“We are happy to congratulates all of you, graduates of batch '21!”
Iyon ang umalingawngaw sa loob ng university hall. Oo, dahil wala ni isa na narito sa loob ang nag-ingay. Tama, ngayon na araw na ang pinakahihintay ng lahat—ang araw ng aming pagtatapos sa kolehiyo.
Matapos ang sandaling katahimikan... Pinangunahan ng ilang kalalakihan ang pagsigaw kaya naman nakigaya na ang lahat, kabilang na ako. Sabay-sabay namin na inihagis ang itim na sombrero na tanda ng pagwawakas sa aming apat na taon na pag-aaral sa kolehiyo.
Magkahalong emosyon ang nararamdaman ng bawat isa na narito ngayon. Sa kabila ng kasiyahan ay nandiyan nakaagapay ang kalungkutan. Isa-isa nang nagsi-iyakan ang bawat isa sa amin na nagsipagtapos. Ang bawat isa ay may mga masasaya at malulungkot na alaala na aming babaunin sa bagong landas na aming tatahakin.
“See you, Lauren, ‘til next time,” wika ni Wendelyn.
For the past one year, doon lang kami naging close ng babaeng ito. Sa unang taon kasi ay lagi akong nasa gig o ‘di kaya kasama lang si Rap. Wendelyn is the first person na sobrang dikit sa akin nitong nakalipas na isang taon. Everyone excepts her thinks that I am a bad person that I hid my true bad self in front of others that I just fake my smile and kindness towards them.
“Yeah, see you,” sambit ko.
And by that, we hug each other. The first and last one thing I’ve done to her.
“I’m glad I’ll able to talk to you,” wika ko pa.
Humiwalay na kami mula sa pagkakayakap sa isa’t isa.
“Yup! Masaya rin ako, ikaw ang unang tao na lagi akong kinakausap at sinasamahan,” aniya.
Tama, ilang sa kaniya halos lahat ng estudyante. Hindi ko nga alam kung bakit sila ganoon.
“Oo nga pala, bakit parang wala rito si VJ, hindi ba dapat narito rin siya dahil importante ang araw na ito para sa ito?” tanong ni Wendelyn.
Nakalimutan ko na ang tungkol doon. Hindi pa pala kami naglalabas ng statement tungkol doon dahil hindi pa namin ipina-alam sa madla ang tungkol sa hiwalayan. Pero ang usapan naman namin, ibabalita na niya ang paghihiwalay namin bukas kaya baka pwede kong sabihin kay Wendelyn ang totoo.
“Ano kasi... we’ve broke up,” sagot ko.
“What?!!” bulalas ni Wendelyn.
Well, hindi naman dapat siya magulat pero talagang nagulat siya sa sinabi ko.
“Oo, kaya sana huwag mong ipagsabi sa iba,” wika ko pa.
Tumango-tango naman siya.
“Kailan pa kayo naghiwalay?” tanong niya pa.
Minsan talaga mapapa-isip ako na si Wendelyn ay isang journalist s***h screen writer sa mga balita at pahayagan base sa pagtatanong niya.
“Well, last week, during my sister’s birthday,” sagot ko.
Nakakahiya naman. Graduation namin pero ikinukwento ko ang tungkol sa hiwalayan namin ni VJ. Sabagay, malalaman din naman niya sa balita bukas kaya ayos lang na may hint na siya sa mangyayari.
“Ano, change topic na tayo, araw ng graduation natin hinfi araw ng tsismis,” pabiro kong sabi.
“A-S-Sige! Mauuna na ako,” aniya.
We bid our goodbyes to each other. Napaunat ako ng katawan. Hindi ko talaga inaakala na matatapos ko sa loob ng apat na taon ang college. Akala ko aabutin ako ng lima o anim na taon dahil na rin sa mga gig na sumasabay sa class schedule ko.
When I turned around I saw a glimpse of him. He was smiling, and laughing while surrounded by friends and classmates. I never thought it would happened that we can actually both finished our college days together in the same time. Buong akala ko talaga ay doon na siya sa States dahil iyon ang sinabi niya sa akin noon kaya akala ko... hindi ko na siya makikita pang muli.
“Congratulations to us,” bulong ko habang nakatanaw sa kaniya sa ‘di kalayuan.
My tears was about to fall when someone patted my head. Tumingala ako at nakita ko ang nakangiti na si Ram. Bakas sa kaniya ang sobrang kasiyahan dahil sa wakas, maging siya ay mamumuhay na mag-isa at malayo sa kaniyang magulang.
“Congratulations, Imee,” aniya.
Imee... ngayon niya lang ako tinawag sa una kong pangalan. Hindi naman pala nakakailang kapag ganoon. Nasanay lang pala talaga ako na si Rap lang ang tumatawag sa akin sa unang ngalan ko.
“Congrats din sa iyo, Ramiro,” wika ko.
Nagulat siya nang tawagin ko siya sa kaniyang tunay na ngalan pero agad din na tumawa. Nakaka-asiwa daw kasi dahil pangmatanda iyon kaya nga noon na ipinakilala siya sa akin ni Rap ay ni minsan hindi niya ipinaalam ang kaniyang buong pangalan maliban na lang noong araw din na nagtapos kami sa high school dahil mandatory na banggitin ang full name.
Habang nakangiti ay tumingin siya sa dako kung saan naroon si Rap.
“You should congratulates him, too,” aniya.
Hindi ko alam kung nakita niya ba ako kanina na nakatingin kay Rap kaya niya sinasabi iyon.
“W-Well, I did,” sambit ko.
Tama, binati ko rin naman siya pero ako lang ang nakakaalam. Wala akong lakas na puntahan siya sa kabilang dako at makipag-usap ng casual gaya ng dati.
“He’s been in a rough situation, maybe your words may ease the pain he was holding,” wika pa ni Ram.
Pain? Is it because of Cheska? The one that happened during my little sister’s birthday? Are they not in good terms right now? Are they separated because of that?
“Na-Naghiwalay ba sila?” tanong ko.
Pilit hinahanap ng paningin ko si Cheska pero wala ito kahit saan. Dahil kay VJ naghiwalay ang mag-asawa? Baka may galit na si Cheska sa akin dahil hindi ko binantayan ng maigi si VJ na siyang naging dahilan ng kanilang hiwalayan!!!
“Oh no! Hindi ito tama, hindi dapat sila maghiwalay!” bulalas ko pa.
Bakit paranf hindi natataranta si Ram? Instead he was looking at me curious of what I am talking about and my actions.
“Nag-dadrugs ka ba, Imee?” tanong ni Ram.
Naka-drugs ba ako? Siya nga ‘tong hindi makakuha sa sinasabi ko eh. Hindi kinakaya ng system ko ang ganoon. Ang maghiwalay ang mag-asawa dahil sa maliit na pagkakamali ko.
“Mukha ba? Pero sana hindi sila naghiwalay dahil sa nangyari,” sagot ko.
Nakabusangot na nag-aalala ako. Pakiramdam ko kasi may kasalanan din ako sa nangyari. Hindi pala pakiramdam, talagang may kasalanan din ako sa nangyari.
“Sino ba ang tinutukoy mo?” tanong na naman ni Ram.
Ibig bang sabihin... h-hindi sila naghiwalay dahil hindi iyon alam ni Ram? Salamat naman kung ganoon! Pero kailangan ko pa rin makasigurado.
“Sino pa ba sa tingin mo? Look, Cheska is not around, she should be here, too, because her husband just finished the college yet she wasn’t here to support him,” sagot ko.
“Ano bang pinagsasa—”
Hindi na niya naituloy pa ang sinasabi niya dahil may umagaw sa kaniyang spotlight.
“Congrats, Lauren!” bulalas nito.
Napayuko ako saglit dahil sa hindi inaasahan na pag-atake na iyon sa aking balikat mula sa likod. That voice, it was MJ.
“Congrats! Graduates! Of! 2021!!!” sigaw pa ni MJ.
At dahil doon, natabunan na ang dapat sasabihin ko. Naghiyawan na ang buong batch namin. Next na pagkikita namin ay panigurado sa Alumni reunion na. Bigla naman na may umubo sa harapan ng microphone kaya naman lahat ay napatigil sa kani-kanilang ginagawa at kasama na kaming tatlo roon. It was the Director.
“Excuse me, I have received a recommendation for a short program before we leave this place,” wika nito.
Short recommendation... I wonder what could it be.
“Ano kayang klaseng recommendation ang ibig sabihin bg Director?” tanong ko sa dalawa.
“Who knows?” sagot ni Ram.
“Basta ako kahit ano pa iyon, ayos lang na manatili ng ilang sandali pa rito, sa susunod kasi na punta ko ay baka kukuha na lang ako ng transcript of records ko for requirements sa work,” wika ni MJ.
She’s right. Next na punta namin ay for the requirements that needed sa pag-apply sa trabaho.
“Come forth in front of everyone, Miss Imee Lauren Fuentes, and kindly give us a farewell song,” saad ng Director.
“Ano?!!!” sigaw ko.
Nagulat ako. Talagang nagulat nang marinig kong binanggit ng Director ang pangalan ko at mas lalong nagulat nang pinapakanta niya ako ng farewell song for everyone.
“Don’t be shy, please sing one last song to your batch mates,” wika pa ng Director.
One last song... ano kayang kanta ang babagay sa sandaling ito? The Director wants me to sing something for farewell pero wala akong maisip kaya nagulat ako.
“Yes, Director! Papunta na siya diyan!” sigaw nI MJ.
At nang hindi ko namamalayan habang nag-iisip ako ng kakantahin ay nasa stage na ako sa harap ng mga kapwa ko nagsipagtapos ngayon araw. Napatingin ako sa pwesto ko kanina at doon nakita ko si MJ na sobrang lapad ng ngiti at naka-peace sign pa. Siya ata ang nagtulak sa akin papunta rito.
Wala na akong ibang magagawa kung hindi kumanta. Isang kanta lang ang pumapasok sa isip ko. Kaya iyon na lang ang kakantahin.
“Bago ako kumanta, gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat, maging sa ating mga Propesor na walang sawa na nagtuturo at gumagabay sa atin...” wika ko.
Tahimik lang sila na nakikinig sa akin. Parang magna c*m laude lang ang datingan ko dahil sa talumpati ko.
“Sa mga kaibigan ko na lagi akong sinusuportahan, na bilang lang sa aking daliri at may isang dumagdag sa nakalipas na isang taon, alam kong alam mo kung sino ka,” wika ko pa.
Sila talaga ang nagiging dahilan ng lakas ng loob ko sa nakalipas na apat na taon sa kolehiyo. Maliban kay Rap dahil nasa kaniya ang tatlong taon...
“At sa mga bashers na hindi talaga nagmimintis sa bawat araw, thank you dahil pinapalakas ninyo lagi ang loob ko,” sambit ko pa.
Tama, sila ang dahilan ng kalakasan ko. Wala na akong paki sa mga isyu na pinupukol nila eh.
“Farewell to you my friends...” turan ko.
The last sentence I would say and the title of the song that I sing for the last time for them.