Kinabukasan, matapos ang huling yugto ko sa kolehiyo ay umusbong ang isang iskandalo. Hindi ito ang napag-usapan namin ni VJ. Iba ito sa nais namin na mangyari dahil ako mismo ang nasa sentro ng balitang ito.
“Blind items na tayo mga ka-Marites! Sino itong singer na ‘di umano’y pinagsasabay ang kaniyang boyfriend na singer/actor sa isang college student? Itong singer/actor ay kilala bilang isang notorious na casanova at maraming pinaiyak na babae. Mukhang nakakuha ng karma itong lalaki sa babaeng may maamong mukha. Ito pa! Ang balita pa nga ay nakipag-hiwalay itong si babaeng singer sa nobyo niya dahil nahuli umano sila na may ginagawa milagro! Nako! Si babae pa ang may ganang makipaghiwalay matapos may gawin na kakaiba!”
Iyon ang balita sa isang news channel na nagba-blind items ng mga pangalan at hinahayaan na hulaan ng mga manonood ang kanilang clue. Pero hindi lang iyon, may iba pa na nasa pahayagan at ang sumulat ay si Meowy na tumigil ng kalahating taon sa pagsusulat tungkol sa akin pero ngayon ay nagbabalik at ako pa rin ang kaniyang sentro.
“VJ Saavedra, hiwalay na sa singer wannabe na si Lauren!”
Iyon naman ang headline ni Meowy. Hindi ko kilala itong si Meowy pero talagang pinangalan niya ako. Hindi ako ang nakakita sa balitang nasa dyaryo, pinunit lang iyon ni Papa nang mapansin niya ang pangalan ko kaninang umaga habang nag-aalmusal at syempre tinago niya ito kay Mama. Akala nga raw niya ay papuri, hindi naman pala kaya naman nagagalit si Papa kay VJ dahil hindi niya tinupad ang pangako niya.
“Yes, MJ?” tugon ko sa tawag nito.
Habang naghahanap ako ng iba pang balita sa online world ay biglang tumawag si MJ. Marahil ay nakita at nabasa niya ang tungkol sa akin sa mga social media platform.
“Is this true? Hiwalay na kayo?!” bulalas ni MJ mula sa kabilang linya.
As what I said yesterday, walang may alam maliban sa pamilya ko. I only talked about during the time na nasa university hall kami with Wendelyn. Marahil ay may ibang nakarinig ng sinabi ko at nagbigay ng tip kay Meowy gaya ng dati para sa pera na ibabayad sa kanila.
“Oo, nakaraan linggo pa,” wika ko.
Nakaraan linggo pa simula nang naghiwalay kami at isang linggo na rin mula nang may marinig ako kay VJ. Nakakapagtaka dahil wala naman siyang kahit na anong appearance sa telebisyon o hindi kaya ay interview sa kahit anong pahayagan.
“Kailan itong nakaraan na sinasabi mo?” tanong ni MJ.
Habang kausap ko si MJ ay pilit kong kinokontak si VJ sa kaniyang mga social media account. He’s been offline since last week at hindi ko pa rin alam kung saan maari naroon ang lakaking iyon.
“During Alyssa’s birthday,” sagot ko.
“Oh my! Bakit hindi namin alam? Wala naman kakaiba na nangyari nang gabing iyon maliban na lang sa biglaang pag-alis nila Rap dahil masama ang pakiramdam niya,” saad ni MJ.
Iyon pala ang dinahilan ni Rap sa kanila. Wala siyang sinabi sa kanila tungkol sa tunay na nangyari sa halip ay pinagtakpan niya iyon.
“Hindi naman kasi nakakakuha ng atensyon ang nangyaring hiwalayan kaya hindi ninyo napansin,” pabiro kong sabi.
Mas okay na hindi ko na pag-alalahanin si MJ. Besides, hindi naman dapat niya ako problemahin.
“At talagang natatawa ka pa talaga? Alam mo ba ang rumors na tungkol sa iyo? Third party at ikaw ang gumawa!” turan ni MJ.
Yes, I am well aware of that. College student? Ibig sabihin, isa pa rin talaga sa mga nag-aaral sa Fairy tale ang nagbigay ng tip.
“Oo, kaya nga naghahanap pa ako ng ibang post about sa akin, baka may malaman ako sa katauhan ng taong nagbibigay ng tip sa media,” tugon ko.
Biglang nag-vibrate ang phone ko. Someone is calling me, oh— it’s VJ, at last!
“Saan ka ba? punta—”
Need kong sagutin ang tawag ni VJ. Ito lang ang paraan para magkaroon ng linaw ang nangyayari. Malaki ang maaring ibaba ng rank ko sa industriya ng pag-awit at kapag nagkataon, wala ng kukuha sa akin na producer at composer para kumanta.
“I’ll call you later, MJ, I need to answer VJ’s call now, thank you,” ani ko.
I ended the call with her and answered VJ’s call.
“Is that you?” I asked.
“No, its not me, nagulat din ako sa balita na nababasa ko ngayon,” he replied.
He sounded like someone who is been crying all day, medyo buo ang boses na may pagkamalat na ewan. Parang broken tuloy ang datingan niya sa akin. Broken dahil kay Cheska at hindi dahil sa akin.
Kung hindi siya, siguro tama ako sa aking hinala na someone from the school have eavesdropped to us while talking about it. Sa loob ng maiksing oras na iyon ay talagang nakuha niya ng buo ang sinabi ko.
“Can we make an appearance? The two of us? Baka ito na ang tuluyang magpabagsak sa career ko,” turan ko.
Dito lang ako kumukuha para sa pang-araw-araw namin ng pamilya ko. Kahit may trabaho si Papa ay masaya akong makatulong sa kanila dahil pinaghirapan ko iyon sa mabuti at hindi galing sa masama.
“Well, nakalimutan mo na ba na ako mismo ang host ng isang talk show?” tanong ni VJ.
Oo nga pala. How I forgot about his own talk show? Hindi na kasi live talk show ang palabas niya kung hindi taped recording na lang at matatapos iyon ngayong gabi...
“So, pwede?” tanong ko.
“Hindi, nasa balita rin ang pangalan ko, hindi maganda kung gagamitin ko ang talk show para sa pansariling dahilan,” sagot niya.
Nakakainis! Bakit pa niya sinabi ang tungkol sa talk show niya kung hindi pala pwede.
“But we can go together in a press conference,” aniya.
“T-Talaga?” tanong ko.
“Yeah, hindi ko naman hahayaan na may maling ibalita ang media tungkol sa akin,” sagot niya.
So, this is all about him. Tama. Sa isang blind items ay siya ay isang casanova. Well, totoo naman iyon, dati.
“VJ,” tawag ko sa kaniyang pangalan.
“Oh, miss mo na ba ako?” tanong niya.
“Hindi, baka ikaw miss mo na ako? Full of yourself, huh? Akala ko naman tutuparin mo ang pangako mo na aakuin ang nangyaring hiwalayan, hindi pala,” sagot ko.
Tumawa siya. Nakakamiss din ‘tong tao na ito kahit papaano ay may naging masayang nakaraan kami.
“Wala naman akong sinabi na hindi ko aakuin ang pagkakamali, ang sa akin lang ay huwag nila akong bigyan ng bansag na “casanova,” dahil hindi ako ganoon,” turan niya.
“So, ano ka lang? Playboy ganoon?” pabiro kong tugon
At iyon, tumawa lang kami ng tumawa sa buong pag-uusap. Imbes na mamoblema ay tinawanan lang namin ang misinformation ng media tungkol sa amin. Hindi namin namalayan na inabot na kami ng halos kalahating oras sa pagtawa, at pagpa-plano ng gagawin. Hindi kami tumatagal sa tawag noon kaya ito na ang pinakamatagal namin sa telepono.
“Okay, I’ll pick you up at 4 P.M, be sure to prepared, alam mo naman ang mga reporter laging may baon na tanong,” turan niya.
Isang munting paalala na galing mismo sa laging nasa balita noon.
“Opo, thank you, see you!” tugon ko.
After that, we ended our call peacefully. Akala ko mag-aaway kami pero hindi pala. It went out so well na hindi namin nagagawa noon. When we talked before, lagi lang kapag susunduin o may plano siyang gawin para sa araw na iyon. Hindi kami nagkekwentuhan o kung ano pa gaya ng normal na magkasintahan pero kanina... we laughed at each other for the first time.
Nabawasan ang alalahanin ko nang makausap ko si VJ. Bakit ba kasi ganiyan ang media, kalahati ang totoo at kalahati ang kasinungalingan. Talagang maakit ang mga tao kapag ganoon ang klase ng binabalita nila—third party.
I sighed. Bakit ba ako dapat ang may kasalanan sa balita nila? Ako pa umano ang may kinalolokohan at may ginagawa milagro. As if naman na totoo iyon. In fact, I had my first kiss last year. Sa buong 21 years ko, last year lang talaga tapos ngayon binabalita nila na may ganoon? I am still a virgin ‘no.
“Ate?” tawag ni Alyssa habang kumakatok sa may pinto.
“Pasok,” tugon ko sa kaniya.
Pumasok nga si Alyssa at ang mukha niya ay puno ng pangamba. Dahil iyon sa balita na kumakalat ngayon.
“Are you alright, Ate?” tanong niya sa akin.
Umupo siya sa gilid ng higaan kung saan ako nakadapa.
“Oo naman, nakausap ko na rin si VJ and we will appear tomorrow in a press conference,” sagot ko.
Nakangiti ko iyon na sinabi. Ayos lang naman talaga ako, ang hindi lang okay sa akin ay ang balita tungkol sa pagkatao ko.
“Hindi siya ang nagpakalat ng balita?” tanong pa ni Alyssa.
Ibig sabihin, akala niya si VJ rin ang nagpakalat gaya ni Papa. Mareresolba rin itong hindi pagkakaintindihan kapag humarap na kami ni VJ sa kanila.
“Of course, hindi, I know VJ now, I know him well,” sagot ko.
Liar. Hindi ko naman talaga kilalang-kilala si VJ. Binase ko lang lahat ng sinasabi ko sa kaniyang pakikisama sa akin. Dahil sa loob ng isang taon, naging mabuti siya at walang ginawa na ikagagalit ko.
“Mabuti naman, Ate! Naginahawaan ako sa sinabi mo,” wika ni Alyssa.
“Sa Linggo hahanap na ako ng malilipatan,” saad ko.
Biglang lumingon si Alyssa sa akin. Gulat na gulat ang kaniyang itsura sa narinig.
“A-Ang bilis naman,” aniya.
Nginitian ko siya at sabay ayos ng pagkakahiga ko sa higaan.
“Ganoon talaga, kailangan maging independent na ako,” wika ko.
“Pero... totoo nga, malapit mo na kaming iwan,” turan ni Alyssa.
“Hindi ko naman kayo iiwan, mamumuhay lang ako ng hindi umaasa sa magulang, I am an adult now,” tugon ko.
“Hindi ba ako pwedeng sumama?” tanong niya.
“Syempre hindi, pero maari mo akong bisitahan sa magiging bahay ko at isama mo na rin sina Mama kung may pagkakataon,” sagot ko.
Buo na kasi talaga ang desisyon ko. Kailangan ko ng alalayan ang aking sarili nang ako lang at hindi umaasa sa kanila. Nasa tamang edad na rin ako para gawin iyon kaya alam kong kakayanin ko.
“Ano ba iyan, sana naman malapit lang dito sa atin ang mahanap mong bahay,” saad ni Alyssa.
Tumabi na siya sa akin at niyakap ako. Ang sweet talaga ng kapatid ko, maswerte ako dahil ganito ka-grabe ang closeness namin kumpara sa ibang magkakapatid.
“Gusto ko malayo para naman hindi ako agad umuwi pabalik dito sa bahay kapag nanghihina ako sa buhay na tinatahak ko,” turan ko.
Biglang bumitiw sa pagkakayakap si Alyssa.
“Ay! Ayaw mo na ba kaming makasama?” tanong ni Alyssa.
Tinawanan ko lang siya. Hindi naman kasi ganoon ang ibig kong sabihin.
“Ang gusto ko lang... matuto ako sa buhay na hindi sa lahat ng pagkakataon nandiyan sina Mama at Papa at maging ikaw na laging nakapalibot sa akin, I need to grow more, Alyssa. Hindi ba’t aalis ka rin dito kapag nasa tamang edad ka na? Malalaman mo rin kung anong ibig kong sabihin,” sagot ko.
Nasanay ako na naka-isolate lang at walang social life maliban sa pagkanta. I don’t have lots of friends gaya niya dahil makakasira raw ito sa career ko sabi ni Mama pero doon siya nagkamali. I need friends, acquaintance, at kahit sino para mas lumawak pa ang pananaw ko sa buhay.
“Kapag nangyari iyon, mas malalaman mo kung ano talaga ang gusto mo at kung paano mo gustong mabuhay sa mundo na ito,” saad ko pa.