Hindi ko alam pero bakit ba apat kami na kumain ng sabay dito sa cafeteria. Sabayan pa ng mga matang nanlilisik ang tingin sa amin dahil sa hindi nila inaasahan na pangyayari. Down na down ako ngayon at nahihiyang humarap sa ibang tao dahil dito. Hindi ko alam kung papaano ko sasagutin ang mga tanong na ipupukol nila sa akin mamaya.
Kita mula sa kinauupuan ko ang table ng mga kaklase ko. Napasinghap na lang ako sa kaba.
“Rap! Finally!!!” sigaw ni MJ.
Inilapag niya ang kaniyang tray na puno ng pagkain. Siya na ata talaga ang pinakamalakas na kumain na nakilala ko despite of being babae niya.
Then she hugged Rap. Sobrang miss din niya talaga ang best friend niya.
“Bigla ka na lang ‘di nagparamdam tapos ngayon binibigla mo kami sa pagbabalik mo,” mangiyak-ngiyak na sambit niya.
“Chill, maupo ka na muna,” wika naman ni Rap.
Gaya ng sabi ni Rap ay nakiupo na nga si Mj at pinausog ako. Pinausog ko rin si Ram na nasa tabi para magkasya kaming tatlo.
“Ayaw ba ninyo akong katabi?” naiiritang tanong ni Ram.
Pagkakita ko sa kaniya ay muntik na akong matawa. Sobra siyang nakasiksik sa pader at hindi na maipinta ang kaniyang mukha sa inis.
“S-Sorry...” sambit ko.
“Umusog ka na lang! Babae naman kami,” saad naman ni MJ.
Ganitong-ganito sila mag-usap noon bago pa man magbago ang daloy ng pangyayari. Nakakamiss din pala.
Naiiritang sumitsit si Ram, “Babae mo mukha mo,” sambit nito.
Feeling ko anytime magsasapakan na ang dalawa kung wala ako sa pagitan nila. Ang tense nila sa tuwing magkikita laging nag-aaway.
“Joyce, its been a long time,” wika ni Cheska.
Magkakilala sila? Long time? Palipat-lipat ang tingin ko dahil naguguluhan ako. Hindi ko naman natatandaan na ipinakilala sa akin ni Rap si Cheska noon, hindi kaya noon pa sila magkakakilala simula nang bata pa kaya I never got to know her before?
“Yeah, so long enough that I didn’t recognized you now,” saad naman ni Cheska.
May past ba sila? Samaan ng loob? Naguguluhan na talaga ako. Dapat siguro wala ako rito dahil nakakailang lang.
“A-Ano... dapat siguro kayo na muna rito at mukhang nakakaabala lang ako,” turan ko.
Tatayo na sana ako nang hawakan ni Ram ang kamay ko upang pigilan sa binabalak na pag-alis.
“Stay here, you belong to the group, remember?” wika ni Rap.
I secretly smile. I belonged to them once, but now... I don’t know how am I going to feel.
“Oo nga! Dito ka lang, alam mo naman na love kita!” bulalas ni MJ.
Bakit parang iba ang pagkakasabi niya ng “love” sa akin? Ang weird lang ngayon dahil alam ko ang tunay niyang pagkatao.
“Love mo? Baka ibang love na iyan,” sambit naman ni Ram.
“And so kung ibang klaseng love ang tinutukoy ko, anong paki mo? Inggit ka ba? Edi mahalin mo rin si Imee, and one more thing, alisin mo na ‘yang filthy hand mo baka iba na ang isipin ng makakita,” turan naman ni MJ.
Natulala ako dahil tama si MJ, hindi ko napansin na hanggang ngayon ay nakahawak pa rin si Ram sa kamay ko. Natulala rin si Ram pansamantala pero agad din na inalis ang kaniyang kamay at humingi ng paumanhin sa akin. Natulala si Rap at tinitigan ng maigi ang aming mga kamay bago pa ito alisin ni Ram. Si Cheska naman ay naguguluhan at biglang ngumiti.
“Oh my! I sense something fishy, Ram,” saad ni Cheska.
I sense something, too. Kakaiba na itong usapan na naririnig ko. Pakiramdam ko dapat talaga wala ako rito.
“Its because you’re eating fried tilapia ‘no!” bulalas ni MJ.
“Ang ingay naman ninyo, hindi ba tayo maaring kumain ng tahimik at mapayapa?” turan ni Rap.
“Oh, nandito ka A...te... at may ibang mga kasama,” saad ni Alyssa.
Kasama ni Alyssa ang grupo niya at kasama roon si Austin.
“Hello, Ate Lauren,” sambit ni Austin.
“Hello!” sabay naman na bati sa akin ng lovers na sina Charlene at Daniel.
Tapos inikot ni Alyssa ang kaniyang tingin at tumititig kay Rap. Hindi ko malaman kung galit ba siya o sadyang naninibago lang na makita muli si Rap matapos ang halos isa’t kalahating taon.
“Ate, sabi ni Mama hindi ka niya matawagan kaya naman sa akin na lang niya sinabi na pauwi na si Kuya VJ at mamaya ay may dinner date kayo,” saad ni Alyssa.
Bakit ba hindi na lang sabihin ni Alyssa sa akin iyon ng harapan at kailangan pa niyang titigan ng matagal si Rap habang sinasabi iyon? Saka talagang naka-emphasize pa talaga ang salitang “date” na siyang nakakapagpa-ilang sa hangin dito.
“Ganoon ba? Pakisabi, nakalimutan kong i-charge kagabi at ngayon ay dead battery na, tatawag na lang ako mamaya,” turan ko.
Humarap na sa akin si Alyssa at biglang namula nang makita si Ram.
“S-Sige, kakain na muna kami at mukhang nakakaabala na ako,” tugon niya.
At iyon na nga, nagpaalam na sila sa amin at bigla niyang hinatak si Austin at naglakad na sila palayo sa amin. Natawa ako, dati ko pa nahahalata na may crush itong kapatid ko kay Ram pero hindi ko masabi dahil balak ko siyang asarin kapag may pagkakataon.
“Ngayon ako naniniwala na ang uhugin mong kapatid ay parang gansa na habang tumatanda ay lumalabas ang kagandahan,” wika ni Ram.
I feel so proud na maging nakakatandang kapatid ni Alyssa. I always hear it from other people saying she’s beautiful and can be more beautiful as she aged.
“Ang ganda na niya, tinalo ka na,” turan ni MJ sa akin.
Nakitawa na lang ako. Matagal ko ng alam na mas maganda si Alyssa kumpara sa akin kahit noon pa na uhugin siya.
“Maganda nga ang kapatid mo, pwede siyang maging model dahil sa katawan at height niya,” saad ni Cheska.
May point si Cheska. Bakit nga ba hindi mag-apply as a model ang kapatid ko? Mas malaki ang kita roon kaysa sa akin na kumakanta.
“Nakakahiya naman pero tama kayo, as she grows older mas lalong niyang nailalabas ang ganda niya,” wika ko.
“O—” at hindi ko na nga nasang-ayunan ang sinasabi ni Cheska dahil itong si Ram ay nakisabay.
“Maiba tayo, bakit ka nga pala narito sa school?” tanong ni Ram kay Cheska.
“Ako? I transferred here, and I choose the same schedule of Rap para naman lagi ko siyang makasama,” sagot ni Cheska.
She is happily smiling while looking at Rap. Kita ko na mahal na mahal niya ito at nanliit ako dahil pakiramdam ko ay kulang pa at ‘di sapat ang naibigay ko kay Rap noon kumpara sa kaya niyang ibigay.
“Ang kalat, Cheska, maraming nakakarinig,” sambit ni Rap.
Mukhang ayaw ni Rap na ipasigawan ng asawa niya ang kanilang relasyon. Dapat nga maging masaya siya dahil may ganiyan siyang asawa na kaya siyang ipagmalaki.
“Why? Wala naman nakakahiya sa sinasabi ko, besides I am so proud pa nga,” turan ni Cheska.
Napangiti na lang ako. Ngayon alam ko na kung bakit siya ang napili ni Rap. Naiintindihan ko na ngayon.
“Congratulations pala sa inyo,” wika ko.
Ewan ko ba kung bakit bigla kong nasabi iyon pero sa tingin ko kasi kailangan ko pa rin silang batiin kahit late na ng ilang araw. Ayaw ko naman na lumabas na bitter dahil lang aa naging dati kong kasintahan si Rap.
“Congratulations?” tanong ni MJ.
Tumingin ako kay MJ na may halong pagtataka. Didn’t she know about the wedding? Even Ram know about that.
“Hindi mo ba alam na kina—”at pinutol na naman ako. Hindi nila pinapatapos ang sinasabi ko.
“— Thank you,” wika ni Rap.
“What’s happening, Rap?” tanong ni MJ.
“We’ll talk about this later, punta kayo sa bahay mamayang gabi,” sagot ni Rap.
Hindi ako makakasama sa kanila dahil ang iniimbitahan lang ni Rap ay ang dalawang kaibigan niya at hindi ako. Sabagay, may iba akong lakad para mamaya kaya rin siguro ganoon.
“Guys, mauna na ako, may klase pa ako, and good to know you, Cheska, I’m rooting for both of you,” saad ko.
Totoo naman na gusto kong magtagumpay ang relasyon nila. Kahit na nakakaramdam ako ng sakit pero ayos lang ako. I should move on, too, like he did.
“Sabay na tayo, may klase na rin ako,” sambit ni Ram.
Tumango ako at tinignan ang tray ko. Nanghihinayang ako sa masasayang kong pagkain ngayon. Dapat talaga ‘di na ako sumama rito. Bubuhatin ko na sana ang tray ko nang pigilan na naman ako ni Ram.
“Ako na, wala naman ng laman ang tray ko,” aniya.
Tama siya. Naubos na niya ang pagkain niya siguro habang nag-uusap ay kumakain siya.
“See you around,” nakangiti kong sabi.
Naglakad na kami ni Ram nang sabay. I can still sense them, the people looking and gossiping about me and Rap. Pero gaya ng dati, hindi ko na lang iyon pinapansin dahil wala naman akong mapapala kung makipag-talastasan pa ako.
“You sure have a lot of followers, ang daming topic tungkol sa iyo,” saad ni Ram.
Malakas ang pagkakasabi niya kaya naman biglang natahimik ang mga estudyante na kanina lang ay nagdadaldalan.
“Kaya nga, hinahayaan ko na lang sila dahil mukhang doon sila masaya ang pag-usapan ang buhay ng ibang tao,” wika ko.
“I wonder if kumikita sila by judging other people,” turan ni Ram.
Tumawa ako. Hindi ko alam kung pinapagaan ng lalaking ito ang loob ko dahil kahit siya nakakarinig ng masama tungkol sa akin.
“No, but I know it will make them happy,” tugon ko.
Bahagyang tumawa si Ram. Kailangan idaan ko sa tuwa at galak itong nararamdaman ko. Alam ko na kalahati sa nararamdaman ko ay natutuwa para sa kaligayahan ni Rap at ‘di ko iyon ikukubli. Besides, I have VJ now and that is all my matter now.