Ewan ko ba pero biglang dikit si Rap kay Cheska kumpara kanina na nakikinig ako. Tapos itong si Ram bigla na lang sumusulpot out of nowhere.
“Hoy! Kayong apat diyan, oras na ng pagdidilig maari na muna kayong lumabas sa garden,” saad ng hardinero.
Humingi ako ng pasensiya sa hardinero saka kami lumabas sa hardin na kinaroroonan namin. Naunang lumabas ang dalawa at sumunod naman kami ni Ram. Napansin ko iba nag kinikilos ni Ram kumpara kanina, hindi ko alam kung bakit. Habang naglalakad kami ay biglang huminto si Cheska at humarap sa akin ng nakangiti kaya naman napatigil kami ni Ram sa paglalakad.
“So, tell me...” aniya.
Tell her what? I don’t get her.
“What should I call you? What do you prefer to be called of?” tanong ni Cheska sa akin.
Nagulat ako. Bakit ba niya kailangan tanungin iyon? Kahit nao naman pwede niyang itawag sa akin basta mula sa pangalan ko ay hindi ako magagalit.
“K-Kahit ano, basta nasa pangalan ko,” sagot ko.
Tila ba nag-isip si Cheska sa sinabi ko saka siya tumingin kay Rap.
“Rap, you called her Imee, right?” tanong niya roon.
“Oo,” maiksing sagot ni Rap.
Pagtapos niya kay Rap ay lumingon naman siya kay Ram.
“Ikaw, what do you called her?” tanong nito kay Ram.
Nakita ko na umiwas ng tingin si Ram at medyo mamula-mula ang kaniyang pisngi. Iyan ang hirap kapag mestizo ka, mapapansin agad kapag namumula ang mukha o kahit anong parte ng katawan.
“Kailangan pa ba iyon?” tanong ni Ram.
Super energetic naman pala nitong si Cheska. Walang-wala talaga ako kung ikukumpara sa kaniya. Teka! Bakit ko ba kailangan ikumpara ang aking sarili samantalang matagal ng tapos ang namamagitan sa amin ng kaniyang asawa.
“Oo! Dito nakasasalay kung ano ang maaring itawag ko sa kaniya!” sagot naman ni Cheska.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalaan ni Ram. He was so hesitate na magsabi kung anong tawag niya sa akin. Sa pagkakatanda ko kanina ay tinawag niya akong ‘Lauren’ gaya sa ibang mga tumatawag sa akin.
“Hindi ba ang tawag mo sa akin ay ‘Lauren’?” tanong ko kay Ram.
I just wanted to help him. Feeling ko kasi nakalimutan na niya dahil hindi naman kami ganoon kadalas mag-usap at kung iisipin ay kanina lang pala ulit.
“Lauren? Mas matured na pangalan kumpara sa Imee,” wika ni Cheska.
Matured? Nakakahiya naman. Hindi pa naman ako ganoon ka-tanda.
“Any name suits her, do what you prefer to call her because at the end of the day, the one who’s wearing that name is beautiful,” saad ni Ram.
Shit. Did he really said that? I... I never knew this side of Ram. Ang alam ko lang ay lagi niya akong inaasar noon tapos bigla na lang siyang naging tahimik at hindi na ako madalas kausapin.
“Ram, parang sobra naman ata ang sinabi mo...” sambit ko.
Pero mukhang hindi lang ako ang nagulat nang sabihin ni Ram iyon. Dahil ang dalawa sa harap namin ay hindi rin makapaniwala.
“Parang ang seryoso naman ninyo,” turan ko.
Bigla naman nagbalik sa katinuan si Cheska at masayang tumugon kay Ram.
“Tama ka, kahit ano pa man ang itawag sa iyo ng mga tao sa huli ay ikaw pa rin ang may hawak sa iyong pagkatao at bonus na lang kapag maganda ka,” tugon ni Cheska.
Biglang tumalikod si Rap at naglakad palayo sa amin.
“Mauuna na ako sa klase ko,” saad ni Rap.
“T-Teka! Hintayin mo ako!” sigaw ni Cheska.
Humarap muli si Cheska sa amin at ngumiti.
“See you later, Imee!” aniya.
Imee... kaunti lang ang tumatawag sa akin ng Imee dahil noong bata ako ay sobrang ayaw kong tawagin nila ako sa ganoon. Inaasar kasi nila ako dahil katunog ng pangalan ko ay Mommy.
“Huh? Ah! Oo! See you!” bulalas ko.
Habang papalayo ang dalawa ay nakikita ko kung gaano sila ka-close sa isa’t isa. Ang swerte naman niya, nakakasama niya araw-araw si Rap.
“Don’t cry...” sambit ni Ram.
Nanigas ako nang biglang punusan ni Ram ang pisngi ko. Hindi ko alam na umiyak ako habang nakatingin sa likod ni Rap.
“Baka isipin ng iba na pinaiyak kita, hindi ba ayaw mo na ng issue?” turan ni Ram.
Tumango ako. Mas lalo akong naiiyak hindi ko alam kung bakit ako ganito.
“Tara na, ihahatid na kita sa klase mo,” sambit pa ni Ram.
Inabutan niya ako ng panyo. Isang pamilyar na panyo sa paningin ko.
“Huwag ka ng umiyak pero kung iiyak kang muli gamitin mo iyan bilang pamunas,” saad pa ni Ram.
Gusto ko sanang magtanong tungkol sa panyo pero nauna na siyang maglakad kaya naman sumunod na ako. Ewan ko ba pero iba ang pakiramdam ko sa panyo na ito na para bang nakita ko na ito noon at hindi ko lang talaga matandaan kung saan at kailan iyon nangyari.
Pagdating ko sa klase ay nandoon na ang nagtuturo sa amin. Dumiretso na rin si Ram pabalik sa kaniyang klase dahil may nagtuturo na rin daw sa kanila. Syempre nasermonan ako ng malala at nagtawanan ang buong klase dahil kahit papaano ay normal na school pa rin naman ito.
Natapos na ang tatlong magkasunod na klase ko at lunch break na. Undecided ako kung tatayo na ako para bumili ng makakain dahil nawalan ako ng gana na kumain. Nagtatala na rin ang nasa palibot ko dahil ang gloomy ko raw at iba ang mood ko. Hindi nila ako masisisi dahil sa kakatwang pangayayri sa buhay ko.
“Imee!!!” masiglang tawag ni Cheska mula sa pinto.
Kumakaway-kaway pa siya sa akin at sabay sulyap ni Rap. Nang makita siya ng mga kaklase ko ay bigla nagkaroon mg bulungan.
“Hindi ba si Rap iyan? Dating nobyo ni Fuentes?”
“Sino ang babae na kasama niya?”
“Ang ganda, bagong girlfriend ba?”
Ilan lang iyon sa naririnig ko. Masakit sa part ko na marinig iyon pero wala na akong magagawa, kailangan nananatili akong nakangiti sa harap nila.
“Tara! Sabay na tayong mag-lunch!” bulalas pa ni Cheska.
Tumayo na ako at kinuha ang aking bag. Ayaw ko na na madagdagan pa ang iniisip ng mga kaklase ko tungkol dito.