Chapter 17: Please Bigla akong napabangon sa aking higaan. Basa ako ng pawis. Tumayo ako at uminom ng tubig. Lumaki naman ang aking mata at natatakot na lumingon. Nasa hospital ako, Oo! Bakit parang nararamdaman ko na may tumitingin sa akin. May lagnat si Ian at kakaalis niya kanina. Pero kanina ba? Mabuti nga at nasa harapan ko ang orasan at alas-singko na nang madaling araw. Nakatulog ako. Ito na lang natitirang araw kaya kahit man parang kinakabahan ako ay lumingon ako. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Siguro kung ano-ano lang ang aking iniisip at napagkamalan kong parang may tumitingin sa akin. Masama ang aking panaginip kanina at first time itong mangyari sa akin. Pero sana naman ay hindi totoo iyon. Sana naman ay totoo ang sinasabi nila na kabaliktaran ang mangyayari.