Isang buwan na ang lumipas at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin gets kung bakit ayaw ni Ram na sumama ako kay Wendelyn. Tanging siya lang ang kumokontra tungkol dito nang hindi man lang ipinapaliwanag kung bakit.
“One last month,” sambit ko saka ako suminghap.
Hindi ko inakala na matatapos ko sa tamang panahon ang pag-aaral ko kahit na mayroon akong mga gig na ginagawa at sideline sa mga concert. Nakakatuwa lang at proud ako sa makakamtam ko.
“Hey!” bulalas ni Wendelyn.
Kamuntikan na akong mabilaukan dahil sa ginawang paghampas niya sa aking likod habang lumalanghap ako ng hangin mula rito sa rooftop.
“Oh! Sorry! Sorry!” bulalas niya pa habang hinihimas niya ang likod ko.
Pakiramdam ko sobrang init ng likod ko sa parte ng hinampas niya. Pakiramdam ko rin na hindi normal na hampas ang ginawa niya dahil sobrang lakas. At isa pa, paano niya nalaman na nandito ako sa itaas? Wala naman akong ibang pinagsabihan.
‘”Sabihin mo, anong ginagawa mo rito at paano mo ako nahanap?” tanong ko.
Nakisilip si Wendelyn sa ibaba saka ito tila may hinanap.
“Well, hinidi ka mahirap hanapin lalo na kapag may mga nakabantay sa iyo gaya na lang ng... there, someone is watching you,” sagot nito habang nakaturo pa sa baba.
Tinignan ko ang tinuturo niya at talaga ngang nanonood ito gamit ang binoculars. Bumuntong hininga ako. Bakit ba ang gaya kong hindi gaano kasikat ang binabantayan ng mga walang hiya?
“See? So, bakit ka nagmumukmok dito?” tanong ni Wendelyn.
I stare at the blue sky for a while. It is beautiful and peaceful unlike yesterday.
“Pakiramdam ko mas ayos ako kapag mag-isa, at isa pa hindi ako nagmumukmok ‘no, there’s no reason for me to feel that,” sagot ko.
Tinignan ko si Wendelyn. Tila ba may kakaiba sa itsura niya na hindi ko namam nakikita sa araw-araw.
“I see, hindi ka pa ba mag-aayos?” tanong niya ulit.
“Mag-aayos ng?” tanong ko.
I don’t have any idea what Wendelyn was talking. Basta ang alam ko lang ay...
“Hindi ba bagay sa akin ang ayos ko?” tanong niya.
Niliitan ko ang mata ko para matitigan ng husto ang mukha ni Wendelyn na kanina ko pa iniisip kung anong nagbago dahil kakaiba ito ngayon kumpara sa ibang mga araw.
“Nako naman! Mabilis akong tatanda sa pagbabantay sa iyo,” aniya.
Tumawa ako, “Grabe ka naman, wala na bang pag-asa na mapatawad mo ako? Grabe ka kasi bumuntong hininga,” turan ko.
Alam namin pareho na minsan ang pagbibiro ay kailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay at healthy din minsan.
“Mapapatawad kita kapag alam mo na kung para saan ang pag-aayos na sinasabi ko,” tugon niya.
Ito na naman. Teka nga at matignan ngang maigi ang mukha niya.
“Let me see you face,” sabi ko sabay hawak sa magkabilaang pisngi ni Wendelyn.
Mas mapula ang labi niya ngayon kumpara sa mga nakaraan na araw. Mas naging kulot ang dating wavy na buhok niya. Sa mata naman ay normal lang para sa akin dahil palagian naman na naglalagay ng eye liner saka inaayos ni Wendelyn ang kaniyang kilay.
Hindi maayos ang pagkakasabi niya dahil nakaipit ang kaniyang bibig. Ang cute lang, parang kinakain niya ang sinasabi niya kaya naman binitawan ko na siya.
“Oh my God! Akala ko wala ka nang balak na bitawan ang mukha ko, namula na oh! Instant blush on tuloy,” aniya.
Naguguluhan ako pero natatawa sa kabila nito. Tama siya, natural na namula ang kaniyang pisngi dahil sa pagkakahawak ko nito.
“Lauren, hindi ka ba nasabihan about sa araw na ito nang hindi ka nakapasok last week?” tanong ni Wendelyn.
Tumango ako dahil wala naman nagsabi na kahit sino kung ano ang araw na ito. Ah! Tama, napansin ko na mukhang excited ang mga mga 4th year sa bawat department at college kanina habang papasok ako sa campus.
“Ang sama naman nila, mag-ayos ka na, pictorial para sa graduation natin ngayon,” saad ni Wendelyn.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam. Walang nagsabi sa akin, even the professors.
“Tara na nga! Aayusan kita, mamaya pa naman tayong 11 naka-schedule,” turan niya.
Tinignan ko ang oras sa aking relo. Pasado alas diyes na kaya naman pakiramdam ko ay hindi kami aabot kapag nag-ayos pa ako.
“No, its okay, hassle lang kapag inayusan pa ako,” tugon ko.
Bigla akong hinila ni Wendelyn at mabilis kaming bumaba para makabalik sa room namin. Agad niya akong pinaupo sa upuan ko, sabay inilabas lahat ng gamit sa make up. Nagulat ako, lagi na lang niya akong ginugulat sa mga bagay na hindi ko alam na kaya niya.
“See? Madami akong gamit kaya naman aabot pa tayo,” aniya.
Napangiti na lang ako. Sana hindi na niya galingan para hindi kami magtagal at makaabot kami pareho.
“I will start na, pinapangako ko na mas lalo kang gaganda sa make up na gagawin ko,” wika niya.
Grabe ang kayabangan niya. Nag-uumapaw ang awra ng kayabangan ni Wendelyn ngayon at talagang hindi ipinapahalata na nagmamalaki siya sa kaniyang kakayahan. Ito ang side niya na hindi alam ng marami, kabilang na ako na siyang hahangaan ng iba kapag nakita ang resulta ng gawa niya.
“I’m done!” aniya.
Wala akong salamin kaya naman hindi ko alam kung anong itsura ko habang nilalagyan niya ako ng make up. Tapos ilang sandali pa bago ako tumingin sa inaabot ni Wendelyn na salamin ay nagsipaglapitan na sa amin ang iba namin na mga kaklase.
“Wow! Mas lalong naipakita ang ganda ni Fuentes!” bulalas ng isa.
“Tama ka nga! Ang galing mo naman!” bulalas naman din ng isa pa.
Puro papuri ang naririnig ko na ipinupukaw nila kay Wendelyn. I’m happy actually for her but also I’m sad na isang buwan na lang ang itatagal namin sa school. Sa wakas ay nakuha ko na ang salamin at nakita ang aking sarili. Tama sila, maganda nga ang blending at pagkakalagay sa mga make up.
“20 minutes before ang klase natin ang magpakuha ng mga litrato,” wika ng isa pa.
20 minutes pa? Ganoon kabilis ako inayusan ni Wendelyn? Sa loob ng maiksing minuto ay ganito na ang itsura ko.
“Baka naman pwede mong i-redo ang sa akin, hindi ko talaga gusto,” request ng isa namin na kaklase.
Nagkatinginan kami ni Wendelyn saglit. Hindi ko alam kung papayag siya pero sana tanggapin niya iyon dahil hindi talaga maganda ang pagkakaayos ng make up sa mukha ng kaklase namin.
“Okay, fine,” tugon ni Wendelyn.
Tumayo na ako at saka ko tinapik ang balikat ni Wendelyn.
“Thank you,” sambit ko.
Ngumiti si Wendelyn saka niya inumpisahan na ayusin ang make-up. Tumingin ako sa relo at nakita ko na alas onse na at limang minuto na ang nakakalis nang sumapit ito.
“Wendelyn, 11:05 na,” sambit ko.
Kahit na lumagpas na ng limang minuto ay parang wala lang kay Wendelyn. Sa halip ay hindi siya tumigil at nataranta nang sabihin ko iyon, kalmado lang siya na parang isang professional na talaga.
“Its okay, guys mauna na kayo roon at patapos na kami,” turan niya.
Nakinig naman ang mga kaklase namin at lumabas na ng klase. Mas maganda na may tao na doon para naman masimulan na ang pictorial at hahabol na lang kami.
At talaga ngang ang galing ni Wendelyn sa make up. Kung kanina ay hindi kainis-nais ang ayos ng kaklase namin ngayon ay umayon na ang pagka-blend ng kulay sa kaniyang kutis.
humabol na muna kami sa ibaba kung saan naroon ang ginagawang pictorial ng bawat section. Naabutan namin na inuuna nila ang boys at patapos na ang mga ito. Nagtanong pa ako kung bakit at nakakatuwa ang sagot nila. Pinilit daw nila na mauna ang mga boys dahil hindi naman daw nag-iinarte ang mga iyon ‘di gaya sa mga babae na marami pang sinasabi.
Nakakatuwa na ganito pala sila kabait. Nagbibigay ng konsiderasyon sa mga kapwa. Hindi ko ito alam dahil hindi ko mapagkatiwalaan ang iba nang dahil sa kumakalat lagi na isyu na tungkol sa akin.
Nakapag-pakuha ako ng litrato para sa nalalapit na pagtatapos. Gayon din ang lahat ng aking kaklase. Ni isa man sa amin ay narito at walang bumagsak gaya sa ibang section.
l