Chapter 27

2106 Words
May nakaraan ba sila at kaya nag-uusap sila ng palihim dito nang sila lang? Pero nang ipinakilala ko sila parang normal lang naman kanina iyong tipong total strangers sa isa’t isa, kaya naman hindi ako naghinala. Ang galing naman magpanggap ni VJ at Cheska. Naloko nila ako, pati na rin si Rap. “Imee...” sambit ni Cheska. Nangangatog ang mga boses nila. Sobrang gulat siguro nang makita ako. Kahit ako nagulat nang maabutan sila na nag-uusap at silang dalawa lang. Hindi nga lang usap iyon dahil mukhang nagtatalo rin sila. “B-Babe... let me explain...” wika naman ni VJ. VJ tried to approach me but suddenly I close my eyes. Hindi ko na alam ang sunod na nangyayari pero nang dumilat ako ay nakita kong nasa damuhan na si VJ at nakatayo naman sa harapan niya si Rap. “Raffy!” sigaw naman ni Cheska. Dala siguro ng inis niya dahil nakita niyang kasama ni VJ ang kaniyang asawa at walang ibang tao sa lugar na ito. Selos? Galit? Siguro iyon ang dalawang emosyon na bumalot sa kaniya nang sandaling iyon. He was about to punch him again nang pigilan ko siya. Hindi ko dapat hayaan na lamunin ang pagkabigla. Yes, may masakit sa part ko dahil girlfriend niya ako pero ang makita na nasasaktan physically si VJ ay hindi ko kayang harapin. I promised myself na hinding-hindi ko hahayaan na mangyari iyon at nabigo ako dahil nasaktan na siya ni Rap. “Rap, stop it,” I said. Mabuti at pinakinggan ako ni Rap. Kita ko na natatakot si VJ sa sunod na sapak ni Rap dahil ikinubli niya ang kaniyang mukha na siyang puhanan niya sa larangan ng industriyang pinapasukan namin. “You can go and get your wife, thank you,” wika ko pa nang may ngiti sa aking mga labi. Hindi ko kaya ang ginawa niya kaya magpapasalamat na lang ako na sinapak niya si VJ kahit alam ko na hindi naman talaga ako ang dahilan kung bakit niya iyon ginawa. Umupo ako at inalalayan na makatayo si VJ. “Lets go, linisin natin ang sugat mo sa labi,” sambit ko. Ang galing ko na mag-manage ng emosyon ko. Bunga marahil ng higit isang taon na pagkikimkim ko sa sarili kong emosyon nang dahil kay Rap. Nanantili pa rin akong kalmado matapos kong masaksihan ang pagtatakasil sa akin ni VJ at kahit na nakita ko siyang natumba dahil sa pagkaka-suntok. “Imee... I didn’t want this to be happened,” turan ni Cheska. Tumayo na ako habang inaalalayan si VJ and she was about to hold my arms nang pigilan siya ni Rap. “Its okay, it is bound to happen anyway, I know VJ,” tugon ko. Bound my face. Hindi ko talaga inaasahan ito. Dahil sa loob ng isang taon ay naging perpektong lalaki si VJ sa akin na sinusuportahan ako sa anumang gustuhin ko at desisyon ko. He always at my side no matter what happened, depende na lang kapag kasama siya sa world tour dahil hindi ako makakasama sa kaniya. “Babe...” sambit ni VJ. Tama, I need to know the next word that he was saying earlier. Nahinto kasi iyo nang makita nila kami na nakatayo paglabas nila sa kotse eh. “Can we talk later?” I asked. Natatakot ako. Natatakot ako sa mga salitang lalabas mula sa bibig ni VJ. May parte sa akin na ayaw kong marinig iyon dahil mukhang alam ko na ang kasunod ng mga katagang iyon pero pinipilit ko talaga ang aking sarili na malaman iyon kahit masasaktan lang ko. “Y-Yeah,” he replied. Sumulyap ako sa mag-asawa, hindi ko nakikita na hinahawakan ni Rap si Cheska. Nandidiri ba siya? Nayayamot? Mas masakit ata ang nararamdaman niya ngayon dahil asawa na niya si Cheska at hindi lang girlfriend. If ever na may ginawang iba ang dalawa sa loob ng kotse mukhang hindi mapapatawad ni Rap ang ginawa nila. Dahil ayaw namin na makagulo sa party ay palihim kong iniakyat si VJ sa silid ko. Well, allowed naman siya rito at alam ko naman na wala siyang ibang gagawin sa akin kaya kampante ako. “I’m not sorry for what happened to your face, I would say you deserved it,” I said. He laugh. Natatawa siguro sa kalokohan na ginawa niya. Hindi niya ata naisip na may asawa na ang taong kinakausap niya kanina. “Yeah, it is pretty my fault,” he said. “Kukuha lang ako ng first aid kit,” wika ko. Hinayaan ko siyang maupo sa higaan ko. Malambot kasi iyon at komportable kumpara sa silyang kahot na nasa tapat ng study desk ko. “About what happened... ano kasi...” aniya. Nahihiya ba siya? After a long year na pinakisamahan niya ako ay iiwan na niya ako? “In your car? Well, I didn’t know you two know each other,” wika ko. Nakakainis! Hindi ko makita ang kit na kanina ko pa hinahanap sa banyo ko. Saan ko ba nailagay iyon? “Yeah, nabigla kasi ako nang makita ko siya kanina,” aniya. Kaya pala. Kaya pala hindi siya nagsasalita during the half of the party. Puro lang siya ngiti at panay tingin sa cellphone na dapat inusisa. “Frantically, we used to be lovers,” wika niya pa. Lovers... that is a word that describes when both of you love each other. A rare word to say in front of your current girlfriend. “To be honest, I—” A interrupted him while walking and holding the first aid kit na sobrang tagal hanapin. “— Can you please finish what you were going to say earlier? Nangangati talaga akong malaman iyon,” saad ko. Hindi niya ba masabi sa akin? Dahil ako para sa akin, alam ko na ang sasabihin niya. I just need a clarification para sa haka-haka ko. “A-Anong sentence iyon?” tanong ni VJ. I started to clean his wound. “Ang sasabihin mo sana sa kaniya kung hindi lang ang nakatayo sa gilid ng kotse,” sagot ko. Bigla siyang napayuko pero mabuti na lang at hindi pa ako tapos sa sugat niya kaya naman iniangat konulit ang kaniyang mukha kapantay sa akin. “Tungkol iyon sa pagmamahal ko sa kaniya,” saad niya. Tungkol doon? Alam ko naman iyon pero ang sentence na sasabihin niya ang kailangan kong marinig. “Please, finish it,” turan ko. “The line that I said last?” tanong niya. I nodded. Kung hindi lang tinakpan ni Rap ang mga tainga ko kanina ay sana natapos ko iyon mapakinggan. “I wanted to say that I don’t love you but Rap suddenly appeared in front of me and punched me,” turan niya pa. He mean it, he didn’t love me... I know that from the very start nang manligaw siya, pero ako naman itong si timang na nahulog ang loob sa kaniya dahil sa kabutihan at pagka-gentleman niya. “Mahal mo pa ba siya?” tanong ko. He looked down again. Bakit ba laging down siya kapag tinatanong na tungkol doon. Ayaw ba niyang malaman ko ang totoo niyang nararamdaman? “Sagutin mo na ang diretso ang tanong ko. Dahil mamamga na ang sapak mo, gusto mo na ng yelo panglapat diyan?” turan ko. I know the answer naman. Halata naman sa kilos niya kanina habang nagmamakaawa at pinipilit niyang pigilan kanina na umalis ay talaga naman na nakakahanga kung hindi lang niya ako girlfriend at ibang tao ako. “Yes,” tugon niya. Napahinto ako saglit. Ang galing lang, sa loob ng mahigit isang taon na pagsasama namin ay lagi niyang ipinapakita at sinasabi na mahal niya ako ay kasinungalingan lang pala. “Leave or stay,” I said. This is the only way na hindi ako masasaktan ay magtanong ng diretso. Hindi naman maaring magtagal ang ganitong sitwasyon. He loves her and still does while I am just a rebound or should I say his toy. “I’ll leave, ayaw kong pagpiyestahan ka ng mga reporters kaya naman I will tell them the truth why we broke up,” aniya. Kahit na katiting ay hindi niya ako minahal. He’s not grateful about how I love him dahil sa umpisa pa lang ay mukhang alam niya na hindi ko siya agad mamahalin. “And will tell them to leave you peacefu... lly...” wika ni VJ. Nakatulala lang siya sa likod ko kung saan nadoon ang pinto ng silid ko. Dahan-dahan akong lumingon doon at nakita ko si Mama na nakasilip. “Naghiwalay kayo?” tanong ni Mama. Bakas sa mukha ni Mama ang pagka-malungkot. Nalulungkot siya na iiwan ako ni VJ. “Ma...” sambit ko. Napalingon ako kay VJ dahil bigla siyang tumayo. “Yes po, Tita, we need to do that,” sagot ni VJ. Nangangati na talaga siyang iwan ako. Gusto niya talagang makuha si Cheska kaso nakalimutan na niya ata na may Rap sa eksena. “Bakit?” tanong ni Mama. Hindi ata narinig ni Mama ang buong usapan namin. Mukhang kaka-akyat niya lang nang marinig ang sinabi ni VJ na “we broke up” kanina. “I still love my past, I cannot be with Imee unless I totally erase and forget how deep is my love witg that woman,” sagot ni VJ. Umiyak si Mama. Emosyonal siya pero dapat ako ang umiiyak dahil break up scene namin ito. “Balikan mo ang anak ko kapag ayos na ‘yan, kalimutan mo na agad ang ex mo,” wika ni Mama. Nakakahiya. May pagturo pang nalalaman si Mama sa puso ni VJ. Why him, Ma? Hindi ka naman ganiyan kay Rap noon, tinatarayan mo pa nga siya kapag binabati ka niya. “Of course, Tita! I will if ever,” sambit ni VJ. “So, officially break na tayo,” saad ko. I was intentionally wants to leave this room pero pinigilan ako ni Mama. Bakit na naman kaya? “Stay with him a little longer,” turan ni Mama. Hanggang ngayon ipinagpipilitan pa rin ni Mama ang gusto niya sa akin? “No, I’ve had enough,” tugon ko. It is my first time na kumontra. I feel stronger now nang masaksihan ko ang eksena nila VJ at Cheska. Nagpapasalamat din ako kay Rap sa ginawa niya. “Its okay, Tita, I’m going to leave soon after kong magpaalam sa birthday celebrant,” saad ni VJ. “Wala kang alam, Ma, so please, huwag muna ninyo akong diktahan sa buhay,” turan ko. Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at lumabas sa garden kung saan naroon ang party. I didn’t see the married couple so I assume na umuwi na sila. “I can’t drink here,” sambit ko. Not allowed ako uminom ng alak kahit na 20 years old na ako. “Saan ka ba galing at kanina ka pa wala?” tanong ni MJ. May hawak siyang plato na may mga pagkain at cocktail? “Alcohol ba iyan?” tanong ko habang nakanguso. “Yes, yes, yes, why?” sagot niya. “I want that,” I said. Mukhang naguluhan si MJ. Hindi nga pala niya alam na hindi ako umiinom. “I want to drink that, I’m not supposed to drink but I want and I will do it now,” turan ko. “B-But...” tugon ni MJ. “Why you want it to drink so badly?” tanong ni Ram. I looked at him. He is drinking too! Nasayang lang talaga ang buhay teenager ko. Walang magandang memories except kay Rap. No party with friends. Everything is shut down in my teenage years. “I want to experience it,” sagot ko. Iyon lang muna sa ngayon ang masasabi ko. Ayaw kong ipagsigawan na nakipag-hiwalay na sa akin si VJ dahil sa nakakahiyang tagpo kanina. “You can drink at my place, walang magbabawal sa iyo roon,” saad ni Ram. “Oo! May mini bar si Ram sa bahay nila, masasarap mga alak doon!” bulalas ni MJ. So she went there? Ibig sabihin safe doon. Walang masamang mangyayari sa akin... “After this party, I don’t want to miss Alyssa’s blessed day,” wika ko. And so, naupo na ako sa table nila Ram dahil wala na rin naman sina Rap at Cheska sa party. Sabi ng dalawa ay bigla daw na nagpaalam sa kanila at sabay sibat. Walang explanation kung bakit. Ilang sandali pa ay biglang lumapit sa akin ang emcee at ibinigay sa akin ang kicrophone for dedication daw. “HAPPY BIRTHDAY, MY DEAREST LITTLE SISTER! ATE LOVES YO SO MUCH!” I said.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD