CHAPTER 2

1680 Words
Mafia Island Pagdating ni Amira Miller sa Open Area, nag-aabang na ang mga ilang Mafiusu na tauhan ni Haring Herald para salubungin at mabantayan na rin si Amira dahil baka may mangyari pa na hindi inaasahan na handa rin naman ang Fire Gang. Itinuturing ngayon na pinaka-malakas ang Fire Gang sa mundo ng Mafia at ang katunggali nito ay walang iba kundi ang Death Gang. Dahan-daha nang bumaba si Amira sa private plane at lahat ay napatungo na lamang sa paglabas niya bilang paggalang dahil siya ang anak ng Hari ng Mafia. Lumapit na ang matanda kay Amira. “Ikinagagalak kitang makita muli, Prinsesa Amira,” sabi ng matandang lalaki, ang kanang-kamay ng Hari. “Felipe,” ngumiti si Amira nang yakapin siya nito. “Salamat dahil natatandaan mo pa ako. Bata ka pa lang noon nang mawalay ka sa amin. Hindi ko naman masisisi ang iyong Ina,” may bahid na kalungkutan sa boses ng matanda. “Enough of this drama,” idinaan na lamang sa tawa ni Amira. “Where’s father?” at nilibot niya na ang kanyang paningin. Malawak ang paligid at malakas ang hangin na sumasalubong sa kanila, dito nagaganap ang bawat pag-alis o pagdating ng mga Mafiusa’t Mafiusu bago sila makapasok sa mismong area ng MI. Isa-isa niya namang pinagmasdan ang mga lalaking alam niyang tauhan ng kanyang Ama na nakasuot ng black suit at naka-ukit sa parte ng kanilang  damit, sa bandang dibdib ang crest ng kanilang Gang. Namukhaan niya 'to agad. “Madami kang nakaligtaan na nangyari dito, Prinsesa. Ang Ama mo ay Hari na ng Mafia.” “I know,” tumangong sabi naman ni Amira. Alam niya kung gaano na kalaki ang pinagbago ng islang ‘to habang nasa malayong lugar siya. Bahagya na lamang natigilan si Amira nang makarinig na lang siya nang pag-ubo mula sa isang lalaki galing sa likuran niya. Nakaramdam siya nang panlalamig mula sa buong katawan niya dahilan para hindi siya kaagad nakakilos. Hindi lang siya ang nagulat kundi pati na rin ang mga kasama niya, mabilis namang umaksyon ang mga tauhan ng Fire Gang. Nagsilabasan ang mga baril ng bawat isa nang masilayan na nila si Mortem Davies at saka nila ‘to tinutok sa ulo niya. Nanatili naman si Amira na nakatalikod kay Mortem, hindi natinag si Mortem sa baril na hawak nila. Sa halip pinuntahan niya pa sa harapan si Amira at gumilid naman ang matanda para magkaharap ang dalawa, sinenyasan naman ng matanda ang mga Mafiusu na ibaba na ang hawak nilang baril nang matuklasan niyang wala namang gagawing masama si Mortem. Walang ka-emosyon na binigay ni Mortem ang dala niyang flower bouquet kay Amira. Tumikhim naman si Amira saka tinanggap na ang bulaklak kahit na sa loob-looban niya ay naghuhumirantado ang puso niya. “It’s nice to see you again, Amira,” seryosong sabi nito. Hindi ito ngumiti, isang malamig na Mortem Davies ang nasilayan niya. Hindi niya akalain na ang taong sasalubong agad sa kanya ay ang lalaking kinamumuhian niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang nangyari noon. “You’re as cold as an ice,” seryosong tugon din ni Amira. “Well, you’re hot as hell.” “Kung magsalita ka naman bigyan mo ng buhay. Kikiligin na sana ako,” sabi naman ni Amira at tumawa pa 'to. Sinubukan niyang buhayin ang paraan ng pag-uusap nila dahil masyado itong malamig para sa kanya kahit na pagpapanggap lang din ang ginagawa niya. “Bye for now, Mortem. Thanks for the flowers,” nilagpasan na ni Amira si Mortem at sumunod na rin sa kanya ang mga kasama niya. Bago pa man makalayo si Amira may sinabi pa si Mortem na palihim na ikinagalit ni Amira. “You’re good at hiding your anger, Amira,” nanatiling nakatalikod si Amira kay Mortem. “Or maybe, you just forgot her existence.” “Never,” at tuluyan nang sumakay si Amira sa sasakyan na huminto sa kanyang harapan. Mayamaya pa ay may lumapit nang dalawa na Mafiusu kay Mortem habang pumapalakpak pa. “Hot as hell?” “Really? Flowers?” Sabi ng dalawa na ginagaya pa ang pananalita ni Mortem. Si Wilder Gill ng Dragons Gang at Ryker Nash ng Dark Gang lang naman ang lumapit kay Mortem. Isa rin sa mga kaibigan ni Mortem. “Talagang nagpunta pa kayo rito para inisin ako?” nakakunot noo nang sabi ni Mortem. “Syempre, nalaman kasi nitong si Ryker na pupunta ka rito. Alam mo namang madaming mata 'to sa paligid kaya sumama na rin ako,” ani Wilder. Inis niya namang binato sa kanila ang bagh nakh na nakatago sa kanyang black coat. Nailagan naman 'to ng dalawa. “Woaw! Easy, man!” natatawang sabi naman ni Wilder habang nakataas na ang dalawang kamay. “We can't miss the heart-to-heart talk of the beautiful and HOT AS HELL, Princess Amira and the DEADLY Mortem,” pabiro pang sabi ni Ryker na in-emphasize pa talaga ang salitang “hot as hell” na sinabi kanina ni Mortem. Tawang-tawa naman si Wilder dahil sa sinabi ng kaibigan. “Kung hindi ko lang kayo kaibigan patay na kayo ngayon,” sabi na lamang ni Mortem, walang bakas na biro sa kanyang boses. Sanay naman na ang dalawang 'to. Pinulot na ng dalawa ang bagh nakh ni Mortem at isinauli na 'to sa kanya. “You know, bro? Kinilig kami sa inyo,” sabi pa ni Wilder. “Parang telenovela ang pinapanood namin kanina, maangas. Kulang na lang magpatayan kayo,” ginatungan pa ni Ryker na nasiyahan talaga sa nakita niya kanina. Napailing na lang si Mortem. “Nasa gilid nga lang kami ng porshe at nagtatago buti na lang walang nakapansin sa amin masyadong intense! Sana nandito kami sa tabi mo pumapalakpak para sa suporta!” tinuro naman ni Ryker ang porshe na dala nila katabi ng Lamborghini ni Mortem. “Talagang nagpunta kayo rito para lang manood,” hindi pa rin makapaniwala si Mortem, inaasar na naman siya ng dalawa. “Support nga!” pag-ulit ni Wilder. “Sayang lang, lagot ka na naman sa Ama mo,” sabi naman ni Ryker at napa-peace sign na agad nang makita niya na parang hindi nagustuhan ni Mortem ang sinabi niya dahil sa ekspresyon nito na parang makakapatay na. “Don't mention it,” tugon ni Mortem at walang pasabi na iniwan na ang dalawa. “Iyang bibig mo talaga, Ryker,” umiiling na sabi na ni Wilder. “Tsk, tsk! Ingay mo.” “Bakit?” napadako na ang paningin nila sa sasakyan ni Mortem na palayo na sa kanila. “Totoo naman at mas lalo akong nasisiyahan sa reaks’yon niya lalo na't may kasalanan talaga siya,” para bang may dumaan na masamang ihip ng hangin kaya naging seryoso na ang dalawa. “Balang araw, magiging magkalaban din naman tayong lahat, Wil,” dagdag pa niya. “Alam ko. I'm always ready, Ryker,” napabuntong-hininga na lang si Wilder.     Fire Gang (Mansion) Nang makarating na si Amira sa kanilang mansyon ay tinapon niya na lang sa sahig ang bulaklak na bigay sa kanya ni Mortem na kinuha naman agad ng katulong. “Itapon n’yo na ‘yan.” “Masusunod po.” Hinatid na siya ng matanda sa kwarto ng kanyang Ama. Nadatnan naman ni Amira ang kanyang Ama na umiinom ng alak. Kaagad namang tumayo ang kanyang Ama nang makita si Amira at sinalubong ito ng yakap. “How’s your day?” at napaupo na ulit ‘to sa upuan saka muling uminom ng alak. “Really? That's how you welcome your daughter?” hindi makapaniwalang sabi ni Amira sa kanyang Ama. “And what the hell are you doing? Palagi ka bang gan'yan, Father?” “Show some respect.” Napairap naman si Amira bago tumungo. “So, what now? Or should I say the King of Mafia?” sarkastiko niyang sabi. “Iniwan niyo ako rito. Ano bang dapat kong gawin, Amira?” Napailing na lamang si Amira sa sinabi ng kanyang Ama. Kahit na matagal siyang nawala, kahit papaano may alam siya tungkol sa mundong 'to. Hinihintay niya lang talaga na maging tapat ang kanyang Ama na mukhang matatagalan pa. “You want power so here it is. Ano pa bang gusto mo? Mas pinili mo nga ‘to kaysa sa amin,” bakas naman ang pagkagalit sa boses ni Amira na hindi maitatanggi ng kanyang Ama. Tumango na lamang si Haring Herald. “Let's just leave this place, Father. Magigin—” hindi na naituloy ni Amira ang kanyang sasabihin nang magsalita na ulit ang kanyang Ama. “This is our life. We cannot undo it, Amira. We kill people, doing illegal things and, we are bad people. We’re all living in hell,” seryoso na sabi ng kanyang Ama at umiwas na lang ng tingin sa kanya habang umiinom pa rin ng alak. “Pagtapak ko pa lang dito ramdam ko na ang impyerno. f**k this life!” naikuyom na lamang ni Amira ang kamay niya. “Don't forget your mission. Someday, you'll take my place and revenge your mother for me,” at bigla na lang nabasag ang baso na hawak ni Haring Herald dahil sa galit niya na kanina niya pa pinipigilan. Nagdugo ang ilan sa mga daliri niya dahil sa bubog ng baso. “Kaya nga ako bumalik,” sagot ni Amira. “I will never forget that,” at bago pa 'to lumabas sa kwarto ay may sinabi pa siya. “Fix yourself. You're the King of this Mafia Island.” Hinatid na ng katulong si Amira sa magiging kwarto niya para makapagpahinga na. Nang makalabas na ang katulong ay tuluyan nang napahiga sa kama si Amira at inabot niya ang picture frame sa gilid ng kanyang kama na nakalagay sa side table. Pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang Ina sa litrato saka napabuntong-hininga. “I miss you so much, Mother,” niyakap niya na lamang ang picture frame at hindi na napigilang maluha. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD