Chapter 6

1214 Words
And so we did. Kung ano ang sinabi ni Alyssa kanina ay siyang aming ginawa. Kumain, naglaro, at pang-huli ay nagpunta sa karaoke para kumanta. “Astig! Live performance ito guys! legit!” bulalas ni Charlene habang nakatutok sa akin ang camera ng kaniyang cellphone. Mukhang nag-live siya sa kaniyang account. At dahil doon ay ramdam ko ang sermon ni Mama mamaya pag-uwi ko if ever na makarating sa kanila ang video. Nang matapos ang kinakanta ko ay palihim kong siniko si Alyssa para inguso ko ang cellphone ni Charlene. “What?” tanong ni Alyssa. Ngumuso ako ulit sa direksyon na kinauupuan ni Charlene na masayang-masaya na kumukuha ng live video namin habang nasa loob ng karaoke. “That, pakisabi na pakibura ang video ko na kumakanta,” sagot ko. Naintindihan na rin sa wakas ni Alyssa at huli na nang mapagtanto niya iyon. Nataranta pa nga si Alyssa dahil alam niya kung anong ibig kung sabihin—si Mama. Pinagmasdan ko lang ang dalawa habang sila’y nag-uusap. Mukhang nakumbinsi na siya ni Alyssa kasi ibinaba na niya ang cellphone at itinigil na ang pagkuha sa amin. “Pasensiya na, nakalimutan kong school hours pa pala natin,” aniya. As what I thought, magaling sa paliwanagan si Alyssa. Wala atang hindi kayang gawin si Alyssa, sobra niyang perpekto. “Ayos lang, hindi naman mahilig sa gadget o electronics ang parents ko kaya hindi nila mapapanood ‘yang live mo,” saad naman ni Daniel. Nakakatuwa ang ibang tao. Kaya nilang gawin ang mga bagay na walang kahirap-hirap sa kanila. Lalo na si Alyssa, she are good with communication. Hndi gaya ko na maninigas lang sa kinatatayuan if something bad going to happen. “Sa iyo, hindi, pero kasi kina Alyssa at Ate Lauren... basta magkaiba kayo ng magulang,” turan naman ni Austin. “Guys, stop it, pare-pareho tayong malalagot if someone’s watched that live from our school,” turan ni Alyssa sa dalawang lalaki. “Paasensiya na talaga, itinutok ko pa man din ang lente ng camera sa iyo kanina habang kuamkanta,” saad muli ni Charlene. Mababakas sa mukha niya ang paghingi niya ng dispensa sa kaniyang nagawa. Well, hindi naman kasi niya sadya iyon and besides, she doesn’t know about or having a strict parents like my Mom. “Ayos na, magsaya na tayo ulit,” sambit ko. Nagsaya na kami ulit. Kanta rito, kanta roon, hanggang sa magsawa na kami sa pagkanta. “Guys, boring na,” sambit ni Daniel. “Yeah, and look... ginabi na tayo,” sabi ni Charlene while lookibg at her wrist watch. Napatingin din ako sa oras sa aking phone. Tama si Charlene na ginabi na kami sa pagkanta dahil hindi namalayan na alas siyete na ng gabi. Sino bang mag-aakala na aabutin kami rito ng higit kumulang anim na oras? Wala. Sobrang nag-enjoiy lang talaga kami. “And... nagugutom na ako,” sambit naman ni Austin. We did eat when we arrived, and we eat some snacks during our karaoke time. “Dahil sinabi mo iyan, nakaramdam na rin ako ng gutom,” wika ni Alyssa habang nakahawak sa kaniyang tiyan. “Me too,” sambit ni Charlene. At dahil gutom na ang apat na batang ito ay napagpasyahan kong ilibre sila dahil sinamahan at dinamayan nila ako ngayon. “Tara na, libre ko,” saad ko. Matapos kong sabihin iyon ay tila ba nagningning ang kanilang mga mata na nakatingin sa akin habang nakangiti. “Tara na! Manlilibre si Ate!” sigaw ni Alyssa. Nauna itong lumabas sa karaoke hub at sinundan naman ng tatlo. Natawa na lang ako sa nakita ko, ang kukulit nila at alam mo iyon tipong stress free? Nasa kanila ang definition niyon. “Hoy! Teka lang, hintayin ninyo ako!” bulyaw ko. Sinundan ko sila hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang fast food—Mang inasal. Sobrang dami ng tao pero may iilan pa rin na bakante ang mesa. “Kain...” sambit ko. Nagdalawang-isip ako. Bigla ko kasing naalala na pagagalitan ako ni Mama kapag kumain ako ng higit sa isang tasa ng kanin. Pero nagbago iyon nang hawakan ni Alyssa ang aking kamay. Tila ba nawala lahat ng pangamba ko dahil sa kaniyang sinabi. “Its okay, wala si Mama ngayon, you can eat lots of rice tonight,” saad ni Alyssa sa akin. Dahil din doon ay nagkaroon ako ng lakas ng loob na talagang subukan lahat. Lahat ng ‘di ko nagawa dahil sa may iniingatan nga ako na “pangalan”. “Tara, pasok na tayo at umorder ng makakain,” wika ko. Pumasok na kami sa loob. Pumila na sa counter habang ang isa sa amin ay ipinagbigay alam ang gusto niyang kainin para isabay na lang iyon habang naghanap na ng mauupuan—iyon ay si Austin. Malapit na kami sa may counter nang may makapansin sa akin na bagets. “Hindi ba’t ikaw ang singer na si Miss Lauren?” tanong ng batang babae. Syempre galak na galak ako nang may makakilala sa akin na hindi matanda. “Yes, ako nga," sagot ko nang may kagalakan. “Mommy! I told you its her!” sigaw ng bata sa Mommy niya na nakatayo sa ‘di kalayuan. Matapos kong makita ang ngiti ng Mommy niya ay agad na may ipinakita sa akin ang bata. Isa itong marker at papel mula sa aking first album at iyon din ang cover ng cd. “Can you please sign this paper po? Lagi po kasing pinapakinggan ni Mommy ang mga songs mo po,” turan ng bata sa akin. “Y-Yes, of course! Nakakatuwa ka naman,” tugon ko. Tapos kinuha ko na ang marker at papel saka ko tinanong ang bata kung anong pangalan ang ilalagay ko. Sinagot naman niya ako ng pangalang ng kaniyang ina. “Then what about you? What is your name?” I ask. “Stefan po,” aniya. Naisipan kong isama na rin ang pangalan niya. Nakakatuwa naman dahil ito ang unang pagkakataon na naka-encounter ako ng isang tagahanga na literal na bata. “Here, thank you for listening to my music, and tell your Mom that she is a great Mom!” saad ko while giving back the cover of my album. “Thank you po, sasabihin ko po kay Mommy,” wika ng bata. Bigla na lang itong tumakbo sa direksyon kung saan naroon ang ina niya. Masaya ako at may napasaya ako ngayong araw na ito kahit sa simpleng pirma ko lang. “Masaya ka na ba?” tanong ni Alyssa. Natawa ako sa tanong ni Aly. Saan kaya niya nakuha na malungkot ako? Samantalang puro rock song nga ang kinakanta ko kanina pa sa karaoke hub. “Masaya naman talaga ako kanina pa,” sagot ko. “Ay, tama, lagi kang masaya kaya pupunta na ako sa mesa kung saan naroon si Austin at baka maagnas na iyon kahihintay sa atin,” saad ni Alyssa. “Kami rin Ate, baka mag gawin pa ang dalawang ito kapag naiwan ng solo,” turan naman ni Charlene. Ramdam ko naman na joke iyon kaya idinaan ko na lang sa tawa. “O siya, sige na, ako na bahala umorder,” sambit ko. At iniwan na nga nila para maupo na sa table.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD