Huli na ng ma realize ko ang mga salitang binitiwan ko. Agad ko syang nilingon, Nakatulala sya sa akin, halata sa mukha nito ang pagkagulat.
ahm...ahemf... Kain na tayo! gutom na ko eh.... Hindi kona ito hinintay pang sumagot. Nauna na akong naglakad papasok ng restaurant. Sumunod naman agad ito sa akin, hindi ko magawang tumitig sa mga mata nya, hiyang-hiya ako sa mga sinabi ko, hindi ko alam kong ano ba ang pumasok sa isip ko bat sinabi ko iyon. Naupo ako sa isang bakanteng mesa malapit sa bintana, nang mapansin kong papalapit na sya sa akin, nangkunwari na lamang akong abala sa sariling telepono. Naupo sya sa kaharap kong upuan at tumutig sa akin. Hindi ko man sya tingnan, alam kong nakapaskil ang ngisi sa kanyang mga labi.
Alam kong wala ka talagang ginagawa sa cp mo. Ginagawa mo yan para iwasan ako dahil sa sinabi mo sa akin kani-kanina lang. . Turan nito sa akin. Nagkunwari na lamang akong hindi narinig ang mga sinabi nya. Hindi ko alam kong ano ang isasagot ko sakanya. Nang hindi ko parin sya pinapansin, hinawakan na nito ang kamay ko at seryusong tumitig sa mga mata ko.
I'm sorry if i teased you too far. But.. i want to ask you something. . seryusong turan nito sa akin.
Okey... anong gusto mong itanong sakin? Tanong ko rito, sinubukan kong bawiin ang sariling kamay, masyadong mahigpit ang hawak nya rito kaya hindi ko mabawi.
Alam kong ngayon pa lang tayo nagkakilala, alam kong wala pa tayong alam sa buhay ng isa't-isa. Pero bigyan mo sana ako ng pagkakataon makilala kapa ng lubusan. . Seryusong turan nito. Hindi ako nakapagsalita, hindi ko alam ang dapat kong isagot sakanya.
Xanthe, pwede ba kitang ligawan? . Deretsong tanong nito sa akin. Alam kong dito patungo ang mga sinasabi nya, hindi ko parin napigilang magulat.
I know...I know... Im sorry kong masyado kitang minamadali, hindi mo kailanga sumagot agad, just please , pag isipan mo muna bago sumagot. Mag hihintay ako kong kelan handa kana.. Dagdag pa nito. Ngumiti na lamang ako upang mabawasan ang awkward sa pagitan naming dalawa.
Matapos naming kumain,napagpasyahan naming sumakay sa zipline. Noong una, takot na takot pa ako, natatakot ako na baka mahulog ako o baka maputol ang tali kagaya ng movie na napanood ko. napapayag lamang ako ni Benjie ng hawakan nya ang kamay ko.
Its ok, im here. matapang ka kaya kaya mo yan, wag mong isipin na nakakatakot, isipin mo bagong experience to sayo, im sure mag e enjoy ka kapag nasagitna kana at nakikita ang magandang view. . Pangungumbinsi nito sa akin. Linakasan ko nalamang ang loob ko at hinayaan ng lagyan ako ng harness ng isa sa mga bantay doon.
Nang handa na ako, bumilang ng tatlo si Benjie bago ako binitawan ng lalaking mayhawak sa akin. Sumigaw ako ng malakas dahil sa takot, ng nasa kalagitnaan na ako, doon lamang ako tumigil dahil sa ganda ng view na nakikita ko.
Tama nga si Benjie, napakaganda ng tanawin, hindi ko namalayan malapit na pala ako sa dulo,kinabahan pa ako nong una dahil sa impact ng pagtama ko sa bakal na stopper. Hindi na ako gaanong kinabahan noong pabalik na dahil alam ko na kong gaano kasaya at kaganda ang tanawin kapag nasa kalagitnaan kana.
Marami pa kaming sinubukang mga ride's at kong ano-ano pang activities ang ginawa namin bago namin napagpasyahang umuwi na. Nang maihatid ako ni Benjie, umalis na rin ito agad , mukhang nagmamadali sya kaya't hindi ko na sya pinigilan.
Humiga ako sa kama ng may ngiti sa labi ng gabig iyon. Hindi ko alam kailan nagsimulang mahulog ang loob ko sakanya, ang alam ko lang masaya ako sa twing kasama ko sya. Hindi kopa naramdaman ang ganito sa boong buhay ko.
KINABUKASAN.
Maaga akong pumasok sa school, marami pa kasi akong aayusing lesson plan para sa lecture ngayong araw. Naging abala ako sa ginagawa ko't hindi ko namalayan ang paglapit ng isa sa mga studyante ko sa akin dala ang kumpol ng pink roses.
Good morning ma'am, may nagpapabigay po sayo..Nakangiting turan nito sa akin.
Kanino raw ba galing Melvin?. Tanong ko sa studyante kong nag abot ng bulaklak.
Sa taong nagmamahal raw po sayo ma'am.. Matapos sabihin iyon, tumakbo na ito palabas ng office. Nag simula naman akong tuksuhin ng mga co-teacher ko na naroon sa office. Kong kilig ang nararamdaman ng iba ako kaba ang nararamdaman ko. Baka kay dad galing ang bulaklak na ito o isa sa mga kuya ko. family member ko lamang ang nakakaalam na paborito ko ang pink roses. bago pa lumala ang kaba na nararamdaman ko, kabado kong binuksan ang note na nasa gilid ng bulaklak. Laking pasasalaman ko ng kay Benjie pala iyon galing. nawala ang kaba ko ng malaman kong hindi iyon galing sa dad ko o sa kuya ko.
Napangiti nalamang ako sa message na isinulat ni Benjie. To the most gorgeous lady i've know. Hindi lang pala sa politics magaling sya, pati rin pala sa pambobola.
Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang nakatitig sa message card. Lumapit sa akin ang isa sa mga gurong nasa office at bigla nagsalita sa tabi ko habang curios na nakatingin rin sa card.
Ang sweet naman pala ng boyfriend mo, Benjie?... pangalan pa lang mukhang mabango at mayaman na.. Pag usyuso pa nito. Agad ko namang tinago ang card na hawak ko.
Nako maam, hindi kopa sya boyfriend. . Agarang sagot ko rito. Mahirap ng ma chismis ng di oras.
Uhm... asos .. wag ka ng mahiya teacher Xanthe, dalaga ka kaya normal lang magka boyfriend ka. . Dugtong pa nito bago naglakad palabas ng office.
Naging madalas ang pagpapadala ni Benjie ng bulaklak sakin sa school, madalas ko rinsya kausap sa telepono sa gabi bago matulog. Naging ganoon ang araw-araw ko ng halos isang buwan. magmula ng magtapat sya ng nararamdaman nya sa akin, sa cellphone ko nalamang sya nakakausap, hindi na kasi nagkaroon ng pagkakataon na magkita kami dahil naging abala sya sa trabaho nya .
Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong namimiss kona sya, hindi na nagiging sapat na makausap ko lamang sya sa telepono.
Kaya't napagpasyahan ko ng kausapin sya. plano kong opisyal kona syang bigyan ng chance na ligawan ako. boo na ang loob ko na tanggapin sya sa buhay ko.
Benjie, pwede ba tayo mag usap bukas? , i mean harap-harapan. May gusto lang akong sabihin sayo, kong pwede ka lang naman bukas. pero kong hindi ayos lang naman. . Turan ko rito.
Ofcourse, i'll always have time for you . I'll come over tommorow, okey lang ba?. Agarang sagot nito sa akin. Napangiti ako ng marinig ang sagot nito sa akin.
Cool...cool... See you then. .Masayang sagot ko rito bago ibinaba ang tawag at masayang natulog.