Hindi naman natuloy ang pag-uusap namin ni Aly dahil itong si VJ ay nasarapan sa pakikipag-kwentuhan sa aking magulang lalong lalo na kay Mama na siyang tunay na nagagalak sa mga nangyari ngayon. Parang siya pa nga itong girlfriend s atobrang tuwa niya. Hanggang sa umabot na nga sa nalalapit na alas dose ang pagsapit ng oras.
Oo, inabot si VJ sa bahay ng alas dose ng madaling araw. Nang nagpapaalam na nga siyang umuwi ay todo pilit pa si Mama na rito ito matulog. Like, anong ibig sabihin ni Mama? Wala namang ibang bakante na kwarto dahil tatlo lang talaga ang kwarto sa bahay na ito!
Mabuti na lang talaga at hindi pumayag si VJ dahil may sarili siyang dahilan. Pero hindi pa rin ako sanay kapag tinititigan niya ako while talking to my parents. Parang gusto ko na lang na lamunin ng sofa at idura na lang kapag wala ng ibang tao. Bakit ba kasi everytime na may tinatnong si Mama sa kaniya ay lagi siyang titingin sa akin? Nakakailang kaya!
Iyon na nga, after a couple of minutes na pagpipilit ni Mamaskasabay ang pagsiko ni Papa dahil hindi niya gusto ang nais mangyari ni Mama ay talagang nagpaalam na si VJ. Syempre, hindi nalungkot si Mama sa halip ay mas naging determinado pa siya sa mga balak niya dahil may pag-asa pa raw sa susunod na mga araw. Hinatid na namin si VJ sa labas ng bahay, naroon naghihintay ang kaniyang sasakyan at driver na si Manong Lopez. Kumain na si Manong Lopez sa kusina kanina habang nasa sala kami dahil gusto ko lang siyang pakainin kahit na sinabi niyabg kumain na siya bago magmaneho papunta sa dinner date.
Nang tuluyan nang nakaalis si VJ ay agad akong tumakbo pero pagsilip ko ay nakatulog na si Alyssa sa kahihintay sa akin. Habang kinukumutan ko siya ay hindi sinasadyang makita ko ang phone niya at syempre dahil mausisa ako ay dinampot ko—may password naman kasi kaya hindi ko rin mabubuksan. Pero... hindi ko inaasahan ang nasa screen ni Aly. It was an email based sa enveloped na animation sa gilid ng name ni Rap. I looked at Aly who is sleeping right now. Ang daming tumatakbo sa isipan ko kung paano at bakit may communication pa sila ni Rap at hindi niya ito sinasabi sa akin. Muli kong ibinaling ang tingin sa cellphone, kahit na gusto kong mabasa ang nilalaman ng email ay hindi ko magawa dahil hindi ko alam ang unlock ng phone ng aking kapatid.
Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko maisip kung anong maaring password ng phone at naka-tatlong subok na ako na ilagay ang naiisip na posibleng password ngunit lahat ay incorrect.
“Its useless,” wika ko.
I put down the phone besides my sister, gaya nang makita ko ito. Dahan-dahan kong isinara ang pinto sa silid niya at nagtungo sa kabilang silid na aking kwarto.
Nahiga agad ako sa bed at nakatitig sa kisame kung saan puno ng mga alaala ko kay Rap. Napabangon ako bigla nang mawari ko na wala na ang mga pictures namin doon at imagination ko lang ang nakikita kanina dahil sa nakasanayan ko na.
“Oh my! Where are they?” aligaga kong tanong sa sarili.
Hinanap ko iyon sa buong sulok ng kwarto ko dahil iniisip ko na baka nagsilaglagan lang ngunit kahit saan ay wala ang mga ito. Naiiyak na ako habang nawawalan ng pag-asa dahil hindi ko mahanap ang mga bagay na nagpapaalala sa akin kung gaano kami kasaya ni Rap noon.
Naupo ako sa sahig at sumandal sa gilid ng kama. Niyakap ko ang aking tuhod at saka ako umiyak.
“Wala na,” sambit ko habang huma-hagulgol.
Ang tanging naiwan sa akin na siyang magpapanatili ng alaala ni Rap ay biglang naglaho sa isang iglap. Kanina naman bago ako magpunta sa date ay narito pa ang mga iyon pero bakit biglang nawala?
Sa kakaiyak ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Sa sobrang pagod ko sa araw na ito ay hindi na ako nakahiga nang maayos. Kung paano ang posisyon ko habang umiiyak ay siya naman sumambulat sa akin nang magising ako ngayong umaga.
“Ouch...” sambit ko.
Nanigas na ang mga paa ko at nahihirapan akong tumayo dahil sa posisyon ng tulog ko sa buong magdamag.
“Konting ikot-ikot lang ng mga muscles, mawawala na rin ang ngalay nito,” saad ko.
Yes, I convinced myself because I need to. Kaya naman kahit ngalay at tinutusok-tusok ang mga paa ko ay kinaya ko na mag-warm up para mag-adjust sila at mawala na ang pangangalay.
Habang ginawa ko iyon ay bigla kong naalala ang tungkol sa mga litrato na nawawala. Kaya naman kahit may natitira pang ngalay at tusok-tusok ay napatakbo ako papunta sa kusina kung saan naroon si Mama. Oo, pinag-iisipan ko si Mama na siyang kumuha at nagtago ng mga pictures dahil siya lang ang maaring gumawa ng ganoon. Mula pa naman kasi noon ay against na siya sa relasyon namin ni Rap.
I found Mama in the kitchen as usual making breakfast for us.
“Ma, nakita mo po ba ang mga pictures sa kwarto?” I humbly ask.
Tumingin sandali sa akin si Mama saka niya ipinagpatuloy ang kaniyang niluluto. Lagot! Galit ba si Mama sa pagtatanong ko? Siya lang kasi talaga ang naiisip kong maaring gumawa nito.
“Ano kasi... biglang nawala ang mga pictures ko sa kwarto,” nahihiya kong sabi.
Hindi pa rin tumitingin si Mama sa akin. Medyo naasar na ako dahil lagi na lang siyang ganiyan kapag nagtatanong ako o nagsasabi ako ng isang bagay na ayaw niya.
“Fine! Gagala na lang po ako at hindi sisipot sa date namin ni VJ tutal naman hindi ko naman po talaga siya gusto at napilitan lang ako dahil may kino-konsidera po akong damdamin,” turan ko.
I know it sounds like a threat pero wala na akong ibang maisip para mapag-salita si Mama. Like now, she starts to stare at me again! See? Effective siya sa kaniya.
“Anong punto mo? Pinaparatangan mo ba ako na kumuha ng mga pictures ninyo ni Rap?” tanong ni Mama.
“Hindi naman sa ga—” I paused, wait did I tell her that? No. I just said pictures in my room and nothing else, paano naman niya nabuo ang hinala niya na iyon nga ang hanap ko? “Ma! Wala naman akong sinabi na pictures namin ni Rap ang hinahanap ko! Paano mo nalaman na iyon nga?” saad ko.
I cornered my Mother. Bakit ba niya ako pilit na inaalisan ng kasiyahan at abg ipinapalit niya ay ang kaniyang nais na pilit niyang ipinapadama sa akin.
“Mama, did you do something about our pictures? Where are they?!” I said.
Hindi ko na makontrol ang aking emosyon. Medyo napapalakas na ang boses ko na nakakakuha ng atensyon ni Pala sa may sala. Hindi ko na kinakaya ang pagiging paki-alamera ni Mama sa akin at sa personal belongings ko.
“Anong nangyayari bakit ang lakas ng boses mo Imee?” tanong ni Papa.
Agad ko naman na sinabi ang nangyari at kung bakit nagtaas ako ng boses kay Papa dahil kapag si Mama ang nauna ay babaliktarin niya ang sitwasyon.
“Si Mama po kasi pinakialamanan ang gamit ko sa kwarto, Pa! Its my personal things!” sagot ko.
Nagdabog si Mama. Pagalit niyang inilapag ang sandok na panghalo niya sa niluluto niyang ulam.
“Tignan mo iyan, sa kaka-kunsinti mo sa batang iyan natututo nang magtaas ng boses sa atin,” galit na sambit ni Mama.
“Its your fault, Ma! Lagi na lang, alam kong Mama ko po kayo but you should know your limit,” wika ko.
“Sige na, Dolores, ilabas mo na ang mga gamit ni Imee para tapos na ang usapan na ito,” turan ni Papa.
Inis na sumitsit si Mama, “Paano ko naman ilalabas kung wala na sa akin?” tugon niya.
What did she mean? Paanong wala?
“Anong ibig ninyong sabihin? Saan mo po inilagay?” tanong ko.
Biglang tumunog ang dumaan na garbage truck. Agad kong naintindihana ng ibig sabihin ni Mama kaya naman napatakbo ako sa labas at nagbabakalasakaling maunahan ko ang pag-pick up ng trash bin.
And, yes, nauna ako. Agad kong kinalkal ang basurahan at doon nakita ko sa isang supot ang mga pictures namin ni Rap na siyang nag-iisa at natitirang alaaala namin. Mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa mga pictures, naluluha pa nga ako habang inaalala ang mga masasayang sandali.
“Kung tapos ka na, kami naman,” wika ng garbage collector.
Napahiya ako saglit. Humingi ako ng pasensya sa abala na dinulot ko sa kanila, hindi ko naisip na may nagtatrabaho pala sa likod ko.
“Pasensya na po,” sambit ko.
Itinaas lang nila ang kanilang mga kamay saka ngumiti at ginawa na ang kanilang mga trabaho. Ako naman sa kabilang banda ay masaya, at dahil pakialamera si Mama ay sumagi sa isip ko na bumili na lang ng album at doon ko ilalagay ang mga ito.
“May bago ka ng kasintahan, bakit ka pa naiiwan sa nakaraan?” tanong ni Mama.
Huminto ako at saka napasinghap bago ako tumingin kay Mama.
“Kasi siya po ang taong mahal ko at minamahal ko hanggang ngayon,” sagot ko.
Nasa kusina pa rin siya at patuloy na nagluluto.
“Bahala ka, sinasabi ko sa iyo na malaking gulo lang ang hatid ng mga litrato na iyan na ayaw mong bitiwan,” saad ni Mama.
“Ayos lang po, ako na bahala sa sarili ko,” turan ko.
Dahil sa sinabi ko ay mukhang nainis si Mama. Sorry po, Mama.
Dumiretso lang ako sa aking silid saka ko inilagay ang mga pictures sa bag na dinadala ko sa school. Naghanda na ako sa aking sarili dahil papasok na ako. Mamaya ko na lang kakausapin si Alyssa tungkol sa narinig ko kagabi at si Mama naman ay mamaya ko rin aasikasuhin.