Gaya nga ng sabi niya ay wala nang bumubuntot sa amin na camera hanggang sa bahay. Oo, hinatid niya ako. Ako lang at hindi sumama si Mama dahil gusto niya na magkakilala pa kami ng husto ngayon ni VVJ
“Good evening, Sir, Alyssa,” pagbati ni VJ nang salubungin kami ng dalawa sa bahay.
“Magandang gabi rin,” tugon ni Papa.
Nasa sala kami ngayon kasama sina Papa at Alyssa. Tinanong nila ako kung bakit hindi namin kasabay si Mama pero bago iyon ay nagsabi na muna kami nang tungkol sa aming relasyon.
“Pa, Alyssa, sinagot ko na si VJ kanina, opisyal ko na siyang kasintahan magmula ngayon,” saad ko.
Nagulat pa nga ang dalawa sa sinabi ko pero agad din naman na naging seryoso si Papa.
“Kung ganoon, mayroon akong tatlong rules para sa iyo, VJ,” turan ni Papa.
Nakita ko na nagcecellphone lang si Alyssa sa may gilid ng couch. Sino naman kaya ang ka-text ng babaeng iyon?
“A-Ano po iyon?” tanong ni VJ.
Tinignan ko si VJ, mukha siyang kinakabahan sa mga rules ni Papa. First time niya ba? Sa dami ng babae niya ngayon pa siya kinabahan.
“Una, hatid sundo ang magiging gawi mo, hindi mo pwedeng papuntahin sa isang lugar si Lauren at paghihintayin mo siya,” wika ni Papa.
Nakabantay langa ko sa reaksyon ni VJ. Nakakatuwa at biglang kumalma ang mukha niya at mukhang nakaramdam siya ng ginhawa.
“Hatid sundo, sige po,” sambit ni VJ
Akala ata niya tapos na eh. Nakangiti kasi siya at ramdam kong akala niya madali lang ang gusto ni Papa. Well, madali lang naman talaga kasi nagawa nga ni Rap ang lahat ng iyon noon.
“Pangala, curfew hours, nililimitahan ko ang paghatid mo sa anak ko kapag may lakad kayo,” turan ni Papa.
Bigla ko na naman na naalala si Rap. Si Rap kasi biglang sumang-ayon kahit na hindi pa sinasabi ni Papa kung anong oras dahil ang paliwanag niya wala kaming ibang pupuntahan dahil wala kaming mga pera noon at kailangan mag-focus sa study dahil high school lang kami. Napapangiti ako kapag naalala ko ang sandaling iyon.
“Hanggang anong oras po?” tanong ni VJ.
Napansin ko na biglang napa-singhap si Papa. Hindi niya ata inakala na magtatanong ng oras si VJ.
“10 P.M. dahil kahit na matanda na iyang panganay ko ay hindi pa siya maaring gumawa ng kasalanan hangga’t nandirito siya sa aming poder,* sagot ni Papa.
Kasalanan talaga Papa? Naninindak ka na nga kaso nakakatawa naman mga sinasabi, wala rin. Imbes na kabahan ang sinisindak ay baka natatawa na iyon deep inside.
“Hatid sundo, 10 pm, mayroon pa po ba?” tanong ni VJ.
“Pangatlo, huwag na huwag mo siyang pipilitin sa isang bagay, hayaan mo siyang bigyan ka ng consent kahit na magkasintahan kayo,” saad ni Papa.
Papa... hindi niya sinabi iyan kay Rap noon. Siguro dahil ramdam ni Papa ang pagiging mabuting tao ni Rap. Kasi naman VJ, puro ka babae sa lahat ng pahayagan at balita kaya ganiyan kahigpit si Papa sa iyo.
“At panghuli, huwag na huwag mong sasaktan si Lauren, ingatan monsiya gaya ng pag-iingat na ginagawa ko sa kaniya, walang magulang ang may gusto na masaktan ang kanilang anak kaya sana huwag mo siyang igaya sa mga naging babae mo na itatapon mo na lang kapag nagsawa ka,” turan ni Papa.
Naiiyak ako. Bakit parang ipinamimigay na ako ni Papa? Papa, magkasintahan pa lang po kami, at hindi magpapakasal. Nakakaiyak mga sinasabi mo!
“Opo, lahat ng rules mo po ay aking tutuparin sa abot ng aking makakaya, I know I’m not perfect and may history ako sa mga girls pero...” tumingin si VJ sa akin at biglang ngumiti.
“Pero totoo po na gusto ko si Lauren kaya gagawin ko po iyon,” saad niya.
Matapos ang parang huling habilin ni Papa kay VJ ay nagtanong na siya tungkol kay Mama.
“Bakit nga hindi sumabay ang Mama mo?” tanong ni Papa.
“Pa, sabi niya binibigyan niya raw kami ng quality time,” sagot ko.
Bigla naman na natawa si Alyssa sa sagot ko.
“Excuse me, natatawa kasi talaga ako sa ginagawa ni Mama, aakyat na muna ako sa kwarto ko, and by the way, congratulations sa inyo,” wika ni Alyssa.
Tumayo na agad si Alyssa at talagang umakyat sa second floor. Naiwan kaming tatlo rito sa sala. Pero ramdam ko na hindi siya boto sa relasyon namin ni VJ kaya siya ganiyan.
“VJ, magpapalit lang muna ako, mag-usap na muna kayo ni Papa,” sabi ko.
Inilapit ni VJ ang kaniyang mukha sa aking tainga at saka bumulong.
“Sige, sige, sisikapin ko pang makuha lalo ang loob ng papa mo,” aniya.
Napahagikhik ako.
“Pa, magbibihis ako, kayo na bahala sa bisita,” saad ko.
“No problem, anak,” turan ni papa
Umakyat na ako sa itaas at hindi na muna ako dumiretso sa kwarto ko. Sa halip ay sinilip ko ang kwarto ni Alyssa at kung ano ang kaniyang ginagawa. Mabutina lang at naka-uwang ng kaunti ang pinto kaya hindi na ako mahihirapan na buksan iyon. May kausap pa rin siya sa kaniyang cellphone at magka-video call silang dalawa pero hindi ko makita kung sino ang kausap niya.
Nakinig ako sandali sa kanilang usapan. Mahina lang ang pag-uusap nila perp rinig na rinig ko.
“Yes, I know naman kung bakit at talagang hindi gusto ni Ate ang lalaking iyon,” saad ni Aly.
“Panigurado panakip butas lang siya, kawawa,” wika naman ng nasa kabilang linya.
“Si Ate ang magiging karma ng lalaking iyon, kay Ate siya unang iiyak gaya sa mga ginawa niya sa ibang babae, nako!! Nanggigil talaga ako sa kaniya lalo na sa mga balita noon,” turan ni Aly.
Mukhang pinapasaringan niya si VJ. Gigil na gigil ang kapatid ko sa mga taong manlolokl dahil talamak iyon sa social media ngayon.
“Nakausap mo na ba ex ng Ate mo?” tanong ng kausap niya.
Ex ko? Si Rap-Rap ba? Nag-uusap sila? Patago silang nag-uusap? Kailan pa?
“Mamaya pa siya magrereply kapag madaling araw na dito sa atin, ang hirap kapag may time difference ‘no?” sagot ni Aly.
So, nag-uusap nga sila. All these months na akala ko ay walang kausap si Fap ay mayroon pala at ito’y ang kapatid ko.
“Anyway, see you at school tomorrow, matutulog na ako, I’m kind a sleepy na,” saad ni Aly.
“Okay, okay, good night!” sambit ng kaniyang kausap.
Nang matapos sila ay siya ring pagsasalita ni Aly.
“Pumasok ka na Ate, para kang timang na naka-silip sa kwarto ko,” wika ni Aly.
Sa gulat ko ay natodo ko ang bukas sa pinto dahil hawak ko ang doorknob magmula kanina.
“Ano ang mga narinig mo?” tanong ni Aly.
“Bandang huli na,” sagot ko.
“Pumasok ka na at baka may ibang makarinig,” turan niya.
“Teka, magpapalit muna ako, mag-uusap tayo mamaya tungkol sa mga narinig ko,” saad ko.
Nagpunta na muna ako sa silid ko at nagpalit ng damit. Hindi ko na muna pinuntahan si Aly sa kaniyang silid dahil may bisita pa kami sa ibaba na kailangan asikasuhin. Mamaya kami magtutuos ni Aly sa pag-uusap tungkol sa aking mga narinig.