Chapter 3

1243 Words
Nag-asikaso na ako sa sarili ko, may klase din kasi ako nang 10 A.M kaya wala na akong oras para matulog pang muli. Nang makaayos na ako ay bigla kong naalala si Rap, sa iisang paaralan nga pala kami pumapasok, tiyak na magkikita kami roon. Nag-isip ako ng pwede kong gawin na scenario kapag nagkataon... Nasa school na ako, nakasalubong ko si Rap sa hallway. Ngumiti ako at binati siya, “Hi, Love!” kinakabahan ako, hindi ko alam kung tutugon ito sa bati ko. Pinagmasdan ko si Rap, bigla na lamang niya akong binigyan ng malamig na tingin at hindi ako pinansin. Dumiretso lamang ito ng lakad palayo sa akin. Sinambunutan ko ang sarili ko, “Ang cold naman ng scenario na iyon,” inis kong wika. Nag-isip akong muli ng panibagong scenerio. Naabutan ko si Rap na nasa garden ng paaralan at kumuha ng litarto. Lumapit ako para batiin. “Hi, Ra—” hindi ko na itinuloy ang pagbati ko sapagkat lumabas sa likod ng puno si Mj— ang kaniyang kababata. Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang dalawa na masayang nagtatawan. Tumingin ang dalawa sa kinaroroonan ko at sila’y ngumiti. Umakbay si Rap kay Mj at gayon din ang ginawa ni Mj. Humarap sila sa isa’t isa at unti-unting lumalapit ang kanilang mga labi sa isa’t isa. Napasigaw ako. Hindi ko kinaya ang pangalawang scenario na madadatnan ko sa paaralan. “Si Mj pa talaga?” usal ko. Napahiga ako sa unan nang maalala ko si Mj, maganda iyon, matangkad, matalino, halos lahat nasa kaniya na. Matagal na rin simula nang umamin ito na siya’y may gusto kay Rap. “Paano kung totoo iyon na scenario?” tanong ko. Napatingin ako sa larawan namin. “Kaya ka ba nakipaghiwalay ay dahil kay Mj?” tanong ko sa larawan na tinitignan ko. Sino ba naman ang niloko ko, paano naman sasagot ang lalaki na ito, larawan lang naman ang aking kausap. Kinuha ko ang isang unan at nagtakip ng mukha, sumigaw ako dahil sa inis. Nag-isip ako ng mabuti, paano kung biro lang iyon, na may inihanda pala siyang sorpresa para sa akin? Dali-dali akong naligo. Pagkatapos kong maligo ay pinili ko ang pinakamaganda kong damit na pwedeng isuot sa loob ng campus, inayos ko nang maigi ang aking buhok at naglagay ako ng konting lipstick sa aking labi. Tinignan ko muling ang aming larawan, “Look, am I pretty?” nakangiti kong tanong, “See you later,” Inilapag ko na ang litrato at kinuha ang aking bag. Lumabas na ng kwarto at bumaba na. Naabutan ko sina Papa at Mama na nasa sala, “Good morning,” bati ko sa kanila sabay halik sa kanilang mga pisngi. Humigop muna si Papa ng kaniyang kape at ngumiti, “Mukhang good mood ang aking anak,” aniya. “Nakapaghanda ka na ba para sa nalalapit na guesting mo?” seryosong tanong ni Mama. Hindi ko alam pero ewan ko ba, mas nanaig pa ang pagiging manager niya kaysa sa pagiging Ina sa akin. Napangiwi ako, “Yes po,” tugon ko. Humigop ito ng kape, “Good,” Ngumiti siya sa akin. As what I expected, mas nanaig ang pagiging manager niya. “Ingat ka, anak,” paalala ni Papa sa akin. “Ingat ka,” sambit ni Mama. Ngumiti ako, “Salamat po,” tugon ko sa kanila. Lumabas na ako ng bahay. Naglalakad ako nang makasalubong ko si Austin Jade— isa sa kaibigan ni Alyssa. “Good morning, Ate Lauren,” bati nito. “Good morning, Austin,” tugon ko. “Sabay na tayo,” alok niya. Same school lang kami pumapasok, same year level naman sila Alyssa pero magkaiba ng course na kinuha. “Oo ba,” sagot ko. Naglalakad na kami papunta sa bus stop. Nararamdaman ko na lagi niya akong tinitignan pero hindi nagsasalita. “Bakit?” tanong ko. Nabigla naman ito at umiling, “W-wala...” Yumuko siya habang naglalakad. “Sabihin mo na, tayo lang naman ang nasa daan,” sambit ko. Nakayuko lang siya, “A-ano kasi...” Huminga ito nang malalim, “May boyfriend na ba si Alyssa?” diretso niyang tanong. Napaisip ako, hindi ko na nga pala nasusubaybayan ang aking kapatid magmula nang maging mang-aawit ako. “Hindi ko alam,” sagot ko, “Hindi ba magkaibigan kayo?” tanong ko. “Oo, pero madalas ko na kasi siyang hindi nakikita o naabutan man lang,” tugon niya. Nagtaka ako, “Bakit boyfriend agad ang tanong mo? Hindi ba dapat ang itanong mo sa akin ay kung naging abala ba siya nitong mga nakaraan na araw?” diretso kong tanong. Napahinto naman ito sa paglalakad kaya napatigil din ako. “A-ano kasi...” Tumingin ito ng diretso sa akin, “May nakikita akong kasama niya na lalaki,” turan niya. “Baka kaklase lang niya,” sagot ko. Umiling ito, “Dalawa lang naman kaming kaibigan ni Alyssa na lalaki,” giit niya. Nakaramdam ako ng kakaiba, sana hindi makipagtalo itong bata na ito. Mukhang nagseselos na iba na ang sinasamahan ng kapatid ko at hindi na sila. “Oo, pero syempre nadadagan na ang edad niya, nag-iiba na rin ang pananaw sa buhay,” turan ko. Napasinghal ito, “Sige, Ate, salamat,” aniya. Naglakad na siyang muli kaya naglakad na rin ako. “Miss ko na siya,” aniya. Mahina lang ang pagkakasabi niya no’n pero narinig ko pa rin, hindi na ako nagtanong pa at baka isipin niya ay nakiki-usisa ako. Umupo na kaming dalawa sa bus stop, naghihintay ng parating na bus. Sakto dahil 10 A.M din ang klase ni Rap ngayong Sabado. “Kumusta kayo ni Kuya Rap?” tanong ni Austin. Napalingon naman ako sa kaniya. “Bakit mo natanong?” “Wala naman, baka namamalikmata lang ako,” aniya. Napangiwi ako, “Bakit nga?” Kinabahan ako bigla, bakit kaya niya biglang natanong ang tungkol sa amin ni Rap samantalang madalas naman niya kaming makita na magkasama. “Wala iyon, Ate,” giit niya. Iniwas nito ang tingin sa akin. “You sure?” tanong ko. Tumango ito, “Yes, Ate,” Hindi pa rin siya tumitingin sa akin at bigla na lamang tumayo, “Nandito na ang bus,” aniya. Hinintay niya akong tumayo para mauna na makasakay sa bus. Pagkasakay ko sa bus ay agad kong hinanap si Rap ngunit wala ito roon sa bus na nasakyan ko. “Teka, Manong!” sigaw ko, “Baba po ako, may naiwan ako sa bahay,” Dali-dali akong naglakad palabas. Susunod pa sana sa akin si Austin pero pinigilan ko, “Mauna ka na, may kasunod pa naman na bus,” sambit ko, tumango naman si Austin at naupo na. Nang makaalis na ang bus ay naupo ako, naghintay sa kasunod na bus. Habang naghihintay ay naisipan ko munang buksan ang social media account ko. Pinindot agad ang timeline ni Rap, laking gulat ko nang makita ko na hindi na siya naka in relationship sa akin. Nag scroll ako pababa sa timeline niya na mas kinagulat ko, may picture sila ni Mikko Joyce ang kaniyang kababata. 10 minutes ago nang mapost ang picture nila at ang background ay amg garden ng school namin. Nainis ako na naiiyak. Naiinis ako dahil sayang lang pala ang paghihintay ko sa kaniya sa bus stop para makasabay siyang pumasok at naiiyak dahil mukhang tama ang hinala ko na may ibang babae na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD