Isa sa pinaghahandaan ngayon ang pagbubukas ng Mafia University para sa lahat ng Mafiusu at Mafiusa. Kahit anong organisasyon, p’wedeng pumasok dito upang matutunan ang mga bagay-bagay tungkol sa mundo ng Mafia.
“Mafia University is now open!” saad ni Mrs. Marie ang namamahala sa Mafia University. Ina ni Mortem. Isa rin siya sa mga tanyag at magaling na Mafiusa, kilalang asawa ni Mr. Gin Davies ang namamahala sa Death Gang.
Isang masigabong palakpakan ang bumalot sa Open field.
“Ngayon, isa-isa nating kilalanin ang mga magmamana ng bawat Gang sa Mafia Island,” panimula ni Mrs. Marie.
Isa-isa namang pumasok ang mga sasakyan at ito’y nakahilera sa daan. Isa-isang bababa ang mga tatawagin. Malaki ang sakop na lupa ng Mafia University kaya kahit madaming tao, maluwag pa rin ‘to.
“My son, Mortem Davies from Death Gang!”
Nagpalakpakan na muli ang lahat nang ipakilala na ni Mrs. Marie ang kanyang anak. Ang ibang Mafiusu’t mafiusa ay kilala na si Mortem Davies dahil taga-dito sila ngunit ginagawa ito dahil para makilala rin ng iba na galing sa iba’t ibang organisasyon ang mga kilala at magigiting na Mafiusu't mafiusa sa Mafia Island.
Bumaba na si Mortem Davies sa kanyang sasakyan at lumapit na kay Mrs. Marie. He’s wearing a white long sleeve polo na nakabukas ang tatlong butones na natatakpan ng kanyang gray overcoat and black slacks partnered in black shoes. Sa bawat paghakbang ni Mortem ay hindi nila naiwasang mamangha dahil sa tindig nito at ang kanyang nakamamatay na mga mata, halatang kinakatakutan talaga sa mundo ng Mafia.
“Next, Daem Willis from Devil's Gang.”
Bumaba na si Daem Willis sa kanyang sasakyan at kumaway pa sa mga tao na para bang artista. He's wearing a simple white t-shirt na nakapaloob sa black coat, naka-black slacks din at itim na sapatos. Simple lang ang kasuotan nito ngunit todo ang kilig ng mga Mafiusa nang makita nila ang kabuoang itsura ni Daem lalo na't tinanggal pa niya ang kanyang suot na sunglasses habang naglalakad patungo sa tabi ni Mortem.
“Kane Palmer from Silent Gang.”
Bumaba na si Kane sa kanyang sasakyan at tinanggal rin ang kanyang shades. He's wearing a burgundy long sleeve polo na nakabukas din ang tatlong butones kaya nakikita ang silver pendant niya and black slacks partnered in black shoes.
“So much noise,” bulong niya naman sa kanyang sarili nang makita ang kababaihan na tili nang tili nang makita siya. Hindi nga naman mapipigilan ang mga Mafiusa lalo na't nakakabighani rin ang ka-gwapuhan ni Kane.
Sumunod naman. “Ryker Nash from Dark Gang,” agad namang bumaba si Ryker sa kanyang sasakyan at sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang ibaling ang tingin sa mga Mafiusa dahilan para mag-ingay lalo ang mga kababaihan. He's wearing a black long sleeve polo na nakabukas din ang tatlong butones partnered in camel pants and black shoes.
“Hey girls!” binati niya sa kanila.
“And now, ito na ang pinakahihintay niyo mga Mafiusu. Let's all welcome, Ibbie White from Innocent Gang.”
Pumalakpak sila nang makababa na sa sasakyan si Ibbie White. She's wearing a color black and beige patterned lapel collar bodycon dress na hanggang tuhod niya. Fit na fit ang suot niyang damit kaya kitang-kita ang slim na body nito. Sabay na sila ni Ryker na pumunta sa tabi ni Mrs. Marie.
“Next, Fairoze Cox from Black Gang.”
Siya lang ang bukod tanging naka-motor. Tinanggal niya na ang kanyang helmet. Her aura says it all, a seductive woman wearing a black tube top na nakapaloob sa kanyang long sleeve black suit and black jeans partnered in black heels. All black ang kanyang outfit, bagay na bagay sa kanya.
“So hot!” sigaw ng isang Mafiusu.
Hindi naman siya pinansin ni Fairoze, dumiretso lang siya sa tabi ni Ibbie.
“Rara Khan from Red Gang.”
Nang bumaba na sa sasakyan si Rara, all red naman ang kanyang outfit. Tamang-tama sa kanyang Gang dahil pula ‘to. She's wearing a long sleeve red v-neck crop top and high waisted red jeans partnered in red heels. Tila naglalaway na ang mga Mafiusu, dalawa pa lamang ang kanilang natutunghayan.
“Zurikka Ross from Black Angel’s Gang.”
Bumaba na siya sa kanyang sasakyan at kitang-kita naman sa kanyang outfit ang dalawang baril na nakaipit sa kanyang black jeans. She's wearing an agent costume na usually nakikita sa palabas.
“Siya ‘yong sinasabi nila na magaling bumaril,” sabi naman ng isang Mafiusa na narinig naman ni Zurikka, napangisi lang siya.
“And the last but not the least! Amira Miller the Princess of this Mafia Island from the Fire Gang!”
Muli na namang binalot nang isang masigabong palakpakan ang buong field.
“Ito na! Ito na nga ‘yong matagal na nating hinihintay!”
“Paniguradong maganda ‘to!”
“Ano na kaya itsura ni Princess Amira?”
Komento nila.
Nang makababa si Felipe ay pinagbuksan niya na ng pinto si Amira. “Good luck, Princess,” tumango na lamang si Amira at bumaba na sa sasakyan. She's wearing a long red overcoat dress and red boots.
“Anak ‘yan ni Haring Herald, noh?”
“Oo! Kamukha niya kamo nanay niya.”
“Grabe nga pala ‘yong trahedya noon. Kawawa si Amira, bata pa lang siya no'n, eh.”
Hinanap naman ni Amira ang mga narinig niyang nagbubulong-bulungan, sinamaan niya ‘to nang tingin. Ayaw niya talaga maging sentro ng atensyon, pinag-uusapan talaga siya. Napatungo na lamang ang dalawang Mafiusa dahil sa kahihiyan nang makita nila ang prinsesa na nakatingin sa kanila.
Tumabi na si Amira kay Zurikka. Pagkatapos, isa-isa nang nagsialisan ang mga sasakyan.
“At ngayon, natunghayan niyo na ang mga bawat Gang na kinabibilangan nila sa Mafia Island,” nagsasalita naman si Mrs. Marie habang naglalakad at isa-isang pinagmamasdan ang mga Mafiusu't Mafiusa. “Gusto ko lang sabihin sa inyo ang mga hindi taga-MI ay dapat lang igalang ang mga ‘to. Nasa teritoryo namin kayo, aasahan ko na walang mangyayaring masama,” tumikhim siya. “Wala namang mabigat na batas sa University na ‘to, gusto ko lang makita lahat ng kakayahan niyo. Just remember one thing, I won't tolerate killings in my University. Is that clear?”
“Yes, Ma'am!”
Lumapit naman si Mrs. Marie kay Amira. “Nice to meet you,” nakangiting sabi niya.
Tumungo lang si Amira bilang paggalang at muli nang humarap si Mrs. Marie sa lahat ng Mafiusu't Mafiusa. Sa isang snap lang ng kanyang daliri ay tumunog na ang kampana. “Good luck, everyone!” pumasok na ang mga Mafiusu't Mafiusa sa loob ng University habang si Mortem Davies ay nagpaiwan para samahan ang kanyang Ina.
“Mortem.”
“What is it, Mom?”
“Nandito ang Imperial Mafia, ang magkambal. I want you to be ready, hindi tayo sigurado na hindi sila manggugulo. Si Amira, bantayan mo dahil may nakapagsabi sa ‘kin na gustong kunin ni Laro si Amira.”
“Yes, Mom,” tugon ni Mortem.
Tinapik naman ni Mrs. Marie ang balikat ni Mortem. “Take care, pumasok ka na sa ‘yong klase.”
“Mag-iingat ka rin, Mom.”
Pumasok na si Mortem sa loob at dumiretso na sa kanyang klase. Pumasok siya sa isang silid-aralan na ang tawag ay “Room-M1” kung saan lahat ng mga taga-MI ay nandito. Sila ang tinatawag na Ace section, tinitingala ng lahat. Habang sa “Room-M2” ay IM (Imperial Mafia) kung saan nakilala na sila sa mundo ng Mafia. “Room-M3” naman ay para sa mga taga-OM (Oracion Mafia) isa rin sa kilala sa mundo ng Mafia at hindi rin sila basta-basta nagpapatalo, “Room-M4” para sa MM (Mafia of Matia) sila naman ay puro mga kababaihan, ang namamahala dito ay nag-ngangalang Matia. At ang “Room-M5” hanggang M10 ang mga ordinaryong Mafiusu't Mafiusa.
Pumwesto na sa likod si Mortem. Nasa harap naman niya si Amira.
“Nakita niyo ‘yong kambal?” binasag ni Ryker ang katahimikan.
“That lil brat and the brother?” tanong naman ni Ibbie.
“Bingo!” ani Ryker.
“Tama nga ang hinala ko pupunta talaga ang IM dito,” saad ni Kane.
“Sa wakas, nagsalita na rin si Kane!” natatawang sabi naman ni Wilder.
Napailing na lamang si Kane.
“Subukan lang nila, hmm. Magkakapatayan tayo rito,” ani Rara.
“Hayaan niyo na muna. Wala pa ngang ginagawa saka lang tayo kumilos kapag hindi na kaaya-aya ang kinikilos nila,” nagsalita na rin si Zurikka.
“Tama, Zurikka,” lahat naman ay napatingin sa isang babae na gurong pumasok sa silid-aralan. “Good morning, everyone,” mahinahon niyang bati sa lahat.
Tumayo naman sila at tumungo upang magbigay-galang.
“P'wede na kayong maupo,” umupo na ang lahat. “Ako nga pala si Hatia. P’wede niyo akong tawaging Mrs. Hatia o ‘di kaya Gurong Hatia. Maaari ba kayong magpakilala sa akin?”
“I'm Ibbie White,” nauna nang nagpakilala si Ibbie. “Tinitingala ako bilang isang Innocent little b***h and that's my thing,” proud pa niyang sabi sa kanyang sarili. Kilala niya talaga ang kanyang sarili at hindi siya nahihiya dahil do'n. Pinalaki siyang matapang ng kanyang pamilya na kung saan hindi siya naaapi.
“Rara Khan, the Combat Girl,” nakangiti niya namang sabi.
“I'm Zurikka Ross, the Lady Gun,” sabi ni Zurikka at umupo rin agad.
“I'm Fairoze Cox, the Shadow,” tumungo siya at umupo na pagkatapos.
“Ryker Nash, here. The eye of the Mafia,” hindi siya tumayo nagpakilala lang siya habang nakaupo.
“Wilder Gill. The Rider Gill,” pagpapakilala naman ni Wilder at binatukan na lang si Ryker dahil ito’y tumatawa.
“Magka-rhyme kasi!” sumbat ni Ryker.
“Bwiset,” napailing na sabi na lamang ni Wilder.
“Next,” ani Mrs. Hatia.
“I'm Daem Willis, the Devil,” at marahang tinaas ang kanyang kanang kamay para mapukaw ang atensyon ni Mrs. Hatia.
“Kane Palmer. The Silent Reaper.”
Sumunod naman na tumayo ay si Amira. “I'm Amira Miller,” at umupo na.
“Ikaw ang anak ni?” taas-kilay na tanong ni Mrs. Hatia.
“Herald D. Miller at Aya M. Miller.”
“Oh,” napatango siya. “The King and the Queen,” at ngumiti na si Mrs. Hatia. “Ikaw pala ang bago rito.”
“Yes,” tugon din ni Amira.
Muli siyang tumango. “Okay, next,” at ang mga mata niya ay nakatingin na kay Mortem.
“I'm Mortem Davies. They call me the Cold prince of Mafia,” nakaupo rin siya habang nagpapakilala.
“May kanya-kanya pala kayong skills. I'm just new, here. Kaya naman sana makinig kayo sa ‘kin dahil ako ang guro na makakasama niyo rito. Maliban na lang kung may kailangan kayong gawin. Sinabi sa akin ni Mrs. Marie na hindi naman kayo magtatagal sa University na 'to,” naglakad naman siya papalapit kay Amira. “Kilala ko na ang iba rito maliban sa'yo, Princess,” tumigil siya sa harapan ni Amira. “Ano ba ang kaya mong gawin?”
“Nothing,” sagot naman ni Amira at bahagyang natawa si Ibbie.
“Kahit isa lang wala?” napakunot ang noo niya.
“Wala,” may kakayahan naman siya. Ayaw niya lang sabihin dahil alam niyang kaya rin ng iba ‘yong ginagawa niya.
“Hay,” bumuntong-hininga siya. “Tumayo nga kayong lahat at pupunta tayo sa Training Ground."
Nang makarating sila sa Training Ground ay pinaupo muna sila ni Mrs. Hatia sa hagdan na inuupuan. “Let's try all your skills. Gusto ko munang makita ang kay Gombat girl. Rara Khan, come here in front and show us your ability.”
Tumayo naman kaagad si Rara at pumunta na sa harap. Ipinakita niya ang iba't ibang skills niya sa larangan ng martial arts at iba pa. Gumamit din siya ng nunchaku na nilaro-laro niya lang sa kanyang mga daliri at kamay nang hindi siya natatamaan nito.
Pumalakpak naman si Mrs. Hatia. “Very good, Rara.”
“Thank you,” sambit ni Rara at bumalik na sa kanyang pwesto.
“Next, the Lady Gun.”
Tumayo na si Zurikka Ross. Kinuha niya ang revolver na nakaipit sa kanyang black jeans. Tinapat niya ang hawak niyang revolver sa kahoy na may target. Isa-isa niya ‘tong pinatamaan kung saan lahat ng target niya ay bullseye. Ilan pa nga sa ginawa niya ay nakapikit ang mga mata niya.
“Impressive,” puri naman ni Mrs. Hatia kay Zurikka. “How about the Shadow?”
Tumayo na si Fairoze at kumuha ng isang bow at arrow na nakalagay sa lamesa. “Ito lang ang kaya kong ipakita.”
“Show us.”
Sa tamang pwesto at lakas ng mga kamay ni Fairoze, nagawa niyang ipatama ang arrow sa mismong target.
“Ano ba talaga ang ginagawa ng isang Mafia shadow?” tanong naman sa kanya ni Mrs. Hatia.
“I kill people like a shadow. Hindi nila ako nakikita kahit man subukan nila, hindi nila ako mahuli. Isang anino lamang ako sa kanilang paningin,” ibinalik niya na sa lalagyanan ang archery bow. “I’m much more skilled when using an arrow and a bow to shot someone in the head. I love to do that,” dagdag niya habang nakatingin sa arrow.
“I see,” sabi naman ni Mrs. Hatia at tumango pa. “Interesting,” napadako naman ang tingin niya kay Kane. “You're a Silent Reaper. Ano ang p'wede mong ipakita sa amin?” tanong niya.
“I can do anything. Kailangan ba talaga ipakita sa’yo?”
“I don't like your attitude,” at humalukipkip naman si Mrs. Hatia.
“I'll take that as a compliment.”
Bumuntong-hininga siya. “Okay then, tell us what you're doing.”
“Tahimik lang ako kung umatake, hindi ako maingay gusto ko tapos agad ang trabaho. That's all,” simpleng paliwanag naman ni Kane.
Tumango naman si Mrs. Hatia. “Deadly. Next, the innocent one.”
Tumayo na si Ibbie at pumunta sa harapan. “Sa paningin niyo maliit lang ako but, don't you dare underestimate our Gang. We're like innocent creatures but we're majestically ready to kill y’all,” nakangiting sabi ni Ibbie.
Mayamaya pa ay ipinakita na ni Ibbie ang kaya niyang gawin, simula sa kagamitan na makikita sa room. Halos lahat ng klase ng kutsilyo ay ginamit niya para patamaan ang target. Muling pumalakpak si Mrs. Hatia. “Small but terrible. I like it,” aniya at bumalik na sa pagkakaupo si Ibbie. “How about you? The Devil,” at tinuro niya naman si Daem Willis.
Tumayo lang naman si Daem Willis at ipinaliwanag na ang kanyang ginagawa. “Halos lahat ng nabibiktima ko ay babaeng nasa Mafia. How? I can make their heart flutters and use my charm to see their naked body. In just one night, when she's already sleeping at exactly 3 am that's the time when I'm going to kill her. Hypnotizing and kill them,” at umupo na si Daem.
“Babae pala ang mga target mo,” patango-tangong sabi naman ni Mrs. Hatia. “Next, Mortem Davies.”
“I'm just a Cold prince,” then, he just shrugged.
Hindi na nakipagtalo si Mrs. Hatia. Alam niyang hindi na susunod sa kanya si Mortem.
“Moving forward, how about you Princess?”
Tuluyan nang tumayo si Amira Miller at pumuntang harapan. Kumuha siya ng isang baril na nasa lamesa at isa-isang tinamaan ang mga target. Lahat ng bala ay tumama sa bullseye. Sumunod naman ay pumunta siya sa isa sa mga lamesa na ang laman lamang ay iba't ibang klase ng kutsilyo. Kumuha siya ng limang dagger at muling pinatama ‘to sa pinaka-target. Pang-huli, ginawa niya rin ang ginawa ni Fairoze kanina.
“Wilder,” biglang tawag ni Amira.
“What?” napakunot ang noo nito.
“Pumunta ka sa harap. Maglagay ka ng mansanas sa tuktok ng ulo mo.”
“Ay?” kahit na guguluhan ay napatayo na si Wilder at sinunod na lang si Amira.
“Bro, ingat!” singit naman ni Ryker habang pinipigilan ang pag-tawa.
“Pag ako nakaligtas dito tumakbo ka na kundi papatayin kitang hayop ka!” sabi ni Wilder at sinalo naman ang apple na inihagis sa kanya ni Mrs. Hatia.
Tinawanan na lamang siya ni Ryker.
Pumunta na si Wilder sa harapan ni Amira kung saan sakto lang ang pagitan nila. Nagsimula na si Amira, para bang bumagal ang oras sa bawat paghinga niya habang nakatutok ang arrow sa mansanas kung saan nasa ulo ni Wilder. Pinakawalan niya na ‘to at nang papalapit na ang arrow kay Wilder ay tila bumilis ito na tumama agad sa mismong mansanas. “Yes!” sabi naman ni Wilder, kinuha niya na ang mansanas na nasa ulo niya at ibinigay ‘to kay Mrs. Hatia. Pagkatapos. “Hoy, Ryker!” pagtawag niya.
“f**k you!” at nagsimula nang tumakbo si Ryker palabas ng Training Ground.
Hinabol naman siya ni Wilder.
“Hay, mga isip bata pa rin talaga,” sabi naman ni Mrs. Hatia. “Amira, you did great,” saka ibinaling ang tingin kay Amira.
Tumango na lamang si Amira at bumalik na sa kanyang pwesto. Pumalakpak naman ang lahat sa ipinakitang galing ni Amira maliban lang kay Ibbie at Mortem.
“Actually, kayang-kaya namin ‘yan, eh,” nagsalita naman si Ibbie.
“Yes, I know,” ani Amira.
“So, what's the point?” at ngumisi si Ibbie. Ibinaling niya na ang tingin kay Mrs. Hatia para kausapin. “Tanungin mo kaya siya Mrs. Hatia, kung ano ba ang nagawa niyan na mapapasabi kang magaling at karapat-dapat talaga na tawagin siyang Prinsesa ng Mafia Island na ‘to?”
“Ibbie, respeto naman,” sinaway naman siya ni Rara.
“Respeto? Hindi ko magagawa ‘yan, hindi rin siya karapat-dapat na respetuhin dahil mahina siya sa paningin ko,” seryosong sabi ni Ibbie. “Dapat hindi ka na lang bumalik dito. Para sa akin, isa ka lang sa mga ordinaryong Mafiusa na walang ginawa kundi ang magpaganda at manghingi nang simpatya sa mga tao rito.”
“Kung gano'n, sa darating na sabado ang maglalaban ay si Ibbie at Amira,” suhestyon ni Mrs. Hatia.
“What?” gulat na sabi naman ni Ryker na kababalik lang. Nasa tabi niya na si Wilder na napabuntong-hininga na lang.
“Mrs. Hatia parang ang unfair naman yata—” ani Rara.
“It's not unfair. Dahil may kakayahan naman si Amira.”
“Hindi pa gano'n kagaling sa labanan si Amira,” sabi naman ni Wilder.
“Let them be,” sabad ni Daem.
“See? Nakukuha ni Amira ang kalooban ng—” may sasabihan pa sana si Ibbie ngunit hindi na natuloy.
“I accept the challenge, Mrs. Hatia,” pagsingit ni Amira, hindi niya pinansin ang mga sinabi nila. Gusto niya nang makaalis.
Nakahinga na nang maluwag si Amira nang makaalis na siya sa Training ground. Hindi niya inaasahan ang mga sinabi at lumabas sa bibig ni Ibbie. “Kung tutuusin tama naman siya. I don't deserve it. Hindi ko deserve lahat ng sinasabi nila na prinsesa. Akala nila kaya ko lahat pero ang totoo hindi ko naman talaga, naiipit lang ako sa sitwasyon na hindi ko naman pinangarap,” sa isip-isip naman ni Amira.
Umupo na siya sa damuhan. Nasa likod siya ng gusali kung saan walang tao, siya lamang mag-isa. “Ah! I want to go home!" napasigaw na lamang si Amira.
“P'wede naman kitang ihatid kung gusto mo?”
Napatingin naman siya sa nagsalita. Isang matipunong lalaki ang bumungad sa kanya. May lahi ito na kaagad mapapansin sa kulay asul niyang mga mata ngunit aakalaing Pilipino ito dahil sa galing niyang mag-tagalog.
“Sino ka?”
“I'm Brendan Imperial,” tumungo naman siya at inilahad ang kanyang kamay.
Ibinigay naman ni Amira ang kanyang kamay at hinalikan naman ‘to ni Brendan bilang paggalang sa prinsesa. “Nice meeting you, Princess.”
“Amira na lang.”
“Amira? Okay, kung ‘yan ang gusto mong itawag ko sa'yo,”
Tumango lang naman si Amira.
“Bakit ka nga pala nandito mag-isa?” tanong ni Brendan at tumabi na sa kanya.
“Ikaw ba? Bakit ka nandito?” sinagot naman siya ng patanong ni Amira.
“Oh,” marahan naman siyang tumawa, “Nakita kitang mag-isa, eh. Balak ko rin kasi sanang mapag-isa.”
“Aalis na lang ako.”
“Hindi na kailangan. Mas gusto kong nandito ka. Madami pa namang nakatingin,” seryosong sabi na ni Brendan. Nawala na ang mahinahong boses niya.
“Wait, what?” napalingon na si Amira at nakita niyang nandidilim na ang paningin ni Mortem, Kane, Daem, Ryker, at Wilder.
Tumayo naman kaagad si Amira, gano’n din si Brendan.
“Amira, lumayo ka nga sa lalaking ‘yan,” may pagbabanta sa boses ni Mortem nang makalapit na ‘to sa kanila. Inilabas niya na rin ang kanyang baril.
Babarilin na sana ni Mortem si Brendan ngunit pumagitna si Amira.
“Move,” singhal ni Mortem.
Sinamaan din siya ng tingin ni Amira. “Sinabi ni Mrs. Marie na walang mangyayaring patayan.”
“He's trying to kill you, Amira!”
“He's not!” giit ni Amira.
Napataas naman ang dalawang kamay ni Brendan dahil sa narinig niya. “Mukhang hindi pala kami welcome dito dahil ba sa Imperial kami?” aniya at ibinaba na ni Mortem ang kanyang baril.
“Nasa teritoryo ka namin. Subukan mo lang na gumawa ng kahit ano na hindi ko magugustuhan, asahan mo kahit nandito tayo sa loob ng campus papatayin kita,” mariing sabi ni Mortem. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang galit.
“Oh, sure. Mortem? Ikaw pala ‘yon. Mag-iingat na lang ako,” sarkastikong sabi nito.
Hindi niya na lang pinansin ang sinabi ni Brendan, mas lamang na ang kagustuhan niya na ilayo na si Amira. “Amira, let's go.” at kinuha niya na ang kamay nito.
“Ayoko.”
“Why, Amira?” nauubusan na siya ng pasensya.
“I want to stay here.”
“With him?” at tinuro niya si Brendan. “With that f*****g bullshit?”
“Yes.”
Napakunot ang noo niya. “Bakit? Bakit mas pipiliin mong samahan ‘yan kaysa sa akin?”
“Dapat lumayo ako sa mga kaaway ko.”
“Kaaway? Hindi ba kaaway ‘yan?” muli niyang tinuro si Brendan.
“Wala pa naman siyang ginagawa. Eh, ikaw? Ano nga ba ang ginawa mo?” walang pakundangan na sabi ni Amira. Muli na namang naalala ni Amira ang nangyari noon. Nanlaki na lamang ang mata ni Mortem dahil hindi niya inaasahan ang sinabi ni Amira, dahan-dahan niya nang binitawan ang kamay nito. “You killed my mother. Kaya mas pipiliin kong sumama kay Brendan kaysa sa’yo na pinatay ang Ina ko,” matinis na sabi ni Amira. Muling nag-alab ang apoy sa puso niya.
“Fine,” at tuluyan nang bumalik sa dati si Mortem na kung makipag-usap ay walang buhay. Tinalikuran niya na si Amira at naglakad na palayo sa kanila.
“Princess, mamaya darating na ang Ama mo para sa ceremony. Kailangan nando’n ka,” paalala ni Wilder.
Tumango na lamang si Amira at umalis na sila Wilder upang samahan na si Mortem.
“Amira…”
“What?” humarap na siya kay Brendan.
“Hindi naman ako kaaway, ‘wag kang mag-alala.”
“Alam ko. May choice naman tayo at alam ko mas pinili mo ang sarili mo kaysa sa Ama mo na inutusan kang patayin ako, ‘di ba?” tipid na ngumiti naman si Amira. Aware si Amira sa nangyayari sa kanyang paligid.
Bahagyang nanlaki ang mata ni Brendan. “Paano mo nalaman?”
“Hindi naman kayo pupunta rito kung wala kayong plano,” at nagkibit-balikat ito. “Ikaw ba? Ano ba ang gusto mong mangyari?”
“Madami,” napatingala naman sa langit si Brendan. “Isa na ro’n ang mas makilala ka pa. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko.”
“Bakit?”
“You didn’t judge me.”
Napangiti naman si Amira. “I think…”
Naibaling n ani Brendan ang tingin kay Amira. “Hmm?”
“I can trust you,” kahit papaano naiintindihan niya si Brendan.
Sa hindi malamang dahilan napangiti na lang din si Brendan. “Sa unang pagkikita natin, sa tingin ko magbabago na ang pananaw ko sa buhay, Amira.”