Well, kahit na sobrang gulat ko ay hindi ko pa rin expected na tatanggapin iyon Rap.
So, I decided to go to their house. I still jave his phone number saved in my contacts pero kasi nahihiya ako na tumawag o mag-text man lang. Yes, wala akong lakas na loob para sabihin na huwag niyang tanggapin iyon. It was supposedly my anniversary gift for him because today is our day.
4 years ago, I, Imee Lauren Fuentes, said yes to him to be his girlfriend. We are both 3rd year high school that time. After one year of courtship, all his hardships are paid off by my yes.
Habang nasa taxi ako ay nakatanggap ako ng text mula kay Rap. Kinakabahan pa nga ako nang lumitaw ang name niya sa screen ng phone ko pero after a couple of inhaling and exhaling, I finally opened it. I was shocked though and here it was it says;
[Imee... there is a package that arrived here a while ago, and I received it. I didn’t open it because its states your name as the sender. Can we meet at the park? I will give it back to you.]
Tears were falling down as I closed my eyes. Hindi ko inaasahan ang pinadala niyang mensahe. Dahil galing sa akin ang package na iyon ay hindi niya tatanggapin? Ibig ba talaga nitong sabihin ay wala na talaga akong halaga sa kaniya kahit kaunti? Hindi niya ba tanda na ngayong araw ang aming dapat sana na ika-apat na anibersaryo magmula nang aking siyang sinagot?
Hindi ako humagulgol o umiyak. Basta na lang naramdaman ng puso ko na ayaw na talaga sa akin ni Rap at mukhang hindi nito natatandaan pa ang araw nang aming dapat sana na anibersaryo kaya ako naluha.
Nilakasan ko ang loob ko. I send a reply to him saying na I’m on my way kahit na walang oras na nakatakda. Alam na niya iyon at maghihintay siya sa park. Sana.
“Manong, sa Marikina Riverbank po tayo,” saad ko sa driver.
Sinunod naman ng driver ang sinabi ko ng walang pag-aatubili. Marahil ay napansin niyang patuloy sa pagpatak ang aking mga luha kaya hindi na siya nag-usisa pa.
Habang nasa loob ako ng taxi, halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Pinilit kong palakasin ang aking sarili. Sinasabi ko sa sarili ko na; hiwalay na kami at ayaw na talaga sa akin ni Rap.
Ang hirap. Ang hirap pala na makipagkita sa kaniya kahit na tumagal kami ng apat na taon sa pagsasama ay talagang magkakaroon ng ilangan kung aksidente o sadya man kaming magkita.
After 20 minutes ng biyahe ay bumaba na ako. At dahil hindi ko na kinukuha ang aking sukli ay nagpasalamat sa akin ang driver dahil makakatulong daw iyon sa pamasahe at baon ng kaniyang anak para bukas. Syempre, napangiti ako nang marinig iyon na kahit sa simpleng pagbibigay ko ng tip sa mga taxi drivers ay malaking halaga na pala iyon para sa kanila.
Nagpaalam na ako sa driver saka ko tinungo ang binaybay ang Marikina Riverbanks, hanggang sa makarating ako sa maraming tao. Naglakad pa ako ng kaunti, sa paborito namin na pwesto kapag nagpupunta kami rito. Doon ay may natanaw akong isang lalaki na nakaupo—it is Rap. He is patiently waiting, like the old days.
I stopped for a while trying to figure out what emotions I should hold. Ang kaso lang, I have mixed emotions and I can’t control it. Biglang sumagi sa isipan ko ang ipinangako ko kay Alyssa kanina na hindi ako makikipagkita kay Rap. I feel guilty. I broke that promise that I made a couple of hours ago.
I decided. Gagayahin ko lang si Rap kung ano ang ipapakita niya sa akin ay iyon din ang aking gagawin at ipaparamdam sa kaniya.
“Did you wait too long?” I asked.
Nakatalikod kasi siya kaya hindi niya namalayan ang aking pagdating. Gaya pa rin siya ng dati, nakangiti kapag dumarating ako.
He still wears that smile talking to me, “Well, hindi naman, actually kararating ko lang din and...” he look at his wrist watch, “Mga limang minuto pa lang ang nakararaan,” he replied.
Umupo ako sa tapat niya. Hindi na kasi ako maari pang umupo sa kaniyang tabi gaya ng nakasanayan. Mayroon na siyang Mj at iyon dapat ang nasa tabi niya.
“Ang ganda ng stars ngayon, teka lang kukuhaan ko lang ng litrato,” aniya.
Inilabas niya ang kaniyang camera na puno ng aming alaala. Hindi ko naman siya maaring pagbawalan na huwag ng gamitin pa iyon dahil pinaghatian namin ang ipinambili roon pero...
“Ang ganda talaga...” sambit pa ni Rap.
Sana man lang binigyan niya ako ng kaunting konsiderasyon na huwag iyon gamitin sa aking harapan. Iyon kasi ang una namin na pinag-ipunan dahil hindi naman kami mapera nang high school kami.
“Mhie...” tawag niya sa akin.
Napa-urong pansamantala ng salitang iyon ang aking dila. Iyon kasi ang tawag niya sa akin at Dhie naman ang kapag tinatawag ko siya.
Mukhang napansin niya na hindi niya sinasadyang tawagin ako sa tawag na iyon kaya napaharap siya sa akin, “Ay sorry! Nakasanayan lang, Imee pala...” saad niya habang nakangiti.
Ngumiti rin ako kahit na nakaka-ilang ang sitwasyon. Tama ako, nagkamali nga lang talaga siya ng tawag sa akin.
Muli na siyang kumuha ng litrato. I looked up in the sky and feel amazed. Tama siya tunay ngang napakaganda ng kalangitaan ngayon dahil sa pagkinang ng mga bituin sa kadiliman.
Pero kailangan ko nang sabihin ang ipinunta ko rito.
“About sa package...” sambit ko.
Nang marinig niya iyon ay napatigil siyang muli sa ginagawa niya at saka may kinuha sa kaniyang bag. Ang lalaking ito, ganoon pa rin. Dala pa rin ang bag na una kong iniregalo sa kaniya nang una kong matanggap ang sahod ko sa pinaka-una kong gig.
“Oh! About that! Teka,” aniya.
Habang inilalabas niya ang package na nakabalot sa panregalo ay napatitig ako sa kaniya. Napaisip ako kung bakit at kung saan ba ako nagkulang?
“Here,” wika ni Rap sabay abot sa akin ng regalo.
Ang regalo na pinili ko last week para sa araw na ito.
“Hindi ko iyan matatanggap sa kadahilanan na...” tumigil siya sa pagsasalita at tumitig sa akin ng napakatagal.
“No, its yours, take it, pumunta lang naman ako rito para makita ka sa araw na ito and I supposed this will be the last na magkikita tayo ng sadya, dahil if ever na muli tayong magkita ay alam kong aksidente lang iyon at hindi naka-plano,” saad ko.
Handa na sana akong tumayo nang muli siyang magsalita. At ang mga salitang iyon ay nagpatigil sa akin.
“Yes, this is going to be the last, I am going to States and doon na ako magpapatuloy sa aking pag-aaral,” turan ni Rap.
S-States? Ang layo ng lugar na iyon. Bakit doon? Wala naman silang kamag-anak o kakilala roon.
“Then take it, take it as my last gift and goodbye,” tugon ko.
I tried not to show any tears in my eyes but I can’t control it. Tears falling down as I looked at Rap-Rap.
“Please, take it,” I said.
Ngayon pa lang, nangungulila ako sa kaniya paano pa kaya kung nasa America na siya?
“Imee...” aniya.
I still managed to smile kahit na lumuluha ako. Ayaw ko na ang pagluha ko ang maging huling alaala niya sa akin kaya dapat masaya ako kahit na sa kaloob-looban ko ay para na akong pinapatay.
“Goodbye, Rap, please remember that I love you as always,” wika ko sabay takbo.
“Imee, wait!” sigaw niya sa akin.
Tumakbo ako palayo sa kaniya without looking back. Hindi ko na kaya, sasabog na ang damdamin ko. Hindi kinakaya ng aking isipan ang mga narinig ko. Aalis siya? Iiwan na niya ako ng tuluyan. Mas mabuti pang hindi ako magtagal na kaharap siya dahil mahihirapan akong paalisin siya.
“Goodbye to my one and only, man, I love you,” sambit ko sa aking sarili.