Pagsapit nang madaling araw sa hindi inaasahang pangyayari nagising ang lahat dahil sa pagsabog na nanggaling mula sa Open Area, kitang-kita ang usok na umaalingasaw sa siyudad. Kaagad na kumilos naman ang sampung Gang. Si Amira Miller muna ang namahala sa Fire Gang dahil ang kanyang Ama ay wala ngayon dahil may importanteng pinuntahan.
“Madam, handa na po ang sasakyan papuntang Open Area,” saad ng maid.
Sa kabila ng kabog na nararamdaman niya sa kanyang puso ay handang-handa pa rin si Amira sa kung ano man ang mangyari dahil sigurado siyang mapapasabak na siya sa kauna-unahang laban niya. Habang nasa sasakyan na sila Amira. “Kilala niyo na ba kung sino ang mga nagpasabog?” tanong nito sa katabi niyang Mafiusu.
“Ayon sa aking nakalap na impormasyon, galing sa UK Mafia ang pasabog na ‘yon.”
Tumango na lang si Amira at kinuha na ang revolver na binigay ng lolo niya. Mayamaya pa ay nakarating na sila sa Open Area. Sabay-sabay na bumaba sa kanilang mga sasakyan ang bawat Gang at sa paglabas nila sabay nilang itinutok ang kanilang mga baril sa mga kalaban na ngayon ay nakangisi sa kanila.
“Himala! Kumpleto na ang mga anak ng bawat Gang,” nakakapanindig balahibo na sabi ng lider ng UKM.
“What do you want, Mister?” tanong na ni Amira.
Dahan-dahang lumapit ang lider ng UKM kay Amira ngunit natigilan na lang siya. “Isang hakbang mo pa papuputukan ko 'yang bungo mo,” nagulat na lamang ang lahat dahil sa isang iglap nasa tabi na ng lider ng UKM si Mortem Davies na nakatutok ang nguso ng baril niya sa ulo ng lider.
Bahagyang tumawa ang lider ng UKM. “Okay, okay,” umatras siya ng kaunti. “I just want to see the beauty of the Mafia heir. That's all,” taas-kamay niya nang sabi.
“Talagang nagpasabog ka pa para lang makita ako?” nakangising sabi naman ni Amira.
“Do you want to hear my story?” nakataas ang isang kilay na sabi ng lider at saka humalukipkip.
“Come on! What the hell do you want?” pagsingit naman ni Ibbie White ng Innocent Gang.
“Natutulog kami at pagod na pagod pa tapos bigla kang mambubulabog?” inaantok pang sabi ni Fairoze Cox ng Black Gang dahil humikab pa 'to.
Lahat naman ay natigilan na lang at napatingin sa pagputok ng fireworks mula sa kalangitan.
“We’re doomed!” sabi naman ni Ryker na kaagad napagtanto ang ibig sabihin nito. Kaya tumakbo na siya patungo sa MH o ang Mafia Hall kung saan nandoon ang kayamanan ng islang 'to.
Hindi na sila nag-alinlangan, sumunod na ang mga kasamahan niya sa Dark Gang at ang dalawa pang Gang na nag-ngangalang Devil’s Gang at Silent Gang. Babarilin na sana ni Amira ang lider ng UKM nang biglang nagpasabog na naman ang UKM kaya prinotektahan muna nila ang kanilang mga sarili.
“Too late,” mahina ngunit narinig ni Amira ang sinabi ng lider ng UKM.
Nang matapos ang pagsabog ay nagsilabasan na sila mula sa pagkakatago nila sa likod ng kanilang mga sasakyan. Nakita na lamang nila na nasa himpapawid na ang mga kalaban na nakasakay sa helicopter.
“Akin na ang air shotgun,” seryosong saad naman ni Zurikka Ross ng Black Angel’s Gang. “I’m going to shoot that dumb,” at itinutok niya na ang shotgun sa lalaking nakasabit sa helicopter. Hindi pa sila nakakalayo kaya naman pinaputukan na ito ni Zurikka. Tumama ang bala sa mismong kamay ng lalaki kaya naman napabitaw siya sa hawakan at ito'y nalaglag sa dagat.
“Nice shot!” komento ni Wilder.
Kumilos na ang Death Gang para kunin ang lalaki.
“Pumunta na tayo sa MH. We’re running out of time,” ani Ibbie at sumakay na sa kanyang sasakyan.
Hindi na umimik si Amira, ngayon niya lang nasubaybayan kung gaano katapang ang mga Mafiusu’t Mafiusa na nasa harapan niya. Labis na ang bilis nang pagtibok ng puso niya nang mapagtanto kung gaano sila kalakas. Naiinis siya dahil wala man lang siyang nagawa. Nang makarating na sila sa MH tumambad na sa kanila ang mga kasamahan nilang Mafiusu na patay na. Nagkakagulo rin ang lahat, hindi nila malaman kung paano ito nangyari, masyadong mabilis ang pangyayari na tipong wala talaga silang nagawa dahil hindi sila handa na may makakapasok sa kanilang lugar. Pribado ang islang 'to at hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sinong taga-labas lalo na't mahigpit din ang seguridad mula sa Open Area ngunit nakakapagtaka dahil may nakapasok.
Pumasok na sila sa loob ng Hall at nakita nila ang mga basag na krystal sa paligid. Madaming nawala lalo na ang gintong iniingatan nila.
“Ginto at bilyon-bilyong pera ang nawala sa atin,” sabi naman ni Ryker nang makalapit na sa kanila.
“Paano na ‘yan? Lagot tayo sa ating mga Ama,” ani Rara Khan ng Red Gang.
“Kung pinatay na kasi natin sila hindi ‘to mangyayari,” ani Ibbie.
“Anong balak mong gawin? Ikaw ang anak ng Mafia King, hindi ba? Paniguradong paparusahan tayo dahil sa nangyari,” seryosong sabi naman ni Kane.
Nanatili pa ring tahimik si Amira, nag-iisip sa maaari niyang gawin.
“Agree, dapat una pa lang pinatay na natin sila,” nagsalita muli si Ryker.
Napangisi naman si Ibbie dahil sa sinabi ni Ryker.
“May paraan pa,” sumingit na si Mortem na dala-dala ng mga kasamahan niya ang lalaking binaril ni Zurikka kanina.
“Dalhin na ‘yan sa bilangguan, gamutin ang kanyang sugat. May gagawin ako pagkatapos,” nagsalita na rin si Amira.
“Hime, magpahinga na muna kayo. Kami na po ang bahala na mag-ayos dito. Sampung oras lang ay magiging maayos na ulit ang MH,” nakatungong sabi naman nang lumapit sa kanila na matandang Japanese na namamahala sa kalinisan ng kanilang siyudad.
(Hime means Princess in Japanese)
“Mabuti pa nga,” ani Amira. Isa-isa niyang tiningnan ang bawat Gang. “Magkakaroon ng pagpupulong mamayang two o’clock pm sa Fire gang Mansion, inaasahan kong pupunta kayong lahat,” sumang-ayon naman ang lahat sa kanya. Tumungo na sila bilang paggalang at umalis na si Amira kasama ang kanyang mga tauhan.
Inangat na nila ang kanilang ulo nang makaalis na si Amira.
“Mauna na rin ako,” ani Mortem at umalis na sila.
“Anak ba talaga ni Herald ‘yon?” umiiling na sabi naman ni Daem Willis ng Devil’s Gang na parang dismayado sa kanyang natuklasan.
“Hindi nga yata marunong pumatay ‘yon,” ani Ibbie at humalukipkip kasabay nang paglibot ng kanyang paningin sa paligid ng Hall.
“Sa ngayon, magpahinga na muna tayo. Naudlot ang ating pagtulog,” pagsingit ni Wilder na humikab pa.
Hindi pa naga-alas dos ng hapon pero nandito na si Mortem sa loob ng Meeting Room kasama si Amira. Nakaka-binging katahimikan ang bumalot sa loob ng kwartong ito. Ni-isa sa kanila walang nagsalita.
“Amira,” tuluyan nang nagsalita si Mortem nang hindi niya na matiis ang katahimikan, napasulyap na si Amira sa kanya. “Kumusta sa Pilipinas?” awkward na tanong naman ni Mortem at napabuntong-hininga na lamang siya. “Huwag mo ng sagutin—”
Hindi niya na pinatapos si Mortem. “It’s fine,” tugon ni Amira.
“Masaya ka ba ro’n?”
“Yes, sana nga hindi na lang ako bumalik. Ipinagpatuloy ko na lang sana ang buhay ko ro’n.”
“Then, why are you here?” tanong pa rin ni Mortem kahit alam niya na ang sagot. Nais niya lang marinig mismo kay Amira.
“To kill the person who killed my mother,” pagsagot ni Amira habang nakikipagtitigan na kay Mortem.
Bahagya namang napangiti si Mortem. “Bakit hindi mo na gawin ngayon?”
“Not yet,” at umiwas na ng tingin si Amira sa kanya.
Naudlot na lang ang kanilang pag-uusap nang dumating na ang walong Gang. Ang mga anak lang naman ng bawat Mafia Boss ng Gang ang dumating dahil ang kanilang mga Ama ay may kanya-kanyang pinuntahan.
“Let's start,” maawtoridad nang sabi ni Amira. Kanya-kanya na silang umupo sa kanilang mga upuan. “We need to bring back everything that they stole from us,” iyon lang ang paraan na nakikita niya para hindi sila maparusahan. Importante kasi ang mga ‘yon kaya walang magagawa si Amira kundi gawin ang bagay na bago pa lang sa kanya.
Kailangan niya ring makuha ang loob nila kaya ginagawa niya rin ang lahat para makita nila ang halaga niya bilang isang prinsesa ng islang 'to kahit na labag man sa loob niya. Nang mapagdesisyunan niyang bumalik sa mundong 'to, alam niya na ang purpose niya. Might as well, do everything while she’s a Princess of this Mafia Island. Nakasalalay na rin sa kanya ang reputasyon ng Fire Gang kaya hawak-hawak niya na ang responsibilidad ng lahat lalo na’t nandito na siya.
“We only have one day. Kaya ba ‘yon?” tanong ni Kane.
“Oo nga. Kailangan maibalik na natin lahat bago umuwi ang ating mga Ama. Walang labis walang kulang,” ani Wilder.
“We need to do this. Pipigain natin ang lalaking ‘yon para malaman kung saan sila nagtatago,” sabi pa ni Zurikka.
“Kailangan din nating mahanap kung sino ang spy na nakapasok sa lugar natin. Kung bakit alam nila ang lugar na 'to. Ibig sabihin, maaaring naka-plano na talaga bago pa man sila pumunta rito. Tingnan niyo nangyari kanina? Wala tayong nagawa,” sabi naman ni Daem. May point ang kanyang sinabi na lahat ay sumang-ayon.
“Ako ng bahala sa mga tao rito. Pagsasabihan ko sila na tumahimik at walang magsasalita tungkol sa nangyari kanina at tungkol do’n sa spy? Ako na, mukhang magaling ang taong ‘yon dahil hindi ko man lang napansin na may spy pa lang nakapasok dito,” ani Ryker habang nakatingin sa kanyang phone.
“Bukas ng 12 am sa Open Area tayo magkikitang lahat. Dalhin niyo na ang mga dapat dalhin. We can't lose, lalo na't mas marami tayo sa kanila,” wika ni Amira.
“Ayun nga. Pero, anong nangyari kanina? Natalo tayo,” bahagya pang tumawa si Ibbie.
“So, anong gusto mong ipahiwatig? Na kasalanan ko gano’n ba?” sabi ni Amira at inis niyang tiningnan si Ibbie.
“Oh!” singit ni Wilder na binatukan naman ni Ryker. “Aray!” napahimas naman siya sa kanyang ulo.
“Shh,” sabi naman ni Ryker kay Wilder. Tumahimik na si Wilder ngunit pinipigilan niya naman ang pagtawa niya.
“Guilty, tss?” ani Ibbie, nakataas na ang isang kilay niya habang ang isang kamay niya ay may hawak ng lollipop at sinubo na 'to.
“Uy, tama—”
“Shut up!” sabay na sabi naman ni Amira at Ibbie kay Wilder.
Napatikom na lamang ang bibig ni Wilder at hindi na nagsalita. Ang iba naman ay napailing na lang sa nangyayari.
“Tumigil na nga kayo. Pasabugin ko ‘yang mga bibig n’yo,” seryosong sabi na ni Rara.
“That’s my girl,” mahinang sabi naman ni Daem.
“Tigil na, tigil na. Nasa punishment room na ang lalaki,” singit na ni Ryker na nakatingin pa rin sa kanyang phone.
Nagtungo na sila sa PR. Kasalukuyang nakagapos sa kadena ang lalaking hubo't hubad sa posteng kahoy. May dalawang Mafiusu na nasa kaliwa at kanan ng lalaki na nakabantay sa kanya.
“Buhusan siya ng tubig,” utos ni Mortem at kinuha na ng Mafiusu na nasa kaliwa ang timba na may tubig at yelo. Ibinuhos niya na 'to sa lalaki at bigla na lang nagising ang kaawa-awang lalaki.
“Patayin niyo na lang ako kung papahirapan n’yo pa ako.”
“Hindi. Sabihin mo muna sa amin kung saan kayo nagtatago at paano niyo nalaman ang lugar na 'to?” malumanay na sabi naman ni Amira. Gusto niyang makuha ang loob ng lalaki.
“Mas mabuti na patayin n’yo na lang ako dahil wala akong masasabi sa inyo,” pagmamatigas ng lalaki.
“You'll be one of us, if you tell us everything,” sabi naman ni Fairoze.
“I'm loyal to my organization.”
“As you wish,” nakapamulsang sabi ni Mortem. “Give me the whip,” binigay naman ni Daem ang latigo na hawak niya kay Mortem.
“Italikod ninyo. Ngayon na!” kumilos agad ang dalawang Mafiusu sa sinabi ni Mortem. Pagkatapos ay walang awa niyang ni-latigo ang lalaki. Sugat-sugat at nagdudugo na ang likod nito.
“Ah!”
“Ano? Sagot!” muling ni-latigo niya ang lalaki. “Hindi ka pa rin sasagot?”
“H-hindi,” hingal na hingal nang sabi ng lalaki.
“Fine,” tumingin siya kay Kane at naintindihan naman agad ni Kane ang ipinahiwatig nang titig na ‘yon. Binigay niya na ang baril kay Mortem.
“Shoot or answer?” bulyaw ni Mortem.
“Kung ako ‘yan. I would rather answer the question to save my life,” suhestyon naman ni Rara.
Hindi naman makasingit si Amira dahil sa ginagawa nila sa lalaki. Napapaisip siya kung tama pa ba ‘tong ginagawa nila o hindi lang talaga siya sanay.
“Mamamatay pa rin ako kahit na iligtas ko ang sarili ko sa pagsagot sa tanong niyo dahil oras na bumalik ako ro'n wala na akong babalikan, mamamatay lang din ako,” kahit na hirap na hirap na siya nagawa niya pa ring sumagot.
Lahat naman ay natigilan. “You have a daughter, right?” tanong ni Amira at lumapit na sa lalaki.
Bago pa man makapunta si Amira dito ay inutusan niya na ang isa sa Mafiusu na tauhan niya para kumuha ng impormasyon tungkol sa kalaban na nahuli nila.
“Ha? A-ano? Ano ginawa niyo sa anak ko?” nanginginig niyang sabi. “Huwag ang anak ko maawa kayo,” humahagulgol na ang lalaki. “O-okay magsasalita na a-ako wag n’yo lang sasaktan pamilya ko.”
“Okay, then where is it?” tumaas ang isang kilay ni Amira saka humalukipkip habang nakatingin sa mismong mata ng lalaki.
“Italy.”
“Are you sure?” naniniguradong tanong ni Amira.
“Oo, oo!” patango-tangong sabi pa ng lalaki.
Napatango naman si Amira. “Okay, bihisan na—” natigilan na lang sa pagsasalita si Amira nang marinig niya na ang pagputok ng baril.
Binaril na ni Mortem ang lalaki sa ulo. Nagsilabasan na ang dugo nito, wala na itong buhay.
“What the—” hindi rin natapos ni Ryker ang kanyang sasabihin dahil sa kanyang nakita.
Hindi makapaniwala ang lahat dahil sa ginawa ni Mortem.
“Bakit mo ginawa ‘yon?” nanggagalaiti na sabi ni Amira.
“Some people are meant to die. After all, it’s their fate,” tugon ni Mortem.
“f**k that fate! Wala sa usapan na papatayin natin siya! Are you out of your mind? Wala ka ba talagang awa kahit na katiting man lang?” punong-puno na ng galit ang lumalabas na salita sa bibig ni Amira.
“Mamamatay rin siya. Inunahan ko na, mas masasaktan ang pamilya niya kung mismong lider ng UKM ang papatay sa kanya. Lalo na’t loyal pa naman sila sa UKM, hindi ba? Sa mundo ng Mafia wala kang magagawa. Kung oras mo na, mamamatay ka talaga.”
“I f*****g hate you, Mortem Davies! I really hate you!” hindi naman inaasahan ni Amira na may tatakas na lang bigla na luha sa mga mata niya.
Bahagya namang nanlaki ang mga mata ni Mortem. “Amira—” natigilan siya, tila pinipigilan ang sarili.
“If that’s what fate tells you, then we’re destined to kill each other, huh?” hindi na hinintay ni Amira ang sagot ni Mortem. Tuluyan na siyang umalis.
“You have no mercy, do you?” ani Zurikka.
“Tss, buti nga sa kanya. So weak,” sabi naman ni Ibbie. “Nakita n’yo ‘yon? Umiyak siya,” at hindi na napigilang tumawa.
Hindi naman sila pinansin ni Mortem.
“Ikaw lang kamo masaya, Ibbie,” ani Wilder.
“So, what?” tinaasan naman siya ng kilay ni Ibbie.
“Sadista ka talaga,” at ngumisi pa si Wilder.
Natigil lang ang bangayan nila nang marinig na nilang magsalita si Mortem. “Ilibing n’yo na ‘yan,” utos ni Mortem sa dalawang Mafiusu.
“Masusunod, Boss!” sagot nila.
“I think, the meeting is over. Let's go,” sabi naman ni Daem kay Rara at hinatak na ‘to palabas.
Umalis na sila at naiwan na lamang si Mortem, Kane at Ryker.
“Ryker, ikaw ng bahala sa pamilya ng lalaki. Make sure they’re safe,” sabi naman ni Mortem matapos silang tignan.
“I’m on it.”
“Mortem, wala pa tayo sa kalagitnaan ng taon para magpatayan,” paalala ni Kane at tinapik niya na ang balikat nito.
“Alam ko ang ginagawa ko,” tumalikod na siya at iniwan na sila.
“What the—nang-iwan, hindi man lang nagpaalam.”
“Pft,” asik ni Kane at umalis na rin siya.
“Puta, oo na! Ako na naman mag-isa,” at napabuntong-hininga na lang si Ryker.
Sa pagsapit nang gabi, hindi makatulog si Amira kaya naisipan niyang lumabas muna at nagtungo sa tower kung saan makikita ang kabuoan ng MI, ang malamig na simoy ng hangin na parang kang niyayakap, napakagandang tanawin sa kalangitan, mga nagniningning na bituin at liwanag ng buwan.
Nang makaakyat na siya sa pinakataas ng tore ay bumungad na lamang si Mortem na nakasandal sa railings habang nakapikit ang mga mata na mukhang ito’y natutulog. Aalis na sana siya ngunit natigilan na lang din siya nang maisip ang dapat gawin, dahan-dahan siyang lumapit kay Mortem. Marahan siyang umupo sa gilid nito at inilabas niya na ang butterfly knife na palagi niyang dala-dala kahit saan magpunta. Huminga muna siya ng malalim at unti-unti nang nilapit ang kutsilyo sa leeg ni Mortem. “Mabilis lang ‘to, Amira. You can do this. Para tapos na at makakaalis ka na rito,” sabi niya naman sa kanyang sarili habang nanginginig ang kamay, napapalunok pa siya dahil sa bilis nang pagtibok ng puso niya.
“Seriously?”
Dahil sa gulat nang marinig niya ang boses ni Mortem habang nakapikit pa rin ang mga mata ay kaagad niyang naitapon sa malayo ang kutsilyo na hawak niya na para bang wala siyang plano na patayin si Mortem.
“How?” kunot-noo na tanong ni Amira.
“Malakas lang ang pakiramdam ko,” dahan-dahan niya nang iminulat ang kanyang mapupungay na mga mata. “Pakiramdam na papatayin mo na ako.”
“I-I’m going to sleep now,” tumayo na si Amira para makaalis na sa harapan ni Mortem nang bigla na lang siyang hinila ni Mortem dahilan para siya’y mapaupo sa hita nito.
“Ano ba, Mortem!” sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang niyakap ni Mortem. Hindi naman nakapalag si Amira. Ang higpit nang pagkakayakap sa kanya na tila bang ayaw niya na siyang pakawalan. “Anong ginagawa mo?” singhal pa niya.
Hindi siya pinansin ni Mortem.
“Mortem…”
“Amira.”
“Mortem, ano ba?” pag-ulit ni Amira dahil hindi pa rin siya pinapakawalan.
“Wait…”
Habang nakayakap si Mortem kay Amira ay marahan niyang hinalikan ang buhok nito pagkatapos pinakawalan na. Tumayo naman kaagad si Amira. “Ano bang trip mo?”
“Nothing, just teasing you,” at sumilay na ang ngiti sa labi ni Mortem.
“Great,” at inirapan niya si Mortem. “Nainis talaga ako.”
"Good. We’re okay now?"
Tinalikuran na lang siya ni Amira.
“I'm glad you’re back, Amira.”