Tatlong araw na ang lumipas buhat nang sumapit ang dapat sana ay ika-apat namin na anibersaryo bilang magkasintahan ni Rap. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay may natanggap akong isang regalo ngunit walang nakalagay king kanino ito galing. Nang mabuksan ko iyon ay agad kong naisip ang isang tao na maaring nagpadala nito—hindi, sigurado ako na siya talaga iyon.
“Hoy! Ano? Tulala ka diyan, girl?” saad ni Wendelyn.
Wendelyn is my classmate and as far as I know, siya lang ang tanging kaklase ko ngayon na nakakausap at nakakasalamuha ko. Well, nakakausap ko naman ang iba ang siste lang kasi ay kapag may kailangan at nais lang silang malaman mula sa akin na tungkol syempre mga concerts or gigs na kasama ako—mga kasama ko pala na magpeperform.
“I am just thinking about the gift I’ve received yesterday,” turan ko.
Bigla naman na inusog ni Wendelyn ang kaniyang upuan at idinikit sa upuan ko.
“Oh my! Tsismis ito! Ano ba iyon?” aniya sa malakas na boses.
Kahit na may pagka-tsismosa ‘tong babae na ito ay hindi naman niya ipinagkakalat dahil wala siyang ibang kaibigan. Hindi ko nga alam kung bakit ganoon, maganda at matalino naman siya kaso literal na iniiwasan ng iba.
Agad kong inilapit ang sarili ko kay Wendelyn para pahinaan ang kaniyang boses, “Shh, huwag kang maingay, alam mo naman na ang iba rito ay paparazzi eh,” wika ko.
Paparazzi ang tawag ko sa mga taong sumu-subaybay sa buhay ko. Someone already posted about the break up between me and Rap the next day. I absolutely no idea who could it be. Basta ang alam ko ay absent si Wendelyn that day—3 days ago.
“Ay oo nga pala, sorry, sorry,” mahina niyang sambit.
I looked around and found that the others are too busy dealing with their business kaya naman walang nakarinig kay Wendelyn. I felt relieved syempre, akala ko ma-tsismis na naman ang name ko.
“So, ganito kasi ang nangyari,” panimula ko.
Pinanatili ko lang ang lakas ng boses ko. Ayaw ko talagang maka-agaw ng atensyon ng iba namin na kaklase dahil hindi ko alam kung sino ang taga-post sa social media ng issue about sa akin. But I know, isa lang iyon dito sa campus—one of my classmates rather.
“Ano? Ano? Dali!” wika ni Wendelyn.
Atat na atat na siyang malaman kung ano ba talagang sasabihin ko. Ang cute niya tignan kapag ganiyan siya kasabik sa isang bagay.
“May boyfriend ka na ba?” bigla kong tanong sa kaniya.
“Wala, wala,” mabilisan din niyang sagot sa akin.
Nakakapagtaka talaga minsan kung bakit wala siyang boyfriend at walang mga kaibigan dito.
“Huwag mong ibahin ang usapan, Imee, dali na! Kwento na!” aniya.
Natawa ako. Hindi ko pala agad naalis sa isipan niya ang unang topic ko.
“Oo na, excited much ka naman,” sambit ko.
“Ang regalo kasi na natanggap ko ay—” naudlot ang sasabihin ko dahil may isang tao na biglang pumasok sa loob ng classroom.
“—Lauren! Rap is still in the airport and ready to leave the country!” sigaw ni MJ.
Biglang nagkaroon ng usap-usapan ang mga nasa paligid ko. Samantalang ako, tulala at hindi pa rin pumapasok sa isipan ang sinabi ngayon ni MJ sa akin.
“Girl, narinig mo ba iyon? Tuluyan na siyang iniwan ni Raffy,” wika ng isa sa mga babaeng kaklase ko.
“Binibigyan ba tayo ni Rap ng pagkakataon para kay Lauren?” tanong naman ng isa sa mga lalaki kong kaklase.
“I told you, I saw him buying airplane ticket last week but I’ve never thought him leaving Lauren alone,” sabi pa ng isa.
“Baka kasi hindi na talaga mahal at gusto nang lumayo kasi naghahabol ang isa?” saad naman ng isa pa.
Iilan lang iyan sa aking naririnig pero ang mga salitang kanilang mga sinasambit ay hindi ko kinakaya kaya naman imbes na ipagtanggol ko ang aking sarili o ‘di kaya’y tumayo at tumakbo upang habulin si Rap ay isinara ko na lang ang aking mga mata sa gitna ng ingay.
“Hoy! Ang iingay ninyo! Affected kayo masyado, kayo ba ang iniwan at sobrang kakapal ng apog ninyong pag-usapan si Lauren?” biglang bulyaw ni Wendelyn sa lahat.
Matapos niyang sabihin iyon ay tila ba natahimik ang buong klase. Napadilat pa nga ako habang sinasabi niya iyon at pilit siyang pinapa-upo ngunit hindi ko siya mapa-upo kaya naman ako na lang ang tumayo.
“Thank you for defending me, and...” tumingin ako sa paligid, “Thank you guys, nagbigay iyon ng lakas ng loob para sa akin,” wika ko sa lahat.
Hindi naman sa pagiging sarkastiko pero why not thanking them? Alam ko halos lahat ng kaklase ko ay may galit sa akin dahil nga sa feeling bida ako palagi at natatabunan sila sa presensya ko.
“Wendelyn, can we continue our conversation tomorrow? I have something urgent to deal with,” turan ko kay Wendelyn.
“Of course! Go, Girl!” masayang tugon ni Wendelyn sa akin.
Mabilisan kong binitbit ang aking bag at saka kumaripas ng takbo kasama si Mj. Well, actually I already talked with her through her social media account and I am right, she’s into girls simula nang elementary siya kaya naman pinandirihan niya ang kumakalat na tsismis tungkol sa kanila ni Rap habang magka-usap kami through video.
“MJ, anong oras ang lipad niya?” tanong ko habang tumatakbo.
Hindi rin ata alam ni MJ na aalis si Rap dahil kung alam niya ay dapat nasa airport din siya, sinasamahan si Rap kung sakali man.
“Sorry, hindi ko alam pero kung dadalian natin ay maabutan pa ata natin siya, kasi kakapadala lang niya sa akin ng text with picture niya sa f*******:, and from that picture ay alam ko na waiting pa siya, ” sagot naman ni MJ.
Muntik na akong matawa sa kaniya. Ang kulit niyang kausap, no wonder kaya naging magkaibigan sila ni Rap. Pero... maabutan ba talaga namin siya kung sa taxi lang kami sasakay?
“Where are you going? Come on here!” tawag sa akin ni MJ.
My mind is pre-occupied kaya hindi ko na namalayan na lumiko ako palabas ng school. Mabuti na lang at attentive ‘tong si MJ at napansin na hindi na niya ako kasabay. Pero bakit siya patungo sa parking lot? Don’t tell me na mayroon siyang sasakyan na dala?
“Dito naka-park ang sasakyan ko! Less hassle if sasakay ka na lang kaysa tumakbo,” aniya.
So, ako naman ay sinundan si Mj. And I was right, she drives her own car for her living. Maganda ang sasakyan niya, isang ranger, astigin ang datingan parang siya. At nang mapa-andar na ay smooth pa lang ang takbo hanggang sa makalabas kami ng school, doon ay biglang naiwanan ang aking kaluluwa.
“M-Mikko... A-Ano...” sambit ko.
Mabilis palang magpatakbo ang babaeng ito. Napaisip na naman ako kung sumasama ba siya sa mga drag race eh.
“Mas mabilis tayong makakarating doon kung bibilisan ko ang pagmamaneho pero huwag kang mag-alala, mag-iingat ako syempre, ayaw ko pang mawala sa obabaw ng Earth ‘no,” pabirong saad ni MJ.
Mas mahal ko pa ang buhay ko kung alam mo lang. Hindi nga sumagi sa akin na magpakamatay nang hiwalayan ako ni Rap tapos dito lang pala matatapos ang buhay ko na huwag naman sana na magkatotoo.
Kapit matindi talaga ako habang nasa biyahe hanggang sa makarating kami sa airport nang ligtas at walang masamang nangyari. Basta ko na lang iniwanan si MJ dahil parang ayaw ko ng sumakay sa sasakyan niya kung siya lang din ang magmamaneho.
“Mauuna na akong pumasok sa loob!” sigaw ko.
“Susunod ako,” wika ni MJ.
Pumasok na ako sa loob ng paliparan at parang timang na naghanap sa iisang tao sa kabila ng dagsa ng mga tao na naglalakad at naghihintay.
“Where are you...” sambit ko.
Sa sobrang dami ng tao ngayon at kung bakit ngayon pa sila dumagsa eh. Nahihirapan akong hanapin si Rap. Pero sinikap ko pa rin na mahanap si Rap, pero wala, hindi ko siya mahanap. Nawalan na ako ng pag-asa na makita siya, iniisip ko na baka naka-alis na ang eroplanong sinasakyan niya kaya hindi ko siya nakita.
Lugmok akong naglakad. Nakayuko pa ang ulo at tanging sa paa ko na lang ako nakatingin. Palihim kasi akong umiiyak at ayaw kong may ibang tao na makakita ng aking mga luha.
“Tuluyan mo na akong iniwan,” mahina kong sambit.
Patuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha. Hindi ko na alintana kung makita ako ng ibang tao na kakaiba dahil nakayuko ako.
“Nitong nakaraan, iniwan mo ako bilang kasintahan at ngayon naman ay iniwan mo ako for good dahil doon kana maninirahan,” saad ko pa.
“Mahal kita, Ra— ouch!” wika ko.
Natumba ako sa sahig. Hindi ko kasi alam na may bubunggo sa akin. Well, partially, kasalanan ko dahil hindi ako tumitingin sa daan pero mas kasalanan naman ata niya dahil alam na nga niyang nakayuko ay bubungguin pa rin niya ako.
“Pasen—” wika ko.
“Sorr—" aniya.
Kapwa kami napahinto nang mapagtanto ko na may kaparehas siyang boses. Alam ko ahg boses na iyon, kilala ko iyon.
Unti-unti kong iniangat ang aking ulo at tumambad sa akin ang mukha ni Rap. Mas lalo akong umiyak, humagulgol pa nga.
“Rap!” sigaw ko.
Bigla ko siyang niyakap. Wala na akong pakialam kung ayaw niya na sa akin basta ang mahalaga ay mayakap ko siya sa huling pagkakataon.
“Imee...” aniya.
Hinaplos niya ang aking buhok. At hinayaan na ilabas ko lahat ng iyak ko sa kaniya.
“Umiyak ka lang sa harapan ko, basta ipangako mo sa akin na hinding-hindi ka na iiyak kapag wala na ako rito,” saad ni Rap sa akin.
Basta na lang akong tumango sa sinabi niya dahil hindi ko mapigil ang aking pag-iyak.
“Basta, lagi mong tatandaan na—” napahinto si Rap nang marinig ang ang isang flight number.
“— Flight
“Imee, that’s my flight, remember that I always love you,” wika ni Rap.
Matapos iyon ay bigla niya akong hinalikan sa aking labi. This is our first ever kiss sa lips dahil hanggang cheeks, nose, and forehead lang niya ako hinahalikan noon. Mas lalo akong napaiyak nang maramdaman ko na mahal pa rin niya ako.
“I guess... that will be our first and last kiss, take care,” aniya.
Tinalikuran na niya ako at nagtungo na sa gates kung saan siya maghihintay ng kaniyang pagsampa sa eroplano. Naiwan lang akong luhaan habang pinagmamasdan ang kaniyang likuran na papalayo sa akin.
“I love you, Ralph Robin! Ingat ka! See you soon!” sigaw ko.
He stopped for a while and then walked again. I think he smile for hearing that, and gives him a good luck charm through his journey.
Naghintay na lang ako hanggang sa makita ako ni MJ. Naunan nang makaalis si Rap, hindi ko kasi inaalis ang tingin sa kaniya at ayaw kong mawala siya sa paningin ko lalo na ngayon na aalis siya.
Bumalik na kami ni MJ sa school dahil makakahabol pa kami sa dalawang klase ko at siya naman ay may isa pang klase.
“Thank you for telling me about his flight,” I said thankfully.
“Ano ka ba, wala iyon, magkaibigan na tayo simula nang maging kayo ng best friend ko,” turan ni MJ
“Basta salamat pa rin, mauna na ako, baka dumating na ang prof namin,” wika ko.
“Sige, sige, see you,” sambit naman ni MJ.
Nang makarating ako sa classroom ay nakatingin lang ang buong klase sa akin. Mukhang nag-aabang sila ng latest tsismis mula syempre sa bida na walang iba kung hindi ako.
“He left,” wika ko sa lahat nang nakangiti.
Dumiretso na ako ng upo sa desk ko at naghintay na dumating ang professor. Kahit na iniwan niya ako ay may pabaon naman siyang halik na talaga naman na iingatan ko.