chapter 4

1087 Words
Nang dumaan ang sunod na bus na dadaan sa school namin ay sumakay agad ako. Doon ako naupo sa pinaka-dulo dahil wala naman masyadong pasahero at hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Ilang sandali pa ay lumapit na sa akin ang konduktor at naningil na ng pasahe. “Ayos ka lang ba, Miss?” tanong ng babaeng konduktor. Napansin ata ang pagpunas ko ng luha saka ang pagsinghot ko ng sa aking ilong. Ngumiti ako, “Wala naman po, napuhing lang kanina habang naghihintay ng bus,” sagot ko. Mukha naman na naniwala sa akin ang konduktor at hindi na nagtanong pa. Kumuha na ako ng bente pesos para magbayad. “Sa Fairy Land University lang po,” wika ko. Cute ng name ng school ko ‘no? Paano ba naman kasi ang may-ari na babae ay mahilig sa mga imagination happy ending with magical powers. Samantalang siya, single pa rin kahit na nasa mid 40’s na ang kaniyang edad. Napapaisip tuloy ako sa isang bagay dahil doon. Kung ano ang nais ay siyang ‘di makakamtam—gaya ng pag-ibig ko kay Rap... “Ang cute talaga ng name ng paaralan na pinapasukan niyo,” saad ng konduktora. Nagpigil ako ng tawa at napangiti na lamang. Mahirap na magsalita baka mamaya makaabot sa eskwelahan ang sinabi ko at mapatawan pa ako ng parusa. Inabot na sa akin ang ticket at iniwan na niya ako sa dulo. Napasinghap ako at umusog ng kaunti sa bandang bintana para mag-moment sandali. Habang umaandar ay nakatanaw ako sa mga kasabayan namin na sasakyan mula sa kabilang linya. Bigla kong nakita ko si Alyssa, ang aking kapatid. Sa sobrang gulat ko ay gusto kong buksan ang bintana, nakalimutan ko na de aircon na bus ang aking sinakyan at ‘di maaring buksan ang bintana. Shocks! Anong ginagawa ni Alyssa sa sasakyan na iyon? Hindi ako maaring magkamali sa mukha ng aking kapatid. Siyang siya iyon. Hinabol ko pa ng tingin ang sinasakyan ni Alyssa pero ‘di ko na matanaw dahil magkasalungat kami ng daan. Nang hindi ko mabuksan ang bintana ay agad kong kinuha ang aking cellphone saka ako tumawag sa kaniya. Dalawang ring lang ang nangyari at sinagot na ni Alyssa ang aking tawag. “Hello, Alyssa?” bungad ko. “Napatawag ka ate,” sambit ni Alyssa. Pinakinggan kong maigi ang nasa kabilang linya. Tama ako, wala siya sa eskwelahan dahil nakakarinig ako ng busina. “Gusto ko lang malaman kung na saan ka,” saad ko. Kailangan kong diretsuhin baka mamaya maka-isip pa ng idadahilan. “Nasa sasakyan, pabalik ng bahay kasi nakalimutan kong dalhin ang science project namin,” tugon ni Alyssa. Phew! Mabuti na lang at ‘di nagsinungaling ang bata iyon kung hindi baka makonyatan ko siya mamaya. “Nakita kasi kita kanina akala ko namamalik-mata ako,” turan ko. Tumawa naman si Alyssa mula sa kabilang linya at saka may kinausap. “Oo, nakita nga niya tayo,” wika ni Alyssa mula sa kabilang linya. “Grabe ang linaw ng mata ng ate mo,” sambit naman ng kasama nito na babae. Nagtawanan naman sila sa kabilang linya. “Kaya nga eh, akala ko ‘di tayo mapapansin kanina,” wika pa ni Alyssa. Umubo ako ng pakunwari para ipaalam na nasa linya pa ako at naririnig ko sila. “Ay ate! Sorry, nakalimutan na kita,” turan ni Alysaa. “Pansin ko nga, na-etchapwera na nga ako dito eh,” tugon ko. Natawa na naman si Alyssa dahil sa sinabi ko. “Sorry, bakit ka nga pala nasa bus? Late ka na sa school,” tanong ni Alyssa. Tama siya! Late na ako sa morning classes ko. Malalagot ako sa Professor namin. “A-Ako? Nakatulog kasi ako kanina,” sagot ko. Liar. Nasobrahan sa tulog kaya namugto ang mata? Sana man lang nag-isip ako ng mas maganda sagot. “At saka, ayos lang na mahuli ako, ito pa lang naman ang unang beses na nagawa ko ito eh,” saad ko pa. Yes, this is the first time and apparently will be the beginning. I am consistent in being an early bird at class, but now... “Nako! Sama ka na lang sa amin mamaya ng mga friends ko, I know that you don’t want to go to school today, I have a feeling, Ate...” turan ni Alyssa. “Parang wala kang klase mamaya, ang lakas mo pang mag-aya,” tugon ko. “Nako! Kung may first time ka, syempre dapat ako rin, if ever na sumama ka ibig sabihin hindi ako papasok mamaya para damayan ka sa pinagdadadaan mo ngayon,” saad na naman ni Alyssa. Bakit pakiramdam ko mas magaling pa itong kapatid ko sa sitwasyon ngayon? Kahit na may mali ay napapagaan niya ang aking kalooban dahil sa pannaalita niya. Ako ang nakatatanda sa amin pero parang mas matured na siya mag-isip at kumilos kaysa sa akin. “Oo na, sige na, basta pumasok ka na muna sa morning class mo,” wika ko. “Talaga? Yehey!” magiliw na tugon ni Alyssa sa akin. Pero kahit na matured siyang kumilos at mag-isip ay babalik at babalik pa rin siya sa pagiging isang bata. Sana hindi niya maranasan ang sakit na nararamdaman at pinagdadaanan ko ngayon. “Ibababa ko na muna ito, malapit na ako sa school,” saad ko. Nakikita ko na ang eskwelahan na pinapasukan ko. Sana talaga ay huwag na munang magsalubong ang landas namin ni Rap, parang hindi ko siya kayang harapan ngayon lalo na sa nalaman ko about sa kaniyang kababata. “Okay, okay, see you!” sambit ni Alyssa saka niya tuluyang hininto ang aming pag-uusap. “Oh, FairyLand na!” sigaw nang konduktor. May iilan din pala akong nakasabay na kapwa ko mag-aaral na pumapasok sa eskwelahan na ito. Hindi nila ako napansin dahil wala akong make up at normal na college girl lang ang aking datingin. Mabuti na rin iyon para walang nagkakagulo if ever na may makakilala sa akin. As I stepped out of the bus, I heaved a deep sighed. “This is it! Wish me luck na huwag kaming magkita,” I said to myself. I composed myself. Dapat akong magpakatatag lalo na ngayon na nasa iisang lugar lang kaming tatlo. Hindi dapat akong magpakita ng kahinaan lalo na sa kaniya. Tuluyan na akong pumasok sa loob ng campus at dumiretso sa aking silid aralan. Kita ko mula sa labas na wala pa si Professor kaya naman taas noo akong pumasok sa loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD