Chapter 15.1: Thanks for giving them Natapos kong makausap si Tita ay desidido na ako sa mga mangyayari. Sinabi ko na lahat sa kaniya ang nangyari. Salamat dahil tinulungan ako ni SPO2 Cañete. Makakalabas na siya sa kulungan. Si Stephen na lang problema ko ngayon. Ang bilis lang ng oras at mag-aalas tres na. Nagugutom na ako, may pagkain naman dito pero hindi ko p'wedeng galawin iyon. Lumapit na lang ako sa higaan niya at umupo sa malapit na upuan. Hinawakan ko rin ang kaniyang kamay bago nakatulog. “Sally, I said low tone your voice.” “So, hahayaan mong makasama ng anak natin ang babaeng may dahilan ng nangyari sa kaniya? Oh my gosh! Hon wake up!" “Wala naman siyang masamang ginagawa. Sa katunayan nga binabantayan niya pa si Stephen. Hon, siya na lang mapagkakatiwalaan natin ng