Chapter 23

1338 Words
Ngayon nahihiya na ako kung bakit ko biglang sinabi iyon. Hindi ko alam kung paano ko haharapin at kakausapin si VJ. Three days ago, I said that I love him. Syempre, nagulat siya roon at hindi nakapagsalita sa pagkabigla. “Ang lalim ng buntong hininga na iyon,” wika nito. Si Ram lang pala. Akala ko naman kung sino. Hindi pa kasi ako sanay sa boses niya ngayon dahil ang natatandaan ng pandinig ko ay ang boses niya nang high school kami. “Ikaw pala, wala ka bang klase?” tanong ko. Paano tatlong araw na rin simula nang lagi ko siyang nakakasama. Kakaiba nga dahil noon hindi kami ganito ka-close pero ngayon... “Wala tapos nakita kitang nakasalampak dito mula sa 4th floor, sabihin mo nga bakit ka nga ba nandito sa open ground ng mag-isa? Hindi ba’t lagi kang may buntot na isang babae?” turan niya. Nakasalampak talaga? Nakaupo lang naman ako at nakasalung-baba habang malalim ang iniisip pero baka ganoon ang view kapag mula sa taas. “Baliw ka,” tugon ko. Saka sinong buntot ba ang sinasabi niya? Wala naman akong ibang close rito sa school maliban kay Wendelyn. Teka... hindi kaya trip niya si Wendelyn at kunwari pa siyang buntot buntot pero deep inside iba ang nasa isip niya? “Ang creepy mo, don’t smile like that na nagmumukha kang isang baliw,” aniya. Binaliktad pa ako. Siya nga itong parang timang na biglang susulpot at sisingit sa gitna ng matindi kong pag-iisip ngayon tapos siya pa may ganang sabihan ako ng baliw. “That’s more I like, mas mukha kang tao kapag naiinis ka,” sambit niya pa. Aba’t talaga naman. Nang-iinis pa lalo ang loko. “Ano bang kailangan mo?” tanong ko. Ipinatong niya ang kaniyang siko sa ibabaw ng mesa at inihiga roon pansamantala ang kaniyang ulo habang nakatitig sa akin. Ngayon, naiilang na ako sa ginagawa niyang pagtitig. Hindi ako sanay na tinititigan niya ako. “Ang taray mo naman, hindi bagay sa iyo,” saad ni Ram. Hindi b-bagay sa akin ang maging mataray? Naiintriga ako, ano ba ang bagay ma ekspresyon ko? Dapat alamin ko rin dahil sabagay lalaki si Ram and alam ko na may standards ang mga lalaki sa mukha at ugali. “Ano palang bagay sa akin, aber?” tanong ko. Hindi ako sinagot ni Ram sa halip ay ngumiti lang ito sa akin. Ah! Tama. Ngayon naalala ko na may gumawa ng isyu tungkol sa amin ni Ram. Isa marahil sa mga fans niya na naiinis sa akin dahil for the past three days ay lagi kong nakakasama ang baliw na ito. “Don’t smile like that, people will see it differently and make another issue about us,” sabi ko. If ever na kumalat ang isyu na ito tapos makarating kay VJ... nako! Malaking gulo kapag nagkataon. Lalo pa ngayon na sinabi kong mahal ko siya at hindi ko hahayaan na masaktan siya. “Mabuti nga at wala ang buntot mo,” aniya. Buntot? Si Wendelyn nga ba ang tinutukoy niya? “Si Wendelyn ba?” tanong ko. Itong lalaki na ito pinuntahan lang ako para mang-inis at humikab ng humikab sa harap ko. Naeenganyo tuloy ako at napapagaya sa paghikab. “Iyon ba ang pangalan niya? Payo ko lang na iwasan mo na siya o kung hindi mo kaya ay pigilan mo ang iyong sarili na magkwento ng mga bagay sa kaniya,” saad ni Ram. Napataas ako ng isang kilay dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa pagkakasabi kung hindi dahil sa sinabi niya na mga katagang talagang nagpainit at nagpakulo sa dugo ko. “At sino ka naman para sabihan ako sa sino at hindi ko dapat kausapin?” tanong ko. Naiirita ako. Umaarte siya ngayon na parang nobyo ko na kung pagbawalan ako ay wagas. Hindi ko alam kung saan nakukuha ni Ram ang pinagsasabi niya ngayon kaya sana huwag na siyang tumambay o makinig doon para lang ipagbawal sa akin. “It is for your own sake, trust me,” aniya. H-Hindi niya na naman sinagot ang tanong ko. Ngayon pa lang nanggigil na ako sa kaniya. Mabuti na lang talaga at ‘di kami gaano nag-uusap noon kung hindi matagal na ‘tong nakatikim mula sa akin. “Siya! Mauna na ako, see you,” sambit niya. At ganoon na lang niya akong iniwan na tulala at hindi alam ang gagawin. Pinuntahan niya lang ba talaga ako para guluhin at lituhin? “Its him again,” wika ni Wendelyn. I know its her kahit na hindi ko pa siya lingunin. Buong taon ko kaya siyang kasama sa school. “Nandiyan ka pala,” sambit ko. Nakiupo siya sa tabi ko pero ang mga mata niya ay nakasunod pa rin sa naglalakad na si Ram. “May special relationship ba kayo?” tanong ni Wendelyn. Bukal sa puso ko iyon na hindi sinang-ayunan. Kahit katiting ay wala akong kakaiba na damdamin para sa lalaking iyon. Ang tanging mayroon lang ngayon ay pagka-irita. “Wala ‘no, matalalik lang siyang kaibigan ng dati kong nobyo,” sagot ko. Pero kahit sumagot ako, itong si Wendelyn still gazing at Ram’s back. Teka... hindi kaya... “Are you into him?” tanong ko. Well of course, out of the blue ang question ko but who cares? Nagtataka ako. I need a simple answer that can dignified my knowledge about love. “Ako? Paano mo naman nasabi?” tanong din ni Wendelyn sa akin. I think may kakaibang nangyari sa inyong dalawa kaya itong si Ram ayaw niyang ipalapit ka sa akin kasi nagseselos ganoon? Tapos ikaw naman ay ayaw na ayaw mong lumalapit si Ram sa akin kasi natatakot ka na ma-out of love siya dahil sa akin? Biro lang... “Well, kakaiba lang kayong dalawa, opposite kumbaga sa isa’t isa,” sagot ko. Wendelyn looking at me, smiling. A devilish smile she can give off. “I’ll guess it,” aniya. “Guess what?” tanong ko. “Super curious ka sa relasyon namin ‘no?” turan niya. Tumango ako. Totoo naman na curious ako to the point na nagawa ko ngang itanong iyon ng personal kahit na wala naman dapat akong pakialam. Pero dahil sa inaasal nila na-curious na ako. Bakit hindi na lang kasi nila ako diretsahin? Ang dami pang paligoy-ligoy. Oi! Wait. S-she smile again, and then laugh “Well, ako rin! I’m going to ask him muna the status before I confirm it to you,” saad pa ni Wendelyn. Akala ko iyon na. Akala ko naman may maganda nang sasabihin si Wendelyn, wala pala. Confirming the status pa siya before they starts the date? “Wendelyn!” bulalas ko. “Oh! Why? Its true wala akong alam sa relasyon namin and besides people always mock... so I’m sorry,” turan ni Wendelyn. Ngayon, tumama siya sa “people’s always mock”, walang patawad lang Wendelyn? But, you are right. People always mock other people. “Kung anu-ano ang pinag-iisip mo, tara na at paparating na ang next professor natin!” wika pa niya. Hinila niya ako at tumakbo. Mabuti na lang at ‘di ko naisipan na bitbitin dahil hindi ko talaga inaasahan na tatakbo ako hanggang sa 4th floor ng building. Tapos habang tumatakbo kami ay naabutan pa namin itong si Ram na paakyat at chill lang ang ginagawa na para bang wala siyang kasunod na klase. “Hoy,” sambit ko. Nilingon lang niya saka siya tumingin kay Wendelyn na siyang nasa harapan ko. Malalim na buntong hininga ang kaniyang pinaka-kawala. Mukhang na-depress na siya! “You aren’t going to listened?” tanong ni Ram. “I was well aware of that, and besides, hindi mo naman ipinapaliwanag sa akin ng husto ang dahilan ‘no!” bulalas ko. And another sighed again. Nakakahilo naman sa sobrabg dami ng to rito school sabayan pa ng problema kaya naman mapapasinghap ka talaga. “Idiot,” wika ni Ram. Disappointed siya?! Siya pa talaga? Tapos “idiot” daw ako?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD