Naalimpungatan ako sa sobrang likot ng aking kapatid.
Bumangon ako at umupo. Pinagmamasdan ko ang aking kapatid na natutulog at panay galaw sa higaan.
Sinamahan niya ako ngayon para maibsan ang lungkot dahil sa pakikipagjiwalay sa akin ng aking kasintahan.
I looked at every corners of my room. Lots of memories we have shared together displays thru all the pictures.
We have been together since High School, and now without any explanations he just walk away in my life.
Tumayo ako at tinitigan ang una naming litrato— ang araw na sinagot ko siya.
“Rap, sinasagot na kita,” nahihiya kong sabi.
Nakatalikod sa akin si Rap-Rap, kinukuhaan ang mga bulaklak sa hardin ng aming paaralan.
Isa siya sa miyembro ng Photography and Journalism Club sa aming paaralan.
Masasabi ko rin na Campus crush siya ng mga kapwa kong mag-aaral na babae.
Ralph Robin Castillano, 5’7 ang taas, magaling sa mga academics, at isa sa pambato pagdating za larangan ng pagandahan kaso hindi siya sumasali roon mas gusto niya na siya ang kumukuha ng mga litrato.
“Ta-talaga?” nauutal niyang tanong.
Nakatalikod pa rin siya sa akin, hindi makapaniwala na sinagot ko siya makalipas ang isang taon na panliligaw niya.
Nagsimula siyang manligaw sa akin nang kami ay nasa ika-dalawang taon ng high school at ngayong araw ay saktong isang taon mula nang nanligaw siya.
“Ayaw mo bang humarap?” tanong ko.
Nahihiya na ko baka kasi ayaw na niya sa akin.
“H-hindi,” nauutal pa rin niyang sambit.
Hindi ako umiimik, hinihintay ko pa rin siya na humarap sa akin.
“S-sigurado ka ba?” aniya.
Humarap ito sa akin na may expression sa mukha na hindi makapaniwala.
Tumango lang ako at ngumiti, medyo naluluha na rin ako dahil ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng nobyo.
Sumigaw si Rap at binuhat ako.
“Girlfriend ko na si Imee Lauren Fuentes!” sigaw niya.
Inikot-ikot niya ako habang nagsisi-sigaw. Hinahampas ko siya ang aking dalawang kamay sa braso para ibaba na niya ako dahil marami nang nakakapansin sa amin. Nahihiya ako.
“ibaba mo na ako, nakakahiya,” sambit ko.
Ibinaba na niya ako at ang ibang estudyante na nakakita sa amin ay nagpalakpakan at naghiyawan.
“Congrats,” wika ni Austin.
Isa sa mga kibigan namin na kasama sa journalism club.
Sa sobrang saya ni Rap ay sinabihan niya ako na kumuha kami ng litrato.
Naiilang ako habang ngumi-ngiti sa harap ng camera dahil nga may mga nakatingin.
Umaayos ako ng tayo at umakbay sa akin si Rap.
“1, 2, 3, cheese!” aniya.
Pinindot na niya ito at nag-flash sa harap namin ang camera.
Naluha ako nang maalala ko na naman ang nakaraan, dali-dali kong inalis ang aking tingin sa unang litrato namin na magkasama.
Inilibot ko ang paningin sa buong kwarto, mas lalo akong naluha.
“Paano ba kita maalis sa isipan ko kung dito palang sa kwarto ko ay puno na ng mga alaala natin?” tanong ko sa sarili ko.
Inis akong lumapit sa salamin at balak tanggalin ang mga nakadikit namin na mga larawan kaso bigla akong nanghinayang.
“Sira ka, nasayang lang yung limang taon natin na pagsasama,” sambit ko.
Nakatingin ako sa huli naming kuha na litrato.
Nakaraang linggo lang iyon tapos ngayon biglang nag-iba.
Umupo ako at humarap sa salamin. Tinitignan ko ang itsura ko kung may mali ba nang biglang magsalita si Alyssa.
“Ate, anong oras na?” tanong niya.
Pinunasan ko ang aking mga luha at tinignan ang orasan sa gilid ng mesa ko.
“5:39 A.M,” sagot ko.
Bumangon si Alyssa at nagpaalam na mag-aasikaso na siya para pumasok.
“Ate, sa kwarto muna ako, maliligo,” aniya.
“Sige, ingat ka papasok sa school,” turan ko.
Dire-diretso lang siyang lumabas ng aking silid. Marahil ay inaantok pa.
College na rin kasi si Alyssa, ahead lang ako ng dalawang taon sa kaniya.
Sabado ngayon, alas diyes pa ang umpisa ng klase ko kaya may oras pa akong bumalik sa pagtulog.
Naglakad na ako pabalik sa higaan at nahiga. Pilit akong pumipikit pero maraming tumatakbo sa isipan ko kaya napagdesisyonan ko na lamang na bumaba at humanap ng makakain.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan, ayaw ko kasing magising sila Papa sa pagkakatulog nila.
Walang tao sa sala kaya dumiretso na ako sa kusina. Wala rin tao roon, marahil ay tulog pa si Mama.
Tiniganan ko ang laman ng refrigerator, puro raw foods lang ang nandoon. Kaya naisipan ko na lang na magluto ng agahan para makakain na rin si Alyssa bago pumasok.
Kinuha ko ang baboy sa freezer at kumuha ng mangkok sa tray. Inilagay ko doon sa mangkok ang baboy at inilapag sa lalabo— sa ilalim ng gripo. Binuksan ang gripo diretso sa baboy para mawala ang yelo na nakabalot sa buong baboy.
Tiniganan ko na rin kung may kanin, mayroon pang natira na kanin. Inalis ko ang bahaw at itinabi, hinugasan ang kaldero ng rice cooker at nilagyan ng tatlong takal na bigas.
Sinaksak ko na ang rice cooker para uminit at maluto ang bigas. Sinimulan ko na rin na hiwain ang baboy sa maliliit na piraso para mas madaling lumambot.
Nang mahiwa ko na ito ay agad kong tinignan kung may mga sangkap na angkop sa putahe na lulutuin ko salamat naman at may mga paminta at laurel.
Nagsimula na akong magluto habang nagsasaing para sabay na maluto ang kanin at ulam.
Sinimulan ko na rin na mag-init ng tubig para sa pagkakapehan nila Papa at gatas naman para kay Alyssa.
Habang naghihintay na maluto ang adobo at kanin ay bigla kong naalala ang bahaw o ang tirang kanin kagabi, naisip ko na isangag na lang ito para hindi masayang.
Bigla naman pumasok si Bernard ang aalaga namin na aso, naglalambing ito marahil ay gutom na rin.
Nilagyan ko ang kaniyang food bowl ng mga dog treats at pinuno ang kaniyang tubigan.
Nakarinig ako ng mga yabag ng mga paa, tumayo ako at tinignan kung sino iyon, si Alyssa pala.
“Ate, anong mayroon?” tanong niya.
Nagtataka niyang ibinaba sa upuan ang kaniyang bag, ngayon lang niya kasi ako ulit nakita na nagluto buhat nang maging singer ako.
“Hindi ako makatulog, so I decided to make breakfast to everyone,” sambit ko.
Tumango lang ito at dumiretso sa ref, kumuha ng tasty bread at palaman.
“Mas better pala na single ka,” aniya.
“Huwag kang maingay baka marinig ka ni Mama,” suway ko.
“Huwag kang mag-alala, tuwing Sabado ay hindi gumigising ng maaga si Mama,” sagot niya.
Nagtaka naman ako.
“Bakit?” tanong ko.
Sinubo niya muna ang tasty bago siya sumagot sa akin.
“Sinabihan ko na huwag na niya akong lutuan t’wing Sabado,” tugon niya.
Napakunot-noo ako.
“Bakit nga,” inis kong tanong.
“Para makapag-pahinga siya, saka malaki na ako, I can make breakfast na,” aniya.
Tumango lang ako at pumaroon sa rice cooker dahil luto na ang kanin.
“Kain ka kanin,” sambit ko.
Tumingin ito sa relo niya at ngumiti.
“Oo naman, pahingi ako,” turan niya.
Natawa naman ako at sinadukan siya ng makakain.
Inamoy niya ang niluto kong adobo.
“Ngayon lang ako ulit makakatikim ng luto ng ate ko,” masaya niyang sambit.
Animo’y bata na kumakain ang 17 years old kong kapatid.
Kumuha na rin ako ng makakain ko at sinabayan siya sa pagkain.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng sumulpot bigla si Papa.
“Ito pala ang naamoy ko mula sa kwarto,” aniya.
Lumapit ito sa amin at umupo. Tumayo kaming pareho ni Alyssa at pinagsilbihan si Papa.
Sinadukan ko si Papa ng makakain samantalang nagtimpla ng kape si Alyssa
“Mmmm, amoy pa lang masarap na,” wika ni papa.
Tumayo ito at kumuha ng tubig, uminom muna bago kumain.
“Namiss ko luto mo, anak,” aniya.
“Ako rin Pa, namiss ko luto ni Ate,” sang-ayon naman ni Alyssa.
“Mag-ama talaga kayo, pareho kayong bolero,” turan ko.
Nagtawanan kami hanggang sa matapos kumain.
“Pasok na po ako,” paalam ni Alyssa.
Kumuha naman ng pera si papa sa kaniyang bulsa at inabot kay Alyssa.
“Ayan, dagdag baon mo,” sambit niya.
Kinuha naman iyon ni Alyssa at ngumiti ng napakalaki.
“Thank you, Pa,” tugon niya.
“Sa birthday mo na lang ako magbibigay,” natatawa kong sabi
“Waiting sa birthday ko,” sagot niya.
Umalis na si Alyssa at pumasok na kami ni Papa sa loob. Tinignan ko ang oras, 7 A.M na pala. Napasarap ang kwentuhan namin tatlo.