Three months have passed since Rap left the country. And for that three months, I didn’t have any updates of him. He didn’t posts in his social media account for the whole time. Even his best friend, Mikko Joyce or MJ for short, don’t have any clues of his whereabouts.
“Can you please tell me why you haven’t said yes to my proposal?” VJ asks.
Siya si VJ. Isang tanyag na mang-aawit at artista na mula nang pagkabata ay laman na ng telebisyon at balita. Kung ano ang ibig niyang sabihin sa proposal? Iyon ay ang kaniyang panliligaw sa akin.
“How many times do I have to tell you my answers?” I said.
I gave a deathly glare. Paulit-ulit na lang kasi ang tanong niyang iyon. Akala niya ata ay mapapa-sagot na lang niya ako agad gaya sa ibang artista na niligawan at iniwanan niya.
VJ chuckles, “Okay, okay, shall we continue our dinner?” he said.
Nasa isang restaurant kasi kami ngayon at syempre naghahapunan. Alas nuwebe pasado na kaya ganoon. Hindi ko naman kasi talagang gusto na magpunta at makasama ang lalaking ito, dahil sa mga past issues niya sa mga babae. Kapag nakuha na niya ay iiwan niya rin agad dahil para sa kaniya ay wala nang thrill.
“I need to freshen up,” I said.
Tumayo ako at agad na nagtungo sa banyo dala ang aking sling bag. Nang mapansin ko na walang tao sa loob ay agad akong naghilamos. Wala na akong pakialam kung mabura o masira ang make-up na nakalagay sa mukha ko.
I stare at my reflection for a while. I heaved a deep sigh.
“Bakit ba ako napunta sa sitwasyon na ito?” tanong ko sa aking sarili.
Wala naman akong ibang maisip na sagot kung hindi si Mama. Si Mama ang manager ko at siya rin ang may gustong pakisamahan ko si VJ. Hindi na nga niya inintindi ang nararamdaman ko.
“Ralph... kung nandito ka lang sana at kung hindi lumabas sa balita ang paghihiwalay natin sana hindi ako nahihirapan ngayon,” mahina kong sambit.
Dismayado ako ngayon sa kalagayan ko. Nagsimula kasi ang lahat ng ito nang kumalat ang video namin ni Rap sa airport. Ang oras ng aming huling sandali. Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng mga video na iyon dahil nagtatago lang sa alyas ang taong iyon. Laging siya ang puno’t dulo ng issue sa akin si “Meowy Cat”.
“Anak, ang tagal mo, halos sampung minuto ka rito,” wika ni Mama na medyo galit.
Nandito rin kasi siya, nakabantay sa ikikilos at sasabihin ko dahil may mga camera sa paligid. Sa lumipas na tatlong buwan kasi ay nagsimula na rin manligaw itong si VJ, kinabukasan matapos kumalat ang video ng paghihiwalay namin ni Rap. At ang malupit pa ay dala-dala niya ang camera crew niya sa lahat nang lakad namin.
“Ito na, lalabas na,” matamlay kong sambit.
Nakakawalang-gana. Si Mama lang ang may kontrol sa akin, sa buhay ko. Sa akin lahat ng atensyon niya at nasobrahan siya roon na tipong nakakainis na.
Nang padaan na ako kay mama ay bigla niyang hinigit ang aking braso, “Teka, your make up is ruined,” aniya saka niya ako hinila pabalik sa lababo kung saan may salamin.
Binitawan niya ako, “Fix yourself!” utos niya sa akin.
Napapikit na lang ako at saka ko sinunod ang gusto niya. Pinangako ko na aalis ako kapag natapos ko na ang pag-aaral ko kaya nagtitiis ako para magampanan ko ang pangakong iyon.
“Iihi lang ako, dalian mo diyan,” utos pa ni Mama.
Pumasok na siya sa isang cubicle kaya naman napatigil ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko at naisipan kong sumilip ng mabilisan sa aking social account. Agad kong nakita sa notification ko ang nagpa-ngiti sa akin. Unang beses na lumitaw ang pangalan ni Rap na nag-post kaya naman pinindot ko agad iyon at nakita ko siyang nakangiti sa litrato.
Napansin ko na medyo pumayat siya baka dahil sa studies niya roon.
“Sino ‘to?” bulong ko sa aking sarili.
Hindi ko napansin na babae pala ang kasama niya sa picture at naka-albay pa siya rito. Binasa ko rin agad ang caption niya at ang nakasaad doon ay;
“Thank you for everything, Cheska!”
Ch-Cheska? Sino ba ang babaeng ito? At may pa-puso pa ang caption ni Rap sa kaniya?
At dahil naka-tag ang babaeng ito ay ini-stalk ko siya. Sumambulat sa akin ang napakaraming litrato na magkasama sila ni Rap. Sumulyap lang ako dahil nararamdaman kong patapos na si Mama sa ginagawa niya kaya agad kong ibinalik sa sling bag ang aking phone at naglagay na lang ng lipstick para kunwari ay tapos na ako.
“Tapos ka na? Lumabas ka na at hinihintay ka na ni VJ,” saad ni Mama.
Nauna na siyang lumabas sa akin kaya naman sumunod na ako. Naupo siya sa ‘di kalayuan sa aming mesa ni VJ. Bantay na bantay talaga siya sa akin.
“Why haven’t you eat?” I ask.
Nakita ko kasi na hindi man lang ginalaw ni VJ ang kaniyang pagkain mula nang umalis ako.
“I want to eat this with you,” He replied.
Kinindatan niya pa ako. Mapapasabi na talaga ako ng, “Oh Lord!” sa ginagawa niya.
“Ah ganoon ba? Okay,” wika ko.
Saka ko sinimulan na kumain muli para mabilis matapos ang dinner date show namin nj VJ at nang makauwi na ako. Need ko pa ng maraming impormasyon tungkol sa Cheska na iyon at kung ano ang relasyon niya kay Rap.
“Lauren,” tawag sa akin ni VJ.
Tinigil ko ang pagkain ko at saka humarap sa kaniya. Medyo nainis ako kasi naman balak ko sanang sumulyap muli sa aking phone at maghanap ng impormasyon kaso bigla naman niya akong tinawag.
“Bakit?” tanong ko.
Tila ba nag-iba ang mood ni VJ at naging seryoso ang mukha niya.
“You are not giving me some attention,” sagot niya.
Tama siya sa sinabi niya pero sana makaramdam naman siya kung bakit ganoon.
“Sorry, I’m busy with my food,” I said.
Bigla niyang ipinatigil ang pagkuha sa amin at lahat ng camera at tinakpan.
“So, tell me why,” aniya.
Walang camera? Walang record? Pwede na akong magsalita ng nasa loob ko?
“Please, all the cameras have turned off, you are free to speak,” saad pa ni VJ.
Pwede ko na nga talagang ilabas ang rant ko? Mukhang titigilan na niyanako after this.
“Thank you,” I said.
Nagtaka siya nang sabihin ko iyon. Kahit ang mga nakarinig ay naguluhan kung bakit ako nagpapasalamat samantalang wala naman ginawang maganda sa akin sj VJ.
“Alam mo kasi nasasakal na ako kapag may nakabantay at nakatingin sa akin, hindi ako makakilos ng maayos,” wika ko.
Tumango-tango si VJ. Naiintindihan ba niya ibig kong sabihin?
“At siya nga pala, gustong-gusto ko na kasi talagang itanong ito sa iyo, bakit? Bakit ako ang napili mong ligawan? Hindi naman ako sobrang sikat gaya ng iba diyan at isa pa wala kang mapapala sa akin, isa lang akong hamak na mang-aawit samantalang ikaw ay namamayagpag na ang pangalan mo sa buong industriya at may sarili ka pang talk show,” saad ko.
“Well, alam mo kasi—” I paused him.
Hindi pa kasi ako tapos magsalita. At ayaw kong hindi ako pinapatapos. Sa loob ng tatlong buwan ay malambing naman siya, lalo na kapag nay camera. Hindi ko maitatanggi ang pag-aasikaso at efforts na ibinibigay niya sa akin. Naguguluhan talaga ako, hindi ko mawari kung totoo o talagang napag-tripan lang ako ng lalaking ito.
“— hindi pa ako tapos, patapusin mo muna ako,” sambit ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko. Wala naman nakakatawa roon.
“And one more thing, bakit ba lagi kang may bitbit na set? Ano ba ito? Ipapalabas mo sa mga susunod na araw? Para saan? Para pagtawanan ako ng ibang tao? Sorry but I never see your feelings dahil sa mata ko ang nakikita ko lang ay ang pagkahambog mo,” tanong ko pa.
Hindi ko talaga mapigilan na hindi itanong ang hindi ko maintindihan aa paraan ng panliligaw niya kuno sa akin. Parang laro lang kasi ang lahat at may sinunod siyang script sa bawat eksena.
“You initially starts to approached me a day after he leaves. I don’t know about your scheme or your true intentions for approaching me but I want to say na wala kang mapapala sa akin, dahil I am a nobody na gusto lang makapaghatid ng kasiyahan sa ibang tao sa pamamagitan ng pag-awit,” saad ko pa.
Did he just smile? A genuine smile?
“Tama ka, hindi ko rin ko alam kung bakit pero baka nakasanayan ko lang na may nakasunod sa akin na mga camera kahit saan man ako magpunta, pangalawa nga pala ay hindi ko alam kung ipapalabas ko ba o hindi, at tungkol naman sa nararamdaman ko para sa iyo, well...” aniya.
