Umuwi akong mugto ang mga mata. Nadatnan ko pa sina Mama na nanonood ng palabas sa tv sa may sala kasama si Alyssa. Binati ko lang sila dahil balak kong dumiretso na agad sa aking silid.
“Narito na po ako, Ma, Pa, Alyssa,” wika ko.
Tumango lang sa akin ang Mama ko saka si Alyssa. Samantalang si Papa naman ay buong galak akong tinugunna⁸56⅚
I spend almost an hour sa loob ng banyo habang nakabukas ang shower. Grabe ang pasakit na binibigay ni Rap-Rap sa akin. Hindi kinakaya ng aking puso’t isipan.
“Rap...” sabi ko habang umiiyak.
Bumabalik din kasi ang mga masasayang alaala namin na magkasama kaya mas lalo akong naiiyak.
Habang nagdadrama ako nakarinig ako ng pagkatok mula sa pinto ng banyo.
⅘huy⅘
“Ate? Kanina ka pa ata diyan sa banyo, are you okay?” tanong nito.
Si Alyssa lang pala ang kumakatok.
“Y-Yeah, naka-upo kasi ako ngayon sa trono kaya medyo matagal,” pagsisinungaling ko.
“Talaga? Bakit naman nakabukas pa rin hanggang ngayon ang showe mo kung nasa trono ka nakaupo?” tanong muli ni Alyssa.
Hindi talaga ako magaling sa pagsisinungaling. Nakalimutan ko kasi ang ebidensya na dapat una kong pinagtakpan.
“Nagmamadali kasing lumabas, nakalimutan ko lang patayin,” sagot ko.
Mukha naman na napaniwala ko na siya dahil umungol lang ito bilang tugon sa aking sinagot. Ilang sandali pa ay muli na naman na nagsalita si Alyssa.
“I’ll wait you,” aniya mula sa kabilang pinto
Napabuntong hininga na kang ako.
“Okay,” sambit ko.
Matapos ang pag-uusap namin ay pinatay ko na muna ang shower pagtapos ay ali-dali na akong naghubad dahil suot ko pa rin hanggang ngayon ang aking mga damiit saka nagtapis ng tuwalya.
Tumingin pa muna ako sa salamin, pinagmasdan ang aking itsura lalo na ang aking mata.
“Maga,” mahina kong sambit.
Lumabas na ako at naabutan kong nakaahiga si Alyssa na pangiti-ngiti
Habang naghihintay sa akin.
Busy siya kaya hindi niya namalayan ang paglabas ko mula sa banyo. Umubo ako kunwari para mapatigil si Alyssa sa kaniyang ginagawa at para na rin malaman kung bakit niya ako hinihintay.
“Oh, Ate! Tapos ka na pala,” bulalas niya nang makita ako.
“Oo, nandito na nga ako at pinagmamasdan ang aking magal na kapatid kung paano kiligin sa kaniyang kapalitan ng mensahe,” saad ko sabay diretso sa aking closet upang makapag-bihis na.
“Kilig ka diyan! Hindi ‘no! Si Austin kasj nagpapatawa sa text,” katwiran niya.
Tumawa lang ako at saka naupo sa tabi ni Alyssa nang matapos akong magbihis.
“Bakit mo nga pala ako hinihintay?” tanong ko.
“I think you broke your promise,” sagot niya sa akin.
I sighed. I must tell the truth to her now.
“Oo, pero hindi ako ang unang nagtext upang makipagkita,” giit ko.
Tila ba naguluhan si Aly sa sinabi ko kaya naman ngumiti ako.
“Today is supposed our 4th year, right? I bought a gift last week and today is the delivery,” saad ko pa.
Napahiga ako kahit na basa pa ang aking buhok.
“He received it and texted me to meet up para maibalik niya iyon sa akin pero habang nag-uusap kami ay bigla na lang niyang nasabi na aalis na iya kaya naman labis akong nalungkot,” turan ko pa.
“W-What do you mean na aalis na siya? Where is he going?” tanong niya sa akin.
“I don’t know basta ang sabi niya for good na daw siya sa US,” sagot ko.
“Matanong ko lang, Ate, tinanggap mo ba ang iniregalo mo sa kaniya? At saka ano pala ang nasa loob ng regalo?” pag-uusisa ni Aly.
Natawa ako.
“Hindi ko iyon tinanggap pero ang iniregalo ko kasi sa kaniya ay isang camera na gustong-gusto niya,” sabi ko.
“Ah, pero nakapagtataka naman ang biglaan niyang pag-alis,” sambit ni Alyssa.
“Kaya nga, after our break up ay bjgla na,” tugon ko.
Nahiga na rin sa tabi ko si Alyssa. Habang nakatingin kaming dalawa sa kisame na puno ng stars kapag pinatay ang ilaw ay makikita anv mga larawan namin ni Rap na lumipas na...
“If ever na malaman mo ang dahilan ng paghihiwalay ninyo, babalikan mo pa ba si Kuya Rap?” tanong ni Alyssa.
Napaisip ako dahil doon. Babalikan ko pa nga ba talaga o hindi na? Sinasabi ng isip ko na huwag pero kabaligtaran ang isinisigaw nitong aking puso.
“I don’t know, naguguluhan ako,” sagot ko.
Humarap ako kay Alyssaa at nakita ko na nakatingin pala siya sa akin
“Pero siguro kung dumating man sa punto na iyon ay bahala na kung anong sitwasyon ba ang kinalalagyan naming dalawa, baka dahil doon ay makapag-pasya na ako,” natatawa kong wika.
Mas lalo akong natawa nang suminghap ito. Mukhang naguguluhan siya.
“Ang gulo, Ate!” aniya.
Bumangon si Aly saka nag-unat ng mga buto-buto sa katawan.
“Did you cry?” She asked.
“Yes,” I replied.
Well, I know that she saw me earlier. Even I, knows that.
“Don’t worry, you didn’t break your promise, he’s the one who told you to meet up,” saad ni Alyysa.
Nakangiti sa akin si Alyssa habang nag-uunat siya.
“And besides, you promise na hindi mo siya pupuntahan sa kanila kaya ang tingin ko ay sa iba kayo nagkita,” saad pa ni Alyssa.
“Ganoon pala, ang lawak mo talaga mag-isip, talo ang Ate lagi sa iyo,” wika ko.
That is a complimentary words that make Alyssa happy.
“I know Ate, you always says that,” aniya.
Naglakad na si Aly malapit sa pinto at aktong bubuksan na iyo nang maalala niya naman ang isa pa niyang sasabihin.
“Oh, I forgot to tell you that Kuya Rap don’t have any girlfriends kaya huwag ka ng umiyak-iyak pa,” saad niya.
No any girlfriends?
“He has, I saw the two of them,” turan ko.
“No, he hasn’t,” tugon ni Alyssa.
“Mayroon nga at iyon ay si Mj!” sigaw ko.
Umiling si Alyssa. Mukhang nakukulitan na sa amin.
“Ate, makulit ka, I’ve told you na wala, I even asked kuya Rap about that in school,” giit ni Alyssa.
I stopped for a while, staring at my sister. Did she just said na nakipag-usap siya kanina kay Rap? Kailan at saan ito nangyari? Bakit hindi ko alam? Bakit? Bakit?!!!!!
“T-Talaga?” I asked with hesitation.
“Yeah, kung ano man ang nakita mo baka friendly gestures lang,” aniya.
Tila ba nabunutan ako ng tinik nang marinig iyon. I can’t believe that I believe in some pictures I saw in social media. I shouldn’t believe it, ever.
“Mauna na talaga ako, Ate, may inaabangan akong Korean drama kaya naman babush na!” bulalas ni Alyssa.
At tuluyan na siyang umalis upang bumaba sa may sala. Still, hindi ako makapaniwala na hindi pala ako ipinagpalit ni Rap at nasa isipan ko lang pala talaga iyon. Pero kahit ganoon ay malungkot pa rin ako dahil sa nalalapit na pag-alis ng lalaking minamahal ko.