Chapter 1

1409 Words
“Lauren, I need to say good bye,” sambit sa akin ni Rap-rap. Hinarap ko siya. Mangiyak-ngiyak ko siyang tinanong kung ano ang ibig niyang sabihin. “Ano bang pinagsasasabi mo?” tanong ko. Pinipilit kong ngumiti habang kaharap siya kahit tumu-tulo na ang mga luha ko. “We can’t continue this relationship,” aniya. Makikita sa mukha niya na seryoso siya pero mapapansin na nagigilid na rin ang mga luha na gusto ng pumatak mula sa kaniyang mga mata. “Is this about my manager?” tanong ko. Paulit-ulit na lang kasi na hinaharangan ng manager ko ang pagmamahalan namin. “No, its not about your Mom,” sagot niya. Akala ko napagod na siya sa kakapigil sa amin ni Mama na siya ring manager ko. “Then why?” tanong ko. Nang sandaling iyon ay hindi ko na napigilan ang aking mga luha na tuloy-tuloy bumabagsak sa aking mukha. Naaanig ko na gusto niyang punasan ang mga luha ko sa bawat pagpatak nito pero hindi niya ginawa, may kung anong bagay ang pumipigil sa kaniya. “I’m sorry,” sambit niya. Naiwan ako sa gitna ng parke na luhaan at nag-iisa. Tinatanaw ng aking dalawang mata ang kaniyang likod na unti-unting lumalayo sa aking paningin. Gustuhin ko man na habulin siya ay hindi ko magawa dahil ang aking dalawang paa ay tila nakadikit sa kalsada. “Don’t leave me,” marahan kong sabi. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sinasabayan ang bawat pagpatak ng mga luha na gustong kumawala mula sa aking katawan. Halos isang oras na ako nasa ilalaim ng ulan, hindi makagalaw sa nangyari. Umupo na lamang ako habang umiiyak. Hindi makayanan ng aking katawan ang pakikipag-hiwalay sa akin ni Rap-rap. Nang tumigil ang buhos ng ulan ay ang pagtigil din ng aking mga luha. Sinubukan kong ihakbang ang aking dalawang paa. “Ang sakit,” sambit ko. Namanhid ang dalawang binti ko. Pinilit ko pa rin na ilakad iyon kahit masakit. Naglakad ako pauwi sa aming bahay. Kalahating oras din ang inabot ko sa paglalakad. Sinalubong ako ng aso kong si Bernard, isang German Sheperd. Napangiti ako, dumiretso ako agad sa aking silid at naligo. Habang ako’y naliligo. Iniisip ko kung bakit ganoon na lamang ang ginagawa niya sa akin. Hinayaan niya akong maiwan sa gitna ng ulan at hindi man lang binalikan. Napaiyak na lang muli ako dahil sa mga naiisip ko na maari niyang maging dahilan. Maya-maya pa’y nakarinig ako ng katok. Tatlong katok. “Anak,” tawag sa akin ng aking ama. Ang mabait kong Ama, na hindi alintana kung sikat ba ako o hindi. Ang mahalaga lang sa kaniya ay kung saan ako masaya ay doon din siya masaya at suportado niya ako. “Kakain na, anak,” aniya. Pinakalma ko ang aking sarili para hindi niya mahalata sa boses ko na umiiyak ako. “Opo, naliligo lang po ako,'’ sagot ko. “Sige, dalian mo at baka lumamig na ang mga pagkain,” turan niya. Narinig ko ang mga yabag ng paa niya dahil kahoy lamang ang aming sahig. Napasinghal na lamang ako. Binilisan ko na ang aking pagligo. Lumabas na ako sa aking banyo at nakita ang mga larawan namin ni Rap-rap na masayang-masaya. Pinagmasdan ko ito at nangilid muli ang mga luha na nagbabadyang pumatak. “Bakit ka nakipag-hiwalay ng wala man lang paliwanag?” tanong ko. Nakatitig sa kaniyang nakangiting larawan na kasama ako. “Alam mo ba na ang daming gumugulo sa isip ko dahil sa nangyari?” wika ko. “Ang sakit, ang sakit sakit,” Sinuntok ko ang aking dibdib at napahagulgol sa sakit na nadarama. Hindi ko namalayan na may kumakatok muli sa aking pinto “Anak, hindi ka pa ba tapos?” tanong nito. “Nagbibihis na po,” sigaw ko. “Sige, bababa na ako,” wika ni Papa. Pinunasan ko ang mukha ko at kumuha ng masusuot. Pinili ko ang over size shirt na may disenyong stitch at sinuot ang pajamas ko. Tumingin muli ako sa salamin at tiniyak na hindi malala ang mugto ng aking mga mata. “Hindi naman masyadong halata,” sambit ko. Bumaba na ako sa kusina at nadatnan ang aking pamilya na nanonood ng tv habang ako’y hinihintay. “Andiyan ka na pala, halina’t umupo,” aya ni Papa. Umupo ako katabi ng aking kapatid na si Alyssa. Ngumiti naman si Alyssa sa akin at inilapit ng kaniyang mukha at bumulong. “Bakit ka umiyak?” tanong niya. Nagulat naman ako pero hindi ko pinahalata sa iba. “Huwag ka ngang maingay,” suway ko rito. Nagkibit-balikat lamang ito at humarap sa hapag kainan. “Lauren,” sambit ni Mama. Napatingin ako sa kaniya. “Bakit po?” tanong ko. “Be ready,” aniya. Marahil ay kasama akong magpeperform sa isang concert. “Kailan po?” marahan kong tanong. Kumain na ako habang hinihintay ang isasagot ng aking ina. “Sa Linggo,” ani nito. Napatingin sila Papa at Alyssa kay Mama. Napa-isip ako, Friday na ngayon, ano iyon walang pahinga? “Ma, Friday ngayon,” sagot ko. Hindi ako tinignan man lang ni Mama patuloy pa rin ito sa pagkain niya. “Kaya nga, ihanda mo ang boses mo,” wika nito. Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko man magawa ng may kalayaan ang mga nais ko. “Okay po,” tugon ko. Tinuloy ko na ang pagkain ko, binilisan ko na rin para maka-akyat na ako sa aking silid. “Salamat po sa pagkain,” sambit ko. Ini-ayos ko muna ang pinagkainan ko at saka tumayo. Ayaw kasi ni Mama na inililigpit agad ang pinagkainan habang may kumakain pa. Pamahiin na hindi raw makakapag-asawa ang naiwan sa hapag. “Magpahinga at mag-ensayo,” mariin na paalala ni Mama. Napa-iling na lang ako habang pumapanhik. “Okay lang ‘yan self, for better future,” sabi ko sa sarili ko. “Better future, huh?” wika ni Alyssa. Medyo napatalon ako ng bahagya sa gulat at tumingin sa aking likuran. “Gusto mo ba akong magkasakit sa puso?!” inis kong tanong. Tumawa naman si Alyssa. “Ang lalim ng nasa isip mo kaya hindi mo man lang napansin na may nakasunod na sa iyo,” turan niya. “Iniisip ko iyon tungkol sa concert,” tugon ko. Binuksan ni Alyssa ang aking silid at tuloy-tuloy pumasok sa loob. “Kwarto mo?” tanong ko. Ngumisi lang ito at patalon na umupo sa aking kama. “So, bakit ka nga umiyak?” tanong nito. Isinara ko agad ang pinto at baka marinig iyon ang aking Mama. Tumakbo papunta kay Alyssa at tinakpan ang kaniyang bibig. “Ang ingay mo naman,” usal ko. Sumenyas ito na tanggalin na ang aking kamay sa kaniyang bibig kaya ginawa ko naman. “Ikaw ata papatay sa akin,” pabiro niyang sabi. Umupo ako sa tabi niya. “Nakita mo ba akong umiyak?” tanong ko. Umayos siya ng upo at naglagay ng unan sa kaniyang hita. “Hindi pero halata nang pumasok ka sa bahay,” sagot nito. Napatingin ako sa kisame, naroon ang ilan sa mga litrato namin ni Rap-rap. Muli, nangilid ang mga luha ko na handang pumatak sa ilang sandali. “Hala! Bakit?” natataranta na tanong ni Alyssa. Tumayo ito at pumunta sa harap ng salamin, kinuha ang tissue box at ibinagay sa akin. Huminga ako nang malalim at malakas ko iyon na ibinuga. “Rap and I broke up,” sagot ko. Medyo nagulat si Alyssa sa sinabi ko. “Bakit?” nagtataka niyang tanong. “I don’t know, he did not explain,” sagot ko. “Dahil kay mama?” tanong nito. Umiling ako. “May ibang babae?” tanong niyang muli. Umiling ako, “hindi, wala siyang sinabi na kung ano man, basta nakipaghiwalay lang siya sa akin,” kwento ko. Bumuhos na naman ang iyak ko, sa pagkakataon na ito, may dumamay sa akin. Inakbayan ako ni Alyssa at sinabing, “Hayaan mo Ate, aalamin ko,” aniya. Napatingin naman ako sa kaniya, napangiti ako nang sabihin niya iyon. “Oo naman, Ate kita,” masaya niyang sabi. “Thank you, thank you for listening, thank you for making me feel better,” naiiyak kong sabi. “Ano ka ba, gusto mo tabihan kita matulog para hindi ka na maiyak,” natatawa niyang tanong. “Aba, sige,” sagot ko. Humiga na kami at hindi ko namalayan na nakatulog na ako dahil sa pagod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD