Chapter 12: Everything happens for a reason Natapos na si Lola sa pagluluto at tinulungan ko siyang maghain ng pagkain. Lumabas ako para tawagin sana si sir pero wala siya. Ayaw ko mawalan ng pag-asa. Iba ang aking kutob alam kong hindi ko na makikita si Stephen. “L-lola, wala na po siya,” malungkot na sabi ko kay Lola. “Umupo ka na lang muna rito iha, baka mangawit ka na sa kakatayo dyan. Siya ay babalik naman, sabi niya sa akin na ipapasyal niya ang kaniyang bunsong anak ngayon," paliwanag niya. “Ika'y nagugutom na ba?” “H-hindi po, Lola. Kumain na po ako sa amin. Thank you po.” Umupo na lang ako at pinagmasdan si siya sa pagbuburda. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na makilala at makasama ang aking Lola. Ang mga magulang naman ni Mommy ay halos nasa Singapore. Ang pamilya nam