Chapter 15

945 Words
Nakatulog ako sa kakaiyak at hindi namalayan na binabantayan pala ako ni Alyssa dahil mahimbing din siyang natutulog sa akung tabi nang magising ako. Tumingin ako sa orasan at nanlaki ang aking mga mata sabay kuha nito at tinitigan nang maigi. “s**t! Late na ako sa klase!” bulalas ko. Alas onse na pasado at ang oras ng klase ko ay 12:30 kaya naman panigurado ay mahuhuli ako ng ilang minuto na siyang sisira sa academic attendance ko. At mahirap na, graduating pa naman ako. Dahan-dahan akong bumaba sa higaan at baka magising ko si Alyssa. Teka, sa iisang school nga pala kami nag-aaral, wala ba itong pasok? “Hoy! Gising! Wala ka bang pasok?” saad ko. Ginigising ko siya sa abot ng aking makakaya kahit alam ko na mahuhuli ako . Napaungol lang si Aly, saka nagpalit ng posisyon sa pagtulog. “Aly!” sigaw ko. Nagulat naman sa sigaw si Alyssa at napabangon. “Bakit? Bakit! Saan ang sunog?” natataranta niyang tanong. Sunog daw... Napasobra ata ang pag-sigaw ko sa pangalan niya at mukhang nakuha niya iyon sa kakanood ng kdrama. “Walang sunog, ginigising lang kita,” sagot ko naman. Tila ba nagtaka si Aly kung bakit ko siya ginising. Wala ba siyang hint man lang kung bakit? “Bakit?” tanong niya. Sabi na nga ba. Nagtaka nga siya at tila ba nakalimutan kung may pasok nga ba siya o wala.? “Alas onse na kasi pasado at naisip ko na baka may pasok ka,” sagot ko. Tumango naman siya at biglang sumigaw. “Huh?!” bulalas niya. “B-Bakit? Wala ba?” tanong ko. Naguguluhan ako. May pasok ba siya o wala? Bakit parang manghang-mangha siya sa sinasabi ko sa kaniya. “Ate... nakalimutan mo ba ang araw ngayon?” tanong ni Alyssa sa akin. “Syempre, hindi ‘no! Kaya nga kita ginising,” saad ko. Talaga naman. Sabado ngayon kaya ko nga siya ginising ay para hindi siya mahuli kung sakali man na may pasok siya. “Ate...” aniya. Nakatakip ang kaniyang bibig at halatang gulat na gulat. Bakit na naman kaya? Minsan napapaisip ako na O.A siya eh. “Ano ba kasi iyon? Sabihin mo na kaya,” turan ko. Pa-suspense kasi. Mahuhuli na talaga ako sa klase sa ginagawa niya. “Ano... hindi mo talaga alam ang araw ngayon,” tugon niya. Napataas na ako ng isang kilay. Nakakainis na naguguluhan ako. “What do you mean? I know its Saturday,” wika ko. Biglang natawa si Alyssa. See? Nagsisimula na akong makaramdam ng pagkainis sa kapatid ko. “Aly, why are you laughing?” I seriously asked. Pero kahit na seryoso na ang itsura ko ay nagagawa pa rin ni Aly na tumawa. So, nakakatawa ang itsura ko? “Not funny, Aly,” saad ko. “Sorry naman, Ate, ano lang makakalimutin ka lang talaga kaya natatawa ako,” turan ni Alyssa. Nang-aasar ba siya? Kailan naman ako nagsimulang naging makakalimutin gaya ng sabi niya? Lahat kaya naalala ko. “At paano naman ako naging makakalimutin?” tanong ko. “Ate, ang funny mo talaga!” bulalas ni Alyssa. Dahil sinabi niya iyon ay kumunot ang aking noo at napaisip kung anong ibig sabihin niya nang hindi nagsasalita. “No classes for all levels in our school, remember?” aniya. No classes? When? Today? How come I forgot about that? “See? You already forgot about that,” wika pa ni Aly. “You’re kidding me, right? Wala akong maalala na ganoon,” saad ko. Umiling si Aly saka naupo nang maayos. “Ate, nasa bulletin board ang announcement na iyon sa lahat ng building, and if I will try to imitate Miss Dimagiba’s said and her voice also ganito ang sinabi niya sa buong campus; “Dear students, I am your pretty Director, Princess Ashley Dimagiba, and I wweekto declare that next week—Saturday, is an official non-holiday, no classes in all levels by any means,” thats what she said,” turan ni Aly. Walang pumapasok sa isip ko na ganoong senaryo. Wala akong matandaan na nakarinig ako ng announcement mula sa may-ari ng school. At bakit non-holiday ngayon samantalang wala naman iyon sa calendar? “Hindi mo ba tanda?” tanong pa ni Alyssa. Suminghap ako. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi niya o hindi. Naguguluhan ako. “Hindi ko alam dahil nasa ojt ata ako last week at hindi ko narinig ang announcement na sinasabi mo,” sagot ko. “Ano?!” bulalas ni Aly sa gulat. Tumango ako. Tama, ojt nga pala ako simula last week kaya wala ako madalas sa school. “Paano ang nasa bulletin board?” tanong niya pa. Dinadaanan ko lang lagi. Naalala ko nga na una at huling beses akong tumingin doon ay ang araw ng pasukan. Tandang-tanda ko ang disenyo ng board na iyon—mga disney princesses. “Iyon ba? Hindi naman ako tumitingin doon,” sagot ko. “What?! Bakit? Estudyante ka pa man din pero hindi ka man lang sumisilip doon? Paano kung may importanteng anunsyo doon gaya ngayong araw na hindi mo alam?” tanong ni Alyssa. “Then, sabihin mo na lang ng maaga sa akin,” sagot ko. “Ano?!!” bulalas njyang muli. Kanina pa ito panay sigaw sa gulat. Nanonood pa ba siya ng anime? Ganiyan na ganiyan kasi lagi ang reaksyon ng ibang bida kapag nagugulat sa mga nalalaman eh.. “Aly, stop it, hindi bagay sa iyo ang gulat na ginagawa sa anime,” saad ko. Biglang humagalpak sa tawa si Alyssa. May sinabi ba akong mali? “Ano na naman iyon?” tanong ko. jsjsizkaks sjsj
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD