Chapter 19

844 Words
Si Rap iyon... totoo nga ba ito o gawa lang ng likhang isip ko? Kay tagal ko siyang ‘di nakita pero ngayon nandito na siya ulit. Hindi ko mapigilan na hindi tumulo ang mga luha sapagkat sobra akong nanabik sa kaniyang presensiya. “R—” Natigil ako nang isang babae ang lumapit sa kaniya at inabutan siya ng tubig. “Sorry, I took so long para lang sa bottle water,” saad ng babae. Mabuti at hindi ako ganoon kalayo sa kanila dahil naririnig ko ang kanilang pag-uusap. Nagtago ako sa likod ng puno para hindi nila mapansin. Hindi ko masyadong makita ang mukha ng babae dahil bahagya siyang nakatalikod pero... ang saya nilang tignan habang nag-uusap. “Ayos lang, mahangin naman dito sa pwesto ko,” turan naman ni Rap. He’s smiling. They are both smiling at each other. Sino ang babaeng kausap niya ngayon? “Yeah, ang sarap magpahinga rito,” tugon ng babae. “Masaya ako at nakatungtong akong muli sa eskwelahan na ito at muling makapag-aral,” wika ni Rap. Bakit parang ang lungkot ng pagkakasabi niya? Siya itong nag-abroad dahil doon na sila titira, ‘di ba? Sabagay, wapa naman sa kaniya ang desisyon na iyon kung hindi sa magulang niya. “This school is so big, I might be lost if you didn’t point the direction,” saad ng babae. Nagulat ako nang humarap sa akin ang babae kaya naman agad akong nagtago muli sa likod ng puno. Nakita ko nang husto ang mukha niya habang nilalanghap ang hangin. It was Cheska, the one he married. Bakit? Hindi naman sinabi ni Ram ang tungkol dito kanina sa akin. Parang wala nga siyang alam habang kausap ko basta ang alam niya lang ay nandito si Rap. “Yeah, so did you meet him by chance?” tanong naman ni Rap. Him? Sino? Sa sobrang daming lalaki rito sa school ay wala akong maiisip agad na maaring maging kakakilala nng babaeng iyan. “Nope, but I want to see him,” sagot naman ni Cheska. Sino ba ang tinutukoy nilang dalawa? Hindi ba dapat ‘her’ kasi ako ang dating kasintahan niya? Huwag niyang sabihin na may lalaki si Rap noon at pinagsabay kami?! Erase. Erase. Hindi maari iyon, straight si Rap. Pero sino ba ang kanilang tinutukoy? Curious na ako. “Do you want me to call him?” tanong ni Rap. Bakit ba hindi na lang nila tawagin sa pangalan iyon? Naiintriga na ako rito sa likod ng puno eh. “No, don’t, he might be mad if you ever you—” sambit ni Cheska. “— it’s okay, he will understand,” saad ni Rap. Ano ba ito si Rap, nampuputol ng sinasabi ni Cheska. Hindi ko tuloy alam ang ibig sabihin niya. “Should I call him na?” tanong muli ni Rap. “No, I’m the one who’ll call him,” sagot naman ni Cheska. Biglang tumapang ang sagot ni Cheska. Dahil sa sinabi ni Rap, biglang nagbago ang pananaw niya sa kung sino man ang ‘him’ na tinutukoy nila. “Teka, I haven’t seen your beloved girl, she didn’t know?” tanong ni Cheska. Beloved girl? May minahal na ibang babae si Rap bukod sa akin?! “Maybe, but some people know that I am here, baka hindi nila masabi sa kaniya,” sagot ni Rap. Nasabi naman sa akin ni Ram, so ibig sabihin hindi lang ako ang babae niya noon? May isa pa? Niloloko niya ako? “I can’t wait to see her pa naman, look, I dress so well for this day,” saad ni Cheska. Tama siya, ang ganda niya at mas lalo pa siyang pinaganda ng kaniyang suot na dress. Para nga siyang isang prinsesa na galing sa isang fairy tale. Panigurado matutuwa sa kaniya ang directress ng paaralan. “Its okay, you’ll see her anyway kasi nandito tayo sa school,” turan ni Rap. “Tama ka! I won’t lose hope! Baka mamaya magkita pa kami ng ‘di inaasahan!” bulalas ni Cheska. High spirit, masaya kasama, at higit sa lahat maalaga at mapagmahal. Walang-wala ako kumpara sa kaniya kaya pala siya ang piniling pakasalan ni Rap. “Anong ginagawa mo diyan? Alam mo bang masama ang makinig sa usapan ng ibang tao?” tanong ni Ram. Nataranta ako sa gulat kaya naman napalabas ako sa likod ng puno. Napalingon ako sa likod kung saan naroon ang dalawa. Nakita nila ako, mukhang nagtataka sila kung bakit ako nakikinig. “R-Ram,” tawag ko. Nakakahiya. Ganito nila nila ako nakita, nakikinig sa usapan nila. “Ram?” tawag ni Cheska. Kilala niya si Ram? Sabagay matalik na kaibigan siya ng kaniyang asawa. “Imee...” sambit ni Rap. Nagulat si Cheska nang banggitin ni Rap ang pangalan ko. Bakit? “Nandiyan pala kayong dalawa,” sabi ni Ram. Inakbayan ako ni Ram at inalalayan na lumapit na lumapit sa dalawa. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nahihiya ako sa sitwasyon na kinalalagyan ko ngayon. “H-Hello...” iyon lang nasabi ko sa sobrang hiya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD