Masaya ako. Masaya ako na kahit hindi niya naging escort si Ram ay nakikita kong masaya si Alyssa habang kasayaw niya ito. Bakas ang kasiyahan na iyon na hindi maikukubli ng kaniyang emosyon. I just feel a little bit pity for Austin na siyang escort ni Alyssa, he looked so down.
“Sorry,” bulong ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari at mukhang alam ni Austin ang nararamdaman ni Alyssa ngayon habang kasayaw si Ram. Alam ko ang pakiramdam na iyon. Kakaiba iyon kapag ikaw mismo ang nakaranas.
“Wow! Mas mukha ng matanda si Alyssa kumpara sa iyo lalo na sa kilos niya,” wika ni MJ.
Ang daldal talaga niya kahit na nasa kabilang table siya. Gagawa at gagawa talaga ng paraan para lang makipag-usap sa akin.
“Happy birthday, Alyssa...” mahina kong sambit.
Para sa akin, that is the best gift I’ve ever give to my little sister. A fairy tale like this with his beloved Prince.
“Talaga nga naman, hindi mo masasabi kung sino ang mauunang mag-mature ang pag-iisip,” saad ko.
At natapos na ang sayaw nila, si Papa naman ang magsasayaw. Naalala ko tuloy ang araw ng kaarawan ko, mangiyak-ngiyak pa si Papa dahil ganap na daw akong dalawa at malapit na akong kumawala sa kanila. Natatawa ako kapag naiisip ko iyon dahil tama si Papa... two weeks na lang, aalis na ako sa kanilang pangangalaga.
“Oi! Labas tayo sa Linggo,” wika ni MJ.
Hanggang ngayon ay wala pa akong lilipatan na lugar. Hindi pa kasi ako naghahanap at isa pa alam kong magbubunganga si Mama kapag hindi kagandahan ang paglilipatan ko. Kailangan talagang maging mabusisi sa paglilipatan.
“Linggo? Saan naman?” tanong ko.
Balak ko kasi na maghanap na muna ng apartment sa araw ng Linggo. Wrong timing naman ang pag-alok ni MJ na gumala.
“Gusto lang kita masolo, and I’ll help you in finding a best place that will suits you after you leave your house,” sagot niya.
Nabigla ako. Wala naman akong ibang pinagsabihan tumgkol sa plano kong iyon kaya naman nakakapagtaka na alam niya.
“P-Paano mo nalaman ang tungkol doon?” tanong ko.
Nginitian lang ako ni MJ.
“Basta sa Linggo,” aniya.
Matapos iyon ay naguguluhan pa rin ako kung paano niya nalaman ang tungkol doon. Kahit si VJ ay wala ngang alam at hindi ko sinabihan sa plano ko.
“Babe,” tawag ni VJ sa akin.
Shit! Narinig kaya niya ang pinag-uusapan namin ni MJ? Sana hindi. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya at hindi maganda kung sa iba pa niya narinig ang tungkol doon.
“Ano iyon?” tanong ko.
Kinakabahan ako. I don’t want him to feel like nobody dahil lang nauna pang makaalam ang ibang tao kaysa sa sa kaniya.
“He’s Ram, right? The one before your father?” tanong din ni VJ.
Oo nga pala isinayaw din pala niya si Alyssa and even Rap did it too. Ako lang ang walang alam na kasali si Rap sa program at hindi naman pinakialaman nila Mama ang nais ni Alyssa. Tama! Heart warming pa nga ang pagtanggap sa kaniya ng mga ito kahit na alam nila ang past namin.
“Oo, bakit mo naman naitanong?” tanong ko.
Speaking of Rap, nasa kabilang table sila ni Cheska kasama sina MJ at Ram. Mukhang nag-eenjoy talaga ng husto si Cheska dito, sa pagkaka-alam ko kasi ay higit limang taon na siyang nasa States at ni minsan ay hindi umuwi rito sa Pinas.
“Wala naman, parang familiar lang ang mukha niya,” sagot ni VJ.
Familiar? Siguro para sa ngayon pa lang nakikita si Ram ganoon nga, mukhang familiar at may kamukha na artista o model. Mabuti na lang at hindi pa ganiyan kagwapo ang taong ito nang magkakilala kami noon sa high school.
“Ganoon ba? Marami ngang nagsasabi niyan,” sambit ko.
Hindi ko namam talaga narinig iyon. Sa katunayan nga ay ito ang unang beses na narinig ko mismo na tila ba familiar umano sa kanila si Ram dahil mula noon pa ay si Rap ang nagke-kwento ng mga ganoon nang nasa College na kami.
“Babe...” aniya.
Ito na ba? Dito niya na ba ako kokomprontrahin dahil sa paglilipat ko after graduation?
“Bakit?” tanong ko.
I smile. A fake one. Hindi ko alam kung ano ang next niyang sasabihin.
“Magandang lalaki pa rin hanggang ngayon si Rap kahit na medyo nangayayat siya, kung ikukumpara rin sa physical apperance ko... wala akong laban sa kaniya,” aniya.
What the heck? Saan ba niya pinupulot ang mga salitang lumalabas sa bibig niya? At anong ibig niyang sabihin sa mga iyon? At bakit hindi pa niya ako tinatanong tungkol sa pagbubukod ko?
“Babe, let it be, para sa akin mas magandang lalaki ka dahil sa taglay mong kabutihan,” saad ko.
He sigh. Down na down siya simula kanina pansin ko lang. Dahil ba nandito si Rap? That is the feeling when your girlfriend’s ex showed up in the same time with you and be feel so little?
“Yeah, because I am your boyfriend, I know,” wika niya pa.
I hold his hand. I am right. Nanliliit nga siya dahil si Rap ang una kong minahal at tumagal kami ng apat na taon. Well, one day before the 4th anniversary nakipaghiwalay siya sa akin.
“And you are the one that I love now,” sabi ko.
Iyon lang ang masasabi ko sa kaniya ngayon. Iyon lang ang mapaghahawakan niya mula sa akin. Dahil iyon lang ang kaya kong ibigay sa kaniya sa ngayon.
“I love you,” wika ko pa.
“I love you, too,” aniya.
And pinanood na ulit namin ang program ni Alyssa ng sabay hanggang sa nagpaalam na ito na magpupunta sa banyo.
“Babe, punta lang ako sa toilet,” turan niya.
Tumango ako. Alam naman niya kung saan ang banyo kaya no need na ituro sa kaniya ang direksyon. Sa makatuwid, parang siya pa nga anak nila Mama at todo alaga sila sa kaniya kapag nandito siya sa bahay.
“Sige, balik ka agad okay?” wika ko.
Hindi ko alam pero napapadalas na ang pagsasabi ko ng ganoon. Trauma? No. I just... don’t want to be left behind again.
“Oo naman, I will,” sambit ni VJ.
And he stands and walks away from the table. I look at the other table again, and accidentally met Rap’s eyes.
“Crap!” bulong ko.
Agad kasi akong umiwas nang magkasalubong ang tingin namin. Hindi ko na kasi alam kung ngingiti ba ako o hindi sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang ganitong sitwasyon. Pero teka, tinitignan niya ba ako?
“Relax, baka naghahanap lang ng anggulo o ng makukuhaan ng litrato tapos nagkataon lang na nagkasabay kami at nagkatinginan, walang ibang dahilan, hindi ako dapat nag-iisip ng kung ano pa man,” mahinang sabi ko sa aking sarili na ako lang ang nakakarinig dahil sa sobrang lakas ng sounds sa party.
Matapos iyon ay itinuon ko na lang ang aking sarili sa pagkuha ng mga litrato gamit ang phone ko at hindi na nag-isip ng kung ano pa man. Kahit na nagliliwanag lagi sa side nila Rap dahil alam ko na kumukuha rin ito ng litrato sa okasyon na ito.
Hindi ko na namalayan ang oras. Kahit si VJ ay hindi ko na naintindi dahil sa pagkaabala ko. Kung hindi pa ako tinanong ni Mama kung na saan iyon ay hindi ko mapapansin na hindi pa ito bumabalik mula nang magpaalam na magpupunta sa banyo.
“Hindi mo ba alam kung saan nagpunta ang nobyo mo?” pangungulit ni Mama sa akin..
Nakailang beses ko ng sinabi na nagpaalam si VJ na magpupunta sa banyo pero hindi ito naniniwala sa akin. Bakit ba parang lumalabas na ako ang masama at hindi ako ang anak niya?
“Kapag ba tumayo ako at umalis sa party ni Alyssa para hanapin si VJ, matutuwa na kayo?” tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit iyon ang sinabi ko sa kaniya pero mukhang effective naman. Bigla kasing nagliwanag ang mukha ni Mama.
“Oo naman, maliit lang naman ang bahay natin kaya naman mahahanap mo agad si VJ,” sagot ni Mama.
Alam ko naman na trabaho kong hanapin ang nobyo kapag nawala ito ng matagal. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang reaksyon ni Mama, na mas gugustuhin niya pang hindi ko masaksihan ang ibang detalye ng masayang pangayayaring ito sa buhay ng kapatid ko para hanapin si VJ.
But I need to composed myself. I don’t want to be rude, I am still her child. I must obey her.
“Okay,” sambit ko.
Wala ng sabi-sabi pa. Tumayo na ako at nagtungo agad sa banyo na kung tutuusin ay apat lang: sa sala, sa master bedroom, sa room ko, at sa room ni Alyssa.
Nagsimula muna ako sa sala dahil iyon ang una kong makikita kapag galing sa garden pero walang tao roon. Sunod ay umakyat ako at tinungo ang room ko dahil allowed na si VJ doon.
Binuksan ko ang pinto at nagtaka dahil wala din siya roon. Walang bakas na may gumamit ng banyo dahil tuyong-tuyo ang paligid.
“Where could you have been?” I asked myself.
Hindi naman maaring pasukin ang kwarto ni Alyssa at ang kwarto ng magulang ko. At kahit na pwede ay magdadalawang-isip muna ang papasok doon dahil kalapastanganan na pumasok sa silid ng ibang tao lalo na kung walang kahit sino ang nandoon.
I decided na subukan na tignan sa dalawang kwarto na natitira nang aksidente akong matumba dahil nabunggo ako.
“Sorry!” sabay namin na sabi.
Medyo masakit ang parte ng pwet ko dahil sa lakas ng pagkakabagsak ko. Hindi ko naalalayan ang katawan ko dahil kampante ako na walang ibang tao na narito sa taas.
“Imee, ayos ka lang ba?” tanong nito.
Ang bose na iyon at kung paano niya sabihin ang pangalan ko... Sobrang miss ng pandinig ko iyon... sana hindi na matapos ang sandaling ito.
Isang kamay ang bumungad sa akin... ang kamay na iyon... walang pinagbago... gusto kong hawakan ang mainit niyang kamay... pero hindi ko siya kayang hawakan.
“May masakit ba? Bakit ka umiiyak?” natatarantang tanong nito sa akin.
Nang sabihin niya iyon ay wala na akong nagawa para kontrolin ang emosyon na matagal kong ipinilit na itago. Bumuhos na lahat—ang mga luha na hindi ko naiiyak, ang mga salitang hindi ko masabi at kinimkim ko, at hinanakit sa taong ito na siyang minahal ko.
Itinayo niya ako at tinulungan na pumasok sa loob ng kwarto para doon umiyak. Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong yakapin ngayon pero hindi ko magawa. Ayaw ko makagulo sa iba at lalo na sa sarili kong relasyon.
“Are you okay?” he ask again.
Hinaplos niya ang aking ulo gaya ng ginagawa niya noon.
“Never mind me, go, please be at my sister’s party,” I replied.
I should say that. He have a wife now and I have my VJ.
“Imee...” aniya.
Tinignan ko siya sa mga mata. Nagulat ako nang makita ko iyon. Malungkot ito.
“Do you still love me?” tanong niya.
Do I still love him?
“Please don’t,” wika niya pa.
But I haven’t answer it. Bakit mo ako tinutulak palayo?
“I don’t want to hurt you anymore,” saad pa niya.
But you even hurts me even more.
“Please, kalimutan mo na ang memory mo na masaya tayong dalawa, na minahal natin ang isa’t isa
Pero iyon na lang ang magandang alaala na mayroon ako sa buhay ko.
“It was disgusting,” turan pa ni Rap.
At dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. He says it disgust him.
“Tama ka, thank you sa advice, gagawin ko ang sinabi mo,” tugon ko.
I smile bitterly. Kung iyon ang nais ni Rap ay siyang gagawin ko.
“By the way, thank you for hearing me out, I feel so refresh after a whole year of pain ay nailabas ko na iyon,” saad ko pa.
Tumayo na ako at lumabas sa kwarto ko. I still need to find VJ oara naman manahimik na si Mama. At dahil wala siya rito ay naisipan ko na tignan siya sa sasakyan niya. Baka kasi dahil sa ingay at maraming tao ay napagod siya at nagpahinga saglit.
Sumulyap pa muna ako sa garden at hindi ko pa rin nakikita si VJ sa table namin kaya naman mas lalong nabuo sa isip ko na nasa sasakyan nga siya.
“Salamat naman at nandoon nga siya,” sambit ko sa aking sarili.
Nakabukas ang pinto ng sasakyan niya, tama nga ang hinala ko.
As I stepped forward, I stop.
“VJ, ano ba? Matagal na tayong tapos!” bulyaw ng isang babae.
They are arguing inside his car.
“Pero alam mo naman ang ikaw lang ang hinihintay ko na magbalik!” bulalas ni VJ.
I can’t see their faces but the voice of the female inside his car is familiar.
“Please, stop,” pakiusap pa ng babae.
Bumukas ang kabilang pinto ng sasakyan. Kinakabahan ako kung sino ang makikita ko pero hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko na para bang nakadikit ako gamit ang glue .
“I still love you,” wika ni VJ.
At nakaramdam ako ng sakit sa dibdib.
“But you have a girlfriend now!” sigaw ng babae.
Kanina ay sinabihan niya ako na mahal din niya ako. Umaarte lang ba siya? Hindi niya ba talaga ako minahal kahit noon?
“Si Lauren? Ha! I really don’t lo—”
Dalawang mainit na palad ang humarang sa aking mga tainga na sanhi ng hindi ko tuluyang marinig ang kasunod na sasabihin ni VJ. This warm palms, I know who owns this.
Ilang sandali pa ay tinanggal na niya ang mga kamay niya.
“Don’t you know that it is bad to eavesdrop on someone?” turan ni Rap.
Masyado akong kinabahan na ayaw na maglakad palayo ng mga paa ko.
“I know but my feet won’t walk away,” tugon ko.
Nangangatog ako. Ramdam ko iyon.
“I’ve had enough! Babalik na ako sa party!” sigaw ng babae.
Nagulat ako nang lumabas na ng tuluyan ang kausap ni VJ at nagulat din siya nang makita kami ni Rap sa gilid ng sasakyan.
“Cheska! wait— Babe...” wika ni VJ.
I smile. Iyon lang ang kaya kong gawin, ang ngitian sila ngayon.