Hindi ako makapaniwala na ganoon ang sasabihin niya. I mean, grabe naman at nagsabi siya ng totoo sa sitwasyon na ito.
“I am sincere, I really want to be your boyfriend, I first saw you 3 years ago in your first video and I must say I fall in love with you, not by your looks but with your angelic voice,” turan niya.
Speechless ako. That was not the exact sentence that Rap said before but it definitely a close one to his words.
“Can I start a official courtship starting tomorrow? Without cameras syempre,” tanong ni VJ sa akin.
Papayagan ko ba siya? Three months ago, si Mama ang pumayag without asking my permission but tonight... he is asking for my consent personally. Hindi ko alam ang isasagot ko. I know na walang camera na. Nagrerecord pero may mga tainga at mata naman na naka-antabay sa amin. Sobrang nakaka-tense ang mga sandaling ito.
Biglang tumunog ang phone ko kaya naman nag-iba ang ihip ng hangin. Nahihiya akong humingi ng paumanhin kay VJ at pinayagan naman niya akong sagutin ang tawag.
Sinagot ko ang phone dahil si MJ ang tumatawag. Ano kaya ang sasabihin ng babaeng ito?
“Hello, MJ, bakit? Nasa kalagitnaan ako ng hapunan,” bulong ko sa telepono.
“You won’t believe this, kabubukas ko lang ng account ko at tumambad sa akin ang chat message ni Rap!” masayang balita niya sa akin.
“Yes, I know na nagbukas na siya, I saw his post with another girl,” wika ko.
“About that, alam mo kasi... that girl is his new girlfriend,” saad ni MJ.
Halos mabingi ako sa sinabi niya. Girlfriend? Mayroon na siyang girlfriend? Iyon ba ang ibig sabihin ng ‘Thank you for everything” niya na caption?
“Hello, Imee? Hello??” tawag pa ni MJ sa akin.
I was in full shock. Hindi ko na alam ang ire-respond ko. Narinig ko pang sinabi ni MJ ang huling salita bago niya ibaba ang tawag.
“I shouldn’t tell you about her, catch you later! Pupuntahan kita sa inyo,” saad niya.
Walang buhay kong ibinaba ang cellphone. Why? Why? Puro ganoon na lang ang umiikot sa utak ko.
“Lauren, are you okay?” tanong ni VJ.
Nasa harap ko na si VJ at mukha nag-aalala ang kaniyang boses habang kinakausap ako.
“Here, drink it,” wika ni VJ sabay abot sa akin ng basonm ng tubig.
Ininom ko iyon at tinitigan si VJ. Tutal naman na wala na akong aasahan pang iba kay Rap, hindi na dapat ako mamuhay pa sa nakaraan gaya niya. I should live my life to its fullest. Kung siya masaya sa piling ng iba ay dapat ako rin kahit na ibig sabihin pa nito ay gagamit ako ng ibang tao para matakpan ang kalungkutan ko.
“Do you really love me?” tanong ko.
“Of course! Matagal ko ng hinihintay ang pagkakataon na ito, nang malaman ko na naghiwalay kayo ay bigla akong nabuhayan at nagkaroon ng lakas ng loob,” sagot niya.
“Then, I will become your official girlfriend from today onwards,” wika ko.
Natahimik sandali si VJ. Hindi niya ata inaasahan ang sinabi ko dahil kanina lang ay nagtatanong pa lang siya kung maari siyang manligaw sa akin ng tunay.
“Girlfriend ko na si Lauren!!!” sigaw ni VJ.
Sobrang saya niya. Samantalang ako, ginagamit siya para magkunwaring ayos lang ang lahat. Patawad, VJ, inaabuso ko ang sinasabi mong pagmamahal mo para sa akin.
“I love you, Lauren! I will make sure you’ll be the happiest girl in world!” sigaw pa ni VJ.
Itinayo niya ako at sabay hinalikan sa aking noo. Nagulat ako dahil akala ko ay sa labi niya ako hahalikan pero gaya lang siya ni Rap, hinalikan ako sa noo. Ang unang halik niya ay inilapat niya sa aking noo, tanda ng pagrespeto niya sa akin.
“Lagi lang akong nandito sa tabi mo, Lauren, hinding-hindi ka na mag-iisa pang muli,” aniya.
Nagsimula naman na magpalakpakan ang nasa paligid namin. Alam kong masaya rin si Mama sa gilid dahil sa pasya ko. Ang desisyon na ibinahgi jo ngayon ay magpapakabago sa takbo ng buhay at sana tama nga ang anging desisyon ko na hayaan si VJ na pumasok sa buhay ko.