Chapter 25

1476 Words
“Happy birthday!!!” Iyon ang mga katagang naririnig ko sa araw na ito. Sa araw na ito ay ang ika-labinwalong kaarawan ni Alyssa. Legal age na siya at alam ko na sobrang saya niya na makapagdiwang ng kaniyang kaarawan ngayon lalo na’t talagang pinaghandaan namin ito nila Mama. Naalala ko pa nang tanungin ko si Alyssa kung sino ang nais niyang maging konsorte sa araw na ito. Buong akala ko ay wala siyang lakas ng loob para imbitahan si Ram pero nagkamali ako. Tandang-tanda ko pa ang eksaktong eksena namin, dalawang linggo na ang nakakaraan sa kwarto habang naghahanap kami ng boutique kung saan siya maaring bumili ng gagamitin niyang gown para sa araw na ito. Ayaw niya ng rentang gown dahil marami na ang nakapagsuot ng damit na iyon, memorable ang araw na ito para sa kaniya kaya nais niya na maging unique at siya lang ang mayroon ng ganitong uri ng gown na suot niya ngayon. “Nakahanap ka na ba ng boutique na mayroong magagandang feedback?” tanong ko. Abala ako ngayon sa paghahanap. Naalala ko tuloy ang 18th birthday ko kung saan syempre si Rap ang escort ko. Napakagandang araw din para sa akin ang mga naganap. “Wala pa nga, halos lahat ng feedback ay may reklamo sa product, service, at mismo sa staff,” sagot ni Alyssa sa akin. Well, same here. Ganoon din ang nakikita ko sa mga pages ng boutique. Pero sa tingin ganoon talaga ang mga staff sa boutique, maattitude. Hindi ko nilalahat pero ang kinuhaan ko kasi ng gown noon sobrang baliw. Panay dikit kay Rap at kung anu-ano pa ang ginagawa para magalit ako pero dahil mabait ako, nagpigil ako. “Ate, may number ka ba ni Kuya Ram?” tanong niya sa akin. Nagulat ako. Why Ram all of a sudden? Hindi ba dapat si Austin kasi he’s the one who is courting her? Saludo nga ako sa dedikasyon ng batang iyon. Hindi ko nga matandaan kung dalawa o tatlong taon na siyang nanliligaw. “Wala, pero si MJ baka mayroon, magkapitbahay lang sila,” sagot ko. “Ano... can you please give Ate MJ a call?” tanong ni Alyssa. Hindi kaya... “Yeah, I can,” sagot ko. I smile. I sense something fishy. “Aly, do you want Ram to attend your party or to be your escort rather?” tanong ko. And boom! As what I thought. Namula na ang buong mukha ni Alyssa. Ang bilis mabasa ng kilos ng kapatid ko ngayon. “I can call him and tell about it but I don’t know if he wants to be your escort,” saad ko pa. “Ate! I didn’t answer it yet but you’re making a conclusion na!” bulalas ni Alyssa. Natawa ako. Grabe naman ang epekto ni Ram sa kapatid ko. Tumatanda na talaga siya, pumapag-ibig na. “Ate, hindi ba’t naisayaw ka rin ni Ram noon?” tanong ni Alyssa. Dahil naitanong ni Alyssa iyan ngayon ay naisip ko na tama siya, naisayaw nga ako ni Ram noon. He is the third to the last na nagsayaw sa akin. Nakakainis kasi wala akong masyadong kaibigan na lalaki kahit noon pa. Halos lahat ng kasama sa 18 roses ay anak ng mga kaibigan nila Mama at Papa kaya hindi ko gaano kakilala maliban sa pangalan nila. “Yes,” sagot ko. “Anong pakiramdam mo? Malambot ba ang kamay niya?” tanong pa ni Alyssa. At dahil curious siya ay na-curious din ako dahil nakalimutan ko na ang lahat ng iyon. Hindi ko nga iniintindi ang mga nagsayaw sa akin noon dahil naka-focus ako kay Papa at Rap nang isayaw nila ako. “Hindi ko tanda, but he hold my hand last month and...” sagot ko. Malambot ba ang kamay niya? “I think malambot iyon,” wika ko. “T-Teka... you two held each other hands?!” bulalas ni Alyssa. Tumango ako. Tama naman iyon, hinawakan ni Ram ang kamay ko while we are in the cafeteria together with the others including Rap and Cheska. Speaking of them, magtatapos din sila dahil credited ang subjects, units and grades nila from their school in States. “W-Why?” tanong ni Alyssa. Bakas sa mukha niya ang pagtataka. Dapat bang sabihin ko na iyon ang araw ng pagkikita namin ni Rap sa school? “Remember the time when Rap got back? We all went in the cafeteria during lunch and...” wika ko. “And?” sambit ni Alyssa. Talagang curious ang batang ito sa nangyari. Ano bang iniisip niya sa amin ni Rap at ganito na lang siya ka-interesado sa nangyari? “Balak kong tumayo na at umalis kasi ang awkward ng feeling ko nang araw na iyon pero pinigilan ako ni Ram sa pamamagitan ng paghawak sa kamay ko, ganoon ang nangyari,” saad ko. Tapos si Alyssa ang itsura niya ay manghang-mangha sa nangyari na may halong pagkadismaya. “Ganoon pala, sige na Ate! Ask him, thank you!” saad ni Alyssa. At matapos iyon iniwan niya ako sa kwarto at hindi na bumalik. Ganoon ang nangyari at ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Nagsimula na kaming maghanda, paunti-unti ay dumarating ang mga bisita na si Aly mismo ang nag-imbita. Kahit si Ram ay nandito kasama ang barkada maliban kay Rap. Well, mabuti na rin iyon at least I can enjoy the party together with VJ. And speaking of him... he’s still not around, I wonder what’s going on? “Did you tell her?” tanong ni Ram. I told her many times bago ko pa siya napapayag at naniwala sa sinabi ko syempre. “Yes, ang sabi ko you can dance her but not as he’s escort,” sagot ko. “Thank you,” wika pa ni Ram. Ewan ko ba sa lalaking ito, todo tanggi siya sa alok na maging escort ni Alyssa at ipinagpipilitan niyang hindi magandang tignan kapag mas ahead ng apat na taon ang magsasayaw sa birthday girl maliban sa Tatay. “But be ready, you’re still in the 18 roses,” saad ko. Oo, hindi ko pa rin siya inalis dahil alam ko na gusto iyon ni Alyssa na makasayaw si Ram. Kung magtatapat kaya ang kapatid ko sa kaniya, may tyansa kaya? “Yes, Ma’am! Ah! Siya nga pala, baka maya-maya dumating na rin sina Rap at Cheska rito, inimbitahan din kasi ni Alyssa,” turan ni Ram. Nanigas ako. Hindi ko alam kung paano ako tutugon sa sinabi niyang iyon. Did Alyssa really invites them? Why? “W-Well... okay, noted!” tugon ko. Iyon lang ang nakayanan ng aking comprehension. Siguro malfunction ang sanhi at wala ng natitirang ugat ang gumagana sa utak ko nang marinig iyon. “Babe, here you are,” wika ni VJ. He wraps his arm in my waist. Ang clingy niya ngayon, in fairness. “Bakit ngayon ka lang aber? Minuto na lang at magsisimula na ang programa,” turan ko. I’m not mad or what, pakiramdam ko kasi need ko maging isang selosa at mabunganga na girlfriend gaya ng isang normal na babae. Hindi ko kasi nagawa iyon noon dahil hindi ako binibigyan ng dahilan ni Rap na maging ganoon. “Chill,” aniya. Tumawa siya saka nagpaalam kung maari niya ba akong halikan sa aking noo. Syempre, pumayag ako. Sa noo lang naman ang halik na gagawin niya. Pero ang hindi ko alam ay nakita iyon ni Rap. “Oh! Nandiyan na pala kayo,” wika ni Ram. Napalingon ako sa likod namin at nakita ko sina Rap na papalapit at nakangiti habang dala-dala ang regalo na para sa kapatid ko. “Naipit kami sa traffic jam, grabe!” bulalas ni Rap. Ang gwapo ni Rap. Hindi ko maitatanggi na attracted pa rin ako sa presenya niya kaya nga todo iwas ako kapag nasa school. “Kaya nga, grabe talaga rito sa Pinas, ang hassle,” saad naman ni Cheska. Isa pa ito. Bagay talaga sila. A perfect match sabi ng iba. “Hello, thank you sa pagpunta,” wika ko. “Wala iyon! Saan na ba siya nang maiabot na namin ang inihanda namin na regalo para sa kaniya,” turan ni Cheska. “Ewan ko baka naghahanda na kasi malapit nang magsimula ang unang program ng debut niya,” tugon ko. Tama. Kamuntikan ko ng makalimutan na ipakilala sa kanila si VJ.. “Guys, I want you to meet, VJ, at alam na ninyo kung ano kp siya, ‘di ba?” saad ko. Tumango namam si Ram tapos si Rap ay nagkunwari na walang narinig pero si Cheska ay parang nanigas sa kinakatayuan niya. Bakit kaya? “Nice to meet you all,” sambit ni VJ. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang reaction ni Cheska pero saka ko na aalalahanin iyon dahil mas maganda kung maki-agos na muna ako sa daloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD