CHAPTER 5

2790 Words
Nakasakay na sila sa eroplano pauwi na sa Mafia Island. Kasalukuyan namang nagtatalo si Ibbie at Wilder habang ang iba ay tahimik na pinapanood lang sila. “Mga isip bata talaga 'to,” sabi naman ni Kane habang umiiling sa dalawang nagtatalo sa harapan niya. “Hindi ka pa ba nasanay? Simula yata nang ipinanganak ‘yang dalawa, magkaaway na talaga sila,” ani Ryker. “Kailan kaya magkakasundo ‘yan?” pagsingit ni Rara sa likod nila. “Umasa na lang kayo sa salitang, the more you hate the more you love!” sabi naman ni Ryker at saka tumawa nang malakas. Nagising muli si Amira sa balikat ni Mortem. “How are you feeling?” tanong ni Mortem sa kanya, puno naman nang pag-aalala ang mga mata niya na hindi niya ipinakita kay Amira. “Nahimatay ka kanina. Pagdating natin mamaya sa MI may nakaabang ng doktor sa Open Area para matignan ang kalagayan mo.” Bahagya nang lumayo si Amira kay Mortem saka tumango. “Okay na ako,” aniya. “You’re not okay. You look frustrated,” seryosong sabi naman ni Mortem. “I don’t need your pity.” “Ayan ka na naman, Amira.” Hindi na lamang siya pinansin ni Amira. Ibinaling niya na lang ang tingin sa bintana at pinagmasdan ang kalangitan sa labas. The sun is rising. “Malapit na tayong bumaba!” paalala ni Ryker. “Napaka-bobo mo, Amira. Ang hina mo,” sabi na lamang ni Amira sa kanyang isipan nang muling maalala ang nangyari kanina. Napapikit na lang siya dahil alam niya nang masisigawan siya ng kanyang Ama, ang malala pa ay baka saktan siya nito dahil nabigo sila sa pagpuntang Italy. Mayamaya pa ay nakarating na sila sa MI. Nakalapag na ang sinasakyan nilang eroplano. “We’re here,” sabi naman ni Ryker at tumayo na silang lahat. Bumukas na ang pintuan ng eroplano at bumaba na sila. Hindi na sila nagulat nang makita ang mga Mafiusu at ang Hari ng MI na naghihintay. Alam na nilang mapapagalitan at mapaparusahan sila lalo na’t hindi nila ipinaalam sa Hari. Unang bumaba si Amira upang salubungin na ang Ama niya. Napangiwi na lamang si Amira nang dumapo na ang palad ng Ama niya sa kanyang pisngi. “Wala kang kwenta,” dismayadong sabi nito. Napahawak si Amira sa kanyang kanang pisngi kung saan dumampi ang sampal. “Ako na lang ang parusahan mo, ‘wag na sila.” Sumingit naman si Wilder at sinabing, “Mawalang-galang na Hari pero ang anak mo ay ginawa ang lahat ng kanyang makakaya. Nahimatay pa nga siya kanina dahil sa matinding—” Hindi pinatapos ng Hari si Wilder. “Wala akong pakialam.” Napaurong na lamang ang dila ni Wilder at bumalik na lang sa kanyang pwesto. “Hindi n’yo sinabi sa akin! Kami sana ang pumunta ro’n. Mga walang utak!” sigaw ni Haring Herald sa kanila. “Father…” pagsusumamo ni Amira. “Sumakay ka na sa sasakyan,” utos niya. Wala nang nagawa si Amira kundi ang sumunod sa kanyang Ama. Matalim namang tiningnan ng Hari si Mortem. Ginantihan naman siya ni Mortem nang tingin na walang buhay. “Mortem Davies,” sambit nito. Tumungo lang naman si Mortem bilang paggalang nang tawagin ng Hari ang kanyang pangalan. “Huwag kang lalapit sa anak ko dahil oras na malaman ko ulit na lumalapit ka sa kanya, mamamatay ka. I have the power now to kill your Gang.” “Try me,” ang tanging sinabi ni Mortem, wala siyang katakot-takot na harapin ang Ama ni Amira. Napangisi na lamang ang Hari at sumakay na sa sasakyan. “Mortem, anong balak mo ngayon?” tanong naman sa kanya ni Kane. “Nothing. Hindi naman ako mamamatay. Not now.” “Nandito lang kami,” at tinapik ang balikat ni Mortem Umalis na sila at naiwan na lang si Mortem. Napatingala naman siya sa langit. “Boss, gusto ka nang makita ng iyong Ina,” dumating ang isang Mafiusu ng Death Gang. “Where’s my car?” Tinuro naman ng Mafiusu. ”Nga pala, Boss. Nakarating na ang doktor.” “Good.” Dumating na sa mansyon si Mortem. Sinalubong agad siya ng kanyang Ina sa labas ng kanilang mansyon. “My son,” nakangiting sabi niya at niyakap ang anak. “Mom,” niyakap niya rin ‘to. “Mabuti naman at ligtas ka. Naghanda ako ng pagkain, halika.” Pumasok na sila sa loob ng mansyon at pumunta na sa dining room. “Ang dami. Tayo lang naman ang kakain niyan, Mom,” sabi ni Mortem nang makita ang sandamakmak na pagkain na nakahain sa lamesa. “I missed you. Ilang araw ka ng hindi umuuwi, palagi kang nasa HQ ng ‘yong Ama." Napabuntong-hininga naman si Mortem. “Okay, I’m sorry.” Muling ngumiti ang kanyang Ina. “Kumain na tayo.” Habang sila na ay kumakain, may dumating naman na Mafiusa at may binulong sa Ina ni Mortem. “Thank you,” sabi pa ng kanyang Ina at tumungo na ang Mafiusa bilang paggalang bago umalis. “Anak, hindi mo sinabi sa akin na pinagbantaan ka ni Herald?” Lingid sa kaalaman ni Mortem na ang Ina niya ay binabantayan siya sa malayo. “Don't worry, Mom. I can handle him,” at saka uminom ng wine. “Kahit na, nand’yan na ang anak niya,” nag-aalalang sabi ng kanyang Ina. “She’s weak.” “How come?” kunot-noo na tanong ng kanyang Ina. “She’s always crying and she can’t kill bullshits.” “You know? Someday, she’ll use that as her strength.” “I’m waiting for that moment…” “I want to meet her!” pursigidong sabi ng kanyang Ina. “Magpapakita na rin naman siya kapag nagbukas na ang Mafia University. You’ll see her.” “That would be great!” napalakpak pa ang kanyang Ina. Pagkatapos kumain, muling nagpaalam si Mortem. “Mom, aalis ulit ako.” “Why? Hindi ba p’wede na samahan mo muna ako rito? You need to rest,” hinawakan niya ang kamay ni Mortem. “Babalik din ako, may kailangan lang akong tignan.” “Is that a girl?” “Hell, no.” Natawa naman ang Ina niya. “Really?” mapanuring tingin na sabi ng kanyang Ina. “Okay, fine. I want to check, Amira,” at napabuntong-hininga muli si Mortem. Napabitaw na ang Ina sa kamay niya. “Malaking gulo ‘yan, Mortem. Paano kapag nahuli ka?” seryosong tanong nito. Tumayo na si Mortem at lumapit na sa kanyang Ina upang humalik sa pisngi. “It will be fine, I’ll be back. Thank you for the food, love you, Mom." Napatikhim siya. “Okay. I love you, too. Take care, son!” “I will.” Kaagad nang sumakay si Mortem sa kanyang sasakyan nang makalabas na siya sa mansyon. Pinagbuksan naman siya ng gate. Napatigil na lang ang sasakyan sa harap ng isang Mafiusu at binaba niya ang bintana ng kotse para makausap ang lalaki. “Bantayan n’yo ng mabuti ang aking Ina.” “Yes, Boss!” Isinara niya na ulit ang bintana at nag-drive na patungo sa mansyon ng Hari.   Fire gang (Mansion) Nang makarating si Amira sa kanilang mansyon ay nagtungo agad siya sa kanyang kwarto. Mayamaya pa ay dumating ang isang doktor upang tingnan ang kanyang kalagayan. Kumatok muna 'to bago pumasok sa kwarto ni Amira. “Good morning, Princess Amira,” bati naman sa kanya ng doktor. “Okay na ako.” “No, Ma’am. You're not okay, let me check you,” mariing sabi nito. Hinayaan niya na lamang ang doktor na tignan ang kanyang kalagayan. “We’re done.” “May problema ba sa akin?” tanong naman ni Amira. “Well, you need to rest. Huwag mong pilitin ang sarili mo kapag hindi mo kaya. Nabigla ka kasi kanina kaya ka nahimatay, stress ka pa.” Napatango na lamang si Amira. “You’re the Princess of this Island. You need to be strong for us.” “I know,” napayakap naman siya sa kanyang sarili. “Alright, take care! And before I go, si Mortem nga pala ang nag-utos sa akin na ipacheck-up ka,” at tumayo na siya. “He cares for you,” dagdag niya at binuksan na ang pinto saka lumabas na. “Thank you…” pabulong na sabi na lamang ni Amira at humiga na ulit sa kama. Hindi pa siya nakakapikit nang muling bumukas ang pinto ng kanyang kwarto. Bumungad ang kanyang Ama. “Father,” ani Amira nang papalapit na ‘to sa kanya. Bumangon naman siya para tumungo. “You don’t have to do that,” mahinahon niyang sabi. Nagulat naman siya nang yakapin na siya ng kanyang Ama. “Hindi ka na galit sa akin?” “Patawad, Amira. Kaya ko nagawa ‘yon dahil nag-alala lang talaga ako sa’yo. Hindi ko napigilan…Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tipid na ngumiti si Amira. At least, bumuti ang pakiramdam niya nang malaman na nag-alala ang kanyang Ama. “I’m sorry,” ang tangi niyang nasabi imbis na sagutin ang tanong ng kanyang Ama. “Huwag kang mag-alala, hindi naman talaga kita paparusahan. Makukuha rin natin sa kanila ‘yong mga ninakaw nila. Sa ngayon, magpahinga ka na muna dahil bukas ay kailangan mong magpakita sa Mafia University para sa panibagong kaalaman na dapat mo pang matutunan dito sa mundo ng Mafia,” paliwanag naman ng kanyang Ama. Kumalas na sa pagkakayakap si Amira. “Okay, thank you—papa,” bahagya pang natigilan si Amira. Ngayon niya na lang ulit natawag na papa ang kanyang Ama na madalas niyang sabihin no’ng bata siya. Ngumiti na ang kanyang Ama. “Sleep well,” tumayo na siya at lumabas na ng kwarto. Napabuntong-hininga na lamang si Amira at nag-unat. Mayamaya pa ay nakarinig na lang ng ingay si Amira na parang may kumakatok, napatingin siya sa pintuan ngunit napagtanto niyang hindi nanggaling do’n ang tunog. Tumingin naman siya sa glass door patungo sa balkonahe. “Bakit?” tanong niya sa kanyang sarili, nanggaling doon ang tunog. Bumaba na siya sa kama at nilapitan na ang glass door. Hinawi niya ang kurtina at nanlaki na lang ang mga mata niya nang matuklasan si Mortem na naghihintay sa labas ng kanyang balkonahe. Tuluyan niya na ‘tong binukas. “Mortem?” napaawang pa ang labi ni Amira nang makita talaga mismo si Mortem sa kanyang harapan, akala niya ay namamalikta lang siya. Kaagad namang pumasok si Mortem sa loob. Hindi man lang pinansin ang sinabi ni Amira. “Hoy!” Tumingin na sa kanya si Mortem. “Shh,” sabi niya. Sinara na ni Amira ang glass door at ibinalik sa dati ang kurtina para takpan ‘to. “Anong ginagawa mo rito? Paano ka nakapasok dito?” natatarantang tanong naman ni Amira. “It's my thing,” at humalukipkip ‘to. Hindi talaga makapaniwala si Amira. “Huh? Ano ba, Mortem! Hindi ako nakikipagbiruan.” Bahagya namang natawa si Mortem dahil sa reaks’yon ni Amira. “I guess, you’re okay now. Gusto lang talaga kitang makita kaya naisipan kong pumunta rito.” “Sinabi ko ba na magpunta ka?” Umiling naman siya. “Iyon naman pala, eh! Pinapasakit mo ang ulo ko, Mortem!” gigil na gigil na sabi naman sa kanya ni Amira. “It’s my choice,” dahan-dahan naman siyang lumapit kay Amira. “Choice ko na makita ka kahit na komplikado.” Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Amira. “Stop,” inis na sabi niya. “Bakit? Huwag mong sabihin kinikilig ka?” Napaatras na si Amira nang mailang na siya sa pagitan nilang dalawa. Unti na lang p'wede na silang maghalikan. “Ah, no. Ang sabi ko tumigil ka na sa mga kalokohan mo. Umuwi ka na.” Naghuhumirantado na ang puso ni Amira nang hawakan na ni Mortem ang kamay niya. “What the hell are you doing?” tanong niya. Dahan-dahan namang inilapit ni Mortem ang kamay na hawak ni Amira sa kanyang dibdib kung nasaan ang puso niya. Naramdaman ni Amira ang bilis nang pagtibok ng puso nito. Pilit na tinatanggal naman ni Amira ang kanyang kamay sa pagkakahawak ni Mortem. “Mortem…” “Hmm?” nanatili ang mga mata ni Mortem na nakatingin sa mata ni Amira. “Ano ba…” “My heart is always like this when I see you,” sinserong sabi ni Mortem. Walang bahid na kasinungalingan. “Huwag ako, Mortem,” umiiling na sabi naman ni Amira. “Talaga bang kaaway mo lang ako sa paningin mo?” “Oo,” seryosong sabi ni Amira. “Hindi na ba magbabago ‘yon?” “Oo.” “E ‘di babaguhin ko kung ano man ‘yang iniisip mo ngayon. You’re scared, right?” “Mortem, umalis ka na magpapahinga na ako,” umiwas na siya ng tingin. Binitawan na ni Mortem ang kamay ni Amira saka hinawakan naman ang baba ni Amira at hinarap ‘to sa kanya. Muli na namang umiwas ng tingin si Amira. “Look at me, Amira. If you’re not really scared.” Tiningnan naman siya agad ni Amira. “Okay na? Kaya p’wede ba umalis ka na?” Nang may kumatok ay napatingin na lang sila pinto. “Madam?” narinig nilang sabi galing sa labas. Mabili na kumilos naman si Amira, binuksan niya kaagad ang walk-in closet at pinapasok doon si Mortem. Bumukas na ang pinto. “Princess, kumain ka muna,” sabi nang dumating na katulong. “Iwan mo na lang sa table. Makakaalis ka na.” Lumabas na ang katulong kaya nakahinga na nang maluwag si Amira. Muntikan na silang mahuli, hindi naman hahayaan ni Amira na mahuli si Mortem dahil ayaw niyang magkagulo. Baka magpatayan ang mga tao rito kapag nalaman nila na nakapasok si Mortem. Binuksan na rin ni Amira ang kanyang closet at nakita niya na may hawak ng bra si Mortem. Namula naman si Amira at kaagad na inagaw kay Mortem ang kanyang bra. “Ano ka bakla?” inis na sabi sa kanya ni Amira. Hiyang-hiya siya ngayon. “Halikan kaya kita r’yan. Masama bang hawakan ‘yan? Nalaglag, eh. Besides, ba’t ka pa nagsusuot niyan? Wala ka namang dibdib,” nakangising sabi pa ni Mortem, halata itong nagloloko. Napatingin si Amira sa kanyang dibdib. “Pervert!” sabi niya at pinaghahampas na si Mortem. Nahuli naman ni Mortem ang dalawang kamay ni Amira at lumabas na silang dalawa sa closet. Marahan niyang hinatak si Amira papunta sa kama at pinahiga ‘to. Hindi naman makagalaw si Amira dahil sa ginawa ni Mortem. Ikinulong lang naman ni Mortem si Amira sa bisig niya, magkalapit ulit ang mukha nila sa isa't isa. Ramdam na ni Amira ang hininga ni Mortem na ubod ng bango at hindi niya na naiwasang pagmasdan ang mukha nito, maputi talaga ang balat ni Mortem at makinis pa. “Ano ba, Mortem! Kadiri ka!” sinubukang makawala ni Amira sa kanya pero hinihila lang siya pabalik ni Mortem sa higaan. “Talaga lang, ha? Sa gwapo kong ‘to?” Napairap naman si Amira. “Ang kapal din ng mukha mo, noh? Kung patayin kaya kita r’yan?” “Patay ka na, bago mo pa ako mapatay.” Hindi naman makapaniwala si Amira sa sinabi ni Mortem. “Fu—” hindi na naipagpatuloy ni Amira ang kanyang sasabihin dahil bigla na lang siyang hinalikan ni Mortem. A passionate kiss has been made. Pagkatapos, lumayo na si Mortem kay Amira. “See you tomorrow, Princess. Aasahan ko na makikita kita bukas sa MU. My mother wants to see you,” bumalik na sa dati ang kanyang boses na walang ka-emosyon. Hindi na nakapagsalita si Amira. Napatingin na lamang siya sa glass door na bukas na, ibig sabihin nakaalis na si Mortem. Inilapat niya naman ang kanang kamay niya sa bandang dibdib upang maramdaman ang pagtibok ng puso nito. “May sakit na yata ako sa puso,” napailing na lamang siya sa kanyang naisip at umayos na sa pagkakahiga. Nawalan na siya ng gana para kumain, masyadong nag-iingay ang puso’t isipan niya na ang tanging paraan na lang na nakikita niya para tumahimik ito ay matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD