Chapter 18: Awake Hindi na ako pinayagan pang ipa-stay ng Daddy niya na si Sir Carl. Hindi na rin ako nagmatigas at umuwi na rin. Mga 10 P.M ako nakarating sa bahay at kanina pa ako katok ng katok tiyak na natutulog na yata si Tita. Umupo na lang ako dito sa labas at sumandig sa may pintuan. Yakap ko ang aking mga paa. Nag-iisip ako ng bagay na p'wedeng gawin para makapasok. Inaantok na ako. “Is that you, Maurice?" Nagising ako dahil sa ingay. Minulat ko ang aking mata at nakita ko si Tita. “I-ikaw nga! Tayo na dyan. Bakit ka ba diyan natutulog?” tanong niya at tinulungan akong tumayo. Tumingin ako sa labas at maliwanag na nga. Nagising ba siya? “Ginulat mo kong bata ka, okay ka lang ba Ris? May masakit ba sa 'yo. Halika, ipagluluto kita ano ba gusto mong kainin?” Habang naglu