CHAPTER 4

2977 Words
12 AM. Lahat ay nasa Open Area na. Handa na ang private plane na sasakyan nila. Pumasok na sila at isa-isang umupo sa kanilang mga uupuan. Mag-isa naman si Amira at walang gustong tumabi sa kanya na para bang walang gustong makipagkaibigan sa kanya. Nasa isip niya. “Kung sabagay wala nga pala dapat akong maging kaibigan dito,” ngunit nagkamali siya dahil tumabi sa kanya si Rara. “Hey!” nakangiting bati ni Rara. Nakatingin lamang si Amira sa bintana, hindi man lang pinansin si Rara. “By the way, I’m Rara Khan from the Red Gang.” Pinansin na siya ni Amira. “Okay.” “So? Umm.” “It’s okay, hindi mo na kailangan gawin ‘yan. Mas gusto kong mapag-isa,” at ngumiti na lamang nang pilit si Amira. “Oh, sure,” dahan-dahan namang tumayo si Rara at umalis na para tumabi kay Fairoze. Nakatulog na lamang si Amira at nang magising siya ay napapitlag na lang siya nang makita ang ulo niya na nakapatong na sa balikat ni Mortem. “Morning,” walang buhay na sabi ni Mortem. “What the hell are you doing?” nanlalaki ang mga mata ni Amira. “Tumabi ako sa'yo, hindi ba obvious?” sarkastikong sabi naman ni Mortem. “Sinabi ko ba na tumabi ka sa akin?” “Hindi porke prinsesa ka, ikaw na ang masusunod,” at bahagya pa ‘tong ngumisi. “Wala akong pake,” Amira rolled her eyes. “Iyong laway mo sa bibig, punasan mo.” Kaagad naman siyang sinunod ni Amira ngunit nang mapagtanto niyang inuto lang siya nito ay hinampas niya na sa balikat si Mortem, natawa na lamang si Mortem na mas lalong nagpainit ng ulo niya. “Jerk,” inis na sabi ni Amira at saka tiningnan na ang sarili niya mula sa salamin na dala niya. “b***h,” hindi naman nagpatalo si Mortem. Napailing na lamang si Amira at hindi na pinansin si Mortem. Habang si Ryker ay napatayo na at pumunta na sa gitna. “Attention everyone! Malapit na tayong bumaba. Di-diretso tayong hotel, may nakaabang ng van na sasakyan natin pagbaba sa airport.” Lahat naman ay sumang-ayon sa kanya. “Ah! Future flight attendant ka na ba, pre? Titiwalag ka na ba sa Dark gang?” biro ni Wilder. Nagtawanan naman ang lahat maliban kay Amira at Mortem. “Shut up,” sambit ni Ryker at bumalik na sa kanyang upuan. At nang makarating na sila sa kanilang destinasyon ay bumaba na sila sa eroplano at sinundan si Ryker, sa ibang daan sila nagtungo kung saan nando’n ang sasakyan nila. Si Ryker kasi ang nag-ayos ng lahat papunta rito sa Italy dahil responsibilidad niya bilang “The eye of the mafia” ‘yon ang titulo niya sa mundo ng Mafia Island. “We’re here—” natigilan. Lahat ay napaatras na lamang nang makita nilang patay na ang driver ng van na nasa loob ng sasakyan. “s**t! Alam nilang nandito na tayo,” sabad ni Daem at nagpalinga-linga. “Wrong move. Dapat umalis tayo ng gabi,” ani Fairoze. “f**k, yes,” napa-face palm na lamang si Ryker. Madami na naman siyang aasikasuhin lalo na’t responsibilidad niya ang pagkamatay ng driver na ‘to. “No way! Diyan naman kayo magaling sa gabi. Paano naman kami? Mas prefer namin araw, duh. Sleepy time kapag gabi, noh!” reklamo naman ni Ibbie. “Arte,” ani Wilder. “Epal,” inirapan pa ni Ibbie si Wilder. Ang Dark, Silent, at Black Gang ay halos gabi umaatake dahil sa gabi sila mas malakas at magaling dumiskarte. Habang ang Red, Dragons, Innocent Gang ay sa araw. Ang Fire, Death, Devil's at Black Angel's Gang ay wala namang pinipiling oras kung kailan sila aatake. Bawat Gang ay may kanya-kanyang respondibilidad. “We have to move now. This is definitely the sign of a warning,” seryosong sabi ni Kane. “Tara na! Ako na ang magmamaneho,” ani Wilder. Matapos nilang iligpit ang driver ay sumakay na sila sa sasakyan. Sa harap naman umupo si Amira na ikinagulat ni Wilder. “Ayaw mo sa likod?” tanong niya. “Ayoko ng maingay.”  Napangiti naman si Wilder. “Okay! Let’s go,” at pinaandar niya na ang makina ng sasakyan. Nang makarating na sila sa hotel ay pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto ngunit lahat na lang ay nagulat nang mapansing na sa iisang kwarto ay lalaki at babae ang magkasama. Agad na lumabas si Amira matapos niyang ilapag ang gamit sa sahig, hinanap niya si Ryker. “Ryker!” malakas ang pagkakasabi niya. Habang si Mortem ay lumabas din at sumandal lamang sa pinto. Lumabas na si Ryker at natawa na lang nang makita niya na ang reaks’yon ni Amira. “Why, Princess?” “Bakit gan’to? Bakit kasama ko ‘tong lalaki na ‘to?” sabay turo kay Mortem. “It’s not my fault,” then, he shrugged. “Ang staff ng hotel na ‘to ang nag-ayos kung sino ang magkakasama.” “Are you stupid? P’wede ba ‘yon?” napahawak naman sa batok si Amira at marahang pinaikot ang ulo. She looks so frustrated lalo na’t si Mortem ang makakasama niya sa kwarto. “I’m not stupid, Princess. Sadyang nasa kamay na natin ang bawat bagay o paraan na gawing posible ang imposible. You know that, right?” “Arg!” angal na lamang ni Amira dahil alam niyang wala na siyang magagawa, ayaw niya ng magkagulo pa. Lumapit na siya kay Mortem. “Excuse me,” umalis naman sa pagkakasandal sa pinto si Mortem at pumasok na si Amira sa kwarto. “Plano mo ba, Ryker?” “Alam mo naman na magaling ako r’yan. Gusto mo naman, ‘di ba? Para mapadali ang trabaho mo,” nakangisi nang sabi ni Ryker. “Stupid. Hindi pa ngayon, may plano pa ako para sa kanya.” Tumaas ang kilay niya. “Really? O baka hindi mo kaya?” “’Wag mo ako simulan, Ryker.” Natawa naman si Ryker. “Fine. Magpahinga na muna tayo, madami pa tayong gagawin mamayang gabi.” Tumango na lamang si Mortem at pumasok na sila sa kani-kanilang kwarto. Pagpasok ni Ryker sa kwarto ay nakita niyang naka-bra na lang si Fairoze at naka-shorts na maiksi. “May lalaki kang kasama sa kwarto. ‘Wag kang gan’yan, Fai,” at umupo na siya sa kama. “Why? Matagal naman na tayong magkakilala,” bahagya namang ngumiti si Fairoze. Nakaramdam na lamang ng kakaibang sensasyon si Ryker dahil sa sinabi ni Fairoze. Tila nag-iinit na ang kanyang katawan. Nilapitan niya na si Fairoze at kaagad na hinalikan sa labi, hindi na ‘to nakapagtimpi pa. Gumanti na rin ng halik si Fairoze. Tumigil na lang silang dalawa nang parehas na silang naghahabol nang hininga. Pagkatapos, niyakap na siya ni Ryker. “Kapag malayo tayo sa MI, nagagawa natin ‘to. Bakit ba hindi ako matanggap-tanggap ng Ama mo?” “Alam mo naman na ipinagbabawal ang pag-iibigan sa bawat Gang, hindi ba? Dahil sa huli lahat tayo ay magkakaaway,” napahigpit na lamang ang pagkakayakap ni Fairoze kay Ryker. “Hindi mo ba ako p’wedeng ipaglaban? Kayang-kaya kitang ipaglaban, Fai,” bakas naman ang pagkalungkot sa boses ni Ryker. “Dati pa sana ginawa ko na ‘yan pero hindi ko kaya. I respect my father so much, Ryker.” “f**k that!” napamura na lamang si Ryker. “I'm sorry. Huwag mo sanang isipin na hindi kita mahal. Just give me more time, I love you,” at kumalas na sa pagkakayakap si Fairoze. Napabuntong-hininga naman si Ryker at saka tumango. “I love you more,” at muling hinalikan sa labi si Fairoze. Pagsapit nang gabi. Nagpunta na sila sa private room kung saan do'n isasagawa ang kanilang plano. Lahat sila ay nakasuot ng itim. May kanya-kanya silang uniporme na ipinapakita ang crest ng kanilang Gang. “Tignan n’yo ‘to. Alam ko na kung nasaan sila, mga hindi magaling magtago,” sabi naman ni Ryker at ipinakita na sa kanila kung saan nagtatago ang UKM. “Nice, man! Oh, ano na? Game na ba?” ani Wilder. “Wait, ganito ang plano,” sumingit naman si Amira. “Plan? What plan?” naguguluhang tanong ni Rara dahil hindi sa kanilang Gang, wala ng planong ginagawa. “Kaming mga babae ay tutungo na kung saan—” hindi pa tapos magsalita si Amira nang sumingit na agad si Mortem. “Sabay na lang tayong lahat na pumunta sa HQ nila. Kung saan nando’n ang lalaking ‘yon, then we'll kill them,” ani Mortem, hindi man lang inisip ang desisyon ni Amira. Walang nagawa si Amira kundi sumang-ayon na lang. Napagtanto niya na mas madaling gawin ‘yon.     UKM HQ “Hoy! Ang bilis naman ng pagmamaneho mo, Wilder!” sigaw naman sa kanya ni Ibbie. “May nakasunod sa atin. Humanda kayo,” seryosong sabi na ni Wilder. Kahit na may sasakyan ay mabilis niya itong naiiligan. Si Wilder ay isa sa mga magagaling pagdating sa pagmamaneho. Kahit ano pang sasakyan, kaya niya. Tinagurian siya ng mga Mafiusu’t Mafiusa bilang “Rider Gill.” Lahat naman ay napatingin sa likod. “Mga naka-motor,” ani Fairoze. Naalarma na sila nang magpaputok na ang mga taong nakasakay sa motor. Wala namang natamaan ni-isa sa kanila. Naka-bullet proof ang sasakyan kaya ligtas sila. “Ilan sila?” tanong naman ni Zurikka. “One…Two…Three…Four…Five,” pagbilang ni Kane. “Game, I’m going to shoot,” binuksan na ni Zurikka ang bintana at dumungaw siya, nilabas niya na ang kalahating katawan niya mula sa bintana para mabaril ang mga naka-motor. “Be careful,” paalala ni Kane. “Ako rin,” pagsali ni Daem. Si Zurikka ay isa naman sa magagaling na humawak ng kahit anong klase ng baril. Tinagurian naman siyang “Lady Gun.” Masyadong mabilis ang pagmamaneho ni Wilder kaya hindi gaano makabaril si Daem, hindi niya magawang itutok ang hawak niyang baril sa mga naka-motor, napatingin naman siya kay Zurikka na may nabaril na. “Apat pa!” bulalas ni Zurikka. “s**t! Ikaw na nga,” pagsuko ni Daem na ikinatawa naman nila. “I can’t shoot. Si Wilder kas—“ Bigla na lang tumigil ang sasakyan sa lugar na madilim at walang sasakyan na dumadaan. “Bakit tayo tumigil?” tanong ni Daem. “Hindi tayo matatapos dito, may maiiwang tatlo. The rest ay pupunta na sa UKM,” sabi naman ni Wilder. “Sige, kami na,” ani Zurikka. “Susunod na lang kami.” Si Zurikka, Kane at Rara ang nagpaiwan. Bumaba na sila sa sasakyan at ang mga naka-motor naman na nakasunod sa kanila ay bumaba rin sa kanilang mga motor at hinarap ang tatlo. “Ready?” nakatinging sabi naman ni Kane kay Zurikka. “Of course,” tugon ni Zurikka. “I love this!” masiglang sabi naman ni Rara na parang bata. “Akin na ang dalawa,” sabi pa ni Kane at sumugod na sa kalaban. Nakaalis na ang sasakyan nila Wilder, patungo na sa UKM. “Talagang pumunta pa kayo sa aming teritoryo?” sabi ng isang lalaki, isang pilipino ang nakaharap nila. “Bakit masama? Kayo ang unang nanggulo,” una niyang sinipa ang lalaki sa pribadong parte ng katawan nito dahil alam niyang kahinaan ito ng mga lalaki. “Ops. Masakit ba?” natatawang sabi naman ni Rara. Napa-aray ang lalaki, hindi siya kaagad nakakilos dahil sa mabilisang pag-atake ni Rara. Sa sobrang sakit ay napaluhod pa ito at nagpagulong-gulong. Sunod na ginawa ni Rara ay pinaupo niyaa ang lalaki at saka agad na ikinulong ang leeg ng lalaki gamit ang kanyang mga paa. “Ano, ha? Ang yabang mo pa! Wala ka rin pala!” hindi na makahinga ang lalaki dahil sa kanyang ginagawa. Pinulupot niya ‘to at pagkatapos binali na ang leeg ng lalaki. “Wet dreams,” aniya at binitawan na ‘to. Si Rara Khan ay magaling naman pagdating sa combat skills. Alam niya lahat ng kahinaan ng mga kanyang kalaban. Tinagurian siyang “Combat girl” wala pang nakakatalo sa kanya, kahit wala siyang hawak na baril o armas ay kaya niyang makipagpatayan gamit lamang ang kanyang talino at lakas. “Done,” sabi naman ni Zurikka na ang ginawa niya ay binaril agad sa ulo ang lalaki na hindi pa nakakalapit sa kanya. Habang si Kane ay nagkaroon pa ng galos dahil hindi basta-basta ang naging kalaban niya. Pero napatay niya na ang dalawa gamit ang kanyang dagger. “Tara na!” ani Rara at ginamit na nila ang motor na ginamit ng mga kalaban kanina. Pagdating sa teritoryo ng UKM, isa-isa naman nilang pinagpapatay ang mga gwardiya na nagbabantay sa labas ng HQ ng UKM. Nang makapasok na sila sa loob ay nakasunod lamang sila kay Ryker. Binaril naman agad ni Mortem ang dalawang gwardiya na nakabantay sa pinto. Nang mabuksan na nila ang pinto ay bumungad na sa kanila si Laro Imperial ang lider ng UKM na nakangiti ngunit ang ipinapahiwatig ng tingin niya ay para bang gustong-gusto nang pumatay nito. “Welcome to my world.” Pumasok na silang pito at hinarap ang nag-iisang tao sa loob ng kwarto. “Akalain mo nga naman napatay n’yo ang mga ilang tauhan ko,” at humalakhak si Laro. “Ibalik n’yo lahat ng mga ninakaw n’yo. Ngayon din!” muling maawtoridad na sabi ni Amira. May bigla namang tumawag kay Mortem. Sinagot niya ‘to at tumalikod muna sa kanila. “Mortem, nandito na kami. Nasaan kayo?” ani Kane mula sa tawag. “Kami na ang bahala rito. Hanapin niyo na ang pera at gintong ninakaw nila sa atin.” “Okay.” -End call- “What? Hindi niyo pinapahalagahan tapos ngayon babalik kayo para saan pa? Hinding-hindi niyo na makukuha ‘yon. Dahil, amin na ‘yon.” Unti-unti nang lumapit si Amira kay Laro. Hindi man lang natinag ang lider ng UKM sa titig ni Amira. Dahan-dahang itinutok ni Amira ang hawak niyang baril sa tapat ng ulo ni Laro. “Oh! I'm not scared, Amira Miller.” “Hindi ako magdadalawang-isip na iputok sa’yo ‘to.” “Oh, really? Balita ko hindi ka pa nakakapatay ng tao. Kaya mo na ba ngayon? Kahoy pa lang ang kaya mong barilin,” tawang-tawa na sabi ni Laro. “Kaya mo ba? Magaling ka lang sa salita pero hindi sa gawa, Prinsesa. You’re just a tiny little pea that has nothing to do with these bullshits,” naglaho ang nakakalokong ekspresyon sa mukha ni Laro dahil napalitan na ito ng galit at sakim. Nanginginig ang mga kamay, gustong-gusto niyang patayin si Laro ngunit hindi niya magawa. Tama lahat ng sinabi ni Laro sa kanya, natatakot siya. Hindi niya pa kayang pumatay. Unti-unti namang ibinaba ni Amira ang kanyang baril. “I…” hindi niya matuloy. “Amira,” tumayo si Laro at lumapit pa nang tuluyan kay Amira. Inilabas niya na ang baril niya at itinutok naman ito kay Amira. “Bumaliktad yata ang mundo.” “Tagal naman,” bored nang sabi ni Ibbie. “Laro…” nagsalita na si Mortem. Napailing na lamang si Wilder. Nakatunganga lamang ang iba at naghihintay sa posibleng mangyari. “Don’t,” pinigilan naman ni Amira si Mortem sa maaaring gawin niya. “Ano bang gusto mo?” tanong niya na kay Laro. “Gusto? Ang makilala sa mundo ng Mafia at kapag nakilala na nila ako hindi na UKM ang magiging pangalan ng organisasyon namin kundi IM na, Imperial Mafia. Maganda, hindi ba?” may ibinulong naman si Laro kay Amira na ikinapuyos ng galit ni Amira. “Ang totoong kalaban ay nasa harapan mo na at nakakasama mo pa. Bakit hindi siya ang simulan mo?” Bahagya namang natigilan si Amira. Pagkatapos ay lumayo na si Laro kay Amira. Hindi na nakatiis si Mortem, nagpaputok na siya kung saan nadaplisan na ng bala ang balikat ni Laro. Mabilis na kumilos si Laro na kung saan bumukas bigla ang glass window na nasa likuran niya at siya’y nagpakalaglag agad sa hindi malaman nilang dahilan. Pagkahulog ni Laro ay napadungaw na lamang sila para makita kung ano na’ng nangyari kay Laro at natuklasan nila na madami pang alagad si Laro na naghihintay sa kanila sa baba ng gusali. Nakahiga si Laro sa isang malambot na foam habang nakangiti sa kanila. Hindi sila nagtagumpay. “Kasalanan mo ‘to Amira! Pabida ka, noh? Hindi mo rin pala kaya! Sana kami—” natigilan na lamang si Ibbie nang makita niya ang luha na bumubuhos na sa mga mata ni Amira. Agad namang pinunasan ni Amira ang kanyang luha. “Pasensya na, hindi ko kaya. Ako ng bahala sa parusang ihahatol sa atin ng aking Ama,” at bigla na lang nahilo si Amira at bumagsak sa sahig. “Amira!” nilapitan na siya ni Mortem at dali-daling binuhat. “Tayo na, hangga’t wala pa silang ginagawa.” Bumukas na lamang ang pinto at bumungad na sa kanila si Kane, Rara at Zurikka. “What happened to Amira?” naguguluhang tanong ulit ni Rara. “Mamaya na ‘yan. Bumalik na tayo sa MI,” sabi naman ni Ryker. “Masyado silang madami. Hindi namin nakuha—” “Don’t mind it. Bahala na pagdating natin doon sa MI,” sabi naman ni Daem kay Zurikka.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD