Chapter 14

1664 Words
Isang taon na rin ang lumipas buhat nang sinagot ko si VJ dahil sa biglaan bugso ng damdamin ko nang malaman kong may iba nang kasintahan na si Rap. Oo, umabot kami ng isang taon at bukas na ang aming anibersayo. Pero gaya ng ipinangako niya kay Papa ay lagi akong nakakauwi ng tama sa oras maliban na lang kapag talagang late na ang tapos ng mga gig. “Babe, my driver will be here tomorrow night,” masayang saad sa akin ni VJ. Hindi naman pala mahirap pakisamahan si VJ. Sa totoo lang ay kabaliktaran ang ugali niya na ipinapakita kumpara sa naririnig ko noon mula sa mga naging dating kasintahan niya. Wala siyang ginagawa na hindi maganda sa akin, sa halip ay hinihingi niya muna ang aking permiso bago niya hawakan ang aking kamay na hanggang ngayon ay naroon lang kami at hindi pa umaabot sa nanghihingi na ng halik mula sa akin. Mukhang totoo nga sinabi niya sa akin noon, na nahulog ang loob niya at talagang iingatan ako gaya ni Rap noon. “Sige, see you tomorrow!” tugon ko naman sa kaniya nang may ngiti. Natatakot ako. Natatakot ako na kapag tuluyan nang nahulog ang loob ko kay VJ ay iwan niya rin ako gaya ng ginawa sa akin ni Rap pero may valid reason naman siya at alam ko na hanggang ngayon ay mahal at patuloy ko pa rin siyang minamahal. “Sige, mauna na ako, I can’t wait to see you and your reaction tomorrow,” he giggles, “I love you!” aniya. Ngayon napapatunayan ko na true love never dies. Dahil nangyayari na iyon mismo sa akin na kahit may VJ na akong nagpapangiti sa akin ay hindi pa rin ako tuluyang masaya dahil halos lahat ng gawin niya ay nagpapaalala sa akin kung gaano ko namimiss si Rap. “I...” hindi ko kayang sabihin kaya naman tumingin ako sa kabilang dako kahit na lagi niyang sinasabi iyon sa akin. Alam ko na parang niloloko ko si VJ. Noong una akala ko hindi kami magtatagal dahil nga umaksyon ukol sa bugso ng galit ko nang malaman ko na may Cheska na si Rap sa Amerika at mukhang masaya na siya roon. Akala ko rin buhat na nagtagal na kami ay makakalimutan ko na si Rap at mapapalitan niya na ito sa aking puso pero mali ako. I feel guilty, he is not enough for me. Hanap ko pa rin si Rap na matagal na akong kinalimutan. VJ just laugh, “Don’t push yourself, magiging masaya akong marinig iyan kung bukal na sa puso mo at kung handa ka na syempre,” aniya sabay sakay sa kaniyang sasakyan. Don’t get me wrong, nagkaroon na ako ng feelings kay VJ sa loob ng isang taon na pagsasama namin pero alam kong alam din ninyo kung ano ang ibig kong sabihin. Sabi nga nila time will eventually heal a broken heart at totoo nga iyon pero hindi pa ata sapat ang isang taon dahil patuloy pa rin akong nangungulila sa kaniya. “I love you that I’m willing to wait,” wika pa niya saka siya kumaway sa akin at pinaandar na ang sasakyan. I feel sorry for myself. Nakakaawa ako. Hindi ko alam kung bakit ako ganito. Dapat alam ko sa sarili ko na mag move on na mula sa nakaraan at harapin na si VJ dahil siya ang nasa harapan ko at kasama sa kasalukuyan. “He’s persistent, ‘no? I like him na, he always wears smile in front of you but iyon din ang ayaw ko sa kaniya dahil kahit na nasasaktan siya na dahil hindi mo maibigay ang pangangailangan niya ay patuloy ka pa rin niyang sinusuyo,” saad ni Alyssa mula sa balconahe ng kwarto niya sa itaas. Tsismosa naman ng babaeng ito. Tama, last year, I know why she and Rap are secret communicating behind my back. Rap send her an email regarding about my situation, he constantly asked my how have I’ve been and if I forgot him na. And then there is y little sister telling him everything she knows kaya nag-decide si Rap na ilantad ang kaniyang girlfriend at pinakusapan si Alyssa na tuluyan ko na siyang kalimutan. “Mas persistent ka sa pakikinig sa usapan ng ibang tao,” wika ko. Pumasok na ako sa loob at naabutan ko si Mama na malapad ang ngiti na nakaupo sa sofa katabi si Papa na nanonood ng basketball sa tv. Huminto ako syempre dahil alam kong may sasabihin si Mama. Lagi naman. “Oh, anak! Magsasama na ba kayo ni VJ pagtapos mong magtapos?” tanong ni Mama sa akin.. Tama, aalis nga pala ako para bumukod kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Pero bakit naman iyon ang naisip ni Mama? Ano na naman kaya ang naiisip niya. “No, and that won’t happen,” sagot ko. Palihim na natawa si Papa. Hindi ko alam kung bakit pero mabuti at hindi ganoon mag-isip si Papa. “Bakit naman? Siya ang nababagay sa iyo at saka mahal ka niya, hindi pa ba sapat iyon?” tanong na naman ni Mama. Ang kulit ni Mama sa gusto niya. Kapag gusto niya, gusto niya talagang ipagawa sa akin. Ayos lang, kaunting panahon na lang naman at makakabukod na ako. Hindi na nila ako pakikialaman kapag hindi na ako rito nakatira gaya nang napag-usapan namin noon. “Ma, I want to live my own life na walang nagdidikta sa mga gagawin ko, I didn’t enjoy my life, Ma, kaya magiging masaya ako kapag nakapagtapos na ako at alam kong alam ninyo kung bakit,” sagot ko. Bumuntong hininga ako saka nagpatuloy na sa pag-akyat. Mukhang napasobra ako sa salita dahil halatang nagulat si Mama sa sinabi ko. Narinig ko pang dinamayan si Papa. “Ikaw kasi, sinabihan na kita na huwag kang sosobra sa pagkontrol sa kaniya, may sarili na siyang pag-iisip at sinusunod ka lang niya dahil ikaw ang Mama niya na mahal na mahal niya pero ang sinabi mo ngayon... hindi talaga katanggap-tanggap na kahit sinong makarinig ay madidismaya na nanggaling mismo iyon sa sarili niyang Mama,” saad ni Papa. Matapos iyon ay bahagya akong napangiti. Si Papa na laging iniisip ang naratamdaman namin ni Alyssa bago gumawa ng hakbang. Best Father in the world para sa akin. “Pangiti-ngiti? Na-realize mo na ba na mahal mo si VJ?” tanong ni Alyssa. Itong bata na ito pasulpot-sulpot na parang kabote. Kung hindi pa ako sanay sa kaniya ay malamang nawalan ako ng balanse kaya nahulog na ako dahil sa gulat. “No, but I find you cute kaya I smiled,” sagot ko. Hindi naman ako galit pero alam ko kasing nag-uusap pa rin sila ng palihim ni Rap. Even si MJ, alam ko rin iyon. Tanging ako lang ang hindi kinokontak niya, ewan ko ba kung bakit. Baka para sa kapakanan ko. “Bukas... please go to your dinner date with him, and please even its just a little feeling... tell VJ already, both of you needs happiness,” saad ni Alyssa. Seryoso ang mukha niya nang sabihin iyon sa akin. Alam kong nag-aalangan siyang sabihin iyon pero nilakasan niya ang kaniyang loob. “Aly...” sambit ko. “Ate, naawa ako sa inyong dalawa, ikaw nabubuhay ka sa nakaraan mo at siya naman matiyagang hinihintay na mahalin mo ng buo na walang kahati,” wika pa ni Alyssa. Alam ko iyon. Matagal ko ng alam iyon. Alam kong mahal ako ni VJ na handa siyang maghintay sa akin pero ako ang may kakulangan sa relasyon namin. I take him for granted nang sagutin ko siya noon at ngayon ay ganoon pa rin ang aking ginagawa sa kaniya. “Please, Ate... kalimutan mo na si Kuya Rap dahil...” saad ni Alyssa. Napatitig ako kay Alyssa. Para ng may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi tungkol kay Rap. “Ano iyon? Sabihin mo!” tanong ko. Tila ba nagkaroon ng pananabik ang aking katawan nang maramdaman kong may nais sabihin si Aly tungkol kay Rap. “He... he’s going to—” I interrupted Alyssa. I’m too nervous that I can’t let her finish. “— to go back here?” I ask. Nasobran na naman ako sa excitement na hindi ko pinatapos sa pagsasalita si Alyssa. “Patapusin mo nga ako,” wika niya. “Magpapakasal na siya kay Cheska bukas kaya sana tigilan mo na ang pag-iisip sa kaniya,” saad ni Alyssa. Nagulat ako. Hindi ko matugma ang mga sinabi niya sa akin. Ano nga ba iyon? Kasal? Si Rap? Magpapakasal na? Ang sabi niya noon magpapakasal lang siya kapag stable na ang income niya pero college student pa lang naman siya ngayon. Kaya bakit? “Ate, I’m sorry, but I need to tell you that,” malungkot na sambit ni Alyssa. Alyssa hugs me trying to ease the pain that stuck in my chest. I can’t breath. Why, all of the sudden? Talaga ngang kinalimutàn ña ako ni Rap. “Anong ginagawa ninyong dalawa diyan?” tanong ni Papa. Tumingin ako kay Papa. Hindi ko nga naramdaman na umiiyak na pala ako. Nagulat pa siya nang makitang umiiyak ako. “Pa, magpapakasal na si Rap bukas...” saad ko. Mabilis na umakyat si Papa para yakapin ako. He kept hushing para mapatigil ako sa pag-iyak. Kahit si Mama ay nagpunta sa hagdan para malaman kung bakit ako humahagulgol. Nang sabihin ni Alyssa ang balita kay Mama ay biglang kumaripas din si Mama papunta sa akin para yakapin ako. She kept telling sorry to me. I feel the warm love of my family. Dinadamayan nila ako ngayon, buo silang nandiyan at inaalalayan ako. Ewan ko ba pero mas naramdaman ko na kailangan si Mama ngayon siguro dahil ngayon ko lang naramdaman na pinapahalagan niya ako higit pa sa kasikatan ko. Lahat kami ay umiiyak. Sinasabayan ata nila ako sa kalungkutan para sabihin na hindi ako nag-iisa at nandiyan lang sila para sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD