Chapter 7

1422 Words
Matapos ang masasayang oras ko kasama ang grupo ng aking kapatid ay napagpasyahan kong tanggihan ang alok nila na sabay sa pag-uwi. Napag-isip ko kasi na kailangan kong mapag-isa ngayon. “Okay lang ako, I need more alone time,” saad ko. Pinipilit pa rin kasi nila ako. Parang ayaw akong maiwanan na mag-isa at tila ba hindi kumbinsido sa mga sinasabi ko. “Ano bang iniisip ninyo?” tanong ko sa kanila. Wala naman sumagot sa kanila kaya ako na lang ang sumagot sa sarili kong tanong na para sa kanila. “Iniisip ba ninyo na magpapakamatay ako? Na babalakin kong tumalon mula sa tulay? Na magpapasagasa ako sa highway? Hindi ko gagawin iyon, ang sarap kayang mabuhay, ‘no,” saad ko. Habang sinasabi ko iyon ay natatawa ako. Kasi naman halata sa mga itsura nila ang pagkabigla nang sabihin ko iyon. “Nako! Kayo talagang mga bata kayo... ayos lang ako, saka hindi naman ako ganoon ka-desperada sa buhay ‘no,” wika ko pa. “Ate, second idea ko lang iyon, ang first idea ko talaga is...” turan ni Alyssa sabay iwas ng tingin sa akin. So, iniisip nga niya na ganoon ang gagawin ko. Pero, curious ako sa una niyang naisip. Ano kaya iyon? “Ano naman ang naiisip mo, aber?” tanong ko. Ang tagal naman nitong harapin ako o sagutin man lang ang tanong ko. Lalo tuloy akong na-curious. “I was thinking na pupuntahan mo si Kuya Rap sa kanila,” sagot ni Alyssa. Ang mga mata ni Alyssa... puno iyon ng galit. Hindi ko maintindihan bakit ganoon? Apektado ba siya sa paghihiwalay namin ni Rap? “Aly...” sambit ko. “Ayaw ko lang na mas lalo ka pang masaktan, Ate,” aniya. And by that, ang matapang na kapatid kong si Aly--- ay unti-unting lumuluha sa aking harapan. “Masakit din para sa akin na nakikita kang umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman mo ngayon,” wika pa niya. Humahagulgol siya sa harapan ko. Ang ginagawa niya para sa akin simula kagabi na pinapagaan ang loob ko habang siya’y pilit ikinukubli ang sakit na nararamdaman sa tuwing nakikita ako.... “I know, I know na mahirapa ng pinagdadaanan mo ngayon, hindi dahil naranasan ko na kung hindi dahil din sa nakikita at naririnig ko sa aking palaogid pagdating sa usapin ng pag-ibig!” bulalas pa niya. Wala akong masabi. Napatikom ako sa mga sinabi niya. Wala akong kwentang nakatatandang kapatid niya. “I... I just want you to feel loved, and to be cared of!” sigaw pa ni Alyssa. Pinapatahan na siya ng mga kaibigan niya. Pero ako? Ako na Ate niya? Nananatiling nakatayo lang, ni hindi ko nga magawang lapitan siya kahit na nakakakuha na kami ng atensyon mula sa mga taong narito sa Mall. “Ate, please don’t hurt yourself again by going to Kuya Rap’s place,” paki-usap ni Alyssa sa akin. I closed my eyes. Nakiki-usap sa akin ang aking kapatid para sa kapakanan ko? Hindi ko kaya. Hindi ko kayang tanggihan ang kaniyang nais kahit na alam ko sa sarili ko na hindi ko naman talaga pupuntahan si Rap. Ayaw kong makagulo sa relasyon ng ibang tao. “Aly...” sambit ko. Sinubukan kong i-hakbang ang aking paa at mabagal kong nilapitan ang umiiyak kong kapatid. “Tahan na, I won’t go there, okay?” wika ko. I held her head and lean it to my shoulders. I tried to hush her to stop from crying pero mas lalo lang siyang humagulgol kaya naman mas lalo ko siyang niyakap. Wala na akong paki kung maraming tao ang makakita sa amin sa ganitong sitwasyon, ang importante ay maipadama ko kay Alyssa na hindi ako ganoon na klaseng tao gaya sa naiisip niya. “Its okay, I won’t do stupid things like that, you know me better than anyone else, right?” saad ko. Nilagyan ko talaga iyon ng tono na naninigurado. “T-Talag Tuluyan a?” aniya. “Opo, hindi po ako pupunta sa lalaking nang-iwan sa akin ng walang dahilan at kinabukasan ay may iba na agad, hindi ako ganoon na kahibang para gawin iyon dahil alam ko sa sarili ko na mapapahiya lang ako,” saad ko. At dahil din doon ay medyo napatigil ko s Aly sa pag-iyak at saka siya pinatayo mula sa pagkaka-salampak niya sa sahig. “Sige, at if ever na dumating nga ako sa sitwasyon na iyon, I will call you right away,” turan ko pa. nang humiwakay sa akin si Alyssa af umayos na sa pagkakatayo. “Sige, hahayaan na muna kita na mapag-isa, Ate,” tugon niya sa akin. Mukhang nasigurado ko sa kaniya na ganoon ang aking gagawin kung sakalai man na dumating ako sa puntong magpapakababa at mangungulit sa isang lalaki. “Tara na! Pagbibigyan ko muna siya tutal naman malaki at matanda na sjya ng ‘di hamak sa akin,” sabi niya pa sa mga kaibigan niya. Natawa na lang ako. Ang kulit talaga nitong si Alyssa, ang bilis magbago ng emosyon eh “Kita na lang tayo mamaya, Ate,” sambit niya pa sa akin habang hawak-hawak ang aking dalawang kamay. Tumango ako, “Oo, kita na lang mamaya,” tugon ko. At doon na, isa-isa nang nagpaalam sa akin ang tatlong kaibigan ng aking kapatid na siyang nakasama ko sa buong araw. “Ingatan ninyo ‘yang kapatid ko, ingat kayo!” paalala ko. Pinauna ko na silang umalis. Dadaan pa kasi muna ako sa isang shop kung saan nakatakdang ipadala ang aking order ngayong gabi. Nang makasiguro ko na wala na ang apat na bata ay saka ako lumabas ng mall. Nangangamba kasi ako na baka sundan nila ako kaya naman sa bawat direksyon ay aking masusing tinignan para makasigurado na wala na talaga. Kahit ang kotseng sinasakyan namin ay binalikan ko sa parking lot at mabuti naman na wala na ang sasakyan doon. Dumiretso ako agad sa taxi bay, doon ay matiyagang naghintay ng taxi na daraan. “Para!” bulalas ko kahit na alam kong hindi naman naririnig ng driver iyon. Syempre ginawa ko ang senyas na pampara sa taxi gamit ang buo komg kamay at braso kaya huminto ito. “Saan po tayo, Ma’am?” tanong ng driver. Saan nga ba iyon? Ano ba iyan! Nakalimutan ko kung anong address ng store. Pero kabisado ko naman ang way kaya ituturo ko na lang. “Ituturo ko na lang po, nakalimutan ko po ang address pero I assured you na malapit lang siya rito sa mall,” sagot ko. “Ay ganoon po ba? Sige po,” wika ng driver. Edi itinuro ko ang tamang way based sa natatandaan ko na dinaanan namin ni Rap noon nang makita ko ang store na iyon. Matapos ang higit kumulang na 30 minutes ay natumpok na namin ang store na malapit sa Mall. “Opo, diyan na nga po, dito na po, Kuya,” saad ko. Ipinara na ni Kuyang driver ang kaniyang taxi sa mismong tapat ng store. Nagbayad na ako kay Kuya, 150 pesos lang ang lumabas sa matrix fare niya kaya iyon lang din ang binayad ko with tip syempre na 50 pesos. Open pa siya kasi hanggang 10 P.M. naman bago sila magsara. Pumasok na ako sa loob at may isa silang customer na naabutan ko. “Good evening, Ma’am,” bati sa akin ng isa sa kanilang staff. Bale lima lang talaga sila na nasa store. Isang kahera, isang manager, tapos the rest is taga-assists sa mga bumibili. Dumiretso na ako sa manager nila kung saan ito ang namamahala sa in and outgoing parcel na order. “Excuse me, itatanong ko lang kung nai-deliver na ang order ko last month? Ngayon kasi ang takda niyang shipment eh,” tanong ko. Nagbabakasakali talaga ako na hindi pa. At sana ay hindi talaga. “Wait, Ma’am, what’s the name po ba?” tanong ng manager. “Imee Lauren Fuentes,” sagot ko. Napa-double look pa sa akin ang manager nang marinig ang pangalan ko pero agad din naman na ibinaling ang tingin sa papel na tinitignan. “Yes po, at na-receive na rin po iyon kanina,” saad ng manager. Nagtaka ako. Sino naman ang tatanggap n’on, samantalang narito ako? “Sure po ba kayo? Sino po ang nakalagay na receiver?” tanong ko. Tinignan muli ng manager ang papel para malaman kung sino ang tumanggap ng package. At laking gulat ko nang malaman ko kung sino iyon. “Ralph Robin Dominguez po,” sagot ng manager.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD