Philippines
“Hiya!” napahiyaw si Amira matapos niyang sipain ang punching bag. Sa sobrang lakas nang pagkasipa niya ay nabutas at lumabas na lamang ang buhangin na nasa loob nito.
“Magpahinga ka muna. Masyado mong pinapagod ang sarili mo, Apo,” saad ng kanyang lolo, sabay abot ng tubig at bimpo sa kanya.
Isang oras na siyang nag-eensayo sa loob ng kwarto na ‘to na may iba't ibang kagamitan para sa training. Kung hindi pa siya sinabihan ng kanyang lolo ay hindi siya titigil.
“Pa, kailangan ko lang sanayin ang sarili ko lalo na't babalik na ako sa MI,” uminom na siya ng tubig at pinunasan ang kanyang pawis na namuo sa kanyang noo gamit ang bimpo. Pagkatapos, napaupo na siya sa gilid ng boxing ring kung saan kaharap niya ang kanyang lolo.
Simula nang manirahan siya rito, tinuring niya ng Ama ang kanyang lolo. Tumayong magulang ang lolo at lola ni Amira dahil sa trahedyang nangyari noon.
“Apo, you're the heir to the throne of the Mafia. Why bother, ija? Alam mong magaling ka.”
“Great,” at napabuntong-hininga na lang si Amira.
“Take a rest. Mamayang hapon makiki-pagbarilan ka na naman.”
“Okay, Pa,” ngumiti si Amira at iniwan na siya ng kanyang lolo.
“Mother, I'm coming for you,” ipinikit niya na ang kanyang mga mata at muling inalala ang mga alaala kasama ang kanyang Ina.
Mafia Island (MI)
“Everything is all set, My King,” kanang-kamay ni Haring Herald.
“Panahon na para makita at makasama ko muli ang aking anak na si Amira,” mahinahon ngunit nakaka-panlumong boses ang pinakawalan nang Hari ng Mafia.
Sa mundo ng Mafia, may sampung gang ka na makikilala at isa sa mga gang ay nakaupo ngayon sa trono, walang iba kundi ang Fire Gang kung saan kabilang si Amira Miller.
Kapag namuhay ka sa mundo ng Mafia Island, pagdating mo sa edad na limang taong gulang ay kailangan mo nang pag-aralan lahat ng mga lenggwahe dahil magagamit mo ito kapag nakisalamuha ka sa iba't ibang tao. Pagdating naman sa edad na labing-tatlo ay kailangan mo ng mag-ensayo at humawak ng baril. Kapag tumuntong ka na sa edad mong labing-limang taong gulang, ang mga batang Mafiusu at Mafiusa ay dapat makapatay na ng ilang mga tao para maging ganap na kabilang sa mundo ng Mafia. Mahirap ngunit kung may dugo ka ng tunay na Mafia, hindi ka magdadalawang-isip na pumatay. Kaya mayroong Mafia Island, malaya kang makakagalaw kung saan lahat ay legal. Kung may makapasok man na taga-labas asahan mong mapapatay ka, maliban na lang kung anak ka ng isa sa mga tanyag na Gang sa mundo ng Mafia. Isang malaking isla ang MI. Madaming illegal na transactions ang MI sa labas ng isla na pinamumunuan nang Hari ng Mafia at iba pa na kilalang tao sa MI.
Death Gang (Headquarters)
Bahagyang ngumisi si Mortem nang malaman niyang paparating na ang heir ng Fire gang na siyang papalit sa trono.
“What's your plan?” tanong ng kanyang matalik na kaibigan na balang araw magiging kalaban niya rin sa trono na si Kane Palmer ng Silent Gang.
“I don't know. Let's just wait and see if she's worth the opponent,” seryosong sabi naman ni Mortem na nakatingin lamang sa glass window.
Sumang-ayon na lamang si Kane at kinuha na ang isang basong may wine sa lamesa at ininom 'to. “Malapit nang dumilim,” mahinang sabi ni Kane na narinig naman ni Mortem.
“Silent gang, huh? I bet you can kill hundreds of people in just one snap,” nakangising sabi niya kay Kane na nakatingin na sa kanya ngayon.
“That's us. We're silent but deadly. We have a lot of drugs in our hands. Kung ang daddy ko lang sana ang nasa trono ngayon, in just one-week madami ng pera ang nakapasok sa isla natin,” proud pang sabi ni Kane.
“Tsk,” napailing na lang si Mortem. “So selfish.”
“That should be my line,” biro naman ni Kane.
“We are all selfish when it comes to power,” muling sumeryoso si Mortem at bahagyang kinuyom ang kanyang kanang kamay. Nagsisimula na namang mag-init ang kanyang ulo na para bang matagal na siyang nagtitimpi kaya gustong-gusto niya ng sumabog.
“Agreed. That's how life works, Mortem. They taught us to be like that.”
Napatango na lang si Mortem at tumayo na. Gano'n din si Kane dahil may kailangan pa silang gawin. “Mauna na ako. Bye, Mortem,” paalam ni Kane.
“Bye, Kane.”
Pagkalabas ni Kane ay sumunod na rin sa paglabas si Mortem upang pumunta na sa kanilang organisasyon. Pagpasok ni Mortem sa kwarto ay narinig niya na lamang ang pagkasa sa baril. Matalim niyang tiningnan ang kanyang Ama. Pagkatapos. “Father,” tumungo siya bilang paggalang.
“You're late.”
Hindi niya na lang pinansin ang kanyang Ama, umupo na siya sa itim na couch. He crossed his arms while looking at his father, kasalukuyan itong naglalagay ng bala sa iba't ibang klase ng baril na nakalapag sa lamesa.
“What are you waiting for? Pumunta ka na sa Open Area para makilala mo na ang susunod mong papatayin,” hindi pa rin siya tinatapunan nang tingin ng kanyang Ama, abala ito sa baril.
Napasinghap naman si Mortem. “I don't have time for that father. Bigyan mo na lang ako ng iba pang gagawin.”
“Anong walang oras?” his eyebrows furrowed. “Huwag mong balewalain ang utos ko, Mortem,” napatingin na ang kanyang Ama sa kanya.
Wala ng nagawa si Mortem kundi ang sundin na lang ang kanyang Ama. Tumayo na siya at kinuha ang dalawang bagh nakh na dagger mula sa loob ng isang cabinet.
“Saan ka pupunta, Mortem?” napasigaw na ang kanyang Ama.
“Open Area, ano pa bang gusto mong gawin ko? Sinusunod na nga kita,” may bahid nang pagkairita sa kanyang boses.
“Go.”
Padabog na sinara naman ni Mortem ang pinto pagkalabas niya. Lahat ng mga tao ay nagulat sa kanyang ginawa. Ang ilan pa ay napatungo dahil sa takot na baka sila ang pagbuntungan nang galit ni Mortem.
Kilalang-kilala si Mortem Davies, bilang isa sa mga kinakatakutan sa Mafia World.
Philippines
Niyakap muna ni Amira nang mahigpit ang kanyang lolo bago umakyat sa private plane patungo sa MI. “Be brave. Show them what you can do, Amira,” nakangiting sabi ng kanyang lolo.
“I know, pa. I'll miss you.”
“I'll miss you, too. Take care, ija.”
Tumango si Amira at umakyat na sa private plane. Nang makaupo na siya sa upuan ay may lumapit naman sa kanyang flight attendant para alukin ng maiinom, tumango lang si Amira dito at nilagyan na ng babae ang baso niya. Nang maiwan na si Amira ay napakapa na lang siya sa dala niyang purse, saka niya lang natuklasan na may laman na ‘tong revolver. Napangiti na lamang siya nang mapagtanto na ang lolo niya ang naglagay no’n.
“Thanks, Pa,” wala sa sarili niyang nasambit.
Sinara niya na ang kanyang purse at ibinaling na ang tingin sa kalangitan. “I'm ready to face you,” bulong niya naman sa kanyang sarili at saka ipinikit na ang mga mata upang matulog.