post, she’s from the business department tapos nakasabay niya sa garden kanina si Rap,” wika niya sabay pakita ng picture sa akin.
Tama nga siya, kanina lang iyon mga thity minutes na ang lumipas. Medyo payat na si Rap kumpara nang huli ko siyang makita sa airport.
“Tama ka, narito na siya...” sambit ko.
“T-Teka! B-Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong masama?” tanong ni Wendelyn.
Umiiyak ako? Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ang larawan ni Rap. Bakit? Bakit ako umiyak?
“Hala! Umiiyak si Lauren, bakit kaya?” tanong ng iba namin na classmate.
“Pinaiyak ba siya ni Wendelyn? Mukhang hindi naman,” saad naman ng isa pa.
Ayaw kong maissue si Wendelyn kaya naman agad akong humingi ng paumanhin saka ngumiti sa harapan ng iba.
“Pasensiya na, hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha, siguro sobra nang dami ng fluids sa katawan ko,” pabiro kong sabi habang pinupunasan ang aking pisngi.
“Teka, pupunta na muna ako sa banyo, and guys, please huwag ninyong pag-iisipan ng masama si Wendelyn, hindi niya ako pinaiyak,” saad ko.
Tumakbo na ako palabas ng classroom pero nilagpasan ko lang ang banyo. Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa makababa ako sa building. Hindi ko alam kung saan ako ipinupunta ng aking mga paa pero...
“Isang sulyap lang,” sambit ko.
Pero kung patungo ito sa iisang tao na sobra nilang namimiss, pagbibigyan ko ang aking sarili sa pagkakataon na ito.
“Wala siya rito,” sambit ko.
Wala siya sa department building nila. Saan naman kaya aiya maaring magpunta? Teka... nandoon kaya siya?
Tumakbo akong muli. Wala akong paki sa mga sasabihin ng ibang estudyante habang nakikita nila akong tumatakbo sa loob ng school. Ang mahalaga ngayon sa akin ay makita sa muling pagkatataon si Rap.
“Rap...” bulong ko.
Nakikita ko siya ngayon na nakaupo sa bench dito sa garden. Ang favorite spot namin kapag nakatambay dito. Mukha siyang natutulog dahil nakapikit siya.
“I’m happy to see you again,” bulong ko habang umiiyak.
Nasobrahan ako sa tuwa nang makita si Rap. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.