NAPABUNTONG hininga si Charlene habang nakatingin kay Art na nakapuwesto na naman sa garden at nakatunghay sa magandang view ng Tagaytay na tanaw mula roon. Nakatayo siya sa nakabukas na French doors. Sa loob ng limang araw mula nang dumating sila sa resthouse ay mula umaga hanggang hapon na halos nasa hardin lamang ang binata. Madalas malayo ang tingin at parang malalim ang iniisip. Sa tuwing sumasagi sa isip niya na baka si Mylene ang inaalala ni Art ay parang may kumukurot sa puso niya. At katulad sa nakaraang dalawang taon – mas lalo na nang dumating si Mylene sa buhay nito – ay pilit pinalis ni Charlene ang kirot na iyon. I’m not expecting anything. Alam ko sa simula pa lang na hindi niya masusuklian ang nararamdaman ko para sa kaniya. At least, iyon ang paulit-ulit niyang sinasab