Inikot ko ang boong barangay ,pati maliliit na daan at kalsada dinaanan ko para makita kong maari ba iyon daana kong sakali mang masundan ako ng dad ko o ng mga kuya ko. Hapon na ng makauwi ako mula sa pag iikot, masyado akong nalibang sa pag iikot at hindi ko mapansin ang oras. Pasado alas tres na ng hapon ng makarating ako sa bahay, papalapit pa lamang ng mapansin ko ang pamilyar na sasakyan na nakaparada sa tapat ng gate ng bahay ko. nakumpirma ko lamang ang hinala ko na sasakyan nga iyon ni Benjie ng tuluyan na akong makalapit. Napangiti ito ng makita akong nagtanggal ng helmet. Lumapit ito sa akin at iniabot ang kumpol ng bulaklak sa akin.
Para sakin? . Tanong ko rito upang makasiguro.
Oo naman, tayong dalawa lang naman dito , sino pa ba pag bibigyan ko nyan. Pabiro nitong sagot.
Salamat. Ano nga pala ginagawa mo rito? Kanina kapa ba? Dapat nag pasabi ka para umuwi sana ako ng maaga. .Sunod-sunod kong tanong rito. natawa naman ito sa sabay-sabay kong tanong.
Isa-isa lang, mahina kalaban. .Tumatawa nitong tugon sa akin.
Halos kararating ko palang naman, aayain sana kitang kumain sa labas. Kong okey lang sayo, pangako ihahatid kita pauwi. .Pang aaya pa nito ng nakataas pa ang isang kamay at parang nanunumpa.
Para ka namang nanunumpa ng katapatan.. ahmmm... wala naman akong lakad ngayong gabi kay... sure... basta ba libre mo, wala pa kasi ako sweldo. .Pabiro kong sagot rito at nakangiting tumitig sa kanyang mukha.
Oo ba, basta libre mo din ako pag sweldo mo ha... Agarang sagot nito ng may malapad na ngiti sa labi. Ngumiti lamang ako sa biro nya upang hindi masyadong awkward.
Okey lang ba, maliligo lang ako saglit. pawisan kasi ako, nakakahiya naman kong sasama ako sayo na amoy suka ako . Pabito kong turan.
Maasim kana sa lagay na yan? ang bango mo parin kaya, kahit hindi kana siguro mag bihis maganda ka parin. Hirit nito na ikinapula naman ng pisngi ko.
Asooos... nambula kapa. Ang mabuti pa umupo muna kayo sa loob para hindi ka naman mangawit sa pag tayo. . Pag iiba ko ng usapan. Baka kasi himatayin na ako sa lakas ng kabug ng dibdib ko. nakakainis. Tahimik kong kinastigo ang sariling puso..
Kaming dalawa lamang ang pumasok sa loob ng bahay. Nag paiwan na lamang ang dalawa nyang bodyguard sa labas. Nang makapasok na kami. pinaupo ko muna sya sa sala.
Maupo ka muna, gusto mo ba ng maiinom?. Tanong ko rito.
No thanks..Im fine.. Sagot nito sa akin,
Hmm.... Pwede koba malaman kong saan tayo pupunta? para lang alam ko susuotin ko.. Nahihiya kong tanong rito.
Anything well fine. kahit ano naman suot mo bagay sayo. ,Pambubula pa nito.
Ngumiti na lamang ako at hindi na sumagot. He never fail to surprise me. bawat salitang lumalabas sa bibig nya nagbibigay kabug sa dibdib ko.
Nagmadali na akong maligo at mag ayos ng sarili. Naisipan ko na lamang magsuot ng pink sunday dress at flat shoes. Hindi na rin ako nag makeup pa dahil hindi naman ako sanay mag makeup . isa pa kakain lang naman kami at hindi naman ito DATE kaya bakit ako magpapaganda. Pag kuntra ko sa sariling isip.
Nang makuntento na ako sa itsura ko, bumaba na ako at masyado na yata akong matagal, baka naiinip na sya sa pag-aantay sa akin.
Pababa pa lamang ako ng hagdan ng tawagin ko sya. masyado kasi itong abala sa kanyang telepono. Nang lumingon ito sa akin, Nakita ko ang pagkamangha sa kanyang mga mata. Nag iinit ang tenga ko sa paraan ng pagtitig nya sa akin, para bang ngayon lamang nya akong nakitang maganda.mejo nasaktan ang cute ego ko sa naisip ko.
Ahemf.... Im ready. Nainip kaba mag antay? . Pag kuha ko sa atensyon nya, para kasi syang nakakita ng anghel sa klase ng mukha nya.
You look absolutely stunning thea. Wala sa loob nitong turan habang nakatulala parin sa aking mukha.
Thank you. can we go na? baka kasi matunaw na ako sa titig mo eh.. Biro kopa rito.
Ahm...ahemf..., hindi naman siguro. Shall we? .Sagot nito at inilahat ang palad sa aking harap, napansin ko ang pamumula ang tainga nya. Ang cute nya kapag nahihiya sya. Iniabot ko naman ang kamay ko sa kanya. Hinalikan nya muna ang likod ng palad ko bago ito ilinagay sa braso nya.
Inalalayan nya muna akong makasakay bago sya umikot sa kabilang pinto upang pumasok sa koob ng sasakyan. Sa unahan naman naka pwesto ang dalawa nyang bodyguard.
Halos dalawang oras lamang ang inabot nag aming byahe bago ito tumigil sa isang napakagandang kainan, nakatayo ang mismong resturant sa tuktuk ng bundok, napapalibutan iyon ng yellow light bulb, ganon rin ang bawat puno sa malapit. Takipsilim na ng makarating kami kaya't kitang kita ang paglubog ng araw. Napakaganda iyon. Habang abala ang mata ko sa panonood ng pag lubog ng araw, palihim naman akong kinukuhanan ng larawan ni Benjie. Nalaman ko lamang itong ng lingunin ko sya.
What are you doing?! .Tanong ko rito at tinakpang ng lens ng camera nya.
Taking a picture of you. Sorry hindi ko napigilan, napakaganda kasi. Tugon nito.
Fine, but at least sabuhan mo ko, baka kong ano na itsura ko jan. Sagot ko rito, napangiti naman ito ng marinig ang naging sagot ko.
You want to see it? come here, ipapakita ko sayo kong gano ka kaganda. . Sagot nito sa akin. Limapit naman ako sa kanya at tiningnan ang larawan ko sa cellphone nya.Napaka ganda nga ng kuha nya. Mahihiya ang photographer sakanya sa galing ng mga kuha nya.
Ang galing mo pala kumuha ng pictures. a woman's dream boyfriend. .Wala sa loob kong turan habang nakatingin parin sa cellphone nya. Bigla naman itong lumingon na akin, muntik ng maglapat ang aming mga labi sa subrang lapit sa isa't-isa.