bc

My Spoiled Little Wife

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
playboy
badboy
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

Anak nang mayamang negosyante si Zaahira xanthe , mahal at spoiled sya nang buong pamilya nya lalo na ng kuya nya pero mas pinili nya ang simpleng buhay sa isang maliit na barangay sa isang probinsya,

Nagkaroon sya nang lalaking iniibig ngunit tutol ang magulang nito sa kanilang relasyon dahil sa pag-aakalang mahirap lamang sya at hamak na guro lamang ang tingin nito sakanya .

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Napadpad ako sa isang lib-lib na barangay sa probinsya ng bicol,noong una akong makarating sa probinsyang ito, nag check-in ako sa isang hotel at doon ko nakilala ang manager na nag benta sa akin ng kanyang bahay at lupa sa isang barangay, ang sabi niya'y para sana raw iyon sa kanyang kasintahan na noo'y pakakasalan na sana nya ngunit nahuli nya raw itong may kalaguyo kaya't hindi na iyon natuloy ,kinabukasan ay agad nya akong sinamahan sa bahay na nais nyang ipagbili sa akin, malawak at maganda ang buong kabahayan, two storey house iyon, modern design din ito at swak na swak para sa dalawang tao. agad ko iyong nagustohan kaya sa araw na nabili ko iyon ay sya ring araw na lumipat ako roon, mababait ang mga taong nakatira malapit doon, nakasundo ko rin agad sila. Ako nga pala si Zaahira Xanthe A. Villamore, 25 years old, nag iisang anak na babae ng mayamang negosyante sa pilipinas, Marahil nagtataka kayo kong bakit ako nakarating sa probinsiya, yun ay dahil nag layas ako, bago kayo mag isip nang kong ano-ano, lilinawin ko na, hindi ako sapilitang ipinapakasal sa matandang kasusyo nang pamilya ko kagaya ng ibang anak na babae ng mayayamang negosyante, kundi dahil nasasakal na ako sa pag hihigpit ng pamilya ko sa akin, sa totoo lang maituturing kong spoiled brat dahil lahat nang naisin ko'y nakukuha ko maliban sa kalayaan. Hindi ako maaring umalis ng bahay nang walang bodyguard at iyon ang pinaka inaayawan ko dahil pakiramdam ko'y isa akong bilanggo, kaya't naisipan kong mag layas at pumunta sa lugar na walang makaka kilala sa akin at probinsiya ng bicol ang napili kong puntahan dahil wala pang branch ang company ni dad dito. Maaliwalas at malawak ang lugar na ito, alas tres pa lamang ng hapon kaya't naisipan kong mag-ikot saglit gamit ang aking black ducati, palihim kong binili bago ako umalis ng mansiyon. Nakarating ako sa isang highschool , maliit lamang ito kumpara sa mga school sa manila, ngunit malaki naman iyon para sa liblib na lugar gaya dito, Naisip kong bumaba at pumasok sa school na iyon,napansin kong pinagtitinginan ako nang mga tao habang pababa nang biglang lumapit sa akin ang ang babae, sa tingin ko'y guro iyon sa eskwelahan na iyo. Ikaw siguro yung bagong teacher na nag a apply! hali ka, sasamahan kita sa principals office. ,Bago pa ako makasagot, hinila na ako nito patungo sa sinasabi nitong office. Hindi naman ako kinakabahan dahil minsan ko nang naranasang magturo noong isinama ako nang aking kuya sa medical mission na pinuntahan nito,. Nang makarating kami sa principals office, pinaupo ako ng babaeng guro sa harap ng table ng principal, tatawagin raw lamang nito ang principal na noo'y nasa classroom at napilitang magturo dahil sa kakulangan ng guro.Ilang saglit lamang at dumating na ang sinasabing principal, tumayo ako at binati ito. Good afternoon madam principal. ,Magalang kong bati sito. Good afternoon din , salamat at nakarating ka sa , ang akala ko'y hindi kana darating at nagbago na ang isip mo. ,Turan nito . I'm sorry ma'am , but i think there's a misunderstanding here, ang totoo po kasi nyan , hindi po ako ang nag a apply na teacher, napadaan lamang po ako rito at napagkaman. Nakangiti kong tugon rito. Nagulat naman ang ginang sa kanang nalaman, alam kong nahihiya ito sa pagkakamaling nangyari kaya't naisipan kong tanongin na lamang ito. Kong nag hahanap naman po kayo nang guro'y maari naman po ako, ang totoo po nyan kalilipat ko lamang dito mula sa manila, i graduated from De La Salle University in manila with a BA management course, i can send you any details you needed. Turan ko rito , magiging maganda kong makakapag trabaho ako rito dahil sigurado akong malilibang ako sa lugar na ito. We really appreciate it Miss...Sagot nito, Villamore, Zaahira xanthe Villamore. Pag-papakilala ko sa ginang. Alright, maari mo bang e send sa akin ang mga documets mo para ma process kona ngayon mismo , kailangan na kailangan talaga namin ang guro ngayon.Nakangiting turan nito sa akin. Mabuti na lamang at naka save sa e-mail ko lahat nang important documets ko kaya hindi ako mahihirapan kunin iyon. Agad ko naman sinend na email ng ginang ang mga kailangan nyang dukomento upang magawa ang record ko bilang guro sa paaralan nila, nang matapos ito, labis ang pasasalamat nang ginang dahil nahihirapan daw silang makahanap ng guro na magtuturo sa kanilang aaralan dahil dahil sa layo nito sa siyudad. Matapos itong sabihin sa akin ang oras nang simula nang klase pati na ang ibang bagay na dapat kong malaman, umuwi na ako upang makapag pahinga, alam kong magiging mahirap ang bagong mundo na papasukin ko pero masaya ako, dahil nagagawa ko ang mga bagay na gusto ko nang walang mata na nakabantay sa akin. Nang makauwi ako sa aking bagong tirahan, nanibago ako dahil ito ang unang pagkakataon na maninirahan ako mag isa, hindi naman na ako nahirapan pa dahil kompleto na nang basic na gamit ang buong bahay katulad nang lutuan, gamit sa kusina, couch , mesa kama, cabinet, kurtina, aircon,electric fan pati na rin tv at ref.Laking pasalamat ko dahil pati gamit ay binenta na rin sa akin ng dating may ari ng bahay na ito, lumabas muna ako nang bahay at nagtungo sa maliit sa sari-sari store sa kalapit na bahay , hindi naman iyon kalayuan dahil tanaw iyon mula sa ikalawang palapag ng aking bahay. Bumili ako instant noodles dahil iyon lamang ang pagkaing kilala ko, sa linggo na lamang ako mag grocery dahil mayroon na akong trabaho kinabukasan. Nang matapos akong kumain nang instant noodles, naligo muna ako bago nag bihis pantulog , ramdam ko ang pagod ngayong nakahiga na ako, sa tanang buhay ko ngayon pa lamang ako susubok mag trabaho kaya sana kayanin nang katawan ko. Hindi kona namalayan, nakatulog na pala ako sa pag iisip. Kinabukasan, maaga akong nagising, hindi problema sa akin ang pag gising nang maaga dahil sanay akong gumising ng maaga para mag gym,naligo na lamang ako at sa cafeteria na na ako kakain ng almusal dahil wala pang laman ang aking ref, nang matapos ako sa pag aayos , tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin, fitted maong pants at white long sleeve blouse naman ang top na naka semi tack in , white rubber shoes aman ang pinaris ko rito, nang kontento na ako sa aking suot, kinuha ko naman ang aking helmet at susi at umalis ng bahay . saktong 7:00 naman nang makarating ako sa gate ng school, ipinarada ko ang motor ko sa gilid nang gate , pinagtitinginan ako nang mga estudyante marahil hindi nila ako kilala. Dumiretso na ako sa faculty room at naabutan ka roon ang teacher na humila sa akin kahapon, nagka usap na rin kami kahapon bago ako umalis kayat nakahingi na sya nang paumanhin sa pagkakamaling nagawa. Good morning maam, ang aga naman po, 8:00 pa naman po ang first subject mo maam, Nakangiti nitong turan. Inagahan ko po talaga para makapag ready pa ako sa unang araw ko rito. ,Magalang ko namang sagot rito. Ganun po ba, kong may tanong o kailangan ka maam sabihan mo lang po ako. , Sagot pa nito. Ilang saglit lang nag datingan na in ang iba pang guro,may kabuohang 12 teachers ang meron ang school na ito, kaunti yon kumpara sa dami nang estudyanteng nag aaral dito. Nang mapansin ako ng ibang guro'y isa-isa naman silang bumati sa akin, nabanggit na raw sakanila ng head ang bagong guro sa kanilang school kayat hindi na sila nagulat. Nang sumapit ang 8:00 nang umaga, sinamahan ako nang principal upang ipakilala sa mga magiging students ko.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook