Chapter 11.1: Where is he? Kakatapos ko lang mag fry ng hotdogs and bacon. Tulog pa si Tita at maaga akong gumising ngayon para makasabay ko siyang kumakain at maipagluto rin. Wala akong ibang alam na lulutuin maliban na lang sa pagpipiprito. Habang hindi pa nagigising si Tita ay umakyat na muna ako sa kuwarto ko at naligo. Sabado ngayon at walang pasok pero may mga importante akong gagawin. Narinig kong may ingay sa baba tiyak na gising na si Tita kaya nagmadali na akong magbihis. Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ay rinig kong may kausap siya sa telepono. “Ang kapal naman ng mukha mong tumawag dito. Anong kailangan mo?” Hindi ko alam kung sino ang kausap niya pero kahit noon pa ay wala namang nakakaaway si Tita. “Kamusta? Haha, nagpapatawa ka ba? Doon ka sa magaling mong as