Nasa block section lang ako kaya naman walang alisan na naganap sa silid aralan maliban na lang ngayon na may free time kami ng buong klase. Sakto at tanghali ang naging schedule nito kaya naman naisipan kong bumaba na muna sa cafeteria upang mananghalian.
Dahil nga medyo sikat ako bilang mang-aawit at minsan ay napapasama sa mga gig na ipinapalabas sa telebisyon ay mayroong mga kapwa ko mag-aaral sa Fairy Land University na nanghihingi ng aking autograph o hindi kaya ay nagpapa-picture kasama ako. Karamihan ngayon sa mga ganoon ay mga first and second year level na nakakasalubong at nakikilala ako habang naglalakad sa campus ground.
Habang naglalakad ako ay nagpalinga-linga ako. Sa katunayan kasi, inaasam-asam ko pa rin na makita si Rap-Rap kahit sa malayo lang. Kahit na alam ko na mayroon na siyang ibang babae na minamahal ay hindi ko talaga inasahan na magkakaroon ang dalawa na iyon ng relasyon. Sa pagkakatanda ko kasi ay maraming nagkakagusto kay Mj pero kung hindi ako nagkakamali ay babae ang hanap niya kaya naman nakapagtataka ang sitwasyon ngayon.
“Ate Lauren!” sigaw sa akin ni Alyssa.
Tumatakbo ito papalapit sa akin kasunod ang kaniyang iilan na kaklaseng babae at si Austin.
“Oh, bakit?” tanong ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin.
Hingal na hingal si Alyssa mula sa pagtakbo. Hindi ko alam kung bakit niya naisipan na tumakbo gayong maari naman akong maghintay sa kaniya na hindi siya tumakbo.
“My God, Ate!” bulalas ni Alyssa.
Naguluhan ako sa kinilos niya.
“Ano ba iyon?!” tanong kong muli.
Ngumuso lang sa akin si Alyssa na tila ba nagtatampo.
“Hindi ba’t may usapan tayo kanina? Saan ka ba pupunta at hindi mo ako kinontak?” turan niya.
Iyon pala. Ang paglabas namin sa school kahit na may nalalabi pa kaming klase. In short, we will do cutting classes.
“Seriously, Aly? Gagawin talaga natin iyon... with your friends and Austin?” I asked with hesitation.
Kasi naman. If ever na gawin namin iyon, ito ang magiging unang beses at kung magkataon, ay baka iyon na rin ang maging simula nang palagian kong pagliban sa mga klase.
“Of course, Ate! We need to celebrates your break up!” Alyssa exclaimed.
At dahil napalakas ang boses niya. Inilibot ko ang aking tingin sa paligid namin at hindi nga ako nagkamali, ang mga mata ng nasa paligid namin ay nakatuon na sa akin.
“Aly, please lower your voice, nakaka-agaw ka ng pansin,” mahina kong sambit.
Mag-iisang araw pa lang nang makipag-hiwalay sa akin si Rap kaya naman wala pang issue o tsismis pero ngayon mukhang magkakaroon na dahil sa parang microphone na boses ng nag-iisa kong kapatid.
“Sorry, carried away lang,” sambit ni Alyssa.
And then, nagsimula na ang mga bulungan. Ang sakit lang para sa akin na nagmukha akong kawawa sa paningin nila. Kinakabahan ako kaya napapikit na lang ako at hinintay na mawala ang mga usapan.
“Kaya pala magkasama kanina sina Mj at si Rap-Rap sa garden, nag-post pa nga ‘di ba?” sabi ng isang babae na nakaupo sa may bench.
“Oo, I saw that in f*******:, ‘Day! Hindi ba’t magkababata lang ang dalawa? Pero dahil sa narinig ko mula sa kapatid ni Lauren mukhang may relasyon nga, kailan kaya sila naghiwalay?” turan naman ng isa pang babae na nakaupo rin sa may bench.
I feel something strange. Parang nanahimik ang paligid ko kaya naman idinilat ko na ang aking mata at nakita ko na nilapitan ni Alyssa ang dalawang babae na nakaupo sa may bench.
Gusto kong pigilan si Alyssa pero ayaw gumalaw ng aking mga paa. Aminado akong takot ako, takot ako sa sasabihin ng mga tao sa akin.
“Excuse me? Kung pag-uusapan ninyo ang Ate ko, maari bang gawin na lang ninyo ‘yan doon sa wala siya? Alam naman ata ninyo ang pakiramdam ng nasasaktan kapag naghiwalay ‘di ba? Thank you po,” turan ni Alyssa.
Napansin ko na tila ba naintindihan nila ang ibig sabihin ni Alyssa.
“S-Sige, pasensiya na rin,” saad naman ng dalawang babae.
Humarap muli si Alyssa sa amin at biglang ngumiti.
“Guys! Yes, it is true that Ate Lauren and her boyfriend broke up last night, kaya sana huwag na ninyong pag-usapan si Ate kapag nandiyan siya, I know that you people don’t know how to hold back when it comes to an rumor, right? But please, be considerate about someone’s feelings,” bulyaw ni Alyssa.
Literal na nilakasan ni Alyssa ang kaniyang boses para marinig ng naroon ang kaniyang sasabihin. Namangha pa nga ako dahil wala akong kakayahan na harapin ang mga kinatatakutan kong bagay, pero siya? Kayang-kaya niya at hindi man lang siya naiilang o kinakabahan man lang.
“Okay ba iyon? Salamat sa pag-intindi, thank you!” aniya.
Tapos lumapit na siya sa amin at hinila ako. Sumunod naman sa amin ang mga buntot niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero napangiti ako dahil sa ginawa niyang pagtatanggol sa akin kanina.
“Aly...” mahina kong sambit.
Sa sobrang hina ay hindi iyon narinig ni Alyssa. Basta diretso lang ang paglalakad niya hanggang sa napadaan kami sa garden. Hindi ko maiwasan na hindi iyon lingunin kaya naman natuon doon ang aking paningin habang hila-hila ako ng aking kapatid.
Hindi sinasadya na magtama ang aming mga mata ni Rap. Naroon siya, nakaupo at katabi ang kaniyang kababata na ngayon ay iniisip ko na karelasyon niya. Kapwa kami nagulat sa ‘di inaasahan na pagtatagpong iyon, gusto kong huminto para komprontahin siya ngunit tila ba iba ang nais ng aking isipan dahil patuloy pa rin ako sa paglakad.
Bago pa ako tuluyang makalayo at mawala siya sa aking paningin ay napansin ko pa ang kalungkutan ng kaniyang mga mata. Kung paano niya akong tignan ay sobrang lungkot ng mga ito hanggang sa nakita ko na inilapat ni Mj ang kaniyang dalawang sa pisngi ni Rap.
Iyon na ang huling imahe na aking nakita sapagkat sobrang layo ko na mula sa garden. Ang imahe na tumatak sa aking isipan, na paulit-ulit kong nakikita sa aking isip, na siyang biglang nagpatulo ng aking mga luha.
“Ate, get in!” utos sa akin ni Alyssa.
Hindi ko namalayan na nasa parking lot na kami ng school at nasa tapat ng kotse na sinakyan kaninang umaga ni Alyssa pabalik ng bahay.
“Ate, why are you crying?” tanong ni Alyssa na puno ng pag-aalala.
I wiped my tears using my own hands. And then, I shook my head.
“Wala naman, napuhing lang ako habang papunta rito,” sagot ko habang natatawa pa.
“Are you sure?” tanong muli nito.
“Yes, and by the way, paano ako papasok sa loob? Dk you have the keys?” turan ko.
Nanlaki ang mata ni Alyssaa saka tumawa. Ipinatong pa ang kaniyang kamay sa kaniyang batok. Natawa ata sa sarili.
“Ang bilis mo naman na magalakad!” bulalas ni Austin.
“Oo nga, para kang may tinatakbuhan,” wika naman ng isa pang lalaki na kasama namin.
“True ‘yan, nakakahingal kang habulin,” saad naman ng kasama ni Aly kanina sa sasakyan na which I assumed na may-ari ng kotse na ito.
Hingal na hingal kasi ang tatlo. Mukhang sanay silang sumakay at hindi sila gaano naglalakad.
“Wala ba kayong exercise? Hingal na agad kayo samantalang paglalakad lang naman ang ginawa natin at hindi pagtakbo,” turan naman ni Alysaa.
“Ay ewan ko sa iyo, Bes, mauuna ako at kailangan kong maupo,” tugon naman ng babae.
Binuksan na ng babae ang sasakyan saka naman sumunod ang dalawang lalaki na hinihingal din.
“Mauupo na rin muna ako,” saad ni Austin.
Wala kaming nagawa kung hindi makipagsiksikan kay Austin sa likod. Ang isang lalaki ay naupo sa unahan, at napansin ko pa na naghawak ang daalwa ng kamay sabay ngiti.
“By the way, I am Charlene, Alyssa’s classmate and you know, she is my friend....” pakilala naman niya sa akin.
Inilaahad niya ang kaniyang kamay na siyang inabot ko.
“Nice to meet you,” saad ko.
Tapos sunod naman na nagpakilala ay ang lalaki na nakaupo rin sa unanahan.
“I’m Daniel,” sambit nito.
Kaya naman agad din akong nakipag-kamay sa kaniya. Napag-alaman ko na magkasintahan pala ang dalawa kaya pala nakita ang mga ito kanina na pasimpleng naghawak kamay.
“Let’s go na,” wika ni Alyssa.
“Saan ba tayo pupunt?” tanong naman ni Charlene.
“Sa mall, mag kakaraoke lang tayo,” sagot ni Alyssa.
Karaoke?
“Para naman mailabas ni Ate ang gusto niyang iiyak tapos kasabay niyon ay ang pag-eensayo na rin niya dahil bukas ay mayroon siyang gig,” saad pa ni Alyssa.
Loko. Ginawa pang dahilan ang gig ko. Lakas ng tama.
“Okay, here we go,” sambit ni Charlene.
At pinaandar na nga ang sasakyan at tumungo kami sa naturang mall na sinasabi ni Alyssa.