Chapter 17

1558 Words
Sinundo na ako ng driver na ipinadala ni VJ. Sa buong araw ay hindi ko binalak na mag-usisa sa naganap na kasal ni Rap. Ang tanging nais ko lang ay maging payapa ang aking isipan sa araw na ito. “Ma’am, narito na po tayo,” wika ng driver. Ibinaba niya ako at napatingin sa gusali. Isa itong hotel kaya naman agad akong nagpadala ng text kay Alyssa kung na saan ako ngayon. Bigla kasi akong kinabahan nang makita ang lugar na ito. “Sure ka ba? Dito talaga?” tanong ko. Hindi ko inaasahan na dito ang lugar na pinaghandaan ni VJ para sa aming anibersyo. Naiisip ko na baka nagkamali lang ng address ang driver. “Yes, Ma’am,” sagot ng driver sa akin. Walang pag-aalinlangan akong sinagot ng driver. Siguradong-sigurado siya na tama ang lugar na ito. “Kuya, baka nagkakamali ka lang? Wala naman siyang sinabi tungkol dito,” saad ko. Habang sinasabi ko iyon ay puno na ng iba’t ibang senaryo ang aking isipan. Talagang nagdadalawang-isip ako ngayon at kasabay nito ay ang kaba na nararamdaman ko. “Sigurado po ako, siya na lang ang tanungin ninyo para maniwala kayo,” turan naman ng driver. Mukhang nainis na sa akin ang driver dahil sa paulit-ulit na tanong ko sa kaniya. Hindi naman niya ako masisisi dahil kinakabahan ako pagtapak ko pa lang sa harap ng hotel na ito. “S-Sorry,” tugon ko. Napailing na lang ang driver saka umalis at nagparada sa parking area. Nanatili akong nakatayo sa may tapat ng entrance dahil wala pa akong natatanggap na mensahe mula kay VJ na pumasok na ako. “Sana talaga mali itong address ko,” wika ko pa. Wala pa atang limang minuto ay nakatanggap ako ng tawag mula sa kaniya. “Hello?” sambit ko. Punong-puno ako ng pag-asa na sana talaga nagkamali lang ang driver at saka niya sasabihin sa akin na humihingi siya ng pumanhin. Ngunit taliwas sa iniisip ko ang nangyari. “Katatawag lang sa akin ng driver narito ka na raw? Pumasok ka na at dumiretso rito sa loob ng restaurant,” saad ni VJ. R-Restaurant?! M-May restaurant pala sa loob ng hotel na ito? Hindi ko alam! “G-Ganoon ba? S-Sige,” tugon ko. Nakaramdaman tuloy ako ng hiya. Naisipan ko pa ng masama si VJ, hindi ko naman kasi alam na may restaurant sa loob ng hotel na ito. Natawa naman si VJ, “Sabi rin pala ng driver sa akin, kabado raw ang itsura mo nang makita mo ‘tong building, huwag kang matakot, okay?” aniya. Nakakahiya talaga! Itong si Manong driver kung makapagsumbong sa amo wagas, pati reaksyon ko sinabi pa eh. Pero gumaan ang pakiramdam ko sa kaniyang assurance. “O-Oo naman! Sige, papunta na ako diyan,” wika ko. Ako na ang nagbaba ng tawag para makapunta na sa restaurant. Dali-dali akong pumasok sa loob at kumilos ng normal sa harap ng ibang tao na narito. Ang daming tao sa loob at mukhang mga elegante ang mga narito. Ito ba ang tinatawag na 5 star hotel? Even the interior design ay sobrang eleganteng tignan at kulay ginto pa kaya mas lalo pang naging mas sosyal. “Excuse me,” wika ko sa front desk. Ngumiti sa akin ang staff at binati ako,” Good evening, Ma’am, what can I do for you?” aniya. “Can you point the way to the restaurant?” I asked. Nakakahiya man na magtanong pero wala akong magagawa. Ang laki ng hotel na ito nakakapaikot ikutin itong lobby tapos samahan pa ng suot kong heels. Sobrang nakakapagod na. “That way, Ma’am,” the receptionist replied. She pointed the way where I came from pero ang tanging nakita ko lang ay maraming upuan. “If you go straight that way, it will lead to our restaurant,” saad pa ng receptionist. Ganoon pala. Hindi kasi ako dumiretso sa daan na iyon, feeling ko kasi banyo lang. “Okay, thank you,” sambit ko. Gaya ng sinabi ng receptionist ay tinungo ko ang daan na iyon at nagulat ako dahil entrance na iyon ng hotel at hindi pala banyo gaya ng nasa isip ko. Pagpasok ko ay bumati agad ang mga waiter at waitress na naninilbihan doon. Lumapit ako counter at nagtanong kung saan nakaupo si VJ. “Mr. Vic Jay Saavedra? Oh! I found him sitting number! Oi! Please lead young lady to section 4 near the window,” turan ng nasa counter. Agad naman na lumapit sa akin ang isang waiter at pinangunahan ang paglalakad. Grabe, hindi ako makapaniwala na makakaapak ako sa ganitong kaganda na restaurant. Hindi ko na nga namalayan na nasa harap ko na ang mesa kung saan naghihintay si VJ sa akin. “There you are!” bulalas ni VJ. Hinagkan niya ako at inalalayan na makaupo. Syempre hindi ko naman nakalimutan na magpasalamat sa naghatid sa akin na waiter. “Thank you,” wika ko. Napangiti sa akin ang waiter at saka tuluyan nang umalis upang bumalik sa kaniyang pwesto. “Thank you, ang ganda rito,” wika ko naman nang makaupo na ako ng maayos. “Tama ka pero wala ng mas gaganda pa sa iyo,” saad ni VJ. Ewan ko ba pero nag-init ang mukha ko nang sabihin niya iyon. Madalang lang ako makarinig ng ganoon na compliment, kadalasan kasi puro tungkol lang sa awit at boses ang pinupuri ng mga tao. “You’re blushing,” aniya. Mukha siyang nagulat nang makitang namumula ako sa hiya. Parang nakakailang tuloy ngayon dahil bigla na lang siyang ngumiti. “Its rare to see you being so flustered by my words kaya naman masaya akong makita na kahit papaano may improvement ‘tong relasyon natin,” saad pa ni VJ. Tama siya. Pero iba ngayon... mas grabe ang naramdaman kong init sa mukha at biglaan na bilis ng t***k ng puso. Tungkol sa relasyon namin ay naging maganda rin sa kaniyang imahe, wala ng gaya noon na balita na paiba-iba siya ng babae. “G-Grabe ka naman! H-Halika na at nang makakain na,” wika ko. Naiilang ako. Sobra akong naiilang at sinabayan pa ng kaba. Hindi naman ganito ang pakiramdam ko sa kaniya noon kapag magkasama kami, siguro dahil lang iyon sa kaba na naramdaman ko at sa pagsisigurado niya na safe at walang mangyayari sa akin kaya ako ganito. Tumingin na kami ng maaring kainin sa menu. Halos lahat ng pagkain ay mukhang masasarap at bubutas ng bulsa ng isang ordinaryong tao. Nakakaiyak ang mga presyo! Nakakaawa tuloy kung si VJ lang ang magbabayad ng kakainin namin kaso ang cash ko lang dito ay limang libo dahil ipinasok ko na ang lahat ng pera ko sa bangko. “Are you done?” tanong ni VJ. Nakangiwi akong tumingin kay VJ saka tumango. Natawa siya roon at nagsabi pa na huwag akong mag-alala dahil pinaghandaan niya talaga ang gabi na ito kaya hindi mabubutas ang bulsa niya gaya ng iniisip ko. At dahil na naman sa assurance niya ay muntik na akong mapaiyak. Tinawag na niya ang waiter at ibinigay ang order namin. Hindi naman ganoon katagal ang hinintay namin at dumating agad ang makakain. As the hours passed, mas lalo pang dumami ang napag-uusapan namin ni VJ. Komportable na kasi ako sa presensya niya kaya mas nailalabas ko ang tunay na ako. “Nabusog ka ba?” tanong ni VJ. Tumango ako habang nakangiti. “So, saan mo naman gusto magpunta pagtapos nito?” tanong ni VJ. Saan ko gustong magpunta? Saan nga ba? Sa bahay? Sa totoo lang wala akong maisip na maari namin na puntahan ngayong gabi. “Ano kasi... sa katunayan...” sambit ko. Hindi ko alam kung paano ako magsasabi sa kaniya ng nasanisip ko. Nakakahiya kasi ang lalabas sa bibig ko. “Ano iyon?” tanong ni VJ. Tumingin ako sa plato at nilaro ang mga daliri ko. Hindi ko magawang tignan siya sa mata. “Ano... wala akong maisip, nasanay ako na ikaw ang nagpaplano ng mga gagawin,” saad ko. Nagulat nang bahagya si VJ sa sinabi ko at biglang tumawa. “Iyon lang ba? Mag-isip ka na, hindi naman pwedeng ako ang magdesisyon dapat pati ikaw para balanse ang relasyon natin,” saad ni VJ. Hindi ko inaasahan iyon. Iba kasi ang tingin ko sa kaniya, na bossy siya, na gusto niya siya ang nasusunod, at nagdedesisyon sa lahat ng mga bagay pero ngayong gabi tinanong niya ako sa unang pagkakataon. “Ano? Saan mo gusto?” tanong niya. Napatingin ako sa suot kong relo, alas nuwebe na rin pala ng gabi. Hindi ko alam kung bukas pa ba ang lugar na iyon kapag nakarating kami. “Ang lalim niyan,” aniya. Nagulat ako. Nakatingin pala siya sa akin at nakita niya ang pagbuntong hininga ko. “Wala kasi talaga akong naiisip ngayon pero kung bukas tayo gagala marami akong gustong puntahan,” saad ko. “Ganoon ba? Kung ganoon, may part 2 pa pala itong anniversary natin,” turan niya Part 2... mukhang masaya nga iyon. Tumango ako, “Oo, mukhang mas masaya kung ganoon,” tugon ko. Matapos iyon ay ipinagpatuloy na namin ang aming kinakain dahil may side dishes pa pala. Our first anniversary went out as a great night to both of us. Mas nagiging panatag kaminsa isa’t isa habang tumatagal. Sana magtuloy-tuloy pa ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD