Chapter 16

1019 Words
Napag-alaman ko na talagang walang pasok ngayon dahil tinawagan ko si Wendelyn. Ibig sabihin, wala akong ibang gagawin sa buong araw malaiban sa humiga sa higaan buong maghapon. Napabuntong hininga ako, sana pala natulog na lang ako ulit pero nawala na ang antok ko nang makipagtalastasan pa ako kay Alyssa kanina. Nang dahil doon ay nag-init ang mga dugo at ngayon sobrang gana ko na parang gusto kong lumabas ng bahay. “Hay!” buntong hininga ko. Nandito ako ngayon sa aking silid at gaya ng inaasahan ay nakahiga ako. Wala naman akong matatawag na kaibigan sa mga kaklase dahil may mga sarili silang grupo magmula nang umpisa pa. Si Wendelyn naman, nakakahiya kung tatawagan ko ulit dahil baka maging abala lang ako sa kaniyang gingawa kung sakaling ayain ko siya. “Kakain na! Bumaba ka na!” sigaw ni Alyssa mula sa labas ng aking silid. “Okay,” sambit ko. Bumangon na ako at dinala ang aking cellphone pababa. Wala naman akong inaasahan na text pero nakasanayan ko na talaga. Nang tuluyan na akong makababa sa hagdan ay biglang sumlpot mula sa gilid si Alyssa. “Aren’t you going to congratulate him?” tanong ni Alyssa. Him? Napahawak ako sa aking kanang braso at lumihis ng tingin. Tama, ngayon ang araw ng kasal niya ay baka nga kanina pang madaling dahil magkaiba nga pala ng oras ang tinatapakan namin na lupa. Pero siguro naman hindi ko kailangan na malungkot, dapat nga maging masaya pa ako sa nangyari sa kaniya. “Can you please tell him? I... I don’t have any contacts of him,” saad ko nang nakangiti. Hindi ako nagsinungaling nang sabihin ko iyon. Sa totoo lang iba ang pangalan na gamit ko kapag palihim kong tinitignan ang account ni Rap. Kaya naman nakakahiya kung biglang magchachat ako o comment na gamit ang account na iyon. Baka iba pa ang isipin niya. Sa totoo lang ginawa ko ang account na iyon nang kami pa, gusto ko kasing i-prank siya kaso nauhan niya ako nang biglang isang buong araw niya ako hindi nirereplyan tapos biglang may nagsend sa akin ng pictures ni Rap na may kasamang ibang babae at address sa ibaba. Iyon pala ay sadya at hinihintay ang reaksyon ko base sa nakita ko. At dahil nga sa nakita, agad akong napakaripas patungo sa lugar na nakasaad sa chat. And to my surprise, mukhang napakabuti nang nagpadala dahil nakikita ko mula sa labas ang anino ng dalawang tao na nagyayakapan mula sa bintana... Napa-atras ako, nilamon ako ng kaba nang makita ko ang eksena na iyon perp agad ko rin nilakasan dahil na rin sa pagmamahal ko nang mga oras na iyon. Iniisip ko na sana hindi si Rap ang isa sa dalawang anino na iyon pero mali ako nang pumasok ako. It was Rap, he was with another woman. Nagmadali akong hinablot si Rap at laking gulat ko nang makita na hindi babae ang kasama niya kung hindi isa sa kaniyang mga lalaking kaibigan at biglang nagsipaglabasan pa ang mga kasabwat. Isa sa kanila ay si Alyssa na may hawak ng camera ni Rap at mukhang kinukuhanan kami ng video. “Why are you laughing, Ate?” tanong ni Alyssa. Nakalimutan ko na kaharap ko si Alyssa. Pero ang mga alaala ko kay Rap ay puro kasiyahan na kasama siya at ang tungkol naman sa naalala ko kanina ay dahil parte pala iyon ng kanilang prank sa akin at kung hindi ako nagkamamali ay sabay-sabay pa silang bumati sa akin ng maligayang kaarawan. Oo, natatandaan ko na ng husto ang prank na iyon dahil hindi lang kami ang nag-celebrates kung hindi pati na rin ang ibang naroon na nakisali sa kasiyahan. “Wala naman, may naalala lang ako mula sa nakaraan,” sagot ko. “Tara na! Baka mamaya magalit pa si Mama sa tagal natin dito,” wika ni Alyssa. Nauna nang maglakad si Alyssa at sumunod na ako sa kaniya. Naabutan namin sina Papa na masayang nagtatawana, napaisip ako sandali nang makita iyon dahil bihira lang si Mama na tumawa nang totoo at si Papa lang ang nakakagawa. Pero kahit anong isip ko ay walang maisip na kasagutan doon gaya ng; ano kaya ang kanilang pinag-uusapan? Sa tagal nang panahon ni minsan ay hindi ko nakitang tumawa si Mama nang ganiyan sa akin, kung kasama nila kanina tatawa pa rin ba ng ganiyan si Mama o hindi? “Oh! Nandiyan na pala kayo mga anak,” turan ni Papa. “Kumain na kayo, naghanda ang Papa ninyo ng makakain,” nakangiting sambit ni Mama. Nakangiti siya. Totoong ngiti iyon. Ang tagal kong inasam na makita ulit ang mga ngiti na iyon ni Mama. High school ako nang huli ko siyang makita na nakangiti nang ganiyan. “Ano bang mayroon Ma, Pa?” tanong ni Alyssa nang makaupo na siya. “Ito kasing Papa ninyo... ikaw na kaya ang magsabi sa kanila para madama nila?” tanong ni Mama kay Papa. Ano kaya ang gusto nilang sabihin? Ano si Papa? Bumuntong hininga si Papa at mukhang hindi niya maitago ang kaniyang kasiyahan, “Mga anak, manager na ako!” masayang balita niya sa amin. Sa loob ng maraming taon na pagsusumikap ni Papa, napunan na rin iyon ng kaniyang minitmithi. Para sa iba mababaw lang iyon pero para kay Papa at para na rin sa amin ay napakalaking bagay na. “Masaya ako para sa iyo, Papa!” pagbati ni Alyssa sabay yakap. Nakiyakap na rin ako kay Papa at binati siya. Ngayon alam ko na, alam ko na kung paano ko mapapasaya si Mama. Masaya si Mama kapag natupad na ang matagal namin na mithiin sa buhay dahil kapag nangyari iyon, ang mga ngiti na nakatago ay biglang lalabas ng kusa. “I’m so happy! I’m so happy that Papa got promoted and that I was able to see Mama’s beautiful smile again, I thank God for this blessed day!” bulalas ko. Hindi ko mapigilan ang aking kasiyahan na dumadaloy sa aking katawan ngayon. Masaya ako na masaya sila. Mukhang magiging maganda ang araw na ito dahil sa magandang balita na panimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD