CHAPTER 17

1690 Words

DOBLE ang kabang nararamdaman ni Bianca ngayon kaysa noong unang pagkakataon na nagtungo siya sa law firm ni Ferdinand Salvador at sinadyang palabasin sa lahat ng makakakita sa kanya kung sino siya sa buhay ng matandang abogado. Walang humarang na security sa kanya. Ibig sabihin, hindi siya pina-ban ng kanyang ama. Subalit may pakiramdam siya na hindi iyon dahil sa kanyang pagbabanta. Masyadong tuso si Ferdinand para basta matakot sa kanya. Pero bakit wala pang ginagawang hakbang ang ama laban sa kanya? Oo nga at isang araw pa lamang ang lumipas mula noong huli siyang magtungo roon subalit hindi ba dapat ay may ginawa na ito laban sa kanya? Maliban na lang kung hindi siya natigatig sa palabas mo, Bianca. Baka sa tingin niya, you’re not even worth his time. May naramdamang pait si Bianca

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD