Chapter 15.2: “Tumigil ka nga d'yan! Bakit ka ba tumatawa? Muntik ka na ngang mamatay tapos patawa-tawa ka lang d'yan!” “Okay lang po ako. Thank po talaga, Tita! I love you!” Niyakap ko siya ulit at hinalikan sa pisngi. Hindi na kami nagdrama pa ni Tita, kailangan niya na ring umalis. Tatlong araw rin kaming di magkikita ni Tita. Nang umalis siya ay naligo muna ako at nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong gising na si Ian. Nakatulala siya at tiyak na kagigising lang nga. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya. “H-hi! Good morning,” bati niya sa akin nang makita ako. “Good morning din sa 'yo. Tara kain na muna tayo, pumunta rito ang Tita ko at pinagluto niya tayo. Masarap 'to,” pag-aaya ko sa kaniya. Kumuha na rin nga siya ng pagkain at nagsimulang kumain. Tiyak na